2. Migrasyon
•ang pagiging dayuhan ng mga tao sa ibang
bansa
•ang pinag uugatan nito ay naaayon sa mga
pangangailangan ng bawat indibidwal at ng
pamilyang kinabibilangan.
•may mabuti at masamang epekto ang
migrasyon sa kabuuan at sa pamilyang
Pilipino
3. Ang Dahilan ng Migrasyon
•Mataas na antas ng pamumuhay
•Kakulangan ng oportunidad na
makapagtrabaho
•Kagustuhang makapagtapos sa pag-aaral
ang mga anak
4. Mga Pangunahing Dahilan
(ayon sa Soroptimist International (1994))
•Edukasyon ng mga anak (80.7%)
•Mas mataas na sahod (63.3%)
•Makabili ng bahay at lupa (50.0%)
•Pambayad ng mga utang (31.3%)
•Para sa pangkapital sa negosyo (29.3%)
•Makabili at makapundar ng mga ari-arian
(17.3%)
•Iba pang pang-ekonomikal na pangangailangan
(22.0%)
5. Kabutihang Naidudulot
•Pagpapagawa ng mga bagong bahay
•Pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ng mga
anak
•Umaasensong negosyo na naipundar
•Kakayahang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng pamilya
6. Kabutihang Naidudulot
•Ang perang padala ng mga OFWs sa kanilang
mga pamilya ay nakatutulong nang Malaki sa
pag-aangat ng kalagayang pangkabuhayan ng
bansa
•Naipamamalas ang kulturang Pilipino sa ibang
lahi
•Nagagamit at tumitingkad ang mga talino at
kagalingan ng mga Pilipino sa ibang bansa
7. Epekto ng Migrasyon na Dapat
Harapin
1. Ang pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan
sa pamumuhay.
2. Ang mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at
panlipunan na aspekto ng mga anak.
3. Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-
asawa at panghihina ng katatagan ng pamilya.
4. Ang nagbabagong konsepto ukol sa tradisyunal na
pamilya sa transnasyunal na pamilya.
5. Ang pagkakaroon ng puwang at kakulangan ng
makabuluhang komunikasyon at atensyon ng magulang
sa anak at ng anak sa magulang.
8. Mga hakbang upang maging handa sa mga
epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino:
(Marie E. Aganon, 1995)
1. Pag-oorganisa at pagbuo ng mga counseling
centers
2. Patuloy na paghubog ng mga pagpapahalaga
at birtud sa mga anak
3. Pag-oorganisa at pagbibigay ng mga
programang pangkabuhayan
4. Pagbibigay ng mga programang pang OCWs
tulad ng makabuluhang pamumuhunan sa
negosyo at pagsasakatuparan ng R.A. 8042
9. Karagdagang hakbang upang maging
handa sa mga epekto ng migrasyon:
1. Pagpapanatili at pagpapatatag ng bukas na
komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng
pamilya.
2. Ang pagkakaroon ng regular na pang-ispiritwal na
counseling sa mag-asawa.
3. Ang pagpapaunlad at pagpapatatag sa kultura ng
pamilyang Pilipino.
4. Mapanatili ang matatag na pagmamahalan, pagtitiwala
at paggalang sa bawat miyembro ng pamilya.
5. Pagpapalawak sa kamalayan ng mga kabataan ukol sa
pagiging mapanagutan sa mga gampaning pampamilya.
10. Dapat Tandaan:
Mahalaga na maisabuhay ang mga
angkop at konkretong paraan ng
pagiging handa sa mga epekto ng
migrasyon sa pamilyang Pilipino.