1. Pagpapahalaga
Detalyadong aralin sa Hekasi III
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang……
A. Makailala ng iba’t-ibang anyong tubig.
B. Magpakita ng pagpahalaga sa mga anyung-tubig sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iwas
sa pagtapon ng basura ditto.
C. Makabuo ng tulo tungkol sa mga anyong tubig.
II. Paksang Aralin
Paksa : Mga anyong tubig
Sanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 75-85
Kagamitan: plaskard, mga larawan, at activity kards
Balyu:
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
(Jinelle Sorongon)
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
Magandang umaga grade 3!
2.Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating
panalangin.
Salamat! Maupo ang lahat.
May liban basa klase?
3.Pagsasanay
Ngayon mga bata meron akong mga ibat-
ibang salita na ipapakita ko at basahin ito
ng sabay sabay.
Maliwanag ba?
KARAGATAN
DAGAT
TALON
ILOG
SAPA
BUKAL
GOLPO
LOOK
LAWA
KIPOT
Salamat! Mahusay!
Magandang umaga ma’am Jinelle!
Wala po!
Opo!
Karagatan
Dagat
Talon
Ilog
Sapa
Bukal
Golpo
Look
Lawa
Kipot
2. B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Mga bata may hinanda akong video sa inyo.
Ibigay ang inyong atensyon.
Maliwanag ba mga bata?
Batay sa inyong napanood anu yung nakita nyo?
Tama! Anu pa?
Tama! Salamat sa sagot nyo!
Anu-ano yong inyong napuntahan?
Anu yong ginawa mo?
Salamat! Alam nio ba kung anu ang tawag sa
kanila?
_______ anu ang tawag sa kanila?
Tama! Magaling!
2. Paglalahad
Ok mga bata, ngayong umaga ang ating
paksang aralin ay tungkol sa anyong-tubig.
(Katherine Cario)
3. Pangkatang Gawain
Bago tayo magsimula sa ating talakayan meron
muna tayong pangkatang gawain.Papangkatin
ko kayo sa dalawa yung sa kanan ang unang
pangkat at sa kaliwa naman ang pangalawang
pangkat.
Bawat pangkat ay pumili ng isang pangulo, isang
taga-sulat at isang taga-ulat.Bibigyan ko kayo
nang anim na minuto upang inyong trabahuhin.
At pagtapos na kayo, idikit nyo ito sa pisara.
Maliwanag ba mga bata?
May mga tanong ba kayo?
Ang inyong oras ang mag uumpisa na!
Maliwanag po!
Nakita ko po yung magandang talon, malawak na
karagatan, at bukal.
Meron ding ilog, lawa, sapa, kipot,at look.
Ilog po!
Naligo po kami.
Mga anyong-tubig
Maliwanag po!
Wala po!
PANGKATANG GAWAIN:
Unang pangkat:
Panuto:
Kilalanin ang mga larawan ng
anyong tubig at I-ugnay ang
hanay A sa hanay B.
3. A B
 ito ay maliit na anyong-tubig at
kadalasang natutuyo kapag tag-init.
 Isang uri ng anyong tubig na maaring
tubig-alat o tubig-tabang na napalilibutan
ng lupa
 bahagi ito ng dagat, ang tawag sa
malalaking look.
 isang makitid na daang-tubig na nag-
uugnay sa dalawang malaking anyong
tubig tulad ng dagat o karagatan.
 anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng
mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat
nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
Pangalawang pangkat:
Panuto:
Kilalanin at tukuyin kung
anong anyong tubig
inilalarawan. Idikit ang
larawang nababagay dito.
ï‚· BUKAL
ï‚· DAGAT
ï‚· ILOG
ï‚· KARAGATAN
ï‚· TALON
4. (Helen de la cruz, Razel Mediado)
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagtatalakay
Salamat mga bata! Bago natin kilalanin ang iba’t-
ibang uri ng anyong tubig sa inyong palagay
anu ang kahulugan ng anyong-tubig?
Salamat! Magaling!
My iba’t- ibang anyong tubig sa ating mundo ang
una ay ang karagatan.
Sa inyong palagay anu ang kahulugan ng
karagatan?
Tama! Ang karagatan ay pinakamalawak na
anyong tubig. Salamat sa iyong sagot!
maalat ba ang tubig nito?
Tama!
Sa karagatan din dumadaan yong malalaking
barko, dito din tayo makakakuha ng malalaking
isda.
At ang pinakamalaking karagatan ng ating
mundo ay ang karagatang pasipiko.
Pangalawa ay ang dagat, anu ang kahulugan ng
dagat?
Tama! Ang dagat ay mas maliit kaysa karagatan,
maalat din ang tubig nito.
Pinagkukunan din ito ng yaman dagat tulad ng
mga tahong, isda.
Pumupunta ba kayo sa dagat?
Ang pangatlo ay talon, anu ang kahulugan ng
talon?
Tama! Mahusay!
ang bayan ng Binalbagan may pinagmamalaki
talon at ito yung Bambi falls? Pamilyar ba sa
inyo ang bambi falls?
Saan ito matatagpuan?
Tama! At ang tubig nito ay tabang.
Ang pang apat ay ilog!
Sino ang makapagbigay ng kahulugan ng ilog?
Tama! Ang tubig nito ay tabang pag sinabing
tabang anu ibig sabihin nito?
Ang anyong tubig ay ang ibat-ibang anyo at
hugis ng tubig.
Ang karagatan ay isang anyong tubig na
pinakamalawak at pinakamalalim na tubig.
Opo!
Ang dagat ay mas maliit kaysa karagatan.
Opo!
Ang talon ay isang anyong tubig na nagmumula
sa mataas na lugar at bumabagsak pababa.
Opo!
Sa brgy. Biao
Ang ilog ay mahabang anyong tubig na
karaniwang umaagos papunta sa dagat.
5. Tama!
At ang pinakamahabang ilog sa pilipinas ay ang
ilog Cagayan.
Pang limang anyong-tubig ay ang bukal. Pag
sinabing bukal anu ang kahulugan nito?
Tama! Salamat!
Ang bukal ay kadalasang matatagpuan natin sa
mga lugar na malapit sa bulkan. At ang tubig nito
ay nagpapagaling ng ibat-ibang sakit.
Tingnan natin kung tama ang sagot ng unang
pangkat.
Tama ba?
Bigyan natin ng limang bagsak ang unang
pangkat.
Pang anim ay ang sapa. Anu ang kahulugan ng
sapa?
Tama! Tabang din ang tubig nito. Dito din tayo
makakita ng talangka sa mga ilalim ng bato.
Sino sa inyo nakakilala ng talngka?
Magaling!
Pang pitong anyong tubig ay ang golpo.
Anu ang kahulugan ng golpo?
Tama! Mahusay! Ang golpo din ay malapit sa
kalupaan kaya hindi gaanong malalim. Maalat
din ang tubig nito.
Naiintindihan ba?
Pang walo ay ang look. Ito yung anyong tubig na
karugtong ng dagat na malapit sa kalupaan at
nagsisilbi itong daungan ng mga barko at
sakayang dagat. Maalat din ang tubig nito.
Ang isang magandang halimbawa nito ay ang
look ng laguna dahil ito ay dinadayo ng mga
foreigner.
At ang pang syam na anyong tubig ay ang lawa
Anu ang kahulugan ng lawa?
Tama! Salamat!
Ang isang magandang halimbawa nito ay lawa
ng Taal.
Maalat din ang tubig nito.
Hindi maalat!
Ang Bukal ay isang anyong tubig na karaniwang
nagmumula sa ilalim ng lupa at bumubulwak
paitaas.
Opo!
Ang sapa ay isang maliit na anyong tubig at
kadalasang natutuyo kapag tag init..
Ako po!
Ang golpo ay ang anyong tubig na mas malaki
kaysa look.
Opo!
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinalilibutan
ng lupa.
6. Ang panghuling anyong tubig ay ang kipot.
Anu ang kahulugan ng kipot?
Tama! Magaling!
Tama ba ang sagot ng pangalawang pangkat?
May mga katanungan sa atin aralin?
Bigay natin ng limang bagsak.
2. Paglalahat
Matapos natin talakayin ang ating aralin anu
yong natutunan ninyo?
Anu nga ang kahulugan ng anyong tubig?
Tama! Mahusay!
Anu-ano naman ang ibat- ibang anyong tubig?
Magaling! Bigyan ng limang bagsak.
Anu ang dalawang klasipikasyon ng tubig?
Salamat! Mahusay mga bata.
(Wency Mae Guilaran)
3. Pagpapahalaga
Ngayon nakilalal na natin ang ibat-ibang anyong
tubig . ano kaya ang mangyayari sa mga tao,
hayop at halaman at kapaligiran kung wala itong
mga anyong tubig?
Tama! Tayo ay mamatay pati na rin ang mga
hayop at mga halaman sa ating kapaligiran.
Nagtitipid ba kayo ng tubig sa inyo
Paano?
Tama! Anu pa?
Tama! Mahusay ang iyong ginagawa ipagpatuloy
lang yan.
Bilang mag-aaral anu-ano ang mga hakbang na
inyong gagawin upang ito ay
mapangangalagaan?
Ang kipot ay isang makitid na lagusan ng tubig
sa pagitan ng dalawang mga pulo.
Opo!
Wala po!
Natutunan kop o ang tungkol sa anyong tubig.
Ang anyong tubig ay ang ibat-ibang anyo at
hugis ng tubig.
Ang ibat ibang anyong tubig ay karagatan, dagat,
talon, ilog, bukal, sapa, golpo, look, lawa, at
kipot.
Tubig tabang at maalat.
Ang mangyayari sa ating mga tao pati na rin sa
mga halaman at hayop kung sila ay masisira ay
wala na tayong mapagkukunan ng mga yaman
tubig dahil sila ri ay mamamatay.
Opo!
Sa pamamagitan ng paggamit ng baso habang
nagtotoothbrush.
isara mabuti ang gripo para hindi masayang yung
tubig.
Ang tubig na panghuling banlaw iniipon naming
para e pang flash sa banyo.
Bilang mag-aaral ang hakbang na aming
gagawin para mapangangalagaan ang mga
anyong tubig ay huwag silang tapunan ng
basura, gagamitin sila sa wastong paraan at
huwag silang aksayahin.
7. Tama! Kaya mga bata, dapat nating silang
pangangalagaan at pahalalagahan dahil sila ay
biyaya ng maykapal at sila ay pinagkukunan
natin ng ating pagkain araw-araw tulad n gating
mga yamang tubig na isda, kabibe, perlas, at
marami pang iba. Gamitin natin sila sa wasto
paraan upang mapakinabangan rin ito ng mga
susunod na mga henerasyon.
Ang tubig rin ang syang nagbibigay buhay sa
lahat ng mga nilikha ng panginoon.
Maliwanag ba mga bata?
Salamat!
(Amielyn Baylon)
IV. Paglalapat
Kumuha kayo ng kalahating papel at bibigyan ko
kayo ng pagsusulit.
Makinig ng mabuti sa mga tanong at ito ay
uulitin ko ng isang beses. Tingnan lamang ang
inyong papel at kung sino ang mahuli kung
tumitingin sa papel ng kanyang katabi ay
mamarkahan kong zero.
Maliwanag ba mga bata?
Magaling!
Tapos na? magpalit nang papel sa katabi.
Ayosin ang pagkokorek maliwanag?
V. Tandang Aralin
Gumawa ng tula tungkol sa pangangalaga
sa mga anyong-tubig.
Opo! Maliwanag po!
Maliwanag po!
Test 1.
Panuto: ibigay ang tamang sagot.
1. isang anyong tubig na pinakamalawak at
pinakamalalim na tubig
2. isang makitid na lagusan ng tubig sa
pagitan ng dalawang mga pulo.
3. mahabang anyong tubig na karaniwang
umaagos papunta sa dagat.
4. isang anyong tubig na pinalilibutan ng
lupa.
5. mas maliit kaysa karagatan.
6. isang anyong tubig na nagmumula sa
mataas na lugar at bumabagsak pababa.
7. Ito ay ang pinakamahabang ilog sa
pilipinas.
8. Ito ay ang ibat-ibang anyo at hugis ng
tubig.
9. Ito ay ang anyong tubig na mas malaki
kaysa look.
10. isang maliit na anyong tubig at
kadalasang natutuyo kapag tag init..
Test 2.
1-5 mag bigay ng limang anyong tubig.
Maliwanag po!