際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Pagmamahal sa
Bayan o Patriyotismo
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Week 5-6
CLARISSA C. REYES
SST-III
MELC: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) (EsP10PB-IIIe- 11.1)
Mga Layunin:
nakatutukoy ng mga paglabag sa pagmamahal sa bayan
( Patriyotismo); EsP10PBIIIe-11.2
nakapangangatwiran na nakaugat sa pagkakilanlan ng
tao sa pagmamahal sa bayan(hindi ka global citizen
kung hindi ka mamamayan) EsP10PBIIIf-11.3
naipapahayag ang kahahalagahan ng pagmamahal sa
bayan gamit ang graphic organizer
ESP 10 Q3 WEEK 5-6 PAGMAMAHAL SA BAYAN.pptx
A. BALIK-ARAL: Makataong Kilos at Pagpapasyang Moral
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
Pagganyak
1. Nakapagpapaliwanag ng
kahalagahan ng
pagmamahal sa bayan
(patriyotismo)
3. Napangangatwiranan
na: Nakaugat ang
pagkakakilanlan ng tao sa
pagmamahal sa bayan.
(Hindi ka global citizen
pag di ka mamamayan.)
4. Nakagagawa ng angkop
na kilos upang maipamalas
ang pagmamahal sa bayan
(patriyotismo)
II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
(MELCs)
2. Natutukoy ang mga
paglabag sa pagmamahal
sa bayan (patriyotismo) na
umiiral sa lipunan
III. CONTENT/CORE
CONTENT
Naipamamalas ng mag-aaral
ang pag-unawa sa
pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo).
Back to Panel Scoreboard
PAGTALAKAY SA KONSEPTO AT KASANAYAN #1:
a. Picture Analysis
Gawain sa Pagkatuto 1. Pagsusuri sa awitin. Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat
ni Noel Cabangon na may pamagat na Akoy Isang Mabuting Pilipino. Maaaring mapanood at
mapakinggan ang awiting ito sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=7sgLIwY_HUo
B. Pagpapaunlad
#1
Ano-ano ang mensaheng nais ipaabot ng
awitin?
#2
Ano-ano ang mga paglabag sa pagmamahal
sa bayan na natukoy sa awitin?
#3
Mahalaga ba na maipakita ang pagmamahal sa
bayan? Ipaliwanag.
Mga
Tanong
Pagmamahal
sa Bayan
 Ang PAGMAMAHAL SA BAYAN ay ang pagkilala sa papel
na dapat gampanan ng bawat mamayang bumubuo rito.
 Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang
PATER na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang
iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.
 Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang
sinilangan (native land)
 Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ngmarubdob
na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong
pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat,
pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral.
Kadalasang iniuugnayang patriyotismo sa
nasyonalismo ngunit hindi magkasingkahulugan
ang dalwang ito. Ang nasyonalismo ay
tumutukoy sa mga ideolohiyang
pagkamakabayan atdamdaming bumibigkis sa
isang taoat sa iba pang may pagkakaparehong
wika, kultura, at mga kaugalian o
tradisyon.Iba itosa patriyotismo dahil
isinasaalng-alang nito ang kalikasan ng
tao.
Ikaw, gaano kalawak ang
iyong kaalaman tungkol sa
pagmamahal sa bayan?
Ano na ang nagawa mo
para masabing mahal mo
ang bayan?
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas
sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral
na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan
na tayo bilang tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa.
Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal, gawin
nating halimbawa ang sumusunod: Una, ano ang mangyayari sa
isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat
miyembro nito? Maaaring ang mag-asawa ay magkahiwalay, ang
mga anak magkaniya-kaniya at sa pagtanda ng mga magulang,
walang kakalinga sa kanila.
Naririto ang ilang bagay na magpapakita ng kahalagahan ng
pagmamahal sa bayan.
1. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang
layunin.
2. Pinagbubuklod ng ppagmamahal sa bayan ang mga tao sa
lipunan.
3. Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang
Karapatan at dignidad ng tao.
4. Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura,
paniniwala at pagkakakilanlan.
Sa mga kaisipang nabanggit, nakita
mo ba kung gaano kahalaga ang
pagsasabuhay ng pagmamahal sa
bayan? Ano ang magagawa mo
para ibahagi sa iba ang
kahalagahan ng pagpapahalaga sa
bayan?
Subalit, dito lang ba magtatapos ang lahat? Sabi nga, kapag mahal mo ang isang
tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga sa kaniya. Wala itong
ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may pagmamahal
sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng
kaniyang bayan. Napansin mo ba sa kasalukuyan kung paano dayuhin ng mga
turista ang mga lugar na mayaman sa kulturang Pilipino? Ikaw, napuntahan mo na ba
ang mga ito? O, mas pinipili mo ang pagiging banyaga sa sariling bayan dahil mas
gusto mong pasyalan ang mga lugar na nasa ibang bansa kaysa sa kung ano
mayroon tayo? Interesado ka ba kung ang Lakbay-Aral ng paaralan ay sa mga
museo o mas gusto mo ang pagpunta sa mga sikat na mall at mga amusement park?
Kapag ba inaawit ang pambansang awit, ginagawa mo ba ito ng buong puso? Payag
ka ba na itayo ang isang gusali na sisira sa imahe ng isang kilalang parke ng bansa?
Ano ang damdaming iiral sa iyo kapag nakikita mo ang mga lugar na tanda ng iyong
pagiging Pilipino ay unti-unting winawasak o binubura sa kasaysayan ng bansa?
Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan
1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang
iyong kapuwa: Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging
ganap ka ba? Kaya mo ba, kung ikaw o kayo lang?
2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong
nakaatang sa iyo? Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang
naisagawa mo na upang masabing ipinagmamalaki kang mamamayan ng
bansa? Ilang beses mo na bang ipinahiya ang bansa sa iyong mga
makasariling mithiin? Ilang beses mo na bang ikinahiya o itinagong ikaw
ay Pilipino?
3. Bakit ayaw mong tumulong sa iba? Bakit ayaw mong sumunod sa kanila bilang
iyong pinuno? Bakit ayaw mong makilahok at makialam sa mga pagkakataong
kailangan ka? Bakit nagkikibit-balikat ka lang?
4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit na may
banta sa iyong buhay?
5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? Ilang pirasong pinagbalatan na ng candy
ang iyong pasimpleng itinapon sa kung saan-saan? Ilang pampublikong pag-aari na
ba ang iyong sinulatan na kahit walang pahintulot (Vandalism)? Kailan ka pa naging
miyembro ng demolition team ng inyong munisipalidad upang sirain at wasakin ang
mga ari-ariang mula sa buwis ng taong bayan? May pagkakataon na ba, na naging
inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?
6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal mo ba ang buong miyembro ng
pamilya? Ang iyong kapitbahay? Ang iyong kaibigan? Ang iyong kaaway?
At higit sa lahat, ang iyong bayan? Naisasabuhay mo ba nang tama ang
iyong pagganap bilang mananampalataya?
Ano kaya ang naging marka mo? Napapanahon ba na
iparinig sa iyo o sa lahat ng Pilipino ang awiting
Akoy isang Mabuting Pilipino?
Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente,
nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidiwal
na sumasakatawang diwa. Maisasakatuparan ito at magiging
bahagi ng kasaysayan kung magkakaisa tayo bilang mamamayang
may pagmamahal sa bayan. Sa mga kaisipang nabanggit, tiyak
akong naintindihan mo na kung paano ipamamalas ang
pagmamahal sa bayan. Napakasimple lang, di ba? Dahil ikaw at
ako ay Pilipinong nagmamahal sa bayan at may mga
pagpapahalagang nagaambag sa pag-angat ng kulturang Pilipino
para sa kaunlaran ng bansa. Handa ka na bang isabuhay ito?
Mga Simpleng Bagay na Maaaring Isabuhay Upang
Makatulong sa Bansa Ayon kay Alex Lacson:
a) Mag-aral ng mabuti
b) Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga.
c) Pumila ng maayos
d) Awitin ang pambangsang awit na may paggalang at dignidad.
e) Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya.
f) Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng
basura kahit saan.
g) Iwasan ang anumang gawaain na hindi nakatutulong.
h) Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
i) Kung pwwede ng bumuto, isagawa ito ng tama.
j) Alagaan at igalang ang nakakatanda.
k) Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan.
ESP 10 Q3 WEEK 5-6 PAGMAMAHAL SA BAYAN.pptx
Gawain sa Pagkatuto 3. Gumawa ng
isang brochure na naglalaman ng
mga impormasyong magpapakita ng
angkop na kilos sa pagpapakita ng
pagmamahal sa bayan, Maaari ring
ilagay ang mga bagay na
maipagmamalaki sa iyong sariling
bayan. Gawin ito sa isang may kulay
na papel (construction paper) o kaya
ay sa isang bond paper. (Hindi
nangangailangang bumili ng
kagamitan sa paggawa ng brochure.
Maaari ring humingi ng tulong sa
mga magulang, kapatid at mga
kakilala.)
ESP 10 Q3 WEEK 5-6 PAGMAMAHAL SA BAYAN.pptx
A. Paglalapat

More Related Content

ESP 10 Q3 WEEK 5-6 PAGMAMAHAL SA BAYAN.pptx

  • 1. Pagmamahal sa Bayan o Patriyotismo Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Week 5-6 CLARISSA C. REYES SST-III
  • 2. MELC: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) (EsP10PB-IIIe- 11.1) Mga Layunin: nakatutukoy ng mga paglabag sa pagmamahal sa bayan ( Patriyotismo); EsP10PBIIIe-11.2 nakapangangatwiran na nakaugat sa pagkakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan(hindi ka global citizen kung hindi ka mamamayan) EsP10PBIIIf-11.3 naipapahayag ang kahahalagahan ng pagmamahal sa bayan gamit ang graphic organizer
  • 4. A. BALIK-ARAL: Makataong Kilos at Pagpapasyang Moral
  • 5. Panatang Makabayan Iniibig ko ang Pilipinas Ito ang aking lupang sinilangan Ito ang tahanan ng aking lahi Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa. Pagganyak
  • 6. 1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (patriyotismo) 3. Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan. (Hindi ka global citizen pag di ka mamamayan.) 4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan (patriyotismo) II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs) 2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (patriyotismo) na umiiral sa lipunan
  • 7. III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo). Back to Panel Scoreboard
  • 8. PAGTALAKAY SA KONSEPTO AT KASANAYAN #1: a. Picture Analysis
  • 9. Gawain sa Pagkatuto 1. Pagsusuri sa awitin. Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat ni Noel Cabangon na may pamagat na Akoy Isang Mabuting Pilipino. Maaaring mapanood at mapakinggan ang awiting ito sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=7sgLIwY_HUo B. Pagpapaunlad
  • 10. #1 Ano-ano ang mensaheng nais ipaabot ng awitin? #2 Ano-ano ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na natukoy sa awitin? #3 Mahalaga ba na maipakita ang pagmamahal sa bayan? Ipaliwanag. Mga Tanong
  • 12. Ang PAGMAMAHAL SA BAYAN ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang PATER na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land) Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ngmarubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral.
  • 13. Kadalasang iniuugnayang patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi magkasingkahulugan ang dalwang ito. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan atdamdaming bumibigkis sa isang taoat sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.Iba itosa patriyotismo dahil isinasaalng-alang nito ang kalikasan ng tao.
  • 14. Ikaw, gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa pagmamahal sa bayan? Ano na ang nagawa mo para masabing mahal mo ang bayan?
  • 15. Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa. Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal, gawin nating halimbawa ang sumusunod: Una, ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat miyembro nito? Maaaring ang mag-asawa ay magkahiwalay, ang mga anak magkaniya-kaniya at sa pagtanda ng mga magulang, walang kakalinga sa kanila.
  • 16. Naririto ang ilang bagay na magpapakita ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. 1. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin. 2. Pinagbubuklod ng ppagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan. 3. Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang Karapatan at dignidad ng tao. 4. Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.
  • 17. Sa mga kaisipang nabanggit, nakita mo ba kung gaano kahalaga ang pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Ano ang magagawa mo para ibahagi sa iba ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa bayan?
  • 18. Subalit, dito lang ba magtatapos ang lahat? Sabi nga, kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga sa kaniya. Wala itong ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan. Napansin mo ba sa kasalukuyan kung paano dayuhin ng mga turista ang mga lugar na mayaman sa kulturang Pilipino? Ikaw, napuntahan mo na ba ang mga ito? O, mas pinipili mo ang pagiging banyaga sa sariling bayan dahil mas gusto mong pasyalan ang mga lugar na nasa ibang bansa kaysa sa kung ano mayroon tayo? Interesado ka ba kung ang Lakbay-Aral ng paaralan ay sa mga museo o mas gusto mo ang pagpunta sa mga sikat na mall at mga amusement park? Kapag ba inaawit ang pambansang awit, ginagawa mo ba ito ng buong puso? Payag ka ba na itayo ang isang gusali na sisira sa imahe ng isang kilalang parke ng bansa? Ano ang damdaming iiral sa iyo kapag nakikita mo ang mga lugar na tanda ng iyong pagiging Pilipino ay unti-unting winawasak o binubura sa kasaysayan ng bansa?
  • 19. Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan 1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapuwa: Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba? Kaya mo ba, kung ikaw o kayo lang? 2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang sa iyo? Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo na upang masabing ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang beses mo na bang ipinahiya ang bansa sa iyong mga makasariling mithiin? Ilang beses mo na bang ikinahiya o itinagong ikaw ay Pilipino?
  • 20. 3. Bakit ayaw mong tumulong sa iba? Bakit ayaw mong sumunod sa kanila bilang iyong pinuno? Bakit ayaw mong makilahok at makialam sa mga pagkakataong kailangan ka? Bakit nagkikibit-balikat ka lang? 4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit na may banta sa iyong buhay? 5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? Ilang pirasong pinagbalatan na ng candy ang iyong pasimpleng itinapon sa kung saan-saan? Ilang pampublikong pag-aari na ba ang iyong sinulatan na kahit walang pahintulot (Vandalism)? Kailan ka pa naging miyembro ng demolition team ng inyong munisipalidad upang sirain at wasakin ang mga ari-ariang mula sa buwis ng taong bayan? May pagkakataon na ba, na naging inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?
  • 21. 6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal mo ba ang buong miyembro ng pamilya? Ang iyong kapitbahay? Ang iyong kaibigan? Ang iyong kaaway? At higit sa lahat, ang iyong bayan? Naisasabuhay mo ba nang tama ang iyong pagganap bilang mananampalataya? Ano kaya ang naging marka mo? Napapanahon ba na iparinig sa iyo o sa lahat ng Pilipino ang awiting Akoy isang Mabuting Pilipino?
  • 22. Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente, nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidiwal na sumasakatawang diwa. Maisasakatuparan ito at magiging bahagi ng kasaysayan kung magkakaisa tayo bilang mamamayang may pagmamahal sa bayan. Sa mga kaisipang nabanggit, tiyak akong naintindihan mo na kung paano ipamamalas ang pagmamahal sa bayan. Napakasimple lang, di ba? Dahil ikaw at ako ay Pilipinong nagmamahal sa bayan at may mga pagpapahalagang nagaambag sa pag-angat ng kulturang Pilipino para sa kaunlaran ng bansa. Handa ka na bang isabuhay ito?
  • 23. Mga Simpleng Bagay na Maaaring Isabuhay Upang Makatulong sa Bansa Ayon kay Alex Lacson: a) Mag-aral ng mabuti b) Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. c) Pumila ng maayos d) Awitin ang pambangsang awit na may paggalang at dignidad. e) Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. f) Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura kahit saan. g) Iwasan ang anumang gawaain na hindi nakatutulong. h) Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. i) Kung pwwede ng bumuto, isagawa ito ng tama. j) Alagaan at igalang ang nakakatanda. k) Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan.
  • 25. Gawain sa Pagkatuto 3. Gumawa ng isang brochure na naglalaman ng mga impormasyong magpapakita ng angkop na kilos sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, Maaari ring ilagay ang mga bagay na maipagmamalaki sa iyong sariling bayan. Gawin ito sa isang may kulay na papel (construction paper) o kaya ay sa isang bond paper. (Hindi nangangailangang bumili ng kagamitan sa paggawa ng brochure. Maaari ring humingi ng tulong sa mga magulang, kapatid at mga kakilala.)

Editor's Notes

  • #5: Pagpapabasa ng nakasulat sa Panatang Makabayan Pamprosesong tanong: Ano ang kahulugan ng panata sa bawat isa? May bahagi ba ng panata na hindi katanggap- tanggap sa iyo? Ano ito at Bakit? Paano mo mailalarawan ang isang tao na gumugawa ng mga bagay na binabanggit sa panata?
  • #8: Pamprosesong Tanong: Ano-ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ano ang mga gampanin ng mga mamayang Pilipino sa mga larawan? Gaano kahalaga ang ugnayan natin, mga Pilipino sa pwersa ng kalikasan?
  • #9: Pagkatapos mong mataya ang iyong gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan, ngayon naman ay basahin ang liriko ng isang awiting tumatalakay rin sa pagmamahal sa bayan.
  • #16: Magulo at nakalulungkot, di ba? Ikalawa, ano ang mangyayari sa grupo ngmanlalaro kung hindi nila ipinamalas ang pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang koponan? Maipapanalo ba nila ang grupo? Di ba lagi mong naririnig ang salitang puso sa tuwing kinakapanayam ang manlalaro na nagbigay nang malaking puntos upang ipanalo ang koponan?
  • #19: Balikan natin ang awiting Akoy Mabuting Pilipino. Tugma ba ang mensahe nito sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Kung ang sumusunod na tanong ay bahagi ng pagsusulit, maipapasa mo kaya ito o may masasagot ka ba sa mga ito?
  • #22: Ano ang kilos ang iyong gagawin upang ito ay matigil at mapreserba ang kulturang tanda ng iyong pagka-Pilipino?