5. SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig
ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa
paraan ng pagbasa.
halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang
pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
8. 3. lalabing-animin –
hal. Sai-saring bungangkahoy,
hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang
may bakod pa a paligid
9. 4. Lalabingwaluhin –
hal. Tumutubong mga palay,gulay at
maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may
bakod pang kahoy na malabay
10. Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay
may sesura o hati na nangangahulugang saglit na
paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na
pantig.
Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig,
Pg-ibig!
11. Noong panahon ng Hapon, may
tulang dinala rito ang mga Hapones.
Ito ang tinatawag na Haiku, na may
limang pantig lamang sa loob ng
isang saknong at Tanaga na may
pitong pantig sa loob ng isang
saknong.
12. Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
Ang couplets, tercets at quatrains ang mada-
las na ginagamit sa mga tula.
13. TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi
angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa
-bing may tugma ang tula kapag ang huling
pantig ng huling salita ng bawat taludtod
ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga-
ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-
bigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
14. MGA URI NG TUGMA
2.Tugma sa patinig (Ganap)
hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala
hal. Kapagka ang tao sa
saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang
wastong ugali
15. Para masabing may tugma sa patinig,
dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasu-
nod o salitan.
hal. a a a
a a b
a b a
a b b
16. 2. Tugma sa katinig (Di-ganap)
a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t
hal. Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y
hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
17. KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa:
maganda – marikit
mahirap - dukha o maralita
18. TALINHAGA
Magandang basahin ang
tulang di tiyakang tumutukoy sa
bagay na binabanggit. Ito’y
isang sangkap ng tula na may
kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula.
Hal: nag-agaw buhay
nagbababnat ng buto
20. 1. MALAYANG TALUDTURAN
• Isang tula na isinulat nang walang
sinusunod na patakaran kung hindi ang
anUmang naisin ng sumusulat.
• Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni
Alejandro G. Abadilla
21. 2. TRADISYONAL NA TULA
Ito ay isang anyo ng tula
na may sukat,tugma at mga
salitang may malalim na
kahulugan.
22. 3. May sukat na
walang tugma
4. Walang sukat na
may tugma
23. MGA KATUTUBONG TULA
• DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng
pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may
isahang
• TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na
binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada
saknong na may isahang tugmaan.
•
• DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng
walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may
isahang tugmaan