ESP 6 Q1 W4 Malawak na Isipan Tungo sa Responsableng Desisyon
1 of 52
Download to read offline
More Related Content
ESP 6 Q1 W4 Malawak na Isipan Tungo sa Responsableng Desisyon
1. Malawak na Isipan Tungo
sa Responsableng
Desisyon
Pagkabukas isipan
(Open-mindedness)
2. I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng
isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng
loob para sa ikabubuti ng lahat
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa
pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa pamilya
pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman
sa pangyayari
pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti
ito
paggamit ng impormasyon Code: EsP6PKP-Ia-i-37
3. II. NILALAMAN
Paksa: Paggawa ng responsableng desisyon
ng may bukas na isipan
Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagkabukas
isipan (Open-mindedness)
III. KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian:
K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon
sa Pagpapakatao May 2016, pahina 81
https://en.wikipedia.org/wiki/
Moana_(2016_film)
https://en.wikipedia.org/wiki/Open-
mindedness
5. Kumusta na kayo?
Bago simulan natin ang
ating aralin alamin ko
muna kung sino ang
lumiban ngayon.
Kakanta tayo ng isang
orihinal na kantang
Pilipino gamit ang isang
video clip
6. Bilang mag-aaral,
paano nakakaapekto
sa isang pamilya ang
karahasan tulad ng
pagpatay sa mga drug
pusher na madalas
laman ng mga balita sa
radyo, telebisyon at
maging sa pahayagan
man?
7. Naranasan mo na ba
na makapulot ng isang
bagay na hindi iyo?
Ano ang ginawa mo
dito?
Bakit ito ang
iyong ginawa?
8. Ngayong araw
na ito ay
manonood tayo
ng isang
palabas
tungkol sa
kwento ni
Moana.
9. Ngayong tapos na ninyong
napanuod ang tungkol sa
kwento ni Moana. Sagutin
natin ang ilang tanong.
1. Tungkol saan ang pelikula na inyong napanood?
Ano ang inyong naramdaman habang pinapanood ang
pelikula?
2. Kung ikaw si Moana, ano ang iyong gagawin sa
sitwasyong kaniyang kinaharap? Bakit?
3. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagpapasya sa
mga sitwasyong katulad nito?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang
pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga hinaharap na
sitwasyon sa buhay? sa tahanan? sa paaralan?
10. Para sa inyong
takdang-aralin
balikan ang isang
pangyayari na iyong
naranasan na parang
ikaw ay si Moana na
nagpakita ng paraan
upang maitanggol
ang iyong kaibigan o
mag-anak sa
kapahamakan.
12. Bago simulan natin ang
ating aralin alamin ko
muna kung sino ang
lumiban ngayon.
Kakantahin natin ulit ang
kantang Pipit gamit ang
video clip
Kumusta na kayo?
13. Pangkatin ko kayo sa
lima
Sa pamamagitan ng ibat
ibang pangkatang gawain
na may kaugnayan sa
pagkabukas-isipan, na
maipahayag ninyo sa sarili
gamit ang mga gawaing
nakatalaga sa bawat
pangkat sa susunod na
slide.
15. May rubrik na
susundin sa
pagmamarka sa bawat
gawaing ipapakita.
Ang mga puntos sa
rubrik ay
kinakailangang
napagkasunduan ng
guro at ng mga mag-
aaral.
16. Rubrik sa Pagmamarka
KRAYTIRYA 3 2 1
Husay sa
Pagganap
Lahat ng kasapi sa
pangkat ay
nagpakita nang
mataas na
kahusayan sa
pagganap.
1-2 kasapi sa
pangkat ay
nagpakita ng
katamtamang husay
sa pagganap.
3-4 na kasapi sa
pangkat ay hindi
nagpakita ng
kahusayan sa
pagganap.
Angkop/
Tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita nang
maayos at may
tiwala ang tamang
saloobin sa
sitwasyon.
Naipakita nang
maayos ngunit may
pagaalinlangan ang
tamang saloobin sa
sitwasyon.
Hindi naipakita ang
tamang saloobin sa
sitwasyon.
Partisipasyon
ng mga
miyembro ng
pangkat
Lahat ng miyembro
ng pangkat ay
nakiisa sa
pangkatang gawain.
2-3 na miyembro ng
pangkat ay hindi
nakiisa sa
pangkatang gawain.
4-5 na miyembro ng
pangkat ay hindi
nakiisa sa
pangkatang gawain.
17. Tatalakayin natin ang inyong mga sagot
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
bukas na isipan?
2. Paano nakatutulong ang
pagkakaroon ng bukas na isipan sa
pagbuo ng desisyon para sa sarili at
para sa ating pamilya?
3. Ano ang maaaring mangyari kung
basta na lamang tayo magbibigay ng
isang pasya o desisyon?
4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa
pagbuo at pagbibigay ng isang pasya o
desisyon?
18. Para sa indibidwal na
gawain basahin ang mga
sitwasyon sa susunod na
slide. Iguhit sa inyong
kwaderno ang masayang
mukha kung ang sitwasyon
ay nararapat at malungkot
na mukha kung hindi ito
nararapat.
19. Mga Sitwasyon:
1. Masusing pinag-aaralan ang
mga sitwasyon at pangyayari
bago magbigay ng pasya o
desisyon.
2. Isinasaalang-alang lamang
ang kabutihan ng mga kaibigan
o mga taong malapit sa iyo sa
pagbibigay ng pasya o
20. Mga Sitwasyon:
3. Tinitimbang ang mga mga
sitwasyon o pangyayari kung ito
ba ay makabubuti o makasasama
para sa ating gagawing desisyon.
4. Nakikinig sa payo ng magulang
at nakatatanda bago magpasya.
5. Sumasangguni sa mga aklat o
mapagkakatiwalaang sanggunian
21. Tatalakayin natin ang inyong mga sagot
1. Alin sa mga nabanggit
ang palagian mong
naisasagawa? hindi
naisasagawa?
2. Bukod sa mga
nabanggit, ano-ano pa
ang mga paraan upang
magkaroon ng bukas na
isipan sa pagbuo ng
pasya o desisyon?
22. Para sa inyong takdang-
aralin sumulat ng
dalawang pangyayaring
inyong naranasan na kayo
ay nagpapakita ng bukas-
isip kahit ito ay
nakakaapekto sa sa
relasyon ng inyong
matalik na kaibigan
24. Kakantahin natin ulit ang
kantang Pipit gamit ang
video clip
Bago simulan natin ang
ating aralin alamin ko
muna kung sino ang
lumiban ngayon.
Kumusta na kayo?
25. Ipapakita ko ang
sumusunod na
sitwasyon sa susunod na
slides. Sasagutin ninyo
kung ano ang inyong
gagawin sa bawat
sitwasyon kung kayo ang
tauhan dito. Itatala rin
ninyo ang dahilan kung
bakit ninyo ito dapat
gawin. Isusulat ang
sagot sa inyong
kuwaderno.
26. Anak, si Carlo na
muna ang ibibili ko ng
bagong sapatos dahil
ang kanyang sapatos
ay sira na
_____________
_____________
_____________
_____________
27. Angelo gusto kong
ikaw muna ngayong
araw na ito ang
magiging lider sa
inyong pangkat
_____________
_____________
_____________
_____________
28. Jenny mababawasan
ko muna ang ang
baon mo simula
ngayong araw dahil
tayo ay may
maraming babayarin
_____________
_____________
_____________
_____________
29. Tatalakayin natin ang inyong mga sagot
1.Ano-ano ang
isinasaalang-alang
sa pagbuo ng isang
pasya o tugon?
2.Sa paanong paraan
mo maipapakita ang
pagkakaroon ng
bukas na isipan?
30. Hatiin ko kayo sa limang
pangkat. Tatawagin ko
ang lider ng bawat
pangkat at pabunutin ko
sila sila ng sitwasyon.
Hahayaan ko kayong
bumuo ng sariling
kaisipan o pag-unawa
tungkol sa naturang
sitwasyon. Bigyang laya
ko kayo na ipakita ang
inyong tugon sa
sitwasyon sa ibat ibang
malikhaing pamamaraan.
31. Mga Sitwasyon:
Si Lito ay mula sa mahirap na
pamilya. Ang kaniyang ina ay
nakaratay sa ospital dahil sa
sakit na cancer at kailangan
nang agarang gamutan. Isang
araw niyaya siya ng kaniyang
kabarkada na isagawa ang
pagnanakaw sa isang malaking
tindahan. Kung ikaw si Lito, ano
ang iyong gagawin?
32. Mga Sitwasyon:
Nalaman mo isang araw mula
sa iyong kalaro na ang iyong
kapitbahay na dating sundalo
at kilalang siga sa inyong
lugar ay nagbebenta ng
ipinagbabawal na gamot. Ano
ang gagawin mo sa iyong
natuklasan?
33. Mga Sitwasyon:
Si Juan ay anak ng pulitiko.
Tuwing may pagsusulit siya ay
gumagawa ng paraan upang
tumaas ang kaniyang iskor.
Isang paraan niya ay ang
pananakot sa kaniyang katabi
upang siya ay bigyan ng
wastong sagot. Bilang pangulo
ng inyong klase, ano ang
nararapat mong gawin
pagkatapos mo itong
matuklasan?
34. Mga Sitwasyon:
Isa sa mga patakaran
ng paaralan ang
pagbabawal sa
pagdadala ng
cellphone. Ano ang
reaksiyon mo hinggil
sa patakarang ito.
35. Mga Sitwasyon:
Matalik na magkaibigan sina
Joshua at Tiffany. Si Joshua ay
malamya sa pagkilos subalit si
Tiffany naman ay medyo brusko.
Isang araw, sabay na naglalakad
sa paaralan ang dalawa nang
biglang binastos si Joshua ng
mga kamag-aaral na lalaki.
Sinabihan siyang, Bakla ka,
hindi ka makakapasok sa langit.
Kung ikaw si Tiffany, ano ang
gagawin mo?
36. Sumulat ng 3 pangungusap na
nagpapaliwag sa tanong na gusto mong
sagutin. Pumili lamang ng isang tanong.
1. Bakit gusto mong pumasok
araw-araw? Ano ang nagtulak
sa iyo na pumasok ka araw-
araw?
2. Bakit minsan gusto mong
lumiban sa pumasok sa
paaralan? Ano ang nagtulak
sa iyo na lumiban ka sa
pumasok?
38. Bago simulan natin ang
ating aralin alamin ko
muna kung sino ang
lumiban ngayon.
Kumusta na kayo?
Kakanta tayo ng isang
orihinal na kantang
Pilipino gamit ang isang
video clip
39. Sa lahat ng mga
gawain at
sitwasyong ating
tinalakay, ano ang
ibig sabihin ng
desisyon? Ano-
ano ang mga
dapat tandaan sa
pagbuo ng
desisyon?
40. Ang pagkabukas isipan
ay ang pagtanggap sa
mga bagong ideya. Ito
ay isang pagpayag na
subukan at isaalang-
alang ang mga bagong
bagay at ideya.
TANDAAN NATIN
41. Ang pagkabukas
isipan ay nauugnay
din sa mga paraan
kung saan ang tao ay
isinasaalang-alang
ang mga pananaw at
kaalaman ng iba.
TANDAAN NATIN
42. Sa pagkakaroon ng
pagkabukas isipan, ang
tao ay tinutulungan na
malaman, mapayabong,
at mapatibay ang
paniniwala sa kaniyang
sarili.
TANDAAN NATIN
43. Mayroong pagkamatapat na
kaakibat ang pagkabukas
isipan, dahil tinatanggap ng
isang tao na hindi niya alam
ang lahat ng bagay. Ito ay
nangangahulugan ng
paniniwala na anuman ang
katotohanan na kaniyang
makikita ay higit pa sa
kaniyang inaasahan.
TANDAAN NATIN
44. Kayat mahalaga na malinang
ang pagkabukas isipan
upang ang mga mag-aaral ay
magkaroon ng kamalayan sa
mga bagay na nangyayari sa
kaniyang sarili, pamilya, at
komunidad. Ito ang magiging
susi sa paggawa ng
responsableng desisyon.
TANDAAN NATIN
45. Basahin ang sumusunod na
sitwasyon at sagutin ang
tanong sa bawat sitwasyon.
Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
46. 1. Si Awra ay nakapulot ng isang bag na puno
ng pera habang sila ng kaibigang si Onyok ay
abala sa pangungulekta ng mga kalakal sa
kalye. Alin sa sumusunod ang dapat nilang
gawin?
A. Ibili ng mga pagkain para sa kanilang mga
kapatid.
B. Ipagbigay alam ang pangyayari sa kapitan
ng kanilang barangay.
C. Gamitin itong pambili ng mga proyekto sa
paaralan at ibigay sa nanay ang mga lalabis
dito.
D. Itago sa bangko at hayaang lumaki ang
halaga ng interes nito upang makatulong sa
mga magulang.
47. 2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
bukas na kaisipan sa pagbuo ng desisyon?
A. Napagdesisyunan ng mag-asawang Miriam at Jose
na ipaampon ang kanilang anak sa isang mayamang
balik-bayan upang matugunan ang iba pang
pangangailangan ng kanilang ibang anak.
B. Dala ng karangyaan ng kanilang pamilya, pinili ni
Joaquin na ipagpatuloy ang pagbebenta ng bawal na
gamot upang mapanatili ang estado ng kanilang
pamumuhay.
C. Pinipilit ni Mang Cardo at ng kaniyang maybahay na
magtiyaga sa paglalabada at pagmamaneho ng
padyak upang mapag-aral nila ang kanilang mga
anak.
D. Dahil sa isang suliraning hinaharap ng kanilang
pamilya, pinili ni Marco na tumigil muna sa pag-aaral
at sumama na lamang sa kanilang kapitbahay sa
pangangalakal upang matugunan ang gamot ng
kaniyang ina.
48. 3. Ang inyong lugar ay madalas na
nakararanas ng pagbaha sa panahon ng tag-
ulan. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod
ang maaari mong gawin upang makatulong sa
pagsugpo ng suliranin ng inyong barangay na
may malaking epekto sa inyong pamilya?
A. Paglahok sa clean and green campaign ng
inyong barangay.
B. Pagtatanim ng mga namumulaklak na
halaman sa mga harap ng tahanan at
lansangan.
C. Pagsusunog ng mga basura na nakakalat
sa lansangan at mga kanal.
D. Pagsali sa popularity contest sa bayan na
naglalayong makakalap nang sapat na
pondo para sa mga kapus-palad.
49. 4. Habang ikaw ay naglalakad sa kalye,
may isang grupo ng kabataan na nagaalok
ng sigarilyo at alak. Ano ang iyong
gagawin?
A. Iiwas ako sa kanila at tatakbo papalayo.
B. Susubukan kong tikman ang alak at
sigarilyo para hindi sila magalit.
C. Tatanggihan ko ang kanilang alok at
magpapaliwanag na hindi ako
naninigarilyo at nag-iinom.
D. Tatanggapin ko ang kanilang inaalok
upang mapatunayan ko sa kanila na
kaya ko din gawin ang kanilang
ginagawa.
50. 5. Natanggal sa trabaho ang iyong ama na siyang
bumubuhay sa inyong pamilya. Bilang myembro ng
inyong pamilya, paano ka makatutulong sa kanila
lalo na at gusto mo talagang makapagtapos ng
iyong pag-aaral?
A. Titipirin ko ang baon na ibinibigay sa akin ng
aking nanay at sisikaping makaipon kung may
natirang pera sa baon.
B. Pagsasabihan ko ang aking ama na humanap ng
panibagong trabaho para maibigay ang aming
mga pangangailangan.
C. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-
aral at mangangako na babayaran ko sila kapag
nakaluwag na ang aming pamilya.
D. Sasabihan ko ang aking mga nakababatang
kapatid na tumigil muna sila sa pag-aaral at
magtrabaho na lang muna para makatapos ako
ng aking pag-aaral.
51. 1. Ano-ano ang
natutunan ninyo sa
isang linggo nating
aralin sa Edukasyon
sa Pagpapakatao?
2. Ano ang inyong
naramdaman sa
kabuuan ng aralin?
3. Paano mo pa
mahuhubog ang
iyong sarili na
magkaroon ng
bukas na isipan?
52. Ipakita ang pagkakaroon ng bukas na isipan
sa paggawa ng isang sitwasyon gamit ang
responsableng desisyon. Pumili lamang ng
isa sa mga paraang gagamitin sa ibaba.
A. Pagsulat ng awit
B. Paggawa ng poster
C. Paggawa ng slogan
D. Paggawa ng komik
istrip