ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
DRIUKSOS
• Around 11:00PM, while we were getting ready for
bed, we heard shouts from somewhere near. May
nag-aaway. Babae at lalaki. Baka kako mag-
asawa. Domestic altercation. I looked out the
window and saw that onlookers were gathering
looking up a building. Inisip ko, ah baka sa
kabilang building. Nakatingala sila. So upper floor.
Maya-maya pa, sumisigaw na ang mga tao.
Tinawag ko si Ryan. 'Papa, may magsusuicide
yata. Baka bumabaybay sa roofdeck.'
• Maya-maya pa, nasa tapat na sila ng
building namin. Sumisigaw. Sunog! Umakto
na si Ryan. 'Magready ka, Ma. Sa taas
daw.' Nagbihis ako. Grounding. Presence.
Alin ang bibitbitin. Asan ang sunog.
• 'Ma! Sa katabi nating unit!' Kinuha ko si
Lakai. Nag-mask. Lumabas. Nagmasid.
• 'Si R, Ma!'
• Ambilis ng pangyayari. Bumaba si Kuya, nagtulong
sila ni Ryan. Binuhat ang drum para ipambuhos
habang ginigiba ng ibang tenant ang pinto ng unit.
Gasulito. May mga gamit na nakapatong, sinusunog.
Ang salarin, nakatago sa banyo. Naapula ang apoy.
• Bumaba si Sis. Inalalayan si Lakai. Nakasuporta ako
sa pares ko. Dumating ang Barangay. Dumating ang
Pulis. Sumisigaw ang mga tao. Galit ang
taumbayan. Tangina kung lumaki ang sunog patay
tayong lahat! May mga bata rito!
• Kinakalma ko ang sarii ko. Sa gabing ito, tatlo
lang kami ni Ryan sa bahay. Ako, siya, at si
Lakai. Katabi ng kwarto namin ang sunog. May
mga nag-evacuate na. Hindi ako umaalis.
Mabait silang kapit-bahay. Magagalang.
Matulungin. Naawa ako. Sa pandemyang ito,
awa ang nadama ko. Wala pa yatang trenta
años si R. Bago lang sila rito. Wala pang
tatlong buwan. Laging nagyayaya sa amin na
mangapitbahay. Dahil sa pandemya, hindi
namin napagbibigyan.
• Sinabihan ko ang admin na patayin muna
ang breaker ng unit. Baka magka-spark dahil
sa tubig na ibinuhos. Baka mag-short circuit
maging electrical fire. Nakinig naman sila.
• Hindi siya lumalabas ng banyo. Mataas ang
boses ng mga otoridad. Pumasok si Ryan.
'Ser, kapitbahay po kami, baka pwede kong
makausap.'
• Kinausap siya ni Ryan na parang kapatid.
Kaibigan. Inabutan ng damit. Inabutan ng
inumin habang nakakulong sa banyo si R.
• Habang galit ang nararamdaman ng mga
takot na tenant, awa ang nadama ko. Away
mag-jowa. Sinaltik si R. Pinagtangkaang
saktan si GF. Umalis ang babae. Sinunog
ang gamit ni GF. Nagkulong sa banyo.
Handang mamatay.
• 'Kuya', sabi niya kay Ryan, 'okay lang
sakin mamatay. Kahit barilin n’yo ko.'
• Wala na siya sa katinuan. Kay Ryan
lang siya nagtiwala makipag-usap.
inabutan ni Ryan ng posas.
Pinosasan niya sarili niya. Nadala na
siya sa pulis.
• Kami ang nag-sweep ng unit. Kami
ang nag-secure. Nag-disinfect ako ng
bahay ko pagtapos. Umiyak ako nung
makakalma na. Dahil naisip ko, sa
isang pagkakamali, maaari siyang
makasuhan ng frustrated murder,
arson, alarm and scandal. Pero ang
gusto niyang gawin -- suicide.
• Awang awa ako kasi gaano karami sa atin ang
nawawala sa katinuan dahil lang wala na tayong
makausap na kapatid, kaibigan, kapitbahay?
Dahil lang hindi na tayo makapag-isip.
• Awang awa ako kasi naapula ang apoy pero
sinunog niya na ang buhay niya. Ang
kinabukasan niya. Dahil sa isang saglit, inisip
niyang mag-isa siya. At gusto niya na lang
mamatay.
• Umiiyak pa rin ako. Paulit-ulit kong
naririnig sa isip ko yung 'Kuya, kuya.'
Naramdaman ko yung lungkot.
Naramdaman ko yung kabaliwan.
Naramdaman ko yung sakit. Ramdam
ko rin ang trauma ng GF niya. Ang
bangungot. Ramdam ko ang pighati ng
magulang niya.
•Binabaliw tayo ng pandemyang
ito sa loob ng sarili nating bahay.
•Mental break muna ako bukas.
Sasabog yata ang puso ko.
Bumalik sa akin lahat ng
pakiramdam ng kawalan.
Ara Zaldivia
DRIUKSOS
"Good company and good discourse are the very sinews of virtue."
-Izaak Walton
DISKURSO
"Good company and good discourse are the very sinews of virtue."
-Izaak Walton
DISKURSO
• Magsulat o magsalita nang may katagalan o
kahabaan.
• Isang pormal na pagtalakay sa isang paksa,
pasulat man o pasalita.
• Pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o ano
mang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.
DALAWANG ANYO NG DISKURSO
• PASALITA - Karaniwang magkaharap ang
mga partisipant kung kaya't bukod sa
kahalagahan ng mga salitang sinasambit,
pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang
ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng
paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos,
kumpas ng kamay, tinig, tindig, at iba pang
salik ng pakikipagtalastasan.
DALAWANG ANYO NG DISKURSO
• PASULAT - Higit na pag-iingat ang
isinasagawa ng manunulat. Sa sandaling
ang mensaheng nakapaloob sa isang isinulat
na diskurso ay nakarating sa tagatanggap at
ito'y kanyang nabasa, hindi na maaaring
baguhin ng manunulat ang kanyang mga
nasulat.
PAGLINANG NG IDEYA
• PAKSA. Ang imbensyon ay mula sa salitang Latin na
invenire na nangangahulugang to find. Ito ay
nakatuon sa kung ano ang sasabihin. Ano ang
paksa?
–PAGPILI NG PAKSA
•Naaangkop sa sitwasyon, sa mga kasapi ng
talakayan, napapanahon at nararapat ay
interesante sa bawat kasapi. Dapat may saysay.
May sapat na kaalaman.
PAGLINANG NG IDEYA
• LAYUNIN. Sa bawat bagay na ating ginagawa, lagi itong
may kalakip na layunin.
• PAGSASAWIKA NG IDEYA. Ang ideya ay ang kaisipan ng
isang tao tungkol sa isang paksa at ito ay mananatiling
kaisipan lamang hangga't hindi ito nalalapatan ng mga
kongkretong salita na siyang magbibigay-kabuuan dito.
• TAGATANGGAP. Sa isang diskurso o anomang proseso
ng pakikipagtalastasan, laging may dalawa o higit pang
bilang ng partisipant. Tagahatid at tagatanggap.
APAT NA BATAYANG URI NG DISKURSO
• Ang pagsusuri at pag-aaral ng diskurso ay isang
larangang pinagtutuunan ng pansin ng mga dalubwika.
Sa ating pag-aaral ng masining na pagpapahayag, ating
pagtutuunan ng higit na pansin ang apat na batayang uri
ng diskurso:
–Paglalarawan/Deskriptibo
–Pagsasalaysay/Naratibo
–Paglalahad/Ekspositori
–Pangangatuwiran/Argumentatibo
PAGLALARAWAN/DESKRIPTIBO
"A good description is a magician that can turn an ear into an eye."
-Anonymous
DISKURSO-retorika-fourth year-1st semppt
1. PAGLALARAWAN/DESKRIPTIBO
• Nagpapahayag ng sapat na detalye o
katangian ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang ang isang
mambabasa o tagapakinig ay
makalikha ng isang larawang mental
kung anoman ang inilalarawan.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• WASTONG PAGPILI NG PAKSA.
–Hindi maaaring sabihin na may wasto at
maling paksa sa paglalarawan.
–Maging maingat sa pagpili ng paksang
ilalarawan.
–Piliin ang paksang mayroon kang sapat na
kaalaman.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
–Magsimula sa mga bagay na kalimitang
nakikita sa araw-araw.
–Ilarawan ang mga bagay na ang
tagapagpahayag mismo ang unang
nakamalas sa halip na ibase ang
paglalarawan sa impormasyon mula sa iba.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• PAGBUO NG ISANG PANGUNAHING LARAWAN.
–Madalas nating sinasabi na first impression last, kaya
dapat tayong bumuo ng isang malinaw at mabisang
pangunahing larawan sa isipan ng ating tagatanggap.
–Mahalagang makabuo kaagad ng isang malinaw na
kakintalan sa isipan ng ating tagapakinig o mambabasa.
–Upang mapukaw ang kanilang interes, magbigay ng
kabuuan ng inilalarawan bago ang maliliit na detalye.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• SARILING PANANAW O PERSPEKTIBO.
–Bagama't iisa ang tinitingnan natin, maaaring
iba-iba ang ating nakikita, ito ay dahil hindi pare-
pareho ang ating mga panlasa.
–Ang pagkiling ng naglalarawan ay mapapansin
sa pananaw na kanyang pinili sa paglalarawan.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
–Maaaring ang pananaw sa paglalarawan
ay ayon sa kinalalagyan ng naglalarawan,
maaaring siya ay malapit o malayo sa
inilalarawan.
–Maaari ding ang kanyang sariling palagay o
damdamin ang mangibabaw sa kanyang
paglalarawan.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• SARILING PANANAW O PERSPEKTIBO.
–Maaari ding makaapekto sa paglalarawan
ang pagkatao ng mismong naglalarawan.
–Maaaring ang inilalarawan niya ay isang
bagay o kaisipan na higit na malapit sa
kanya dahil sa sariling kadahilanan.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
–Maaari ding maging tila teknikal ang
kanyang paglalarawan kung hindi niya
lubusang pinahahalagahan ang
inilalarawan.
–Maaari ding ang kanyang pananaw ay
maapektuhan ng mga impormasyong
kanyang nakalap o narinig.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• KAISAHAN.
–Hindi dapat lilihis ang mga detalyeng
ipahahayag sa pangunahing larawang nabuo sa
simula.
–Ang mga salitang pipiliin upang maging sangkap
ng paglalarawan ay nararapat na naaayon sa
kabuuan ng inilalarawan upang matiyak ang
kaisahan ng diwa.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• PAGPILI NG MGA SANGKAP.
–Mahalaga ang mga maliliit na sangkap o
detalye dahil ito ang siyang nagiging
basehan ng tagapakinig o mambabasa
upang mapag-iba ang bagay na
inilalarawan sa iba pang bahay.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
–Sa pagpili ng sangkap o detalye, kailangang
tiyakin ng naglalarawan na magiging daan ito sa
pagkakalikha ng mental na larawan sa isipan ng
tagapakinig at mambabasa.
–Tiyaking may kaugnayan ang sangkap sa
pangunahing larawan na nabuo sa simula. Hindi
maaaring sumalungat sa pangunahing kaisipan
ang mga sangkap.
MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON
• PAGPILI NG ANGKOP NA PANANALITA.
–Salita ang sandata ng isang tagapaglarawan upang
makalikha ng imahen.
–May kasanayan sa pagpili ng mga salitang maaaring
magpagalaw ng imahinasyon ng kanyang tagatanggap.
–Epektibo ang mga salitang nakakikiliti sa isipan.
–Ang piniling salita ay angkop sa pandamang
inilalarawan.
LAYUNIN NG PAGLALARAWAN
• Ang layunin ang siyang magtutulak sa atin
upang gawin ang isang bagay at kung paano
ito gawin.
• Nagiging masigasig tayo sa ating ginagawa.
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
• KARANIWANG DESKRIPSYON. Ordinaryo o
palasak. Kung karaniwan ang isang bagay, hindi
ito nakatatawag-pansin o hindi gaanong
mahalaga.
*Ngunit sa paglalarawan, ang karaniwang
deskripsyon ay yaong ang pangunahing layunin ay
makapagpabatid o makapagbigay ng dagdag na
kaalaman.
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
- Nakatuon sa pangunahing katangian ng
inilalarawan.
- Obhetibo ang paglalarawan na ito at hindi
kakikitaan ng anomang bahid ng pagkiling
ng manunulat o tagapagsalita sa
inilalarawan.
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
• MASINING NA DESKRIPSYON. Pumipili ang
naglalarawan ng mga salitang higit na magbibigay-
buhay sa kanyang inilalarawan. Ang mga salitang
kanyang ginagamit ay yaong kikiliti sa guni-guni ng
kanyang mambabasa o tagapakinig.
- Nakapupukaw ng isipan at damdamin.
- Sa pagkakataong ito, ang kakayahang lingguwistik ng
isang tagapagpahayag ay higit na aktibo.
- Gumagamit ng mga tayutay at mga idyoma.
DISKURSO

More Related Content

DISKURSO-retorika-fourth year-1st semppt

  • 2. • Around 11:00PM, while we were getting ready for bed, we heard shouts from somewhere near. May nag-aaway. Babae at lalaki. Baka kako mag- asawa. Domestic altercation. I looked out the window and saw that onlookers were gathering looking up a building. Inisip ko, ah baka sa kabilang building. Nakatingala sila. So upper floor. Maya-maya pa, sumisigaw na ang mga tao. Tinawag ko si Ryan. 'Papa, may magsusuicide yata. Baka bumabaybay sa roofdeck.'
  • 3. • Maya-maya pa, nasa tapat na sila ng building namin. Sumisigaw. Sunog! Umakto na si Ryan. 'Magready ka, Ma. Sa taas daw.' Nagbihis ako. Grounding. Presence. Alin ang bibitbitin. Asan ang sunog. • 'Ma! Sa katabi nating unit!' Kinuha ko si Lakai. Nag-mask. Lumabas. Nagmasid. • 'Si R, Ma!'
  • 4. • Ambilis ng pangyayari. Bumaba si Kuya, nagtulong sila ni Ryan. Binuhat ang drum para ipambuhos habang ginigiba ng ibang tenant ang pinto ng unit. Gasulito. May mga gamit na nakapatong, sinusunog. Ang salarin, nakatago sa banyo. Naapula ang apoy. • Bumaba si Sis. Inalalayan si Lakai. Nakasuporta ako sa pares ko. Dumating ang Barangay. Dumating ang Pulis. Sumisigaw ang mga tao. Galit ang taumbayan. Tangina kung lumaki ang sunog patay tayong lahat! May mga bata rito!
  • 5. • Kinakalma ko ang sarii ko. Sa gabing ito, tatlo lang kami ni Ryan sa bahay. Ako, siya, at si Lakai. Katabi ng kwarto namin ang sunog. May mga nag-evacuate na. Hindi ako umaalis. Mabait silang kapit-bahay. Magagalang. Matulungin. Naawa ako. Sa pandemyang ito, awa ang nadama ko. Wala pa yatang trenta años si R. Bago lang sila rito. Wala pang tatlong buwan. Laging nagyayaya sa amin na mangapitbahay. Dahil sa pandemya, hindi namin napagbibigyan.
  • 6. • Sinabihan ko ang admin na patayin muna ang breaker ng unit. Baka magka-spark dahil sa tubig na ibinuhos. Baka mag-short circuit maging electrical fire. Nakinig naman sila. • Hindi siya lumalabas ng banyo. Mataas ang boses ng mga otoridad. Pumasok si Ryan. 'Ser, kapitbahay po kami, baka pwede kong makausap.'
  • 7. • Kinausap siya ni Ryan na parang kapatid. Kaibigan. Inabutan ng damit. Inabutan ng inumin habang nakakulong sa banyo si R. • Habang galit ang nararamdaman ng mga takot na tenant, awa ang nadama ko. Away mag-jowa. Sinaltik si R. Pinagtangkaang saktan si GF. Umalis ang babae. Sinunog ang gamit ni GF. Nagkulong sa banyo. Handang mamatay.
  • 8. • 'Kuya', sabi niya kay Ryan, 'okay lang sakin mamatay. Kahit barilin n’yo ko.' • Wala na siya sa katinuan. Kay Ryan lang siya nagtiwala makipag-usap. inabutan ni Ryan ng posas. Pinosasan niya sarili niya. Nadala na siya sa pulis.
  • 9. • Kami ang nag-sweep ng unit. Kami ang nag-secure. Nag-disinfect ako ng bahay ko pagtapos. Umiyak ako nung makakalma na. Dahil naisip ko, sa isang pagkakamali, maaari siyang makasuhan ng frustrated murder, arson, alarm and scandal. Pero ang gusto niyang gawin -- suicide.
  • 10. • Awang awa ako kasi gaano karami sa atin ang nawawala sa katinuan dahil lang wala na tayong makausap na kapatid, kaibigan, kapitbahay? Dahil lang hindi na tayo makapag-isip. • Awang awa ako kasi naapula ang apoy pero sinunog niya na ang buhay niya. Ang kinabukasan niya. Dahil sa isang saglit, inisip niyang mag-isa siya. At gusto niya na lang mamatay.
  • 11. • Umiiyak pa rin ako. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko yung 'Kuya, kuya.' Naramdaman ko yung lungkot. Naramdaman ko yung kabaliwan. Naramdaman ko yung sakit. Ramdam ko rin ang trauma ng GF niya. Ang bangungot. Ramdam ko ang pighati ng magulang niya.
  • 12. •Binabaliw tayo ng pandemyang ito sa loob ng sarili nating bahay. •Mental break muna ako bukas. Sasabog yata ang puso ko. Bumalik sa akin lahat ng pakiramdam ng kawalan.
  • 14. DRIUKSOS "Good company and good discourse are the very sinews of virtue." -Izaak Walton
  • 15. DISKURSO "Good company and good discourse are the very sinews of virtue." -Izaak Walton
  • 16. DISKURSO • Magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan. • Isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. • Pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
  • 17. DALAWANG ANYO NG DISKURSO • PASALITA - Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya't bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig, at iba pang salik ng pakikipagtalastasan.
  • 18. DALAWANG ANYO NG DISKURSO • PASULAT - Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang isinulat na diskurso ay nakarating sa tagatanggap at ito'y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang mga nasulat.
  • 19. PAGLINANG NG IDEYA • PAKSA. Ang imbensyon ay mula sa salitang Latin na invenire na nangangahulugang to find. Ito ay nakatuon sa kung ano ang sasabihin. Ano ang paksa? –PAGPILI NG PAKSA •Naaangkop sa sitwasyon, sa mga kasapi ng talakayan, napapanahon at nararapat ay interesante sa bawat kasapi. Dapat may saysay. May sapat na kaalaman.
  • 20. PAGLINANG NG IDEYA • LAYUNIN. Sa bawat bagay na ating ginagawa, lagi itong may kalakip na layunin. • PAGSASAWIKA NG IDEYA. Ang ideya ay ang kaisipan ng isang tao tungkol sa isang paksa at ito ay mananatiling kaisipan lamang hangga't hindi ito nalalapatan ng mga kongkretong salita na siyang magbibigay-kabuuan dito. • TAGATANGGAP. Sa isang diskurso o anomang proseso ng pakikipagtalastasan, laging may dalawa o higit pang bilang ng partisipant. Tagahatid at tagatanggap.
  • 21. APAT NA BATAYANG URI NG DISKURSO • Ang pagsusuri at pag-aaral ng diskurso ay isang larangang pinagtutuunan ng pansin ng mga dalubwika. Sa ating pag-aaral ng masining na pagpapahayag, ating pagtutuunan ng higit na pansin ang apat na batayang uri ng diskurso: –Paglalarawan/Deskriptibo –Pagsasalaysay/Naratibo –Paglalahad/Ekspositori –Pangangatuwiran/Argumentatibo
  • 22. PAGLALARAWAN/DESKRIPTIBO "A good description is a magician that can turn an ear into an eye." -Anonymous
  • 24. 1. PAGLALARAWAN/DESKRIPTIBO • Nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang ang isang mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang mental kung anoman ang inilalarawan.
  • 25. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • WASTONG PAGPILI NG PAKSA. –Hindi maaaring sabihin na may wasto at maling paksa sa paglalarawan. –Maging maingat sa pagpili ng paksang ilalarawan. –Piliin ang paksang mayroon kang sapat na kaalaman.
  • 26. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON –Magsimula sa mga bagay na kalimitang nakikita sa araw-araw. –Ilarawan ang mga bagay na ang tagapagpahayag mismo ang unang nakamalas sa halip na ibase ang paglalarawan sa impormasyon mula sa iba.
  • 27. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • PAGBUO NG ISANG PANGUNAHING LARAWAN. –Madalas nating sinasabi na first impression last, kaya dapat tayong bumuo ng isang malinaw at mabisang pangunahing larawan sa isipan ng ating tagatanggap. –Mahalagang makabuo kaagad ng isang malinaw na kakintalan sa isipan ng ating tagapakinig o mambabasa. –Upang mapukaw ang kanilang interes, magbigay ng kabuuan ng inilalarawan bago ang maliliit na detalye.
  • 28. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • SARILING PANANAW O PERSPEKTIBO. –Bagama't iisa ang tinitingnan natin, maaaring iba-iba ang ating nakikita, ito ay dahil hindi pare- pareho ang ating mga panlasa. –Ang pagkiling ng naglalarawan ay mapapansin sa pananaw na kanyang pinili sa paglalarawan.
  • 29. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON –Maaaring ang pananaw sa paglalarawan ay ayon sa kinalalagyan ng naglalarawan, maaaring siya ay malapit o malayo sa inilalarawan. –Maaari ding ang kanyang sariling palagay o damdamin ang mangibabaw sa kanyang paglalarawan.
  • 30. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • SARILING PANANAW O PERSPEKTIBO. –Maaari ding makaapekto sa paglalarawan ang pagkatao ng mismong naglalarawan. –Maaaring ang inilalarawan niya ay isang bagay o kaisipan na higit na malapit sa kanya dahil sa sariling kadahilanan.
  • 31. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON –Maaari ding maging tila teknikal ang kanyang paglalarawan kung hindi niya lubusang pinahahalagahan ang inilalarawan. –Maaari ding ang kanyang pananaw ay maapektuhan ng mga impormasyong kanyang nakalap o narinig.
  • 32. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • KAISAHAN. –Hindi dapat lilihis ang mga detalyeng ipahahayag sa pangunahing larawang nabuo sa simula. –Ang mga salitang pipiliin upang maging sangkap ng paglalarawan ay nararapat na naaayon sa kabuuan ng inilalarawan upang matiyak ang kaisahan ng diwa.
  • 33. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • PAGPILI NG MGA SANGKAP. –Mahalaga ang mga maliliit na sangkap o detalye dahil ito ang siyang nagiging basehan ng tagapakinig o mambabasa upang mapag-iba ang bagay na inilalarawan sa iba pang bahay.
  • 34. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON –Sa pagpili ng sangkap o detalye, kailangang tiyakin ng naglalarawan na magiging daan ito sa pagkakalikha ng mental na larawan sa isipan ng tagapakinig at mambabasa. –Tiyaking may kaugnayan ang sangkap sa pangunahing larawan na nabuo sa simula. Hindi maaaring sumalungat sa pangunahing kaisipan ang mga sangkap.
  • 35. MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG DESKRIPSYON • PAGPILI NG ANGKOP NA PANANALITA. –Salita ang sandata ng isang tagapaglarawan upang makalikha ng imahen. –May kasanayan sa pagpili ng mga salitang maaaring magpagalaw ng imahinasyon ng kanyang tagatanggap. –Epektibo ang mga salitang nakakikiliti sa isipan. –Ang piniling salita ay angkop sa pandamang inilalarawan.
  • 36. LAYUNIN NG PAGLALARAWAN • Ang layunin ang siyang magtutulak sa atin upang gawin ang isang bagay at kung paano ito gawin. • Nagiging masigasig tayo sa ating ginagawa.
  • 37. DALAWANG URI NG DESKRIPSYON • KARANIWANG DESKRIPSYON. Ordinaryo o palasak. Kung karaniwan ang isang bagay, hindi ito nakatatawag-pansin o hindi gaanong mahalaga. *Ngunit sa paglalarawan, ang karaniwang deskripsyon ay yaong ang pangunahing layunin ay makapagpabatid o makapagbigay ng dagdag na kaalaman.
  • 38. DALAWANG URI NG DESKRIPSYON - Nakatuon sa pangunahing katangian ng inilalarawan. - Obhetibo ang paglalarawan na ito at hindi kakikitaan ng anomang bahid ng pagkiling ng manunulat o tagapagsalita sa inilalarawan.
  • 39. DALAWANG URI NG DESKRIPSYON • MASINING NA DESKRIPSYON. Pumipili ang naglalarawan ng mga salitang higit na magbibigay- buhay sa kanyang inilalarawan. Ang mga salitang kanyang ginagamit ay yaong kikiliti sa guni-guni ng kanyang mambabasa o tagapakinig. - Nakapupukaw ng isipan at damdamin. - Sa pagkakataong ito, ang kakayahang lingguwistik ng isang tagapagpahayag ay higit na aktibo. - Gumagamit ng mga tayutay at mga idyoma.