3. Awitin ang rap na nasa ibaba:
Yo, yes yes yo!
Tingin dito, tingin doon,
Sa paligid nating bigay ng Poon
Maraming bagay na mayroon
Sa proyektong naiisip
Materyales na tugon
Niyog, buri, dahon at kawayan
Abaka, damo, kahoy at talahib man
Kapaki-pakinabang silang tunay
Halinat gamitin nang buong husay
Yo, yes yes yo!
4. Tungkol saan ang isinasaad sa awiting
rap?
Ano-anong materyales na matatagpuan sa
pamayanan ang nabanggit sa awiting rap?
Magbigay ng mabubuong proyekto sa mga
materyales na nabanggit.
Bakit mahalaga ang pangangalaga sa mga
bagay na nasa ating kapaligiran?
5. A. Ang ating bansa ay sagana sa materyals na
mayroon sa mga pamayanan. Ilan sa mga ito ay ang
mga halamang tanim at iba pang yamang-dagat.
Bawat materyales ay may angkop na gamit na
dapat alamin upang makagawa ng higit na maganda at
matibay na proyekto. Ilan sa mga materyales na
matatagpuan sa pamayanan ay ang
sumusunod:
6. 1. Tabla at kahoy Ang mesang kinakainan, silyang
inuupuan, at aparador na pinaglalagyan ng ibat ibang
mga kagamitan, dingding at kisame ng bahay ay ilan
lamang sahalimbawa ng mga kagamitan na yari sa
materyales na ito.
7. Ang kahoy at tabla ay nagmula sa mga puno
tuld ng molave, narra, yakal, kamagong, apitong, at
iba pa.
Tiyakin lamang na ang uri ng kahoy na
gagamitin ay tuyong-tuyo upang maiwasan ang pag-
urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok nito, at
pagkasira ng ginawang proyekto.
8. 2. Abaka Ang abaka ay isang uri ng halaman na
nahahawig sa puno ng saging maliban sa mga
dahon,dahil higit na malalapad ang dahon nito kaysa
sa dahon ng saging. Karaniwan itong itinatanim sa
lalawigan ng Bicol, Silangang Visayas, at Mindanao.
9. Ang lalawigan ng Davao ay kilala sa malawak na
taniman ng abaka. Ang mga hibla nito na buhat sa
puno ang siyang ginagamit sa paggawa ng mga
basket, punasan ng paa, tsinelas, sinturon, mga
palamuti, at iba pang kagamitang pambahay. Dahil
matibay ito, kilala rin ang abaka sa paggawa ng
lubid o pisi na ginagamit kahit na sa ibang bansa.
10. 3. Niyog Ito ay tinatawag ding Puno ng Buhay
dahil sa ang bawat bahagi nito ay may sadyang
gamit. Mula sa mga ugat hanggang sa mga dahon
ay napapakinabangan.
11. Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari
ring gawing pangkulay. Ang mga hibla ng bunot ay
ginagawang lubid, bag, at pahiran ng paa.Karaniwan
ding ginagawa at ginagamit ang katawan ng puno ng
niyog na haligi at sahig ng mga bahay at ng iba pang
mga kagamitang pambahay.
12. 4. Pandan Ito ay karaniwang tumutubosa gilid ng
pampang kung saan ay mabuhangin o sa mga gilid
ng bundok o malapit sa lawa o latian. Hindi
ito gaanong tumataas at ang mga palapa ay may
bulo sa gilid. Malalapad at mahahaba ang mga
dahon nito na nahahawig sa dahon ng pinya.
13. Mainam itong gamitin sa paggawa ng banig, sapin
sa plato, sombrero, bag, tsinelas, tampipi, at iba pa.
Masagana itong tumutubo sa mga lalawigan ng
Laguna, Bicol, Visayas, at Mindanao.
14. 5. Buri ang buri ay isa sa pinakamalaking
palmera na tumutubo sa bansang Pilipinas. Ang
mga nagagawang hibla ng buri ay kinukuha sa mga
murang dahon at ginagawang banig, tampipi,
sombrero, pamaypay, bag, lubid, basket,
15. at iba pa. Ginagawa ring walis, at basurahan ang
buong palapa nito. Ang buri ay itinatanim saan
mang dako ng bansa.
16. 6. Nito Ito ay isang uri ng pako o fern na may
mga dahon, ugat, at tangkay, ngunit walang
bulaklak at buto. Makikita itong tumutubo nang
pagapang at pumupulupot na animoy baging.
Mainam itong tumubo sa mga malilim at laging
17. basang lugar. Mainam itong biyakin habang sariwa
pa at saka ilubog sa putik nang tumibay at
pumantay ang pagkaitim. Kung ito ay bibiyakin
nang tuyo na , ilubog muna ito sa tubig upang
mabawasan o maalis ang lutong at madaling
mahubog o bigyan ng hugis. Ginagamit itong
pantahi sa mga gilid ng bilao, basket, bag, at iba
pang gamit na pampalamuti.
18. 7. Nipa Ito ay isang uri ng palmera na karaniwang
tumutubo sa ilang lalawigan tulad ng Pampanga,
Cebu, Cagayan, at Mindoro. Itoy tumutubo sa mga
tubigan. Ang mga mura at hindi pa bukang dahon ay
tinitipon nang hiwalay
19. at pinatutuyo sa araw. Ginagamit ang mga ito sa
paggawa ng mga kapote at pamypay. Ang
magugulang na dahon naman ay ginagamit na
pang-atip ng bahay..
20. 8. Rattan ang halamang itoy tumutubo sa halos
lahat ng lalawigan. Kilala sa tawag na yantok at
ginagamit sa paggawa ng mga muwebles, bag,
basket, duyan, at mga palamuti.
21. 9. Damo Kilala sa mga halamang damo na may
halaga ang vetiver at tambo. Ang damong vetiver ay
karaniwang tumutubo sa mga latian at pampang.
Ang mga uagat ay inilulubog sa tubig sa loob ng 20
minuto at saka babayuhin upang
22. Maalis o matanggal ang balat. Itoy ginagamit sa
paggawa ng mga pamypay dahil sa kaaya-aya ang
amoy nito. Ang tambo naman ay karaniwang
tumutubo sa Bataan kung saan may mga lugar na
mamasa-masa tulad ng gilid ng mga sapa. Mainam
gamitin ang damo sa paggawa ng mga walis.
23. B. Ano-anong uri ng proyekto ang maaaring
magawa sa sumusunod:
a. Pandan
b. Niyog
c. Abaka
d. Rattan
e. Buri
f. Nito
24. May ilang materyales na matatagpuan sa
pamayanan na maaaring magamit sa pagbuo ng
kapaki-pakinabang na proyekto.
25. Hanay A Hanay B
__1. Uri ng halaman na nahahawig sa puno ng
saging na ginagamit sa paggawa ng basket,
tsinela, at iba pa.
__ 2. Ang magugulang na dahon ay ginagamit na
pang-atip ng bahay.
__3. Kilala sa tawag na yantok at ginagamit sa
paggawa ng muwebles.
__4. Isa sa pinakamalaking palmera na tumutubo
sa bansang Pilipinas.
__5. Kilala sa tawag na Puno ng Buhay dahil
mahalga at nagagamit ang bawat bahagi nito.
a. buri
b. rattan
c. Vetiver
d. Niyog
e. Nipa
f. abaka
Itambal ang mga pahayag na nasa Hanay A sa Hanay B.
26. A. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na
matatagpuan sa inyong pamayanan na maaaring
gamitin sa paggawa ng mga proyekto. Gumawa ng
talaan at ng mga proyektong maaari mong gawin.
B. Gumuhit ng mga disenyo ng mga proyektong
maaaring gawin mula sa mga materyales na
matatagpuan sa pamayanan.