2. Balik-aral
Anong C ang tumutukoy sa isang uri ng pataba na
nagmumula sa mga pinabulok na mga dayami, dahon,
damo,pinagbalatan ng gulay at prutas,mga dumi ng hayop,
at mga iba pang organikong materyal.
Compost
3. Balik-aral
Ito ay isang hukay na may katamtamang laki at lalim kung
saan inilalagay ang mga nabubulok ng basura galing sa
ating kusina, mga damo at dahon, mga dumi ng hayop, at
iba pang organikong materyal.
Compost Pit
4. Balik-aral
Ito ay paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang
lalagyan/sisidlan na tulad din ng compost pit.
Basket Composting
5. Panimula
Isa sa mga pangangailangan ng halaman ay ang pataba. Makasisiguro
tayong mas higit na magiging mataba at malago ang ating pananim kung may
sapat na sustansiyang taglay ang lupang ating pinagtataniman. May mga
komersyal na pataba na mabibili sa iba’t- ibang tindahan ngunit ang paggamit ng
compost ay higit na mabisa at ligtas gamitin.
Maaari tayong gumawa ng abonong organiko sa pamamagitan ng
pagpapabulok sa compost pit o sa isang sisidlan ng mga tuyong dahon, damo,
dayami,mga balat ng prutas at gulay mula sa ating kusina,mga dumi ng hayop na
kumakain ng damo at iba pang organikong materyal.
Narito ang wastong pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko.
6. 1. Pumili ng angkop na lugar.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Compost Pit
patag at tuyo ang lupa
malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa
at iba pa
 may kalayuan sa bahay
7. 2. Gumawa ng hukay sa lupa
nang may isang metro ang lalim
at dalawang metro ang lapad.
Patagin ang loob ng hukay at
hayaang nakabilad sa araw upang
hindi mabuhay ang anumang uri
ng mikrobyo.
2 metro
1
m
e
t
r
o
8. 3. Tipunin ang mga nabubulok at kalat gaya ng tuyong damo, dahon,
mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito ng pantay sa ilalim ng hukay
hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2
kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay.
9. 4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15
sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo at apog. Gawin ito
ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay.
10. 5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng
pagdidilig araw-araw. Tiyakin hindi ito babahain kung panahon na
naman ng tag-ulan at makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng
ilang pirasong dahon ng saging upang hindi bahain.
11. 6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buho at may butas sa
gilid.Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang
hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura.
12. 7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong lingo.
Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat sa lupa. Pagkalipas
ng dalawang buwan o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba
ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga basurang ginamit.
13. Tubig
Panatilihing mamasa-
masa ang hukay
Lupa
(fertile soil)
Upang mabawasan ang
masangsang na amoy at
makatulong sa mabilis na
pagkabulok ng basura
Hangin
Upang mapabilis ang pagkabulok
ng mga basura at mabawasan
ang masangsang na amoy
Greens
Nitrogen rich ‘greens’
Ex. Damo, balat ng prutas
at gulay,
Browns
Carbon rich ‘browns’
Ex. tuyong damo,
tuyong dahon, kusot,
dayami
Mga dapat na nilalaman ng compost pit/compost bin
15. 1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba.
May isang metro ang lalim.
16. 2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon,
dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa
tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.
17. 3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang
kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
18. 4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang
hindi pamahayan ng langaw at iba pang peste.
19. 5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng
sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.
20. Nakakapaso ang init ng nabubulok na mga bunton ng compost kaya
mahalagang mag-ingat habang ibinabaliktad ang mga ito. Gumamit ng bota at
guwantes upang maiwasan ang paltos sa mga kamay at paa.
Magsuot ng damit na may mahabang manggas at apron.Maligo pagkatapos
magtrabaho sa pagawaan ng compost.
21. Magiging matagumpay ang paggawa mo ng abonong organiko kung
susundin mo nang wasto ang lahat ng mga hakbang na nabanggit.
24. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim.
Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.
Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi pamahayan ng langaw at
iba pang peste.
Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at
nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
Isaayos ang mga hakbang sa paggawa ng basket composting ayon sa wastong
pagkakasunod- sunod nito.
GAWAIN #2