2. Seksuwalidad
Behikulo upang maging ganap na tao
lalaki o babae na ninanais mong
maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na
kakanyahan.
Ang pagpapakalalaki at pagpapakababae
ay malayang pinili at personal na tungkulin
na gagampanan sa iyong buhay.
3. Mga Dapat Tandaan:
Isang moral na hamon sa bawat tao ang
pag-iisa o pagbubuo ng seksuwalidad at
pagkatao upang maging ganap ang
pagkababae o pagkalalaki.
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito
ang natatanging bokasyon ng tao bilang
tao.
4. Tao lamang ang may kakayahang
magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad
niya ay may kakayahang magmahal. Ang
kakayahang ito na magmahal at maghatid
ng pagmamahal sa mundo ang likas na
nagpapakadakila sa tao.
~ (Banal na Papa Juan Paulo II)
5. Upang gawing higit na katangi-tangi ang
pagmamahal, at upang ito ay maging buo at
ganap, kailangang ito ay magkaroon ng
integrasyon. Kailangang mailakip dito ang
lahat ng elemento ng tunay na pagmamahal
ayon sa kung alin ang dapat mangibabaw o
mauna.
6. Mahahalagang Elemento
Sex drive o sekswal na pagnanasa
Kilos-loob (will)
Pandama at emosyon
Pakikipagkaibigan
Kalinisang puri
7. Sex Drive o Libido
Katutubong simbuyong seksuwal
nangangahulugang simbuyo, udyok, gana
o pagnanasang seksuwal ng tao
Maaaring supilin o hayaang mangibabaw
sa kanyang pagkatao
Maaaring makatulong sa paglago bilang
tao at magbigay ng kaganapan sa
pagiging babae o lalaki
8. Puppy Love
Kadalasang pinagkakamalan na tunay na
pagmamahal
Maaaring maging simula o pundasyon ng
isang tunay at wagas na pagmamahalan
sa pagdating ng tamang panahon.
Maaaring bunga ng sensuwalidad, na
pinupukaw ng mga mga pandama
(senses) at damdamin (sentiment) na
bunsod ng emosyon
9. Dapat Tandaan:
Huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa
proseso pa lamang ng paghahanda para
sa tunay at wagas na pagmamahal at ang
iyong nararamdaman ay paghanga
lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.
Ang tunay na pagmamahal ay malaya at
nagpapahalaga sa kalayaan ng
minamahal.
10. Ang Paggamit sa Kapwa at
Pagmamahal
~ may laya na pumili at magpasya
~ damdamin ng kapwa
Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal
~ ang pagtatalik ay hindi bunga lamang ng
seksuwal na pagnanasa, kundi ang pagbibigay
ng buong pagkatao
11. Ang Pagmamahal ay Isang Birtud
~ nangangailangan ng paglinang at pagkilos
upang mapaunlad ito. Ang tuon ay ang
ikabubuti ng minamahal at ng dalawang
taong pinag-isa ng kasal
~ ito ay mapanlikha; nagbibigay-buhay
maaaring pisikal o seksuwal o sa paraang
ispiritwal