2. Ang epistemology ay sangay ng pilosopiya na
pinag-aaralan ang pagbuo ng kaalaman.
-ambag nito ang utilitarianism na
sinasabing nagmumula ang halaga ng isang
bagay base sa pakinabang nito sa tao.
Di nagtagal ay isanama rin sa ekonomiks ang
pagsukat ng kasiyahan at pag-unawa sa
kaligayahan ng tao
3. Sistematikong naituturo ng lohika (logic) ang
pilosopiya sa paraang katanggap-tanggap na
pagpapaliwanag ng kaisipan.
a. Itinutuwid nito ang pagkakamali
b. Iniiwasan nitong maging katawa-tawa ang
isang kaisipan
4. Ang matematika ay agham ng mga numero at
pinagaaralan nito ang kaayusan at relasyon ng
mga numero.
Arithmetic, algebra, geometry, trigonometry at
calculus ay ilan sa mga disiplina ng matematika na
malaki ang naitulong sa pag-aaral ng ekonomiks.
May mga halagang sinusukat sa ekonomiks dahil
maaari itong tumaas, bumaba o hindi magbago.
At ang tawag dito ay variable.
Halibawa nito ang katanungang, Maipaliliwanag
ba ng kita ang dami ng binibiling produkto?
5. Noon ay Political Economy lamang ang
larangan sa pag-aaral ng Ekonomiks. Sa
paglipas ng panahon ay lumawak at dumami
ang ibat ibang pag-aaral tungkol dito. Marami
rin ang mga pagbabago sa ibat ibang sangay
nito.