1. San Juan National High School
San Juan, Kalayaan, Laguna
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III
(Kasaysayan ng Daigdig)
Inihanda ni:
Mirabeth J. Encarnacion
(Gurong Nagsasanay)
Sinuri ni:
Gng. Michelle M. Hombrebueno
(Gurong Tagapagsanay)
2. Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III
(Kasaysayan ng Daigdig)
Pebrero 3, 2015
I. Layunin
Matapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag kung ano ang Rebolusyong Industriyal;
2. Natutukoy ang mga Imbensiyong teknolohikal, komunikasyon at
transportasyon sa panahon ng rebolusyong industriyal;
3. Napahahalagahan ang mga imbensiyong ito at;
4. Nakabubuo ng mga larawan ng sinauna at makabagong panahon.
II. Nilalaman
A. Paksa: Rebolusyong Industriyal
B. Konsepto:
Pag-usbong ng rebolusyong industriyal sa Great Britain
Mga salik sa pag-unlad ng rebolusyong industriyal (Mga Imbesiyon)
Epekto ng rebolusyong industriyal
C. Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon ni Grace Estela Mateo, Ph. D. et. al., Pahina 276-283
D. Kagamitan:
Laptop
Projector
Cartolina
Pentel pen
Illustration board
Mga larawan
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tatawag ang guro ng mag-
aaral upang pangunahan ang
panalangin.
2. Pagbati
-Magandang Umaga.
-Bago kayo umupo tignan
muna ang ilalim ng inyong mga
upuan at pulutin ang mga
nakikitang kalat.
-Maaari ng magsiupo ang lahat.
(Sabay sabay na tatayo ang mga
mag-aaral para sa panalangin)
-Magandang Umaga din po
Binibining Encarnacion.
(Uupo na ang mga mag-aaral)
3. 3. Pagtatala ng liban
-Monitor ng klase, sino ang
liban sa araw na ito?
-Ikinagagalak kong marinig na
walang liban sa klase. Lahat
kayo ay matutunghayan ang
ating bagong paksang aralin
sa araw na ito.
4. Balitaan
-Sino ang nanood ng balita
kagabi o nagbasa ng dyaryo
kaninang umaga?
Magpapakita ang guro ng isang
balita tungkol sa makabagong
imbensiyon na naimbento ng
Pilipino. Tatawag ang guro ng
dalawang mag-aaral upang
hingiin ang kanilang reaksyon
hinggil sa balita
5. Balik-aral
-Bago tayo dumako sa ating
pormal na aralin, tayo muna
ngayon ay mag balik aral.
-Mayroon akong hinandang
mga salita dito kung saan
masusukat ang inyong mga
nalaman sa ating aralin
kahapon.
-Handa na ba ang lahat?
Sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salita
tatawag ang guro ng tatlong
mag-aaral para bigyan ito ng
kahulugan.
-Unang salita, Sugar Act.
-Batay sa pinagaralan kahapon
ano ang sugar act?
Tatawag ang guro ng isang
mag-aaral upang sabihin ang
kahulugan nito.
-Tama!
(tatayo ang Monitor)
-Ikinalulugod ko pong sabihin na
wala pong liban ngayong araw.
(tataas ang mga kamay)
(Magbibigay ang dalawang mag-
aaral ng reaksyon batay sa balita
na ipinakita ng guro.)
-Opo Maam
(tataas ang kamay)
-Ito po ang ipinapatupad bilang
buwis sa pag-angkat ng asukal.
4. -Ikalawang salita, Thomas
Paine sino si Thomas Paine?
-Magaling!
-Ikatlong salita, Patriotismo. Ano
naman ang kahulugan nito?
-Tumpak!
-Mahusay, ikinatutuwa kong
lubos ninyong naintindihan ang aralin
natin kahapon.
6. Pagganyak (Buuin Mo Ako!)
Ang guro ay maghahanda
ng dalawang puzzle, ito ay ang ginupit
na mga larawan ng sinauna at
makabagong panahon. Tatawag ang guro
ng apat na piling mag-aaral upang sila
ang bubuo ng puzzle, dalawang mag-
aaral bawat puzzle. Unang makabuo sila
ang panalo.
Sa puntong ito tatawag ang
guro ng mga mag-aaral upang kilalanin
naman kung ano ang nasa larawan sa
nabuong puzzle.
-Sa unang puzzle, ano ang
nabuong mga larawan?
-Tama ka dyan.
-Ano namang larawan ang nabuo
sa ikalawang puzzle?
-Si Paine po ay isang radikal na
English na dumayo sa America at
nakisimpatya sa mga kolonista.
-Ito po ay pagmamahal sa bayan
at kagandahang magsakripisyo
para rito.
(tatayo ang apat na piling mag-
aaral upang buuin ang mga
larawan, dalawang mag-aaral
bawat puzzle.)
-Mga larawan po ng sinaunang
panahon.
5. -Mahusay!
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti (Photo- Suri)
a. Sa pamamagitan ng mga
nabuong larawan kung saan
pinapakita ang pagkakaiba ng
makaluma at modernong
panahon. Tatanungin ng guro
ang mga mag-aaral kung ano
ang ipinahihiwatig nito.
-Batay sa mga larawan na
inyong nabuo ano kaya ang
pagkakaiba ng mga ito?
-Tama, ano pa?
-Mahusay, tama ang iyong
naobserbahan.
b. Pagkatapos suriin ng mga
mag-aaral ang mga larawan
tutukuyin naman nila kung ano
ang aralin sa araw na ito.
-May inihanda akong mga
salita nais kong tukuyin ninyo
ang paksang aralin natin
ngayon na may kaugnayan sa
nasa larawan.
-Larawan ng makabagong
panahon at pag-usbong ng mga
makinarya.
-Ang unang mga larawan po ay
nagpapakita ng makalumang
panahon samantalang ang
pangalawang mga larawan
naman po ay nagpapakita
ng modernong panahon.
-Ang naobserbahan ko po sa
larawan yung una ay mano-mano
lang dahil wala pang kagamitan
na makakapagpabilis sa mga
gawain samantalang yung
pangalawa naman ay may mga
makabago ng imbensiyon na
natuklasan na nakapagpapabilis
sa gawain ng tao.
6. Rebolusyong Siyentipiko
Rebolusyong
Pampulitika at
Panlipunan
Rebolusyong Industriyal
-Tama, ang aralin natin sa araw
na ito ay ang Rebolusyong
Industriyal.
c. Bubuuin ng mga mag-aaral ang
pinaghiwahiwalay na salita
upang matukoy ang kahulugan
ng Rebolusyong Industriyal.
Tatawag ang guro ng dalawang
mag-aaral upang buuin ang
pangungusap.
-Tignan natin ang galing ninyo
sa pagbuo ng pangugusap.
Unang Pangungusap
ng makinarya
sa makabagong agham
ang trabahong pangkamay
ay napalitan
na natuklasan
Panahon na
-Mahusay, tama ang
pagkakabuo ng pangugusap.
Pangalawang Pangungusap
1760
sa Great britain
noong
Nagsimula ito
(tataas ang kamay)
-Maam, Rebolusyong Industriyal
po.
(tataas ang kamay)
-Ang Rebolusyong Industriyal ay
Panahon na ang trabahong
pangkamay ay napalitan ng
makinarya na natuklasan sa
makabagong agham.
-Nagsimula ito sa Great Britain
noong 1760.
7. -Magaling!
2. Pagtatalakay sa Aralin
a. Hahatiin ang klase sa apat na
grupo.
b. Bibigyan ng guro ang bawat
pangkat ng teksto na kanilang
babasahin.
c. Sa loob ng pitong minuto
kinakailangang maibigay ng bawat
grupo ang hinihinging
impormasyon.
d. Iuulat ng bawat grupo ang
hinihinging impormasyon sa
pamamagitan ng sumusunod na
tanong:
Mga tanong para sa Una
hanggang ikatlong pangkat:
1.) Ano ang imbensiyon?
2.) Sino ang nakaimbento?
3.) Kailan ito naimbento?
4.) Kahalagahan ng imbensiyon?
Tanong para sa Ikaapat na
Pangkat:
Ano ang naging epekto ng
Rebolusyong Industriyal?
Unang Pangkat
-Imbensiyong Teknolohikal
1.) Ano ang imbensiyon?
2.) Sino ang nakaimbento?
3.) Kailan ito Naimbento?
4.) Kahalagahan ng Imbensiyon?
Ikalawang Pangkat
-Imbensiyon sa Komunikasyon
1.) Ano ang imbensiyon?
2.) Sino ang nakaimbento?
3.) Kailan ito Naimbento?
4.) Kahalagahan ng Imbensiyon?
1.) Power Loom
2.) Edmund Cartwright
3.) 1783
4.) Nagpabilis sa pagtaas ng
produksyon. Isang makina
na mapapabilis at
mapapaganda ang paraan
ng paglalala.
1.) Telepono
2.) Alexander Graham Bell
3.) 1876
4.) Ang telepono ay isang
aparatong
pantelekomunikasyon na
nagtatawid, hatid o tulay at
tumatanggap ng tunog o
8. Ikatlong Pangkat
-Imbensiyon sa Transportasyon
1.) Ano ang imbensiyon?
2.) Sino ang nakaimbento?
3.) Kailan ito Naimbento?
4.) Kahalagahan ng Imbensiyon?
Ikaapat na Pangkat
-Epekto ng rebolusyong industriyal
Ano ang naging epekto ng
Rebolusyong Industriyal?
C. Pagsusuri (I-Facebook Mo!)
Batay sa pangkatang gawain
inaasahan ang bawat grupo
namakapagbibigay ng;
Unang Pangkat
@komento sa Impormasyon
____________________________
@Komento sa pag-uulat
ingay (na kadalasan ay
boses at pananalita) galing
sa dalawang magkalayong
lugar o pinagmulan.
Karamihan sa mga
teleponong ito ay
napapatakbo gamit ang
mga elektronikong
senyales.
1.) Steam-powered locomotive
2.) Richard Trevithick
3.) 1804
4.) Na nagbigay-daan sa
pagbubukas ng mga riles.
Nagbago ang pamumuhay
ng mga mamamayan.
Lumaki at bumilis ang
paglaki ng populasyon ng
Europe.
Nagsimula ang
pagsasamantala sa mga
manggagawa na
karamihan ay mga
kabataan at kababaihan.
Mula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog ng
araw, nagtatrabaho sila sa
mga pabrika sa mas
mababang kita.
Lumaki ang agwat ng
mayaman at mahirap.
#Bravo!
#Wow!Nakakabilib,I-bilib!
9. ____________________________
____________________________
@Emoticons (Pakiramdam sa
impormasyon at pag-uulat)
Ikalawang Pangkat
@Komento sa Impormasyon
____________________________
@Komento sa Pag-uulat
____________________________
@Emoticons (Pakiramdam sa
impormasyon at pag-uulat)
Ikatlong Pangkat
@komento sa Impormasyon
_____________________________
@Komento sa Pag-uulat
____________________________
@Emoticons (Pakiramdam sa
impormasyon at pag-uulat)
Ikaapat na Pangkat
@komento sa Impormasyon
____________________________
@Komento sa Pag-uulat
_____________________________
@Emoticons (Pakiramdam sa
impormasyon at pag-uulat)
D. Paglalagom
Tatawag ang guro ng mga mag-
aaral upang bigyang kasagutan
ang mga katanungan na:
#FeelingHappy
#Anggaling,damikongnatutunan.
#Anghusaynaman
#FeelingNeutral
#Butinalangnaimbentoangibat
ibangtransportasyon.Anglakinggin
hawasamgatao.
#Ikawnathebest ka!
#FeelingHappy
#Angdamidinpalangdimagandang
naidulotangrebolusyongindustriyal
#EdiWow!
#FeelingSad
10. -Ang rebolusyong industriyal ay
-Mahusay at kompleto pa ang
iyong sagot.
-Nakilala Sina
-Magaling!
E. Paglalapat (Anong Ganap?)
(Noon at Ngayon)
Noon Ngayon
Type Writer
Telepono
Steam Engine
Train
Sa pamamagitan ng mga salita na
nasa unang kolum. Tatawag ang
guro ng tatlong mag-aaral upang
isulat sa pangalawang kolum ang
katumbas na imbensiyon nito sa
kasalukuyan at tatanungin ang
kahalagahan ng mga imbensiyon
na ito sa kasalukuyang panahon.
-Ano ang Kahalagahan ng mga
imbensiyong nakatala sa kolum sa
kasalukuyan?
-Tama ka dyan, dahil sa
imbensiyon na iyan mabilis at
maunlad ang komunikasyon.
-Tumpak! Ang Imbensiyon na iyan
ay nakapagpapabilis ng
pagkakaroon natin ng
-Ang Rebolusyong Industriyal ay
Panahon na ang trabahong
pangkamay ay napalitan ng
makinarya na natuklasan sa
makabagong agham.
-Nakilala sina Edmund Cartwright
sa power loom, Alexander
Graham Bell sa telepono, Richard
Trevithick sa steam-powered
locomotive.
Noon Ngayon
Computer
Cellphone
Electric train
-Ang Computer ay nakakatulong
sa mabilis na komunikasyon at
nakakatulong din sa mabilis na
pag-aaral ng mga estudyante.
-Ang Cellphone ay napakahalaga
sapagkat sa pamamagitan ng
mga imbensiyon na ito mabilis
ang komunikasyon
natin sa ating mga mahal sa
buhay kahit nasa malayong lugar
pa sila.
11. komunikasyon sa ating mga
kamag-anak na nasa malayong
lugar.
-Magaling!
-Malaki talaga ang naitulong ng
mga imbensiyon upang mapagaan
at mapabilis ang pang araw-araw
na gawain.
-Ngayon ay titingnan ko kung
talagang naunawaan ninyo ang
ating aralin. Kumaha ng ikapat na
bahagi ng papel at sagutin ang
mga katanungan.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa malinis na
papel ang wastong sagot na
tinutukoy sa bawat bilang.
1. Panahon na ang trabahong
pangkamay ay napalitan ng
makinarya na natuklasan sa
makabagong agham.
2. Isang makina na pinatakbo
ng enerhiya mula sa steam
o singaw upang gumawa ng
mga trabahong mekanikal.
3. Nagpabilis ng Pagtaas ng
produksyon.
4. Nagbigay daan sa
pagbubukas ng mga riles.
5. Magbigay ng isang epekto
ng rebolusyong industriyal
V. Takdang aralin
Gumawa ng isang collage na
maglalaman ng mga
kasalukuyang imbensiyon ng
mga siyentipikong Pilipino.
Lagyan ng paglalarawan ang
bawat Imbensiyon.
https://teknolohistangpinoy.wordpress.co
m/2008/03/18/b-mga-pilipinong-imbentor-
at-kanilang-imbensyon/
-Sa pamamagitan ng
transportasyon na ito mabilis
tayong makakarating sa ating
pupuntahan sa maikling minuto
lamang.
-Rebolusyong Industriyal
-Steam Engine
-Power Loom
-Steam-Powered Locomotive
-Lumaki ang agwat ng mayaman
at mahirap.