2. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs)
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos
Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal
sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay.
Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa.
Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos.
CONTENT/CORE CONTENT
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal ng
Diyos.
3. A. Panimula
Layunin ng aralin na ito na magabayan ka na
maunawaan na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo
ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin
Siya at ang lahat ng Kaniyang nilikha lalot higit ang
ating kapuwa. Ang pagmamahal na ito ang susi ng
pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at
pananampalataya sa Diyos.
Sa iyong sagutang papel ay gawin ang gawain sa ibaba.
Sundin ang mga sumunod na panuto:
Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang
tao ayon sa sumusunod na aspekto (pangkatawan,
panlipunan, pangkaisipan, emosyonal, at espiritwal).
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
4. Tanong:
1.Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga
aspektong nabanggit?
2.Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal?
Ipaliwanag.
3.Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang
pinakamahalaga? Bakit?
5. Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat sa loob ng bilog ang mga dahilan bakit
mahalaga ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Mga Tanong:
1. Madali ba para sa iyo ang
sagutan ang naunang gawain?
2. Sa apat na dahilan na iyong
isinulat, ano ang pinakahigit sa
lahat? Pangatwiranan.
3. Paano ito makakatulong
upang mapalapit ka pa sa
Diyos?
6. B. Pagpapaunlad
Basahin sa Pagpapalalim sa pahina 241-249 sa EsP 10 Learners Material ang sumusunod na
talata patungkol sa ugnayan ng Diyos at tao at pagpapakita ng malalim na pagmamahal sa
Panginoon. Sagutan sa sagutang papel ang mga tanong na nasa loob ng kahon.
Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito,
ano ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o
kakaiba ang iyong pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang
paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong mundo. Sa
pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na
ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito,
nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap,
magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan
ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang
ugnayan. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan
kung may kasama itong pagmamahal.
7. Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha
dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya
ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu
na nagpapabukod tangi at nagpapakawangis sa
kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay
ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona.
Ang persona, ayon kay Scheler ay, ang pagka-ako
ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya.
Kayat ang espiritwalidad ng tao ay galing sa
kaniyang pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung
isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan
ng Diyos at kung paano niya minamahal ang
kanyang kapuwa.
8. Ang espiritwalidad ay pagkakaroon ng diwa kung ang espiritu
ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang
kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan. Kayat anuman ang relihiyon ng
isang tao- ito man ay Kristiyanismo, Islam, Buddhismo at iba pa-
ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya
nakakatagpo ang Diyos.
Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula
sa kaniyang pagtatanong kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga
pagsubok o problema na kaniyang pinagdaraanan, marahil nagtatanong
ang tao kung may Diyos bang makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang
mga pagtatanong. Dito kailangan niya ang pananampalataya. Ang
pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa
itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng
presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong
biyaya na maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa
pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi
nakikita.
Ang tunay
na diwa ng
espiritwalid
ad ay ang
pagkakaroo
n ng
mabuting
ugnayan sa
kapuwa at
ang
pagtugon
sa tawag ng
9. Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.
Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anuman ang kulang
sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat
ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.
Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya? Ito
ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?
Kung kayat, ang pananampalataya ay hindi maaaring lumago kung
hindi isinasabuhay para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng
tao ang kaniyang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng
aktuwal na pagsasabuhay nito. Wika nga ni Apostol Santiago sa
Bagong Tipan, Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay
patay (Santiago 2:20). Ibig sabihin, ang mabuting kilos at gawa ng
tao ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang
pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.
10. Anoman ang gawin mo sa iyong kapuwa, ginagawa mo sa iyong sarili. Naipapahayag ang
pananampalataya sa Diyos sapamamagitan ng relihiyon. Maaaring ibat iba ang relihiyon at ang
pamamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya, mahalagang igalang ang mga ito.
Magkakaiba man ang turo o aral ng bawat isa, ang mahalaga ay nagkakaisa sa iisang layuning
magkaroon nang malalim na ugnayan ang tao sa Diyos at kapuwa.
Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas nito. Naririto ang
ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Panalangin Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri,
pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya.
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay Sa buhay ng tao,
napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang
tao ay makapagisip at makapagnilay.
11. 3. Pagsisimba o Pagsamba Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang
pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon.
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos,
nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral.
5. Pagmamahal sa Kapuwa Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang
ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay
kasama ang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad Malaki ang naitutulong ng
pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay
nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
Tanong: Alin sa sumusunod na paraan ang iyong nagagawa
upang mapalalim ang iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.
12. Sinasabi sa Juan 4:20, Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa
kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya
magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?
Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.
1. Affection Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o
palagay na ang loob sa isat isa.
Sitwasyon:
Si Anna ay masipag na estudyante at madalas niyang iniintindi ang kanyang
nakababatang kapatid na si Ben. Isang araw, napansin ni Ben na pagod si Anna
dahil sa dami ng kanyang schoolwork. Upang ipakita ang kanyang
pagmamalasakit, nagluto si Ben ng paboritong pagkain ni Anna bilang
pasasalamat at para mapagaan ang kanyang pakiramdam.
13. 2. Philia Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang
iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
Sitwasyon:
Si Mark at si John ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Isang araw, si
John ay nagkaroon ng mabigat na problema sa kanyang pamilya, at ito'y
nagdulot sa kanya ng matinding lungkot. Bilang suporta, si Mark ay laging
nandiyan para makinig sa kanyang mga hinaing, nagbibigay ng payo, at
sinamahan siya sa mga mahahalagang bagay tulad ng pag-aayos ng mga isyu
sa pamilya. Kahit abala si Mark sa kanyang trabaho, sinisigurado niyang
naroon siya para kay John bilang isang tunay na kaibigan.
14. 3. Eros Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano
ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya
dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.
Sitwasyon:
Si Mia at si Leo ay magkasintahan. Sa isang romantikong gabi, sinorpresa ni Leo
si Mia sa kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang hapunan sa ilalim ng
mga bituin. Habang hawak ang kanyang kamay, tinitingnan ni Leo si Mia sa
mata at sinabing, "Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Mahal na
mahal kita." Si Mia, na lubos ang saya, ay niyakap si Leo at sinabing, "Ako rin,
Leo. Ikaw ang nagbibigay-kulay sa buhay ko."
15. 4. Agape Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal
na walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila
ng mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang
minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa Kaniya.
Sitwasyon:
Si Clara ay laging tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang komunidad.
Isang araw, may isang matandang walang tirahan na nakita niya sa daan. Kahit
limitado ang kanyang pera, bumili siya ng pagkain at tubig para sa matanda.
Binisita rin niya ang matanda araw-araw upang tiyaking maayos ang kalagayan
nito at tinulungan siyang makahanap ng tirahan sa tulong ng mga lokal na
organisasyon. Hindi niya inaasahan ang anumang kapalitang nais lamang niya
ay makatulong nang bukal sa loob.
16. Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na
tularan ang Diyos. Sikapin natin na mahalin ang ating
kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal
natin sa Diyos na Lumikha.
Tanong: Nagsusumikap ka bang magmahal
para sa Diyos? Pangatwiranan.
17. Gawain sa Pagkatuto 2: Suriin ang mga sitwasyon na nasa loob ng kahon. Sa tapat nito ay
isulat kung ano ang iyong gagawin upang mapangatwiranan mo na ang pagmamahal sa
Diyos ay nakatutulong upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay at ito ay
nangangahulugan ng pagmamahal sa kapwa.
Mga sitwasyon Ang aking
gagawin
1. Mahal na mahal mo ang iyong mga magulang. Isang
araw, habang ikaw ay nasa paaralan, nakatanggap ka ng
balita na naaksidente sila at nag-aagaw buhay sa
ospital. Hindi ka nakalilimot sa Diyos sa araw-araw at
nagsisilbi ka sa inyong simbahan. Ngunit pareho silang
binawian ng buhay dahil sa aksidente na kanilang
sinapit. Sisisihin mo ba ang Diyos sa pangyayaring ito?
18. Mga sitwasyon Ang aking gagawin
2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa
inyong bahay, may nakita kang isang lalaking
nakahandusay sa kalsada. Siya ay duguan at halos hindi
na humihinga. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan
mong siya ang lalaking bumugbog sa iyong ama na
naging dahilan ng pagka-ospital nito. Ano ang iyong
gagawin?
3. Kumatok ang iyong kapitbahay at humihingi sa iyo ng
tulong dahil ang kaniyang anak ay may malubhang
karamdaman. Noong araw na iyon, sakto lamang ang
iyong pera para sa inyong gastusin sa bahay. Ano ang
iyong gagawin?
21. D. Paglalapat
Ang ___________________ ay hindi maaaring lumago kung hindi
________________ para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao
ang kaniyang pananampalataya sa __________________ sa pamamagitan
ng aktuwal na _____________________ nito.
Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin
na ______________ ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng
pagmamahal natin sa ______________ na Lumikha.
22. VI. REFLECTION
1. Paano mo mapalalago at mapalalalim ang
iyong pagmamahal sa Diyos at pakikipag-
ugnayan sa kapuwa gamit ang iyong bagong
kaalaman at reyalisasyon na iyong
natutuhan? Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
Editor's Notes
#12: Ang simpleng kilos ni Ben ay nagpapakita ng affection o pagmamahal sa kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagkalinga at pag-aalala sa nararamdaman nito.
#13: Ang ganitong klaseng pagmamalasakit at suporta ay nagpapakita ng Philia, ang pagmamahal sa pagitan ng magkaibigan na may pundasyon sa tiwala, respeto, at malasakit.
#14: Ang ganitong uri ng pagmamahal ay Eros, na naglalarawan ng romantiko at masidhing pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao, kadalasang may kasamang emosyonal at pisikal na atraksyon.
#15: Ang ganitong uri ng pagmamahal ay Agape, na tumutukoy sa walang pag-iimbot na pagmamahal sa kapwa, kadalasang ipinapakita sa pamamagitan ng kabutihan, malasakit, at habag, kahit hindi kilala o walang inaasahang gantimpala.
#16: Tanong: Nagsusumikap ka bang magmahal para sa Diyos? Pangatwiranan.
Sagot:
Oo, nagsusumikap akong magmahal para sa Diyos dahil naniniwala ako na ito ang pinakamataas na anyo ng pagmamahal na nagbibigay kahulugan at direksyon sa ating buhay. Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang nasusukat sa pananalangin o pagsamba, kundi sa kung paano natin isinasabuhay ang Kanyang mga aralpagiging mabuti sa kapwa, pagpapakita ng malasakit, pagpapatawad, at pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi nangangailangan ng perpektong pagkilos, ngunit ng taos-pusong pagsisikap na magpakabuti sa bawat pagkakataon. Sa tuwing nagpapakita tayo ng malasakit sa iba o nagsusumikap tayong gawin ang tama kahit mahirap, ipinapakita natin ang pagmamahal natin sa Diyos, dahil sinabi Niya, Anuman ang ginawa ninyo para sa isa sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo para sa akin (Mateo 25:40).
Kaya, ang pagmamahal para sa Diyos ay nasasalamin sa ating paggalang, pag-ibig, at paglilingkod sa ating kapwa, na siyang nagpapalalim ng ating kaugnayan sa Kanya.