4. Sa isang pagtatanghal, walang kuwento
ang maisasadula kung wala ang iskrip.
Matatawag lamang na dula ang isang katha kung
itoy itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang
ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng
mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip
ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal
ng isang tagpo at maging ng buong dula.
5. Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay
ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng
dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang
dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.
Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor,
ang mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin
ang diyalogo ng mga tauhan.
6. Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor.
Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang
dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa
pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa
loob ng isang dula.
7. Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng
pagpapakahulugan ng direktor kung anong
magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng
tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap
at ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang
diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda ang isang
dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng
direktor sa ganitong larangan.
8. Paraan ng Pagsusulat
Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na Sa
Pagsulat, nagsisimula siya sa ideya. Mula sa
ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip
at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan
ng mahiwagang kapangyarihan imahinasyon,
ang samut saring impresyon, gunita, larawan,
damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso,
kung saan-saan siya nakararating.
9. Narito ang mga paraan o teknik kung
paano makasusulat ng iskrip:
1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng
kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tonot himig na
hangad ipahiwatig sa katha.
2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang
masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa
diyalogo.
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o
paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento.
Ito ang mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat
mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito
pumapasok ang estilo.
10. 5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang
pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula,
sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan
ang makatotohanan at epektibong banghay (plot),
karakter (character) , tagpuan (location) , paningin
(point of view) , at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa
pagsulat ng iskrip nalrarapat na lakipan ito ng
angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda
ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.