4. SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
5. Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin –
hal. Isda ko sa Mariveles -
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
6. 3. labing-anim –
hal. Sari-saring bungangkahoy, hinog
na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod
pa sa paligid
4. Labingwalo –
hal. Tumutubong mga palay,gulay at
maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod
pang kahoy na malabay
7. Ang mga tulang may lalabingdalawa at labingwalo ay
may Sesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto
ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.
Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig,
Pag-ibig!
8. Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet 6 linya - sestet
3 linya - tercet 7 linya - septet
4 linya - quatrain 8 linya - octave
5 linya – quintet
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na
ginagamit sa mga tula.
9. TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng
mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang
tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong
nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
10. MGA URI NG TUGMA
1. Ganap
hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala
hal. Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
11. 2. Di-Ganap
a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t
hal. Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y
hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
12. KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
13. TALINGHAGA
Magandang basahin ang tulang di
tiyakang tumutukoy sa bagay na bina-
banggit. Ito’y isang sangkap ng tula
Na may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula.
14. Larawang Diwa
Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
halimbawa:
Kung ang bayang ito’y mapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak,asawa,magulang,kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
15. Simbolismo
Ito ang mga salita sa tula na may
kahulugan sa tula na may kahulugan sa
mapanuring isipan ng mambabasa..
halimbawa:
puno-buhay
ilaw-pag-asa
tinik-hirap
Bathala-Panginoon
16. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang ponemang suprasegmental ay ginagamit upang
higit na maging mabisa ang ating pakikipagtastasan..
halimbawa:
1. Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
3 sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
17. 2. Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isangpantig ng salitang
binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.
18. 4. Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng salita:
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado