1. Ilista ang mga katangian ng isang produkto o gamit na gustong-
gusto mo. Ano –ano ang katangian nito na naging dahilan kaya mo binili
o nais bilhin ? Punan ang talaan sa ibaba.
Produkto o gamit na gustong- gusto
ko:_____________________________________________________
Mga Katangian Ng Bagay Na Paborito Ko O Bagay Na Nais Kong Bilhin
1.
2.
3.
4.
5.
2. Pumili ng isang kagamitan sa bahay o paaralan.
Ilarawan ang bagay na ito gamit ang teknikal o
pormal na wika.
Halimbawa:
Headphones- Bahaging pisikal o
aksesorya ng kompyuter na ginagamit upang
making ng musika at video sa mga website sa
internet. Ginagamit din ito kasama ng camera
ng kompyuter upang makipag-chat o video call.
At iba pa
3. Mga mungkahing bagay na ilalarawan:
Cellphone o gadget Oven toaster
Mouse ng kompyuter Abrelata
Gunting Bag
Kwaderno At iba pa
6. DESKRIPSYON NG RODUKTO
Isang maikling sulatin na ginagawa
para sa pagbebenta ng mga produkto
para sa isang negosyo.
Kinakailangan ang paglalarawan sa
produkto upang maging kaakit-akit at
maibenta ito sa mga target na awdiyens
o mamimili.
7. Kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto
1. Upang mabigyang impormasyon ang
mamimili tungkol sa mga:
a. Benepisyo
b. Katangian
c. Gamit
d. Estilo
e. Presyo
8. 2. Mahalaga rin ang deskripsyon
ng produkto upang maipakita sa
mamimili na ang produkto ay
akma sa kanilang mga
pangangailangan.
9. 3. Mahalaga sa larangan ng
kalakalan o negosyo dahil sa
napakalas ang kompetensiya
ng iba’t ibang kompanya
10. Hindi lamang boutique o mga pisikal
na estruktura ng mga tindahan ang
gumagawa ng mga deskripsyon ng
produkto na dati inilalagay sa mga
magazin. Laganap na rin ang mga online
store na totoong may mas mahigpit na
kompetensiyon dahil sa malawak ang
maaring marating ng produkto at mas
maraming potensiyal na kliyente.
11. Karaniwan ang deskripsyon ng
produkto ay isang maikling
talata lamang.
Maaring gumamit ng bulleted
lists sa pagsulat ng deskripsyon
sa produkto lalo na kung sa
online stores
25. Kung kayo ay
magnenegosyo at gagawa
ng produkto, ano-ano ang
mga dapat nyong isaalang-
alang sa inyong gagawing
produkto?
26. Panoorin ang videong ito
at isulat sa hawak ninyong
mga papel ang makikitang
magandang katangian ng
produkto kaya dapat itong
tangkilikin.
28. Activity
• Sa isang long coupon bond, lumikha ng isang
poster ng isang patalastas para sa isang
produktong batay sa iyong interes o hilig.
• Maaring tunay o piksiyunal ang produkto.Iguhit
ito at maging kaakit-akit sa paningin ng inyong
mamimili.
• Sumulat ng maikling deskripsiyon bilang
pangganyak o pang-engganyo sa mga posibleng
mamimili ng iyong produkto.
29. Takdang Aralin
Bumuo ng isang pangkat na may 5
miyembro at lumikha ng maikling video ng
isang patalastas para sa produktong nais
itanghal at ibenta. Tiyaking makikita sa
video ang deskripsiyong teksto na kaugnay
ng produkto. Gawing malikhain at angkop
sa uri ng produkto ang estilo ng
presentasyon.
30. Rubrik ng Gawain
Pamantayan Puntos Iskor
1. Malinaw, mahusay, angkop at kaakit-akit ang
deskripsyon
10
2. Malikhain at makulay ang video 10
3. Mahusay ang paggamit ng wika 10
4. Nakawiwili ang presentasyon 10
5. Malinis ang pagkakagawa 10
Kabuuan 50