2. Bakit may taglay na supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa epiko?
Pangkaisipian
Sino sa kasalukuyang panahon ang tinatawag mong bayani?
Ikaw gusto mo rin bang maging bayani?
3. Pagnilayan mo
Ang paggawa ng isang kabutihan ay kabayanihan ba? Basahin ang talataan
sa ibaba.
Mayroong isang taong pararangalan dahil sa mga
kabayanihang kanyang nagawa para sa bansa. Sa araw ng
pagtanggap niya ng parangal , nagmamadali siya at ayaw
niyang mahuli sa okasyong iyon. Habang daan , isang
matandang lalaking nakahandusay sa kalsada at nakita nila,
duguan ito at halos wala ng malay. Ang sabi niya sa drayber
Bilisan mo at mahuhuli ako. Huwag mo nang pansisnin ang
matandang iyan.
Gayunpaman, hindi siya pinakinggan ng drayber.
Nilapitan nito ang matanda, isinakay sa taksi , at dinala sa
ospital.
4. Sa palagay mo, sino kaya ang dapat tanghaling bayani at bigyan ng
parangal sa pagyayari?
Kailan ba dapat tawaging bayani ang isang tao?
Pagyamanin Mo
Piliin sa loob ng kahon ang mga titik ng mga salitang kasingkahulugan ng
mga salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap.
a.takot c. sinisira
b.payapa d. umalis
e. kinuha
________1. Pinupuyagan ni sultan Makatunao ang dangal ng mga
babae.
________2. Umiwas sila sa kalupitan ng sultang si Makutanao.
________3. Ang pagdating ni Datu Puti sa pulo ay nagdulot ng
pangamba sa mga tauhan ni Marikudo.
________4. Kinamkaman ni sultan Makutanao ang yaman ng kanyang
sinasakupan.
________5. Panatag na ang kalooban ng ibang mga datu sa bago nilang
lupain
5. Himayin mo
Sagutin ang mga sumusunod.
1. Sino sino ang sampung datu na tumakas mula sa borneo?
2. Bakit umalis ang sampung datu at kanilang kaanak sa borneo?
3. Saan sila pumunta?
4. Ilahad ang ginawang bentahan nina Marikudo at datu puti sa pulo ng Panay?
5. Anong uri ng pinuno si Datu Puti? Patunayan
6. Tukuyin ang ibat ibang pananaw tungkol sa kabayanihan sa pamamagitan word
association.
KABAYANIHAN
7. Paano maipahahayag ang malalim na pagunawa sa damdamin ng mga taong
itinuturing na bayani?
6. 8. Pumili ng bayani ng bansa . Ihambing ang napiling bayani sa kasalukuyan sa bayaning
inilahad sa epikong tinatalakay gamit ang character profile.
Bayani
Kasalukuyang bayani Tauhan sa Epiko
_____________________ ___________________
( Pangalan ) Pangalan
7. Pahalagahan Mo
Isulat sa talahanayan sa ibaba ang mga paraan kung paano mo
hahanapin ang mga pakikipagtunggali sa buhay
Pakikipagtunggali sa buhay Paglutas/hakbang na
gagawin laban sa Pakikipagtunggali
8. Pag-ugnayin Mo
Pang-angkop Ang mga katagang naguugnay sa panuring at mga salitang
tituturinganay tinatawag na pang-angkop. Sa makabagong pagaaral ng wika ,ang pang-
angkop ay nahahati na lamang sa dalawa.
Uri ng Pang- angkop
1. na naguugnay sa dalawang salita , ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang hiwalay sa mga salitang
pinag- uugnay.
Mga Halimbawa
Bahay na maganda
Mataas na gusali
Mahirap na buhay
2.ng- isinusulat ito karugtong ng mga
Mga Halimbawa
Mahabang buhok
Maikling palda
Matalinong bata
9. Kapag nagtatapos sa n ang salita, kinakaltas ang na at pinapalitan ng
ng.
Mga Halimbawa
Pamilihan bayan = pamilihang bayan
Bayan magiliw = Bayang magiliw
Sagutin mo
Buuin ang talata. Punan ang mga patalang ng tamang sagot.
Ang ________________ay mga katagang naguugnay sa
___________________at salitang_________________. Sa
makabagong pagaaralng wika, ito ay nahahati sa
________________. Ginagamit ang pang-angkop na
________________ upang pagdugtungin ang mga salitang
nagtatapos sa patinig . Naguugnay rin ito sa mga salitang
magkakasunod na ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
na______________. Ang pang-angkop na ______________ ay
ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa ____________________.
10. Bilugan ang pang-angkop na ginamit sa parirala.
1. Higit na mabilis
2. Matiyagang manggagawa
3. Kaibigang babae
4. Pang-umagang babasahin
5. Malapad na dahon
6. Sadyang magaling
7. Mabisang gamut
8. Kailangang gawin
9. Makulit na bata
10.Hinirang
11. C. Punan ang patlang ng pang-angkop upang maging mabilis ang
pagbigkas ng mga pangungusap.
1. Ang mga bata ________ malilikot ay madalas napapagalitan ng
guro
2. Si Lourdes ay isang maalalahaning_________kaibigan
3. Ang balak ___________ pag alis ng mga mag-anak ay natuloy rin
4. Mapili__________bata si Ryan pagdating sa kanyang pagkain.
5. Ang bata__________nadulas ay nagtamo ng sugat.
6. Marami______________naliligo sa batis
7. Nahulog sa bangin _________ malalim ang kotse
8. Maganda__________ tunog ang maririnig sa bagong gitara.
9. Ang nakabitin ___________ kampana ay humahampas sa sangan g
puno.
10. Ating sundin ang mga tuntunin ____________ pampaaralan
12. Subukin mo
Talambuhay
Ang talambuhay ay kwento ng buhay ng isang tao. Sa
pagsulat ng isang talambuhay kailangang magkaroon
ng maraming impormasyon ang taong susulat tungkol
sa taong papakksain. Maaring makuha ang mga
impormasyan sa kanyang mga kaanak at kaibigan.
Gayundin maaring sumangguni sa mga aklat at
pahayagan . Ang mahaga ay tiyakin ng susulat na ang
lahat ng impormasyon ay pawing katotohanan
lamang.
13. Indibidwal na Gawain
Isulat ang iyong talambuhay gamitv ang wastong pang-angkop at
pagkatapos ay sundin sundin ang mga sumusunod na mga hakbang.
Markahan ang mga gagawin gamit gamit ang rubric sa susunod na
pahina.
Basahin asa klase ang isinulat . Magkaroon ng sariling kritik sa sariling
talambuhay at sa isinulat ng kaklase
Sa mga napakinggang talambuhay , sumulat ng puna na gamit ang
teknik na PIN ( Positibo-Interesting-Negatibo
Sulatin Mo
Pumili ng isang bayani sa kasalukuyang panahon . Isulat sa ibaba ang
kanyang talambuhay
Talambuhay
Ni_______________________________________________________
________________________________________________________