Pagtataya ng Kabutihan o kasamaan ng kilos o pasya
Convert to study guideBETA
Transform any presentation into a summarized study guide, highlighting the most important points and key insights.
1 of 25
More Related Content
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q2 WEEK 7-8.pptx
1. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
EsP 10
Pagtataya ng Kabutihan o
Kasamaan ng Kilos o Pasya
Weeks 7-8
Start Here
Clarissa C. Reyes
SST-III
2. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Sa mga nakaraang aralin ay natutuhan mong
pananagutan ng tao ang anomang kahihinatnan ng
kaniyang kilos, mabuti man o masama.
Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na
kaniyang isasagawa dahil hindi magiging ganap
ang pagiging tao niya kung hindi siya kumikilos
ayon sa kabutihan. Pero teka muna, naaalala mo
pa ba ang ibig sabihin ng kilos?
4. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa. Inaasahan na pagkatapos ng
aralin na ito ay:
a) maipaliliwanag mo ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng
makataong kilos;
b) makapagsusuri ka ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o
kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at
sirkumstansiya nito;
c) mapatutunayan mo na ang layunin, paraan at sirkumstansiya ay
nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao; at
d) makapagtataya ka ng kabutihan o kasamaan ng pasya o kilos sa
isang sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan at
sirkumstansiya nito.
5. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang bawat
sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o
masama ang ginawang pasya o kilos ng tauhan.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng mabuting kilos
kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti. Lagyan
naman ng ekis (X) ang kolum ng masamang kilos
kung naniniwala kang ito ay masama. Isulat sa
susunod na kolum ang iyong paliwanag sa iyong
napili. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
7. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao.
Ang Makataong Kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan
na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang
kalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya.
Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay
mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang Moral na Kilos ay ang
makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na
pinag-isipan.
Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos.
Ang papel naman ng kilos-loob ay tumungo sa layunin o
intensiyon ng isip.
8. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Dalawang Uri ng Kilos:
1.Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-
loob.
2.Ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na
ginagamit upang maisakatuparan ang panloob na kilos.
Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito
sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama
rin ang buong kilos, kahit na mabuti ang panlabas.
9. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Halimbawa:
Si Robin Hood ay kilala sa kaniyang pagiging
matulungin lalo na sa mga mahihirap. Ngunit saan ba
niya kinukuha ang kaniyang ibinibigay na tulong sa
kanila? Hindi ba sa pagnanakaw? Masasabi mo ba na
tama ang kaniyang kilos? Ikaw ba ay sumasang-ayon
dito? Kung ating titingnan, mabuti ang kaniyang panloob
na kilos ngunit masama naman ang kaniyang panlabas
na kilos. Kailangang parehong mabuti ang panloob at
panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung hindi
kasama ang isa.
10. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, sa bawat
makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa
isang layunin. Hindi makapaghahangad ng
anoman ang isang tao kung wala itong
pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang
Diyos sa kabilang buhay.
11. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung
ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang
batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.
1. Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung
saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa
taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o
nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong
gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o
pinatutunguhan ng kilos.
12. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Halimbawa:
Binigyan ni Evet ng pagkain ang kaniyang kamag-aral na
walang baon. Ginawa niya ito dahil nais niyang kumopya sa
kaniyang kaklase sa pagsusulit sa Matematika. Mabuti ba ang
layunin ng kilos? May paggalang ba ito sa dignidad ng kamag-
aral?
Dito ipinakikita na mabuti ang pagbibigay ng pagkain sa
kamag-aral na walang baon ngunit ang layunin ay masama. Dito ay
mahuhusgahan na ang kilos ay masama sapagkat masama ang
kaniyang layunin.
Naharap ka na ba sa sitwasyong ang layunin ng iyong kilos
ay hindi mabuti?
13. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
2. Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan
o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto.
Tomas de Aquino, may nararapat na obheto o pakay ang
kilos (appropriate object of the act).
Halimbawa: Sa kilos na kumain, ang obheto o pakay ay
makakain. Ngunit kung kakain ka ng bato, ito ay masama
dahil hindi kinakain ang bato. Ang kilos ng uminom ay
may obheto o pakay na makainom. Ngunit kung iinom ka
ng muriatic acid ito ay masama dahil nakamamatay ito.
14. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Halimbawa, sa pagsasagot ng mga gawain sa pagkatuto sa mga
modyuls, ano ba ang layunin nito? Paano kung ang isang mag-aaral
ay mangopya ng sagot mula sa internet dahil siya ay tinatamad?
Sagot:
Ang layunin ng pangongopya sa internet ay upang
makasagot.
Ang paraan o obheto o nararapat na kilos ay ang pagbibigay
ng iyong naiintindihan batay sa mga nakatalagang gawain o
babasahin.
Mabuti ang layunin na makasagot ngunit mali ang pamamaraan na
ginamit para sa sitwasyon.
15. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
3. Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon
o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
A. Sino. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng
kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
Halimbawa. Napadaan si Vene sa isang kanto na may
pulubing bulag na nanghihingi ng barya, subalit sa halip
na bigyan niya lamang ito ng barya ay pinakain niya ito sa
isang restoran o kainan. Binilhan niya pa ito ng mga damit
at binigyan ng matitirhan. Mabuti ba ang ginawang kilos ni
Vene? Bakit?
16. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
B. Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito
kalaki o kabigat.
Halimbawa. Gamit pa rin ang naunang halimbawa,
maaaring ang pagpakain at pagbigay ng mga damit at
matirhan ni Vene sa pulubi ay higit sa inaasahan sa
kanya. Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o
nabawasan ang mabuting kilos ni Vene?
17. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
C. Saan. Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa
ang kilos.
Halimbawa. Si Anna at Ruth ay nag-titsismisan sa loob ng
simbahan habang nagsisimba.
Sa iyong palagay, nararapat ba na gawin nila ito sa loob ng
simbahan? Bakit?
Ang pagtsitsismis sa loob ng simbahan ay masamang
kilos at hindi maganda sapagkat ito ay paninirang puri
sa kapwa. Isa pa, nadaragdagan ang masamang kilos
dahil sa lugar kung saan isinagawa ito.
18. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
D. Paano. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang
kilos.
Halimbawa. Si Lay ay isang doktor. Noong nagkapandemya ay hindi
niya inalintana ang panganib na maaring mahawa siya ng sakit.
Bagkus, mas lalo siyang naging masigasig sa pagsisilbi ng buong
puso at pagmamahal sa kanyang mga pasyente.
Mabuti ba o masama ang ginawa ni Lay? Bakit?
Maaaring makabawas o makaragdag ng kasamaan o
kabutihan ang sirkumstansiya. Sa kaso ni Lay, nadaragdagan
ang kabutihan ng kaniyang kilos dahil sa halip na magsilbi
lamang siya batay sa hinihingi sa kanya, ito ay ginawa niya ng
buong puso at pagmamahal
19. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
E. Kailan. Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang
kilos.
Halimbawa. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nina
Vilma. Sa halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala
niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.
Ano ang masasabi mo sa kilos ni Vilma?
Dito ay mas lalong nadaragdagan ang kasamaan ng
kaniyang kilos dahil sa sitwasyon ng pamilyang
nasunugan.
23. Contents Description Assignments Grading Materials Absences
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mag-isip ka
ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan
na may suliranin o paninimbang (dilemma).
Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay
sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito lalo
na nitong panahon ng COVID-19 pandemic.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.
#3: Katulad ng makikita sa mga larawan sa ibaba, pag-aaralan mo ang pagsusuri sa iyong mga kilos at ang pagpili sa mabuti. Haharap ka sa mga sitwasyong kakailanganin mong mamili at magpasya matapos ang pagtataya sa kabutian o kasamaan ng anomang magiging kilos o pasya.
#10: Napakaganda, hindi ba? Kayat marahil ay nararapat lamang na mapagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kaniyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito upang lubos na malaman kung paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos.
#11: Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito. Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang layunin ng tao na nagsasagawa nito. Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapwa.
#13: Samakatuwid, ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos na gagawin dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na matupad. Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano mo ba nahuhusgahan kung ang layunin mo ay mabuti o masama?
#15: Ang pagpakain at pagbigay ng mga damit at matirhan ni Vene sa isang pulubing bulag ay mabuti. Nadaragdagan ito ng panibagong kabutihan dahil ang ginawan niya ay bulag na pulubi. Ikaw, ano ang masasabi mo ukol dito?
#16: Ang uri ng kilos ni Vene ay nagpakita ng mas mabuting kilos dahil maaaring hindi naman ito kailangan niyang gawin.
#19: Tunay ngang makikita na ang kilos ay nagiging mas mabuti o mas masama ayon sa sirkumstansiya. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. Mayroon din namang pagkakataon na kung saan nakapagdaragdag ng panibagong kabutihan o panibagong kasamaan sa kilos na ginagawa
#20: Ang kilos ay tumutukoy sa anumang galaw o gawa na isinasagawa ng isang tao, hayop, o bagay. Sa mas malalim na konteksto, ang kilos ay maaaring:
Pisikal na Galaw - Mga kilos na nakikita, tulad ng paglakad, pagtakbo, o paggalaw ng kamay.
Moral o Etikal na Kilos - Mga gawaing bunga ng pagpapasya na may kaugnayan sa tama o mali, mabuti o masama, tulad ng pagtulong sa kapwa o paggawa ng masama.
Simbolikong Kilos - Mga galaw na nagpapahayag ng damdamin, intensyon, o kahulugan, tulad ng pagyuko bilang tanda ng paggalang.
Sa pangkalahatan, ang kilos ay sumasalamin sa aksyon ng isang nilalang na maaaring may layunin, dahilan, o epekto.
Ang makataong kilos ay tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao na may kaalaman, kalayaan, at kusa. Ang mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ay mahalaga upang maunawaan ang moralidad at pananagutan sa bawat aksyon. Narito ang mga salik na nag-uugnay dito:
1. **Layunin ng Kilos (End)**
- Tumutukoy sa dahilan o intensyon kung bakit isinasagawa ang kilos. Ang layunin ang nagbibigay ng direksyon at kahulugan sa kilos.
2. **Paraan ng Kilos (Means)**
- Tumutukoy sa pamamaraang ginamit upang maisakatuparan ang layunin. Ang moralidad ng paraan ay mahalaga dahil hindi makatarungan ang layunin kung ang paraan ay masama.
3. **Sirkumstansya (Circumstances)**
- Tumutukoy sa mga kalagayan o kondisyon na nakaaapekto sa kilos, tulad ng oras, lugar, at mga taong sangkot. Nakakaapekto ito sa bigat ng pananagutan o moralidad ng kilos.
4. **Kaalaman (Knowledge)**
- Tumutukoy sa antas ng kaalaman ng tao sa kanyang kilos. Ang makataong kilos ay dapat isinasagawa nang may malinaw na kaalaman kung ano ang mabuti o masama.
5. **Kalayaan (Freedom)**
- Tumutukoy sa kalayaang pumili ng tao. Ang isang kilos ay maituturing na makatao kung ito ay isinagawa nang kusa, walang pilit o pananakot.
6. **Kusang-loob (Voluntariness)**
- Tumutukoy sa kakayahan ng tao na magsagawa ng kilos nang may malayang pagpapasya. Ang kilos na hindi lubos na kusang-loob (halimbawa, dala ng takot) ay maaaring makabawas sa pananagutan ng isang tao.
7. **Resulta ng Kilos (Consequences)**
- Tumutukoy sa epekto o bunga ng kilos sa ibang tao o sa kapaligiran. Ang resulta ay nakaaapekto rin sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o masama.
Sa kabuuan, ang mga salik na ito ang nagbibigay ng gabay sa tao upang suriin ang kanyang kilos at maging mas responsable sa kanyang mga desisyon at gawain.
Hindi maaaring ihiwalay ang **panloob na kilos** (interior act) at **panlabas na kilos** (exterior act) dahil ang dalawang ito ay magkaugnay at bumubuo sa kabuuan ng makataong kilos. Ang pagkakahiwalay ng dalawa ay magdudulot ng hindi lubos na pagkaunawa sa moralidad at intensyon ng kilos. Narito ang mga paliwanag:
1. **Ang Panloob na Kilos ang Nagtutulak sa Panlabas na Kilos**
- Ang panloob na kilos ay tumutukoy sa intensyon, layunin, o motibo ng isang tao. Ang mga ito ang nagiging batayan at dahilan kung bakit isinasagawa ang panlabas na kilos. Halimbawa, ang pagtulong sa kapwa (panlabas na kilos) ay maaaring mula sa layunin na magbigay ng tulong (mabuting panloob na kilos) o kayay mula sa layunin na magpasikat lamang (masamang panloob na kilos).
2. **Ang Panlabas na Kilos ang Nagpapahayag ng Panloob na Kilos**
- Ang panlabas na kilos ay ang konkretong pagsasakatuparan ng intensyon o layunin. Sa pamamagitan nito, naipapakita ang tunay na nilalaman ng panloob na kilos. Halimbawa, kung ang layunin ng isang tao ay tumulong, makikita ito sa aktwal niyang pagbibigay ng tulong.
3. **Ang Moralidad ng Kilos ay Nakabatay sa Ugnayan ng Dalawa**
- Ang moralidad ng isang kilos ay hindi maaaring matukoy kung ang isa lamang ang susuriin. Ang isang mabuting layunin (panloob) ay hindi magiging moral kung ang paraan ng pagsasakatuparan (panlabas) ay masama. Halimbawa, hindi maaaring ituring na mabuti ang pagnanakaw upang makatulong sa mahihirap, dahil ang panlabas na kilos ay masama.
4. **Ang Kabuuang Pananagutan ay Nakadepende sa Ugnayan Nila**
- Ang tao ay may pananagutan sa kanyang kilos kung ito ay isinagawa nang buo mula sa panloob na pagpapasya hanggang sa panlabas na pagkilos. Kapag pinaghiwalay ang dalawa, hindi lubos na maipapaliwanag ang intensyon at resulta ng kilos.
### Halimbawa:
Kung ang isang tao ay nagbigay ng donasyon:
- **Panloob na Kilos:** Ang intensyon ay makatulong sa nangangailangan.
- **Panlabas na Kilos:** Ang aktwal na pagbibigay ng donasyon.
Kung walang mabuting layunin, ang kilos ay maaaring gawin para lamang sa papuri o pansariling interes, na nagpapabawas sa kabutihan ng kilos.
Sa kabuuan, ang panloob at panlabas na kilos ay hindi maihihiwalay dahil magkasama silang bumubuo ng kabuuan ng kilos ng tao. Ang kanilang ugnayan ang nagbibigay ng halaga, moralidad, at pananagutan sa isang gawain.