7. Mapayapang Rebolusyon sa EDSA
Sama-samang pagkilos ang ginanap hindi
lamang sa Maynila kundi sa ibat ibang bansa.
Nagkaroon ng demonstrasyon ng suporta sa
Cebu, Davao at Baguio. Magandang halimbawa
nito ang naganap sa kabisera ng Sorsogon na
nagpamalas ng sarili nilang People Power.
8. Minatsagan nila ang paligid ng estasyon ng
radyo na nasa simbahan at pinatatakbo ng
Obispo ng Bicol na si Monsinyor Jesua Varela.
Habang ang mga estasyon ng mga kaalyado
ni Marcos ay nagpapatugtog ng musika na tila
walang nangyayari sa labas.
9. Nagtagumpay ang taong bayan sa
pagpapatalsik kay Marcos sa loob ng pitumput
pitong oras. Nagsimula ang mapayapang
rebolusyon noong pebrero 22 nang sina Minister
Juan Ponce Enrile at Heneral Ramos ay nanatili
sa Kampo Aguinaldo at nagpatawag ng press
conference upang ibalita ang kanilang pagkalas
sa rehimeng Marcos.
10. Pinangunahan ni Juan Ponce Enrile ang di
pagkilala kay Marcos bilang Commander in
Chief ng sandatahang lakas
Si Enrile din ang nagsiwalat ng katiwaliang
ginawa ni Marcos upang manalo sa halalan
11. Sinu-sino ang sumuporta sa EDSA 1?
Corazon Aquino
Pari
Seminarista
Madre
Taong bayan
Agapito Butz Aquino
12. Nang sumunod na araw libu-libongtao ang
nagkapit bisig sa paglibot sa Kampo Aguinaldo
at Crame upang ipadama ang kanilang pakikiisa.
13. Ang mga madre, pari, mga kalalakihang
walang armas at mga kababaihang kasama ang
kanilang mga anak, ay nagpulons sa EDSA,
hinarang nila ang mga tangkeng ipinadala ni
Marcos, umupo sa harap ng mga tangke, at
nagbigay ng pagkain at bulaklak sa mga sundalo
na di alintana ang panganib na mangyayari.
14. Kinabukasan, peb. 24, naramdaman na nag
katapusan ng rehimeng Marcos sapagkat
marami sa mga tropang sundalo ang hindi
sumunod sa kanya nang utusan nyang paalisin
ang mga ito ang mga taong bayan sa paligid ng
mga kampo.
15. Ang mapayapang rebolusyon ay nagwakas
noong pebrero 25. Ito rin ang proklamasyon kay
Gg. Carazon Cory Aquino bilang kaunaunahang babaeng pangulo ng Pilipinas, at
Salvador Laurel bilang Pangalawang Pangulo na
ginanap sa Club Filipino sa Greenhills, San
Juan.
16. Ang pamilyang Marcos ay tumakas sa
malacanang, tinatayang 9:30 ng gabi, lulan ng
tatlong helicopter patungong Clark Air Base
patungong Hawaii kung saan sinalubong sila ng
mga mamamayang sumisigaw ng
Cory,Cory,Cory
17. Noong pebrero 26 lahat ng pasilidad ng
komunikasyon ay nagpahayag ng tagumpay at
bagong pag-asa para sa mga Pilipino at sa
bansang Pilipinas.