4. Ipaliwanag ang salawikain
Walang ligaya sa lupa na
di dinilig sa luha
Ano ang ibig sabihin ng
dalawang konsepto sa
ibaba?
Pagpapasensiya
Pagtitiis
5. Ano Ang Masasabi Mo Sa
Akin?
Sa una pa lang na
makita nila ako, marami na
ang naawa at nahabag sa
akin.
Naging viral ako sa
social media. Sa madaling
sabi, sumikat ako! Salamat
sa kumuha at nag-post ng
larawan ko, maraming
nagbigay ng tulong sa akin
7. larawan ko, maraming
nagbigay ng tulong sa akin
para maabot ko ang pangarap
ko.
Pero hindi ko naging
intensiyon ang sumikat sa
pagiging viral ng larawan ko.
Naging plano ko ang
pagpuwesto doon dahil iyon
ang bahaging maliwanag para
makapagbasa ako. Hindi ko rin
naging plano ang makakuha
8. ng simpatya ng sa gayon ay tulungan
nila ako.
Noong gabing yun, nais ko lang
naman mag-aral, gawin ang
takdangaralin na ibinigay ng aking
guro.
Dahil simula pa noon, nagpasya na
ako na makatatapos ako sa aking pag-
aaral. Balang araw magiging pulis ako,
para sa sarili ko, para sa pamilya ko at
para sa mga taong matutulungan ko.
Heto ako noong gabing iyon.
10. Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang ipinapahiwatig ng
mga pahayag ng batang
nasa larawan?
2. Paano mo ipaliliwanag ang
pahayag na, Nagpasya akong
maging pulis, kaya nag-aaral
ako kahit saang bahagi kung
maaari.
3. Anong mabuting katangian
ang ipinakita ng bata?
13. (Isagawa Natin)
Panuto: Panoorin ang maikling
video clip tungkol sa pagpupursige ng
mga mag-aaral sa pag-aaral.
Pagkatapos mapanood, sumulat ng
sanaysay na nagpapakita sa kanilang
pagiging matiisin para maabot ang
pangarap. Iugnay ang kanilang gagawin
sa tamang pagpapasya para sa
kabutihan ng sarili at kapuwa.
(Tandaan: Maaari din ang kahit anong
video clip na may kaugnayan sa
pagtitiis ng mag-aaral sa pag-aaral)
15. Pangkatang Gawain: Panuto: Gumawa ng
isang malikhaing palabas mula sa
salawikain at konsepto na mababasa mula
sa papel na mabubunot. Ang malikhaing
palabas ay maaaring dula, pantomina,
sabayang bigkas, at iba pa.
1. Hanggang maikli ang kumot
matutong mamaluktot
2. Bawat malakas na ulan ay may
liwanag na naghihintay, pagkapawi
ng ulap, lilitaw ang araw
3. Lahat ng pinaghirapan may
pagbubungahan, walang kaligayahan
sa lupang hindi pinaghirapan