Mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano
Convert to study materialsBETA
Transform any presentation into ready-made study material—select from outputs like summaries, definitions, and practice questions.
1 of 30
Downloaded 316 times
More Related Content
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikano
2. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Nangyari ito noong Agosto 13, 1898 upang palabasin na
tinalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol sa labanan.
_____________
a. Labanan sa Look ng Maynila
b. Mock Battle of Manila
2. Ito ang naging simula ng labanan sa pagitan ng mga
Amerikano at Espanyol. ____________
a. Paglubog ng barkong Maine
b. Labanan sa Balangiga
3. 3. Nakilala ang kabayanihan, katapangan at pagiging matapat
ni Gregorio Del Pilar sa labanang ito. _____________
a. Labanan sa Pasong Tirad
b. Kasunduang Bates
4. Ang patakarang ito ay nagsasaad na ang mga Amerikano ay
magsisilbing kaibigang mangangalaga sa kaligtasan,
kapayapaan at kaunlaran ng mga mamamayang Pilipino.
___________
a. Kasunduan sa Paris
b. Benevolent Assimilation
4. 5. Sa pangyayaring ito nagwakas ang digmaang Pilipino-
Amerikano. _____________
a. Pagsuko ni Heneral Miguel Malvar
b. Unang putok sa panulakan ng Calle Sociego
8. Amerikanisasyon – tawag sa paraan ng paghubog sa puso at
isip ng mga Pilipino upang ituro ang pagpapahalaga sa
kulturang Amerikano
Paaralang pambayan – uri ng paaralang pinamamahalaan
ng pamahalaan at ito ay bukas at walang bayad para sa
lahat ng mamamayan
Thomasites – unang grupo ng mga Amerikanong gurong
dumating sa bansa na sakay ng barkong SS Thomas upang
turuan ang mga Pilipino
9. Demokrasya – Sistema ng pamahalaang nagbibigay ng
Kalayaan at pantay na karapatan sa bawat mamamayan
nito
11. Sistema ng
edukasyon
Binigyang diin ang
pangkalahatang
edukasyon at
demokrasya
Nagpatayo ng mga
paaralan na
nagtuturo ng iba’t
– ibang asignatura
Itinakda ang
wikang Ingles
bilang wikang
panturo
12. Tatlong pangunahing layunin ng
edukasyon noong panahon ng
Amerikano :
1.Pagpapalaganap ng demokrasya
2.Pagtuturo ng wikang Ingles
3. Pagpapakalat ng kulturang
Amerikano
13. Sa panahon ng mga Amerikano naging bukas para sa
lahat ang edukasyon
Nakapagpatayo ng pantay na bilang ng paaralan sa iba’t
– ibang bayan
Naitatag ang mga pampublikong paaralan
Sapilitan ang ginawang pagpapatala ng mga batang may
sapat na gulang sa paaralan
Nagbigay ng libreng gamit sa paaralan ang sinumang
magpapatala
14. Nabuksan din ang mga paaralang normal,
bokasyonal, pansakahan at pangangalakal
Ilan sa mga kolehiyo at Pamantasan na naitatag noong
panahon ng mga Amerikano ay:
Philippine Normal School (1901)
Silliman University (1901)
Centro Escolar University (1917)
Unibersidad ng Pilipinas (1908)
Unibersidad ng Maynila (1914)
Philippine Women’s University (1919)
Far Eastern University (1919)
15. Ang kurso sa elementarya ay nagtatapos sa loob ng
pitong taon
Apat na taon naman ang sa sekundarya
Itinatag din ang Kagawaran ng Pagtutuong
Pampubliko o Department of Public Instruction
nooong 1901
16. Mayo 1898 – itinatag sa Corregidor ang unang
Amerikanong paaralan matapos ang labanan sa Maynila.
Agosto 1898 – pitong paaralan ang binuksan sa Maynila
sa ilalim ng pamamahala ni Fr. William McKinnon
1898 – itinalaga si Lt. George P. Anderson bilang unang
superintendent ng mga paaralan sa Maynila
17. 1903 – itinatag ang Bureau of Education at si Dr.
David Barrows ang unang direktor.
Binuksan din ang mga pang-araw at pang- gabing
paaralan sa mga bayan at lalawigan.
Karamihan sa mga panggabing paaralan ay para sa
mga matatanda na nagnanais matuto ng salitang
Ingles.
18. Ipinagpatuloy rin ng mga Amerikano ang mga
pribadong paaralang sinimulan noong panahon
ng mga Espanyol
Ang matatalinong mag-aaral na Pilipino ay
ipinapadala sa Estados Unidos upang makapag –
aral nang libre. Pensiyonado o iskolar ang tawag
sa kanila.
20. Ang mga Thomasites ang mga unang guro na ipinadala
ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Sila ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong
S.S. Thomas.
600 ang mga Thomasites na dumating at nagsilbing guro
ng mga Pilipino
25. Nagpatayo ang mga Amerikano ng mga paaralang elementarya at
sekundarya
Dito ay nagturo ng iba’t – ibang asignatura ang mga Thomasites
tulad ng:
 pagbasa
 pagsulat
 Aritmetika
 Agham panlipunan
 Musika
 Pagguhit
 Sining
 Industriya
 Karunungang pangkarakter
 Edukasyong pangkalusugan at pisikal
26. Itinakda ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan
Ang Ingles ay itinuturo sa lahat hindi katulad ng wikang
Espanyol na tanging mayayamang Pilipino lamang ang
natutong magsalita
Sa pagkatuto ng Ingles, mabilis natuto ang mga Pilipino ng
kultura at pagpapahalagang Amerikano
Nabasa ang mga aklat mula sa Estados Unidos na
naglalaman ng kasaysayan at kultura ng mga Amerikano
na higit nilang pinahalagahan kaysa sa sariling kultura
27. Naging matagumpay ang edukasyon sa panahon ng mga
Amerikano
Nakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon
kaya’t maraming magulang at anak ang nagsakripisyo at
nagkahilig sa pag – aaral.
Ito rin ang naging katulong ng mga Amerikano upang
mapaamo at mapasunod ang mga Pilipino
Higit na binigyang halaga ang pagmamahal sa kulturang
Amerikano kaya’t hindi nabigyang – halaga ang
pagmamahal sa sariling bansa at kultura.
Nahubog ang kaisipang kolonyal sa mga Pilipino na taglay
pa rin ng marami hanggang ngayon.
28. Yumabong ang panitikang Pilipino na
nagsusulat sa wikang Ingles.
Maraming Pilipinong manunulat ang
naging tanyag sa larangan ng tula,
sanaysay, maikling kwento, dula at nobela
29. Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang wikang panturong ginamit sa paaralan sa
Panahon ng mga Amerikano?
2. Anu – ano ang mga asignatura sa paaralan sa
Panahon ng mga Amerikano?
3. Sino ang mga unang guro sa panahon ng mga
Amerikano?
4. Bakit nahikayat ang karamihan sa mga kabataang
Pilipino na pumasok sa paaralan?
5. Naibigan ba ng mga Pilipino ang edukasyoong
ipinakilala ng mga Amerikano sa bansa? Bakit?