Transform any presentation into a summarized study guide, highlighting the most important points and key insights.
1 of 33
More Related Content
ESP 10 Q2 WEEK 5-6 ANG MORAL NA PAGPAPASYA
1. Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pagsusuri sa mga Yugto
ng Makataong Kilos
WEEKS 5-6
CLARISSA C. REYES
SST-III
2. LAYUNIN
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos;
2. natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na
umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos;
3. naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos
ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip
at kilos - loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos; at
4. nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga
yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano
upang maitama ang kilos o pasiya.
3. Paunang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasiya?
a.Magsilbing paalala sa gagawin
b.Maging gabay sa buhay
c. Maging pamantayan sa pagpili
d.Mapagnilayan ang bawat panig ng pagpipilian
2. Anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang pagsusuri
ng konsensya?
e.Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
f. Tingnan ang kalooban
g.Maghanap ng ibang kaalaman
h.Isaisip ang mga posibilidad
4. 3. Kung ikaw ay may nais na bilhin at di sapat ang iyong pera na
pambili at inisip mo kung saan ka kukuha ng pambili, saang yugto
ka na ng makataong kilos?
a. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
b. Pagkaunawa sa layunin
c. Nais ng layunin
d. Intensyon ng layunin
4. Sa mga gagawing pagpapasya, ano ang iyong pinakahuling
hakbang?
e. Tingnan ang kalooban
f. Isaisip ang mga posibilidad
g. Maghanap ng ibang kaalaman
h. Umasa at magtiwala sa Diyos
5. 5. Bakit kailangang isaalang-alang na isipin at timbangin ang
mga masasamang maidudulot ng pasya?
a. Makatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kilos
b. Ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan
c. Nagdudulot ito ng kaseguruhan sa pagpili
d. Nagsisilbing gabay sa bawat pagpapasiya
8. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ipinakikita ng larawan?
2. Naging madali ba sa taong nasa larawan ang
pagpapasiya? Ipaliwanag
3. Bakit may mga pagkakataon na nahihirapan
ang tao na makabuo ng desisyon o
pagpapasiya?
4. Ikaw ba ay nalagay na rin sa katulad na
sitwasyon? Anong sitwasyon ito? Paano mo ito
hinarap?
10. Napagninilayan mo ba na ang bawat
pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng
iyong pagpapasya? Tulad ng isang
nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may
hawak ng manibela at siya ang nagdadala
kung saang direksiyon niya nais pumunta.
11. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang
sitwasyon sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( ) ang loob ng
panaklong kung ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at
ekis (X) kung hindi. Ibigay ang paliwanag sa ibaba nito. Kopyahin
at sagutan sa iyong sagutang papel.
1.Niyaya si Jeffrey ng kaniyang kamag-aral na huwag munang
umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila.
Sumama si Jeffrey kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang
magulang. Nagpakita ba si Jeffrey ng makataong kilos? Oo ( )
Hindi ( )
Bakit: _______________________________________________________
12. 2. Hindi nakapag-aral si Rosemarie sa Filipino kahit alam niyang
mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming
tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi
na pakokopyahin siya ng sagot subalit tinanggihan niya ito.
Nagpakita ba si Rosemarie ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit: ________________________________________________________
13. 12 Yugto sa pagsasagawa ng
Makataong Kilos
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino
May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng
makataong kilos. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito at
nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at kilos-loob. Kung ang
isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasya, hindi siya
nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anomang
kalalabasan nito. Ngunit kung daraan siya sa mga yugtong ito, tiyak
na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos.
14. Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de
Aquino: ang ISIP at KILOS-LOOB.
15. Paano gagamitin ang yugtong ito?
Sitwasyon: Nakakita si Sherlyn ng isang bagong
modelo ng cellphone sa isang mall kung saan
siya napadaan at namili ng groceries. Lahat ng
kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito.
1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon
ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Sherlyn ay ang
pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan
kukuha ng pera para mabili ito.
16. 3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang
kalooban, ang magkaroon ng bagong modelo ng cellphone.
4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring
kalayaan si Sherlyn na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay
likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na sinasabi
ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon
para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili
kung bibilhin niya ang bagong modelo ng cellphone. Hahayaan
ba niyang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa
kolehiyo? Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang cellphone,
natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa
siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga
kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy
17. 5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan na
kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa
mga nasabing pagpipilian.
6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya kung
alin ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga,
pagbabayad nang pauntiunti, o pagnanakaw (na hindi tama);
pagkatapos ay pipiliin ang pinakamabuti sa lahat.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay kasalukuyang
pumipili ng pinakamabuting paraan.
8. Pagpili. Sa yugtong ito pumapasok ang malayang pagpapasya
ng kaniyang isip na nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
18. 9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito
kaagad.
10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan na niya kung angkop
ba ang kaniyang isinagawang kilos
Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga
yugtong ito o sa pagkakasunod-sunod nito, ngunit mahalaga na
malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa
araw-araw na buhay.
Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na sa
ikawalong yugto ang pagpili. Kung kayat kailangan nang
masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito madali
dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat
panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas
19. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-isipan at
pagnilayan ang tanong sa ibaba. Ipaliwanag.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Sherlyn, ano
ang iyong gagawin: Bibilhin mo rin ba ang
cellphone o hindi? Bakit? Ipaliwanag.
______________________________________________________
__________________________________________
20. Moral na Pagpapasya
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan,
batayan, at pananagutan. Sa anomang isasagawang
pasya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti
at masamang idudulot nito.
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung
saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga
sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.
21. May dalawang bagay na dapat isaalang-alang sa Mabuti o Moral na
Pagpapasya:
1.May kalayaan ang bawat isa sa anomang gugustuhin niyang
gawin sa kaniyang buhay. Ngunit ang malaking tanong ay,
naaayon ba ang pagpapasyang ito sa kalooban ng Diyos? Ibig
sabihin, naisasama ba ng tao ang Diyos sa bawat pagpapasya na
kaniyang ginagawa?
2.Sa anomang isasagawang proseso ng pagpapasya, mahalaga na
mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito
sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng
isasagawang pagpili. Ito ba ay makabubuti o makasasama hindi
lamang sa sarili kundi pati na rin sa kapwa? Kaya nga, madalas
nating marinig sa isang tao na magsasagawa ng pasya ang mga
23. MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASYA
Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na
dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasya.
Makatutulong sa iyo ang Proseso ng Pakikinig (LISTEN
PROCESS). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang
konsiyensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na
kinakaharap mo sa ngayon at mula rito ay matututuhan mo na
ang moral na pagpapasya ay isang kakayahan na may malaking
kontribusyon sa anomang moral dilemma.
27. Sa isang kabataang tulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo,
kung kayat napakabilis din ang pagsasagawa mo ng pasya. Kung
kaya, makatutulong para sa iyo na sa tuwing ikaw ay magpapasya,
ikaw ay mananahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang
ikaw ay makapag-isip nang mabuti at matimbang ang mga bagay-
bagay.
31. Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sa pagpapasya, kailangan kang
magplano dahil ito ang makapagbibigay sa iyo ng tamang kaisipan
sa iyong pagpili. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasyang gagawin
sa mga susunod na araw. Isulat ang mga pasya na gagawin at kung
paano isasakatuparan ang pananagutan nang sa gayon ay
magbunga ng makataong pagkilos. Isulat sa ikatlong kolum ang
maaaring mangyari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa
gagawing pasya. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at
ipasulat sa kanila ang kanilang puna at payo. Palagdaan ito sa kanila.
Editor's Notes
#6: Sa nakaraaang aralin, natutuhan mo na ang makataong kilos ay isinasagawa ng tao nang may kaalaman, Malaya, at kusa, Ito ay bunga ng paggamit ng isip at kilos-loob kung kaya may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Samakatuwid, anumang pangyayari sa buhay ng isang tao ay bunga ng kaniyang mga pagpapasya na may epekto sa kaniya at sa kaniyang kapwa kung kaya kinakailangan niyang maging maingat upang maging makabuluhan ang isasagawang kilos. Sa pagkakataong ito, tutulungan ka ng araling ito na matukoy ang mga yugto ng makataong kilos upang maging gabay sa pagpapasya na pinaglalaanan ng sapat na panahon at may kamalayan sa maaaring kahihinatnan ng kilos.
#9: Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasya. Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong ibat ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasya, masasabi mo bang madali ang mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay inaanyayahan kitang balikan mo ang bawat sitwasyon na gumawa ka ng pagpapasya. Isipin mong mabuti kung ano-ano ang mga ito mula sa pinaka-simple hanggang sa pinakamahirap na pasya o desisyon sa iyong buhay