24. EPIKO
Ito ay nagmula sa sinaunang salitang
Griyego (Greek) na 畆旅虜 (epikos),
at 畆凌 (epos) na nangangahulugang
"salita", "kuwento", o "tula". Ito ay mga
tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at
kabayanihan ng isang tao (partikular sa isang
lalaki).
25. Itoy kathang isip lamang
subalit nagtatampok ng
katapangan at
pakikipagsapalaran ng
tauhan na itinuturing na
bayani ng epiko.
26. URI NG EPIKO
Ayon sa pananaliksik ni Dr. Arsenio
Manuel
1. Microepic
Isang epikong maituturing na
maikli.
Natatapos ang pagbigkas at pag-
awit sa isang pagkakataon
lamang.
27. Wala na itong sanga-sangang
pangyayari.
Kapag binasa ay maaaring matapos
sa isang upuan lamang.
Ito ay may simula at wakas.
Hal.
Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano
Tudbulul ng mga Tboli
28. 2. Macroepic
Sa epikong ito, ipinapakita lamang
ang isang partikular na bahagi.
Hal.
Humadapnon mula sa epikong
Hinilawod
Bantugan mula sa epikong Darangan
29. 3. Mesoepic
Uri ng epikong nagtataglay ng
masasalimuot na pangyayari at
insidente.
Hal.
Agyu
30. Mga Katangian ng Epiko
1. Ang pakikipagsapalaran o
pag-alis ng pangunahing
tauhan sa kaniyang
bayan.
2. Ang pagkawala at
paghahanap ng bayani sa
kaniyang minamahal.
31. Mga Katangian ng Epiko
3. Ang pakikipagtunggali o
pakikibaka ng bayani sa mga
hindi pangkaraniwan o mga
kagila-gilalas na kalaban.
4. Ang pagtataglay ng isang
mahiwagang bagay o agimat ng
bayani na maaaring makatulong
sa pagpukos ng kaaway.
32. Mga Katangian ng Epiko
5. Ang pamamagitang ginagawa
ng isang bathala upang
masawata ang digmaan.
6. Ang pagkamatay ng bayani at
ang muli niyang pagkabuhay.
7. Ang matagumpay na
pagbabalik ng bayani sa sariling
bayan.
33. Mga Katangian ng Epiko
8. Ang pag-aasawa ng bayani at
ang kanilang pamumuno sa
kanilang bayan
34. Batay sa aklat nina Jose A.
Arrogante, et al. (2001) Taglay
ng epiko ang sumusunod na
katangian
1. Mayroon itong katangian ng
sobrenatural.
2. Mahiwaga at kagila-gilalas ang
pangunahing tauhan dahil sa taglay na
katangian o kapangyarihan.
35. 3. Ang tauhan ay hindi
pangkaraniwang tao at
kinikilalang bayani ng kanilang
bayan.
4. Kinapapalooban ito ng mga
paniniwala, kaugalian, at
mithiin ng mga tao.