4. Pagdidilig ng halaman
• Diligan ang mga halaman araw-araw sa hapon man o sa
umagang-umaga
• Ingatan ang pagdidilig para hindi masira ang mga tanim na
halaman
• Iwasang malunod ang mga halaman, lalo na yaong mga
bagong lipat na punla.
• Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig.
• Kung ang gamit mo ay regadera kailangan iyong maliliit lamang
ang butas.
• Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligan din ang
lupang nakapaligid sa mga tanim.
5. Kahalagahan ng pagbubungkal ng lupa
• Madaling dadami ang mga ugat ng tanim.
• Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog
ang halaman kapag maraming ugat.
• Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman.
• Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa
kung hapon o kaya sa umaga. Gawing katamtaman ang
pagbubungkal. Dapat bungkalin ng mababaw lamang ang mga
halamang ornamental.
6. Kahalagahan ng paglalagay ng abono
Ang abono o pataba ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman
nito ang lupa upang maging sapat ang sustansyang taglay ng lupa na
kailangan ng mga ugat ng pananim. Bagamat may mga di-organikong
abono na madaling mabili sa tindahan, ang paggamit ng organikong pataba
ay higit na iminumungkahi dahil ligtas at mura.
Ngunit hindi lamang basta maglalagay ng abono ang kailangan
upang lumaki ng malusog ang mga halaman. Kailangan din ang wastong
kaalaman sa pagpili ng pataba at ang paggamit nito.
Ang patabang galling sa mga bagay na buhay ay inihahalo sa lupa.
Ang paraan ng paglalagay ng patabang galling sa mga bagay na walang
buhay ay nakasulat sa pakete ng pataba.
7. Kailan dapat maglagay ng abono
• Ang pataba ay maaring ilagay bago magtanim, habang
nagtatanim, o pagkatapos magtanim. Ngunit ang
pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay
habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga. Sa panahong
ito, kailangan ng tanim ang sustansiya mula sa lupa.
8. Paggawa ng
organikong pataba
(compost pit)
1. Pumili ng
angkop na
lugar.
a. patag at tuyo
ang lupa
b. may kalayuan
sa bahay
c. malayo sa
tubig tulad ng
ilog, sapa at iba
pa.
9. 2. Gumawa ng hukay sa lupa
nang may limang metro ang
lalim at dalawang metro ang
lapad. Patagin ang loob ng
hukay at hayaang makabilad sa
araw upang hindi mabuhay ang
anumang uri ng mikrobyo.
10. 3. Tipunin ang mga nabubulok
na kalat gaya ng tuyong damo,
dahon mga balat ng prutas at
iba pa. Ilatag ito nang pantay sa
ilalim ng hukay hanggang
umabot ng 30 sentimetro ang
taas. Haluan ng 1 hanggang 2
kilo ng abono urea ang inilagay
na basura sa hukay.
11. 4. Patungan ito ng mga dumi ng
hayop hanggang umabot ng 15
sentimetro ang kapal at lagyan
muli ng lupa, abo o apog.
Gawain ito ng paulit-ulit
hanggang mapuno ang hukay
12. 5. Panatilihing mamasa-masa
ang hukay sa pamamagitan ng
pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi
ito babahain kung panahon
nanamn ng tagulan,
makabubuting takpan ang
ibabaw ng hukay ng ilang piraso
ng dahon ng saging upang hindi
bahain.
13. 6. Pumili ng ilang piraso ng
kawayang wala nang buko at
may butas sa gilid. Itusok ito sa
nagawang compost pit upang
makapasok ang hangin at
maging mabilis ang pagkabulok
ng mga basura.
14. 7. Bunutin ang mga itinusok na
kawayan pagkalipas ng tatlong
linggo. Haluing mabuti ang mga
pinagsama-samang kalat at
lupa. Pagkalipas ng dalawang
buwang o higit pa ay maaari na
itong gamiting pataba ayon sa
mabilis na pagkakabulok ng mga
basurang ginamit.
16. 1. Pumili ng sisidlan na yari sa
kahoy o yero na sapat ang laki
at haba.
May isang metro ang lalim
17. 2. Ikalat nang pantay ang mga
pinagpatung-patong na tuyong
dahoon, dayami, pinagbalatan
ng gulay at prutas, dumi ng mga
hayop at lupa tulad ng compost
pit hanggang mapuno ang
sisidlan.
18. 3. Diligan ang laman ng sisidlan
at lagyan ng pasingawang
kawayan upang mabulok
kaagad ang basura.
19. 4. Takpan ng dahon ng saging o
lagyan ng bubong ang sisidlan
upang hindi ito pamahayan ng
langaw at iba pang peste.
20. 5. Alisin ang mga pasingawang
kawayan at haluin ang laman ng
sisidlan upang magsama ang
lupa at nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.