際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
DR. JOSE P. RIZAL
JOS PROTACIO
RIZAL MERCADO
Y ALONSO REALONDA
19 Hunyo 1861  30 Disyembre 1896
Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na
lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng
kaniyang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo noong
panahon ng pananakop ng Espanya sa
bansa.
MAY ANGKING PAMBIHIRANG TALINO
Siya ay hindi lamang isang manunulat
ngunit isa ring magsasaka
manggagamot
siyentipiko
makata,
imbentor
iskultor
inhinyero
kuwentista,
lingguwista
at may kaalaman sa arkitektura
kartograpiya
ekonomiya
musika (marunong siyang
tumugtog ng plawta),
antropolohiya,
iktolohiya,
etnolohiya,
agrikultura,
sining sa pakikipaglaban
(martial arts),
at pag-eeskrima
Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na
kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong
apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na
naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong
kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo.
Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa
katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad
ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang
kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).
Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa
salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang
ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka)
alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso
Claveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido
ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni
Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa
kalituhan mula sa kaniyang kasamang
mangangalakal.
Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang
kapitan ng munisipyo ng Bi単an, Laguna, kinatawan ng
Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng
isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos
(na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang
apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.
PEPE ang kanyang palayaw, ang ika-pito sa labing-
isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
KABATAAN
Ipinanganak sa Calamba, Laguna si
Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring
nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang
hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si
Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa
kanilang labing-isang magkakapatid. Ang
kaniyang mga kapatid na babae ay sina
Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria,
Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
KABATAAN
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas
niya sa murang edad. Natutunan niya ang
alpabeto sa edad na tatlo at limang taong
gulang naman nang siya ay mututong
bumasa at sumulat. Napahanga niya ang
kaniyang mga kamag-anak sa angking
pagguhit at paglilok. Walong taong gulang
siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa
Aking Mga Kababata," na ang paksa ay
tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na
noon ay Tagalog)
EDUKASYON
Ang kaniyang ina ang unang guro ng
ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa
kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga
kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo").
Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon
ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa
Bi単an, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay
ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo
de Manila University at doon ay tinamo ang
Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong
gulang) at nakasama sa siyam na
estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o
namumukod-tanging marka.
EDUKASYON
Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa
Ateneo upang maging dalubhasa sa
pagsusukat ng lupa at pagiging asesor.
Natapos siya sa kursong asesor noong 21
Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit
para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil
siya ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi
siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor
hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878,
pumasok siya sa Unibersidad ng Santo
Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito
ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa
mga paring Dominikano.
EDUKASYON
Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral
ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central
de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng
kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884,
sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa
Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24,
ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na
may markang ekselente.
EDUKASYON
Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital
de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral
ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni
Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto
Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong
iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng
kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng
Berlin Ethnological Society at Berlin
Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng
pamosong patolohistang si Rudolf Virchow.
TITULO
Ang Noli me tangere
Ay isang pariralang Latin na hinango ni Rizal sa
ebanghelyo ni San Juan Bautista (Juan 20:13-17) sa Bibliya
na ang ibig sabihin ay Huwag mo akong salangin o
mas kilala sa Ingles na Touch me not.
Ang buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na
nagsasabing Touch me not; I am not yet ascended to my
Father, but go to my brethren, and say unto them I ascend
unto my Father and your Father, and to my God and your
God. Madalas rin itong tawaging Noli.
Kasaysayan ng Nobela
Ang Noli ay hango sa nobelang
nabasa ni Rizal na pinamagatang Uncle
Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe na
pumapaksa sa kasaysayan ng mga
aliping Negro sa ilalim ng panginoong
puting Amerikano.
Inihahambing ni Rizal ang hinagpis
na naranasan ng mga Negro sa
naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng
mapang-aping mga prayleng Kastila.
Kasaysayan ng Nobela
Iminungkahi ni Rizal sa kaniyang
kaibigan sa Madrid noong 1884 na
magtulungan sa pagsulat ng nobela ukol
sa Pilipinas. Kabilang sa kaniyang mga
kaibigan ay ang mga Paterno (Pedro,
Maximo, at Antonio) at si Graciano Lopez
Jaena.
Kasaysayan ng Nobela
Bagamat sang-ayon ang kaniyang
mga kaibigan sa ideya ay hindi rin
binigyang-halaga ng mga ito ang
pagsusulat at sa halip ay mag pinili pa
ang magsulat tungkol sa babae,
magsugal at makipagalembong. Ito ang
dahilan kung kaya't napagpasyahan ni
Rizal na isulat ito nang sarilinan.
Kasaysayan ng Nobela
Ang unang bahagi ng Noli ay
sinimulang isulat noong 1884 sa Madrid
habang nag-aaral pa lamang ng medisina
si Rizal. Nang makapagtapos, nagtungo
siya sa Paris at doon ay ipinagpatuloy
niya ang pagsusulat. Karamihan sa
bahagi ng nobela ay dito niya naisulat.
Ang huling bahagi ng nobela ay natapos
sa Berlin. Si Victor Blasco Iba単ez ang
nagsilbing tagapagbasa at tagapayo ni
Rizal.
Kasaysayan ng Nobela
Natapos ni Rizal ang nobela noong
Disyembre 1886. Sa panahong ito, hindi
sapat ang kaniyang pera upang
ipalimbag ito. Sa tulong ng kaniyang
kaibigang si Maximo Viola, naipalimbag
ni Rizal ang nobela. Nailathala ang
nobela noong siya ay 26 taong gulang.
At iyan ang
buhay ni
Dr. Rizal at
kasaysayan
Ng Nobelang
Noli me
Tangere Maam Marvie A. Acapuyan

More Related Content

DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE

  • 1. DR. JOSE P. RIZAL JOS PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONSO REALONDA
  • 2. 19 Hunyo 1861 30 Disyembre 1896 Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.
  • 3. MAY ANGKING PAMBIHIRANG TALINO Siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka manggagamot siyentipiko makata, imbentor iskultor inhinyero kuwentista, lingguwista at may kaalaman sa arkitektura kartograpiya ekonomiya musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima
  • 4. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).
  • 5. Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.
  • 6. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Bi単an, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849. PEPE ang kanyang palayaw, ang ika-pito sa labing- isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
  • 7. KABATAAN Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
  • 8. KABATAAN Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)
  • 9. EDUKASYON Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Bi単an, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka.
  • 10. EDUKASYON Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano.
  • 11. EDUKASYON Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente.
  • 12. EDUKASYON Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang si Rudolf Virchow.
  • 13. TITULO Ang Noli me tangere Ay isang pariralang Latin na hinango ni Rizal sa ebanghelyo ni San Juan Bautista (Juan 20:13-17) sa Bibliya na ang ibig sabihin ay Huwag mo akong salangin o mas kilala sa Ingles na Touch me not. Ang buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na nagsasabing Touch me not; I am not yet ascended to my Father, but go to my brethren, and say unto them I ascend unto my Father and your Father, and to my God and your God. Madalas rin itong tawaging Noli.
  • 14. Kasaysayan ng Nobela Ang Noli ay hango sa nobelang nabasa ni Rizal na pinamagatang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa ilalim ng panginoong puting Amerikano. Inihahambing ni Rizal ang hinagpis na naranasan ng mga Negro sa naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mapang-aping mga prayleng Kastila.
  • 15. Kasaysayan ng Nobela Iminungkahi ni Rizal sa kaniyang kaibigan sa Madrid noong 1884 na magtulungan sa pagsulat ng nobela ukol sa Pilipinas. Kabilang sa kaniyang mga kaibigan ay ang mga Paterno (Pedro, Maximo, at Antonio) at si Graciano Lopez Jaena.
  • 16. Kasaysayan ng Nobela Bagamat sang-ayon ang kaniyang mga kaibigan sa ideya ay hindi rin binigyang-halaga ng mga ito ang pagsusulat at sa halip ay mag pinili pa ang magsulat tungkol sa babae, magsugal at makipagalembong. Ito ang dahilan kung kaya't napagpasyahan ni Rizal na isulat ito nang sarilinan.
  • 17. Kasaysayan ng Nobela Ang unang bahagi ng Noli ay sinimulang isulat noong 1884 sa Madrid habang nag-aaral pa lamang ng medisina si Rizal. Nang makapagtapos, nagtungo siya sa Paris at doon ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat. Karamihan sa bahagi ng nobela ay dito niya naisulat. Ang huling bahagi ng nobela ay natapos sa Berlin. Si Victor Blasco Iba単ez ang nagsilbing tagapagbasa at tagapayo ni Rizal.
  • 18. Kasaysayan ng Nobela Natapos ni Rizal ang nobela noong Disyembre 1886. Sa panahong ito, hindi sapat ang kaniyang pera upang ipalimbag ito. Sa tulong ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola, naipalimbag ni Rizal ang nobela. Nailathala ang nobela noong siya ay 26 taong gulang.
  • 19. At iyan ang buhay ni Dr. Rizal at kasaysayan Ng Nobelang Noli me Tangere Maam Marvie A. Acapuyan