Ang tao ay likas na panlipunan at ang kanyang buhay ay nauugnay sa pakikilahok sa lipunan at komunidad. Ang tunay na kabutihan ng lipunan ay nakasalalay sa pakikipag-ugnayan at paggalang sa indibidwalidad ng bawat kasapi at ang pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang mga hadlang sa kabutihang panlahat ay kinabibilangan ng indibidwalismo at pakiramdam ng hindi pagkakapantay-pantay sa ambag ng bawat isa.