1. PROYEKTO
Sa
HEKASI
V-Zeus Pangkat 3
Ipinasa Kay:
Gng.Jessica De Vera
2. Ginawa at sinaliksik ni:
Sean Henrick V. Cruz
Kasama sina:
Ana Marie Obumani
Jerome Licudine
Gwyneth Punzalan
Beverly Melchor
Cheszie De Paz
Alessandra Dela Cruz
Geoseff Earl Castillanes
Ceazar Purgatoryo
2
3. Elpidio Rivera Quirino
Ika-6 Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Nobyembre 16, 1890 - Pebrero 29, 1956
4. TALAMBUHAY
Kapanganakan : Nobyembre 16, 1890 ,Vigan, Ilocos Sur
Magulang : Mariano Quirino at Gregoria Rivera.
Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong
1915.
Pamilya : Asawa : Alicia Syquia
Mga Anak :Fe, Armando, Norma, Thomas
at Victoria
Panunungkulan: Abril 18, 1948 (halal Disyembre 30,1949) -
Disyembre 30, 1953
Siya ang unang Ilokanong pangulo.
Kamatayan: Pebrero 29, 1956 Lungsod ng Quezon
(Atake sa Puso)
5. Panunumpa
Nahalal sa Kongreso noong 1919.
Hiniram na Kalihim ng Pananalapi
ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at
naging kasapi ng "Constitutional
Convention".
Naging pangalawang pangulo siya
ni Manuel Roxas noong1946.
Nanumpa bilang Pangulo
pagkaraang mamatay si Roxas
noong Abril 17, 1948.
Tumayo bilang first lady ng bansa
ang bunsong anak ni Pang. Quirino na
si Victoria .
6. Pagharap ng Suliranin sa mga Huk
(Hukbalahap)
Kinaharap ng administrasyong
Quirino ang isang malubhang banta
ng kilusang komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya
Laban Sa mga Huk. Bilang Pangulo,
muli niyang itinayo ang ekonomiya ng
bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka,
at mga industriya.
Pinili ni Pang. Quirino si Ramon
Magsaysay bilang Kalihim ng
Tanggulang Pambansa .Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga
Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc.
7. Amnestiya para sa mga Huk
Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps
(EDCOR) . Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi
ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng
lupang masasaka.
8. Sa Pamamahala ng Pangulong
Elpidio Quirino :
Itinatag niya ang PACSA (Presidential Action
Committee on Social Amelioration) upang
matulungan ang mahihirap at mga nangangailangan.
Pinagtibay rin ng pamahalaan ang Batas sa
Pinakamababang Sahod na nagtatakda sa mga
manggagawa, guro at iba pang kawani ng
pamahalaan.
Itinatag din noong ika-3 ng Enero 1949 ang
Central Bank of the Philippines upang maging
matatag ang pananalapi.
9. Itinatag ang ACCFA (Agricultural Credit and
Cooperative Financing Administration )upang tumulong
sa magsasaka na maipagbili ang kanilang mga produkto.
Paglagda ng kasunduang Quirino Foster na
naglalayong isulong ang pagtutulungan ng Pilipinas at
Amerika sa pagpapaunlad ng bansa.
Mutual Defense Act ng 1949
Ang pagpapanumbalik ng pagtitiwala ng mga tao sa
pamahalaan,kapayapaan at kaayusan sa bansa sa
pamamagitan ng mabuting pakikitungo sa mga Huk ay
ang pangunahing naiambag ni Pangulong Quirino.
10. Konklusyon:
Naging matagumpay ang kampanyang
pangkapayapaan ng Administrasyong
Quirino, subalit nabigo ang kanyang
mga programang pangkaunlaran
sapagkat laganap ang katiwalian sa
pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo
sa sumunod na halaan noong 1953 ni
Ramon Magsaysay .