ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA
Ang mga morpema ng isang wika ay may mga tiyak na kaayusan o distribusyong
sinusunod. Halimbawa, ang unlaping [um-] ay lagging nasa unahan ng salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig. Ang gitlaping [-um-] naman ay laging nasa pagitan ng unang
katinig at kasunod nitong patinig ng nilalapiang salitang nagsisimula sa katinig.
Anupa’t ang distribusyon ng isang morpema ay ang kabuuan ng kontekstong
maaaring paggamitin nito sa wikang kinabibilangan. Halimbawa, sa mga pangungusap
na:
1. Nagtatanim ng gulay ang mga mamamayan.
2. Inaani ng magsasaka ang mga bungang-kahoy na iyon.
3. Yaring pinya ang bagong Tagalog ng makata.
ay makikita ang mga kontekstong maaaring paggamitan ng ng. Sa unang
pangungusap, ang ng ay nasa pagitan ng pandiwang palipat at ng layon nito. Samaktuwid,
pananda ito ng tuwiran layon. Sa ikalawang pangungusap, ito ay nasa pagitan ng
pandiwang balintiyak at ng tagaganap ng kilos nito. Samakatwid, pananda ito ng
tagaganap ng pandiwang balintiyak. Ang ng sa ikatlong halimbawa ay nasa pagitan ng
isang pangngalan at ng panuring nito. Samaktwid, ang ng sa pangungusap na ito ay nag-
uugnay ng panuring sa salitang tinuturingan.
Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114 Balarila ng
Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________. 2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.

More Related Content

DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA.pdf

  • 1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS PROGRAMA NG SINING AT AGHAM SANGAY NG PANGKATAUHAN LUNGSOD NG BUTUAN MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA Ang mga morpema ng isang wika ay may mga tiyak na kaayusan o distribusyong sinusunod. Halimbawa, ang unlaping [um-] ay lagging nasa unahan ng salitang-ugat na nagsisimula sa patinig. Ang gitlaping [-um-] naman ay laging nasa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig ng nilalapiang salitang nagsisimula sa katinig. Anupa’t ang distribusyon ng isang morpema ay ang kabuuan ng kontekstong maaaring paggamitin nito sa wikang kinabibilangan. Halimbawa, sa mga pangungusap na: 1. Nagtatanim ng gulay ang mga mamamayan. 2. Inaani ng magsasaka ang mga bungang-kahoy na iyon. 3. Yaring pinya ang bagong Tagalog ng makata. ay makikita ang mga kontekstong maaaring paggamitan ng ng. Sa unang pangungusap, ang ng ay nasa pagitan ng pandiwang palipat at ng layon nito. Samaktuwid, pananda ito ng tuwiran layon. Sa ikalawang pangungusap, ito ay nasa pagitan ng pandiwang balintiyak at ng tagaganap ng kilos nito. Samakatwid, pananda ito ng tagaganap ng pandiwang balintiyak. Ang ng sa ikatlong halimbawa ay nasa pagitan ng isang pangngalan at ng panuring nito. Samaktwid, ang ng sa pangungusap na ito ay nag- uugnay ng panuring sa salitang tinuturingan. Inihanda ni: Donna Delgado Oliverio, MATF Instructor Father Saturnino Urios University A.Y. 2020-2021, 1st Semester Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito. MGA SANGGUNIANG AKLAT: Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City. Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City. Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City. Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City. Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City. _______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City. _______________. 2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.