際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Paggalang
sa Buhay
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Week 3-4
Inihanda ni:
Clarissa C. Reyes
SST-III
II. MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES (MELCs)
1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
2. Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
3. Napangangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas
mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa
buhay.
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay
kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at
kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.
4. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa
paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
III. CONTENT/CORE CONTENT
Naipamamalas ng mag-
aaral ang pag-unawa sa
paggalang sa buhay.
A. Introduction/ Panimula
Sa araling ito ay inaasahan na makakamit ng isang kabataang
katulad mo ang malalim na pagkaunawa sa ibat ibang mga
pananaw kalakip ng mga isyung patungkol sa paglabag sa
paggalang sa kasagraduhan ng buhay, at sa huli ay makabuo ka
ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag
sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
Pagganyak:
May nabalitaan ka ba sa radio o telebisyon tungkol sa taliwas
na pag-aalaga ng buhay?
Na may patay na sanggol na itinapon sa basurahan?
Na may mga tao nalululong sa pag-iinom ng alak?
Na may taong nagpapatiwakal?
Pamilyar ka ba ikalimang utos ng Diyos?
Siguro naitatanong mo sa sarili mo kung bakit ba sagrado ang
buhay?
A _ OR _ _ Y _ N
E _ T _ A _ _ S _ A
P _ G _ A _IT N_ D _ O _ A
S _ I _ I D _
A _ KOH _ L _ _ M _
Gaano kahalaga
ang buhay ng
tao?
PAGGALANG SA BUHAY
Pangangalaga sa kalusugan,
pagiging maingat sa mga sakuna at
pagsasaalang-alang ng sariling
kaligtasan at ng buhay ng iba.
(Macabeo, 2019)
ESP 10 Q3 Week 3-4 Paggalang sa Buhay.pptx
Tanong:
a.Ito ba ang mga isyung may kinalaman sa
paglabag sa paggalang sa buhay?
b.Ano ang nadarama mo sa tuwing pinag-
uusapan ang mga isyung ito?
c. Paano ba nakaaapekto sa buhay ng tao lalo
na sa kabataang tulad mo ang mga isyung
nabanggit?
B. Development/ Pagpapaunlad
Basahin sa Pagpapalalim sa pahina 263-274 sa EsP 10 Learners Material ang sumusunod na talata patungkol
sa mga isyu na labag sa paggalang sa buhay. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
MGA ISYU NA LABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
1. ABORSIYON
Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon. Ang isyung ito ay
may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga mananaliksik
at ng publiko  higit lalo sa pagiging moral at legal nito. Ano ba ang aborsiyon? Bakit
ito itinuturing na isyu sa buhay?
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan
ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan
upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas,
itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007).
Isang ina na limang buwan nang nagdadalang-tao ang nagkaroon ng
malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na
kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong
magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Kung
hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon
at malagay sa panganib ang kaniyang buhay.
Ano ang nararapat niyang gawin sa sitwasyon na ito?
Dalawang Uri ng Aborsiyon
Kusa (Miscarriage)  Aborsiyon na natural na
nangyari at walang anumang prosesong naganap
at kadalasang nangyayari sa mga magulang na
hindi kaya ng katawan o may sakit ang dinadala.
Sapilitan (Induced)  Aborsiyon na dumaan sa
proseso  opera man o gamot - na kung saan
ginusto ng ina ang pangyayari.
PRO-LIFE
 Ang mga taong parte ng Pro-Life ay nagsasabing masama
ang aborsiyon sapagkat mula nang ipaglihi ito ng kanyang
ina, siya ay tao na kaya ang paglaglag o pag-abort sa sanggol
ay isang aksiyon ng pagpatay. Sabi rin nila na kung ang ina ay
nabuntis dahil hindi sila nag-ingat ng kaniyang nobyo o
kasintahan, dapat pa rin nilang pangatwiranan ang nangyari.
Tungkulin nila bilang magulang na alagaan ang kapakanan
ng bata. Ito ay dahil sa bawat sanggol o anak ay may
karapatang mabuhay.
PRO-CHOICE
 Sinasabi naman ng Pro-Choice na ang mga magulang ay
gusto at pwedeng magka-anak kung sila ay may kakayahang
alagaan at mahalin ang kanilang magiging mga anak. Sa mga
ina naman na ang dahilan ng pagkabuntis ay rape, moral na
kilos pa rin na buhayin ang sanggol na kanyang dinadala
dahil ang sanggol ay may karapatang mabuhay. Ang ating
pamahalaan ay may ahensiya na tumutulong sa mga biktima
ng rape. Mayroong bahay-ampunan na maaaring pagdalhan
sa bata kung hindi kaya ng ina na alagaan ang bata.
2. Ang Paggamit ng
Ipinagbabawal na Gamot
Pamilyar ka ba sa mga katagang nasa kaliwa? Sino
kaya ang maaaring magsabi nito? Tama! Ito ay
mga kataga mula sa isang taong high sa droga.
Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa
sa mga isyung moral na kinakaharap ng ating
lipunan ngayon. Ito ay isang estadong sikiko
(psychic) o pisikal na pagdepende sa isang
mapanganib na gamot, na nangyayari matapos
gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na
pagkakataon. (Agapay, 2007)
Ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng
masasamang epekto sa isip at katawan. Karamihan din ng mga
krimen na nagaganap sa ating lipunan ay malaki ang kaugnayan
sa paggamit ng droga. Karamihan sa mga kabataan ay nais
mapabilang sa isang barkada o samahan (peer group). Kung
hindi sila matalino sa pagpili ng sasamahang barkada, maaaring
mapabilang sila sa mga gumagamit ng droga. Samantala, ang iba
naman ay nais mageksperimento at subukin ang maraming
bagay. Iniisip nila na sila ay bata pa at may lisensiya na gawin ito.
Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot.
Nahihirapan ang isip na iproseso ang ibat ibang impormasyon
na dumadaloy dito.
Inalok ka ng iyong malalapit na kaibigan na
sumama sa kanila at subuking gumamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ano ang iyong
gagawin? Paano mo sila kukumbinsihin na
huwag nang ituloy ang kanilang gagawin?
Paano mo ipaliliwanag sa kanila na ito ay
isang paglabag sa kasagraduhan ng buhay?
3. Alkoholismo
Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot, ang alkoholismo o labis na
pagkonsumo ng alak ay may masasamang
epekto sa tao. Ito ay unti-unting nagpapahina
sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-
iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na
maging malikhain. Dahil sa kaibahan ng
kanilang pag-uugali at kawalan ng pokus,
nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng
makabuluhang pakikipagkapuwa ang mga
nagugumon sa alkohol. Ang ilan sa mga away
at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas
ng ating mga tahanan ay may kinalaman sa
labis na pag-inom ng alak. Kung minsan,
nauuwi pa ang mga away na ito sa
ibat ibang krimen. Sa
pagkakataong ito, masasabing
naaapektuhan ng alak o alkohol
ang operasyon ng isip at kilos-loob
ng tao na naging dahilan kung bakit
nakagagawa siya ng mga bagay na
hindi inaasahan katulad ng
pakikipagaway sa kapuwa.
Kung matatandaan mo, ayon sa Modyul 5, maaaring hindi siya masisi
sa kaniyang ginawa dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at
wala sa tamang pag-iisip, ngunit may pananagutan pa rin siya kung
bakit siya uminom ng alak at gaano karami ang kaniyang nainom. Ang
paginom ng alak ay hindi masama kung paiiralin lamang ang
pagtitimpi at disiplina. Bukod sa epekto nito sa ating pag-iisip at pag-
uugali, apektado rin ang ating kalusugan. Maraming sakit sa katawan
ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer, sakit sa
atay at kidney. Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang mga nabanggit
na sakit, maaaring magresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang
tao. Bilang nilikha ng Diyos, inaasahan sa atin na isabuhay ang
pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan - tanda ng
pagmamahal sa buhay na ipinagkaloob Niya sa atin.
4. Euthanasia (Mercy Killing)
Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung
saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may
matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay
tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina
at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang
maysakit.
Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag ding assisted suicide, sa
kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang
kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang
sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya. Isang halimbawa nito ay
maaaring ang isang maysakit ang humihiling sa isang taong may
kaalaman sa mga gamot na bigyan siya ng isang labis na dosis ng
pampawala ng sakit.
Ang sakit at paghihirap ay likas na kasama sa buhay ng tao. Ang pagtitiis
sa harap ng mga pagsubok ay isang anyo ng pakikibahagi sa plano ng
Diyos. Samakatuwid, hindi maaaring hilingin ng isang tao na tapusin
ang kaniyang paghihirap sa pamamagitan ng kamatayan. Higit na
mabuti kung pagmamahal at pag-aalala ang ibibigay sa kanila, hindi
kamatayan.
Isang babae ang may nakamamatay na sakit. Sa ospital
kung saan siya namamalagi, makikitang maraming
medikal na kagamitan ang nakakabit sa kaniya. Sa
ganitong kalagayan, masasabi na hinihintay na lamang
niya ang takdang oras. Isang araw, nakiusap siya na alisin
ang lahat ng kagamitang medikal at payagan na siyang
umuwi at mamatay sa kapayapaan. Kung ikaw ang
doctor, ano ang iyong magiging pasya?
5. Pagpapatiwakal
Ano ba ang kahulugan ng pagpapatiwakal? Ito
ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling
buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang
tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito
maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal.
Hindi na mahalaga kung anuman ang piniling paraan, hanggat
naroroon ang motibo. Gayunpaman, may mga tao na kahit tuwirang
inilalagay ang kanilang sarili sa panganib, ito ay hindi itinuturing na
kilos ng pagpapatiwakal sapagkat inihahain nila ang kanilang mga
sarili sa matinding panganib para sa isang mas mataas na dahilan.
Masasabing magiting na pagkilos ang mawalan ng buhay sa
pagtatangkang pangalagaan ang buhay ng iba. Ang magandang
halimbawa nito, ay ang pagsasakripisyo ng ating mga sundalo at pulis,
kung saan nalalagay ang kanikanilang mga buhay sa alanganin sa
pagtatanggol sa ating mga mamamayan mula sa mga masasamang loob.
Hindi nararapat ilagay sa sarili nating mga kamay ang pagpapasiya kung
dapat nang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Upang
makaiwas sa depresyon at hindi mawalan ng pag-asa, mahalagang
panatilihing abala ang sarili sa mga makabuluhang gawain tulad ng
paglilingkod sa kapuwa at pamayanan. Makatutulong din nang malaki
ang pagkakaroon ng matibay na support system na kinabibilangan ng
ating pamilya at tunay na mga kaibigan na makapagbibigay ng saya at
pagmamahal tuwing makararamdam tayo na walang halaga ang ating
buhay.
Sa iyong palagay, may
karapatan ba ang tao
na maging Diyos ng
sarili niyang buhay?
Pangatwiranan.
Gawain sa Pagkatuto 2: Ayusin ang Jumbled Words upang mabuo ang tamang
salita sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang malabis na pagkunsumo ng alak ng tao.
 MOLAHIKOSLO = ________________________________________
2. Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa
sariling kagustuhan.
 GATAPAPIPALAKW =____________________________________
3. Ito ay ang pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
 S O R A I B N O Y = _______________________________________
4. isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may
matindi at wala nang lunas na karamdaman
 TAHUNEAISA= ______________________________________
Gawain sa Pagkatuto 3: Pagsusuri ng mga
sitwasyon. Basahin at unawain ang sumusunod na
sitwasyon na nagpapakita ng ibat ibang isyu
tungkol sa paggalang sa buhay. Ibigay ang mga
hinihingi sa bawat sitwasyon. (Sipi mula EsP 10
Learners Material, pp. 261-262).
1.Malaki ang pag-asa ng mga magulang ni Jodi na makapagtapos siya ng
pagaaral at makatulong sa pag-ahon ng kanilang pamilya mula sa kahirapan.
Matalinong bata si Jodi. Sa katunayan ay iskolar siya sa isang kilalang
unibersidad. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, naging biktima siya ng
rape sa unang taon pa lamang niya sa kolehiyo. Sa kasamaang-palad,
nagbunga ang nangyari sa kaniya. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang
gagawin mo? Itutuloy mo ba ang iyong pagbubuntis? Maaari bang ituring na
solusyon sa sitwasyon ni Jodi ang pagpapalaglag ng dinadala niya gayong
bunga ito ng hindi magandang gawain?
Tanong:
a. Ano ang isyung tinutukoy sa sitwasyon?
b. Ano-ano ang argumento sa isyung nabanggit?
c. Kung ikaw ang tauhan, ano ang magiging desisyon mo?
2. Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak noong 13 taong gulang
pa lamang siya. Sa lugar na kaniyang tinitirhan, madali ang pagbili
ng inuming may alkohol kahit ang mga bata. Naniniwala si Jose na
normal lamang ang kaniyang ginagawa dahil marami ring tulad niya
ang lulong sa ganitong gawain sa kanilang lugar. Ayon pa sa kaniya,
ito ang kaniyang paraan upang sumaya siya at harapin ang mga
paghihirap sa buhay.
Tanong:
a. Ano ang isyung tinutukoy sa sitwasyon?
b. Ano-ano ang argumento sa isyung nabanggit?
c. Kung ikaw ang tauhan, ano ang magiging desisyon mo?
3. Dahil sa matinding lungkot, nagpasiya si Marco na kitlin ang
sariling buhay dalawang buwan pagkatapos ng kaniyang ika-16
kaarawan. Nagsisimula pa lamang siya noon sa ikaapat na taon ng
high school. Sa isang suicide note, inilahad niya ang saloobin ukol sa
mabibigat na mga suliraning kinakaharap niya sa bahay at paaralan.
Humingi siya ng kapatawaran sa maaga niyang pagpanaw.
Makatuwiran ba ang ginawang pagpapatiwakal ni Marco?
Tanong:
a. Ano ang isyung tinutukoy sa sitwasyon?
b. Ano-ano ang argumento sa isyung nabanggit?
c. Kung ikaw ang tauhan, ano ang magiging desisyon mo?
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging
pasiya ng mga taong nabanggit sa mga sitwasyon?
2.Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay?
3.Paano natin mapananatiling sagrado ang buhay na
ipinagkaloob sa atin?
Gawain sa Pagkatuto 4:
Sumulat ng isang Position Paper na
maglalahad ng iyong sariling pananaw sa mga
gawaing taliwas sa batas ng Diyos at
kasagraduhan ng buhay. Sundin ang pormat
sa ibaba. Gawin ito sa malinis na papel.
ESP 10 Q3 Week 3-4 Paggalang sa Buhay.pptx
I. Title Page
Pamagat:
Ang Posisyon Tungkol sa Euthanasia: Isang
Makataong Pagpili o Pagsuko sa Buhay?
Inihanda ni: Ipinasa kay:
II. Panimula
A. Pagpapakilala ng Paksa
Ang euthanasia, o mas kilala bilang mercy killing, ay isang kontrobersyal
na isyu na may kaugnayan sa pagpapahintulot ng maagang pagtatapos
ng buhay ng isang tao upang maiwasan ang matinding sakit o
paghihirap. Sa kabila ng layunin nitong magbigay ng dignidad sa isang
tao sa kanyang huling sandali, ito ay patuloy na binabatikos dahil sa
etikal at moral na implikasyon nito.
B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu
Naniniwala ako na ang euthanasia ay dapat isaalang-alang bilang isang
opsyon sa mga kritikal na sitwasyon, ngunit dapat itong magkaroon ng
malinaw na gabay at regulasyon upang maiwasan ang pang-aabuso.
II. Mga Argumento sa Isyu
A. Bakit may mga pabor sa isyung iyong napili?
1. Nagbibigay ito ng dignidad at kontrol sa mga pasyenteng naghihirap nang
labis dahil sa walang lunas na sakit.
2. Napapanatili nito ang karapatang pantao sa pagpili ng sariling kapalaran.
3. Makakatulong ito sa pamilya ng pasyente na hindi na masaksihan ang
labis na paghihirap ng kanilang mahal sa buhay.
B. Bakit may hindi pabor sa isyung iyong napili?
4. Maaaring maabuso ang proseso kung walang malinaw na regulasyon.
5. Sinasabi ng ilan na ito ay pagsasagawa ng isang anyo ng pagpatay, na
labag sa mga paniniwalang moral at relihiyoso.
6. Nawawala ang pagkakataong umasa sa posibilidad ng himala o bagong
medikal na solusyon.
IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu
Pabor ka ba o hindi pabor sa isyung ito?
Ako ay pabor sa euthanasia sa mga limitadong kaso kung saan
walang ibang alternatibo upang maibsan ang labis na paghihirap ng
pasyente.
Magbigay ng ideyang magpapatibay sa iyong posisyon.
Dapat magkaroon ng isang mahigpit na legal at medikal na proseso
upang matiyak na ang desisyon para sa euthanasia ay boluntaryo,
naaayon sa medikal na pagsusuri, at suportado ng mga eksperto. Sa
ganitong paraan, maiiwasan ang mga pang-aabuso habang
binibigyang halaga ang dignidad at kagustuhan ng pasyente.
V. Konklusyon
A. Buod ng Iyong Posisyon
Ang euthanasia ay isang sensitibong isyu na kailangang tingnan
mula sa lente ng parehong medikal at moral na aspeto. Bagamat
ito ay kontrobersyal, maaaring maging makataong opsyon ito kung
gagabayan ng maayos na regulasyon.
B. Plano ng Pagkilos
Upang maisakatuparan ang regulasyon sa euthanasia, kailangang
magtulungan ang mga eksperto, mambabatas, at mga miyembro
ng komunidad upang bumuo ng malinaw na polisiya na magtitiyak
sa karapatang pantao at tamang proseso.
VI. Sanggunian
1. World Health Organization (WHO) - Mga Pananaw
sa Palliative Care at Euthanasia
2. Philippine Medical Association - Legal at Etikal na
Perspektibo ng Euthanasia
3. Artikulo mula sa The Guardian: "Euthanasia: Rights
and Responsibilities"
D. Assimilation/ Paglalapat
Buoin ang mahalagang kaisipan sa araling ito.
Ang pagbuo ng ____________ tungkol sa mga isyung may
kinalaman sa ____________ ng tao sa ____________niya
sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang
__________ ang ating pagkilala sa Kaniyang __________ at
_________ at kahalagahan ng tao bilang ___________ ng
Diyos.
VI. REFLECTION
Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong nararamdaman
o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na
____________________________________________.
Nabatid ko na
____________________________________________.
Naisasagawa ko na
____________________________________________.
ESP 10 Q3 Week 3-4 Paggalang sa Buhay.pptx

More Related Content

ESP 10 Q3 Week 3-4 Paggalang sa Buhay.pptx

  • 1. Paggalang sa Buhay Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Week 3-4 Inihanda ni: Clarissa C. Reyes SST-III
  • 2. II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs) 1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. 2. Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. 3. Napangangatwiranan na: a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay. b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos. 4. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
  • 3. III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa paggalang sa buhay.
  • 4. A. Introduction/ Panimula Sa araling ito ay inaasahan na makakamit ng isang kabataang katulad mo ang malalim na pagkaunawa sa ibat ibang mga pananaw kalakip ng mga isyung patungkol sa paglabag sa paggalang sa kasagraduhan ng buhay, at sa huli ay makabuo ka ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
  • 5. Pagganyak: May nabalitaan ka ba sa radio o telebisyon tungkol sa taliwas na pag-aalaga ng buhay? Na may patay na sanggol na itinapon sa basurahan? Na may mga tao nalululong sa pag-iinom ng alak? Na may taong nagpapatiwakal? Pamilyar ka ba ikalimang utos ng Diyos? Siguro naitatanong mo sa sarili mo kung bakit ba sagrado ang buhay?
  • 6. A _ OR _ _ Y _ N
  • 7. E _ T _ A _ _ S _ A
  • 8. P _ G _ A _IT N_ D _ O _ A
  • 9. S _ I _ I D _
  • 10. A _ KOH _ L _ _ M _
  • 12. PAGGALANG SA BUHAY Pangangalaga sa kalusugan, pagiging maingat sa mga sakuna at pagsasaalang-alang ng sariling kaligtasan at ng buhay ng iba. (Macabeo, 2019)
  • 14. Tanong: a.Ito ba ang mga isyung may kinalaman sa paglabag sa paggalang sa buhay? b.Ano ang nadarama mo sa tuwing pinag- uusapan ang mga isyung ito? c. Paano ba nakaaapekto sa buhay ng tao lalo na sa kabataang tulad mo ang mga isyung nabanggit?
  • 15. B. Development/ Pagpapaunlad Basahin sa Pagpapalalim sa pahina 263-274 sa EsP 10 Learners Material ang sumusunod na talata patungkol sa mga isyu na labag sa paggalang sa buhay. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel. MGA ISYU NA LABAG SA PAGGALANG SA BUHAY 1. ABORSIYON Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon. Ang isyung ito ay may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga mananaliksik at ng publiko higit lalo sa pagiging moral at legal nito. Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na isyu sa buhay? Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007).
  • 16. Isang ina na limang buwan nang nagdadalang-tao ang nagkaroon ng malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Kung hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay. Ano ang nararapat niyang gawin sa sitwasyon na ito?
  • 17. Dalawang Uri ng Aborsiyon Kusa (Miscarriage) Aborsiyon na natural na nangyari at walang anumang prosesong naganap at kadalasang nangyayari sa mga magulang na hindi kaya ng katawan o may sakit ang dinadala. Sapilitan (Induced) Aborsiyon na dumaan sa proseso opera man o gamot - na kung saan ginusto ng ina ang pangyayari.
  • 18. PRO-LIFE Ang mga taong parte ng Pro-Life ay nagsasabing masama ang aborsiyon sapagkat mula nang ipaglihi ito ng kanyang ina, siya ay tao na kaya ang paglaglag o pag-abort sa sanggol ay isang aksiyon ng pagpatay. Sabi rin nila na kung ang ina ay nabuntis dahil hindi sila nag-ingat ng kaniyang nobyo o kasintahan, dapat pa rin nilang pangatwiranan ang nangyari. Tungkulin nila bilang magulang na alagaan ang kapakanan ng bata. Ito ay dahil sa bawat sanggol o anak ay may karapatang mabuhay.
  • 19. PRO-CHOICE Sinasabi naman ng Pro-Choice na ang mga magulang ay gusto at pwedeng magka-anak kung sila ay may kakayahang alagaan at mahalin ang kanilang magiging mga anak. Sa mga ina naman na ang dahilan ng pagkabuntis ay rape, moral na kilos pa rin na buhayin ang sanggol na kanyang dinadala dahil ang sanggol ay may karapatang mabuhay. Ang ating pamahalaan ay may ahensiya na tumutulong sa mga biktima ng rape. Mayroong bahay-ampunan na maaaring pagdalhan sa bata kung hindi kaya ng ina na alagaan ang bata.
  • 20. 2. Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot Pamilyar ka ba sa mga katagang nasa kaliwa? Sino kaya ang maaaring magsabi nito? Tama! Ito ay mga kataga mula sa isang taong high sa droga. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung moral na kinakaharap ng ating lipunan ngayon. Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon. (Agapay, 2007)
  • 21. Ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng masasamang epekto sa isip at katawan. Karamihan din ng mga krimen na nagaganap sa ating lipunan ay malaki ang kaugnayan sa paggamit ng droga. Karamihan sa mga kabataan ay nais mapabilang sa isang barkada o samahan (peer group). Kung hindi sila matalino sa pagpili ng sasamahang barkada, maaaring mapabilang sila sa mga gumagamit ng droga. Samantala, ang iba naman ay nais mageksperimento at subukin ang maraming bagay. Iniisip nila na sila ay bata pa at may lisensiya na gawin ito. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip na iproseso ang ibat ibang impormasyon na dumadaloy dito.
  • 22. Inalok ka ng iyong malalapit na kaibigan na sumama sa kanila at subuking gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang iyong gagawin? Paano mo sila kukumbinsihin na huwag nang ituloy ang kanilang gagawin? Paano mo ipaliliwanag sa kanila na ito ay isang paglabag sa kasagraduhan ng buhay?
  • 23. 3. Alkoholismo Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ang alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay may masasamang epekto sa tao. Ito ay unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag- iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na maging malikhain. Dahil sa kaibahan ng kanilang pag-uugali at kawalan ng pokus, nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang mga nagugumon sa alkohol. Ang ilan sa mga away at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas ng ating mga tahanan ay may kinalaman sa labis na pag-inom ng alak. Kung minsan, nauuwi pa ang mga away na ito sa ibat ibang krimen. Sa pagkakataong ito, masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipagaway sa kapuwa.
  • 24. Kung matatandaan mo, ayon sa Modyul 5, maaaring hindi siya masisi sa kaniyang ginawa dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at wala sa tamang pag-iisip, ngunit may pananagutan pa rin siya kung bakit siya uminom ng alak at gaano karami ang kaniyang nainom. Ang paginom ng alak ay hindi masama kung paiiralin lamang ang pagtitimpi at disiplina. Bukod sa epekto nito sa ating pag-iisip at pag- uugali, apektado rin ang ating kalusugan. Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer, sakit sa atay at kidney. Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang mga nabanggit na sakit, maaaring magresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang tao. Bilang nilikha ng Diyos, inaasahan sa atin na isabuhay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan - tanda ng pagmamahal sa buhay na ipinagkaloob Niya sa atin.
  • 25. 4. Euthanasia (Mercy Killing) Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag ding assisted suicide, sa kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya. Isang halimbawa nito ay maaaring ang isang maysakit ang humihiling sa isang taong may kaalaman sa mga gamot na bigyan siya ng isang labis na dosis ng pampawala ng sakit.
  • 26. Ang sakit at paghihirap ay likas na kasama sa buhay ng tao. Ang pagtitiis sa harap ng mga pagsubok ay isang anyo ng pakikibahagi sa plano ng Diyos. Samakatuwid, hindi maaaring hilingin ng isang tao na tapusin ang kaniyang paghihirap sa pamamagitan ng kamatayan. Higit na mabuti kung pagmamahal at pag-aalala ang ibibigay sa kanila, hindi kamatayan. Isang babae ang may nakamamatay na sakit. Sa ospital kung saan siya namamalagi, makikitang maraming medikal na kagamitan ang nakakabit sa kaniya. Sa ganitong kalagayan, masasabi na hinihintay na lamang niya ang takdang oras. Isang araw, nakiusap siya na alisin ang lahat ng kagamitang medikal at payagan na siyang umuwi at mamatay sa kapayapaan. Kung ikaw ang doctor, ano ang iyong magiging pasya?
  • 27. 5. Pagpapatiwakal Ano ba ang kahulugan ng pagpapatiwakal? Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal. Hindi na mahalaga kung anuman ang piniling paraan, hanggat naroroon ang motibo. Gayunpaman, may mga tao na kahit tuwirang inilalagay ang kanilang sarili sa panganib, ito ay hindi itinuturing na kilos ng pagpapatiwakal sapagkat inihahain nila ang kanilang mga sarili sa matinding panganib para sa isang mas mataas na dahilan.
  • 28. Masasabing magiting na pagkilos ang mawalan ng buhay sa pagtatangkang pangalagaan ang buhay ng iba. Ang magandang halimbawa nito, ay ang pagsasakripisyo ng ating mga sundalo at pulis, kung saan nalalagay ang kanikanilang mga buhay sa alanganin sa pagtatanggol sa ating mga mamamayan mula sa mga masasamang loob. Hindi nararapat ilagay sa sarili nating mga kamay ang pagpapasiya kung dapat nang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Upang makaiwas sa depresyon at hindi mawalan ng pag-asa, mahalagang panatilihing abala ang sarili sa mga makabuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapuwa at pamayanan. Makatutulong din nang malaki ang pagkakaroon ng matibay na support system na kinabibilangan ng ating pamilya at tunay na mga kaibigan na makapagbibigay ng saya at pagmamahal tuwing makararamdam tayo na walang halaga ang ating buhay.
  • 29. Sa iyong palagay, may karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarili niyang buhay? Pangatwiranan.
  • 30. Gawain sa Pagkatuto 2: Ayusin ang Jumbled Words upang mabuo ang tamang salita sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ang malabis na pagkunsumo ng alak ng tao. MOLAHIKOSLO = ________________________________________ 2. Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. GATAPAPIPALAKW =____________________________________ 3. Ito ay ang pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. S O R A I B N O Y = _______________________________________ 4. isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman TAHUNEAISA= ______________________________________
  • 31. Gawain sa Pagkatuto 3: Pagsusuri ng mga sitwasyon. Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng ibat ibang isyu tungkol sa paggalang sa buhay. Ibigay ang mga hinihingi sa bawat sitwasyon. (Sipi mula EsP 10 Learners Material, pp. 261-262).
  • 32. 1.Malaki ang pag-asa ng mga magulang ni Jodi na makapagtapos siya ng pagaaral at makatulong sa pag-ahon ng kanilang pamilya mula sa kahirapan. Matalinong bata si Jodi. Sa katunayan ay iskolar siya sa isang kilalang unibersidad. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, naging biktima siya ng rape sa unang taon pa lamang niya sa kolehiyo. Sa kasamaang-palad, nagbunga ang nangyari sa kaniya. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang gagawin mo? Itutuloy mo ba ang iyong pagbubuntis? Maaari bang ituring na solusyon sa sitwasyon ni Jodi ang pagpapalaglag ng dinadala niya gayong bunga ito ng hindi magandang gawain? Tanong: a. Ano ang isyung tinutukoy sa sitwasyon? b. Ano-ano ang argumento sa isyung nabanggit? c. Kung ikaw ang tauhan, ano ang magiging desisyon mo?
  • 33. 2. Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak noong 13 taong gulang pa lamang siya. Sa lugar na kaniyang tinitirhan, madali ang pagbili ng inuming may alkohol kahit ang mga bata. Naniniwala si Jose na normal lamang ang kaniyang ginagawa dahil marami ring tulad niya ang lulong sa ganitong gawain sa kanilang lugar. Ayon pa sa kaniya, ito ang kaniyang paraan upang sumaya siya at harapin ang mga paghihirap sa buhay. Tanong: a. Ano ang isyung tinutukoy sa sitwasyon? b. Ano-ano ang argumento sa isyung nabanggit? c. Kung ikaw ang tauhan, ano ang magiging desisyon mo?
  • 34. 3. Dahil sa matinding lungkot, nagpasiya si Marco na kitlin ang sariling buhay dalawang buwan pagkatapos ng kaniyang ika-16 kaarawan. Nagsisimula pa lamang siya noon sa ikaapat na taon ng high school. Sa isang suicide note, inilahad niya ang saloobin ukol sa mabibigat na mga suliraning kinakaharap niya sa bahay at paaralan. Humingi siya ng kapatawaran sa maaga niyang pagpanaw. Makatuwiran ba ang ginawang pagpapatiwakal ni Marco? Tanong: a. Ano ang isyung tinutukoy sa sitwasyon? b. Ano-ano ang argumento sa isyung nabanggit? c. Kung ikaw ang tauhan, ano ang magiging desisyon mo?
  • 35. Sagutin ang mga sumusunod: 1.Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa mga sitwasyon? 2.Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay? 3.Paano natin mapananatiling sagrado ang buhay na ipinagkaloob sa atin?
  • 36. Gawain sa Pagkatuto 4: Sumulat ng isang Position Paper na maglalahad ng iyong sariling pananaw sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa malinis na papel.
  • 38. I. Title Page Pamagat: Ang Posisyon Tungkol sa Euthanasia: Isang Makataong Pagpili o Pagsuko sa Buhay? Inihanda ni: Ipinasa kay:
  • 39. II. Panimula A. Pagpapakilala ng Paksa Ang euthanasia, o mas kilala bilang mercy killing, ay isang kontrobersyal na isyu na may kaugnayan sa pagpapahintulot ng maagang pagtatapos ng buhay ng isang tao upang maiwasan ang matinding sakit o paghihirap. Sa kabila ng layunin nitong magbigay ng dignidad sa isang tao sa kanyang huling sandali, ito ay patuloy na binabatikos dahil sa etikal at moral na implikasyon nito. B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu Naniniwala ako na ang euthanasia ay dapat isaalang-alang bilang isang opsyon sa mga kritikal na sitwasyon, ngunit dapat itong magkaroon ng malinaw na gabay at regulasyon upang maiwasan ang pang-aabuso.
  • 40. II. Mga Argumento sa Isyu A. Bakit may mga pabor sa isyung iyong napili? 1. Nagbibigay ito ng dignidad at kontrol sa mga pasyenteng naghihirap nang labis dahil sa walang lunas na sakit. 2. Napapanatili nito ang karapatang pantao sa pagpili ng sariling kapalaran. 3. Makakatulong ito sa pamilya ng pasyente na hindi na masaksihan ang labis na paghihirap ng kanilang mahal sa buhay. B. Bakit may hindi pabor sa isyung iyong napili? 4. Maaaring maabuso ang proseso kung walang malinaw na regulasyon. 5. Sinasabi ng ilan na ito ay pagsasagawa ng isang anyo ng pagpatay, na labag sa mga paniniwalang moral at relihiyoso. 6. Nawawala ang pagkakataong umasa sa posibilidad ng himala o bagong medikal na solusyon.
  • 41. IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu Pabor ka ba o hindi pabor sa isyung ito? Ako ay pabor sa euthanasia sa mga limitadong kaso kung saan walang ibang alternatibo upang maibsan ang labis na paghihirap ng pasyente. Magbigay ng ideyang magpapatibay sa iyong posisyon. Dapat magkaroon ng isang mahigpit na legal at medikal na proseso upang matiyak na ang desisyon para sa euthanasia ay boluntaryo, naaayon sa medikal na pagsusuri, at suportado ng mga eksperto. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga pang-aabuso habang binibigyang halaga ang dignidad at kagustuhan ng pasyente.
  • 42. V. Konklusyon A. Buod ng Iyong Posisyon Ang euthanasia ay isang sensitibong isyu na kailangang tingnan mula sa lente ng parehong medikal at moral na aspeto. Bagamat ito ay kontrobersyal, maaaring maging makataong opsyon ito kung gagabayan ng maayos na regulasyon. B. Plano ng Pagkilos Upang maisakatuparan ang regulasyon sa euthanasia, kailangang magtulungan ang mga eksperto, mambabatas, at mga miyembro ng komunidad upang bumuo ng malinaw na polisiya na magtitiyak sa karapatang pantao at tamang proseso.
  • 43. VI. Sanggunian 1. World Health Organization (WHO) - Mga Pananaw sa Palliative Care at Euthanasia 2. Philippine Medical Association - Legal at Etikal na Perspektibo ng Euthanasia 3. Artikulo mula sa The Guardian: "Euthanasia: Rights and Responsibilities"
  • 44. D. Assimilation/ Paglalapat Buoin ang mahalagang kaisipan sa araling ito. Ang pagbuo ng ____________ tungkol sa mga isyung may kinalaman sa ____________ ng tao sa ____________niya sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang __________ ang ating pagkilala sa Kaniyang __________ at _________ at kahalagahan ng tao bilang ___________ ng Diyos.
  • 45. VI. REFLECTION Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt: Naunawaan ko na ____________________________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Naisasagawa ko na ____________________________________________.

Editor's Notes

  • #6: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga isyung moral ng buhay sa larawan.