4. Profile ng mga Karakter sa Pambubulas
Ang pambubulas ay seryosong suliranin. May lubhang
epekto sa kalusugan, kaisipan, emosyon at pakikipag-
ugnayan sa kapwa sa sino mang makaranas nito,
maging ikaw man ang nangbulas, nabubulas o saksi
sa pambubulas.
5. Mga Epekto ng Pambubulas
1. Pagiging balisa, kadalasang umiiwas
sa maraming tao
2. Hindi pagkain ng wasto
3. Pagkawala ng interes sa
makabuluhang bagay at gawain tulad
ng pag-aaral o pag-pasok sa trabaho
6. Mga Epekto ng Pambubulas
4. Pagmumukmok at hindi
pakikisalimuha sa ibang tao
5. Pagkakaroon ng matinding
pagnanasang makaganti
6. Pagpapakamatay o suicide
7. Profile ng mga Karakter sa Pambubulas
Tandaan:
Ang lahat ng pagsisikap na malutas ang
isyu ng pambubulas ay nangangailangan
ng pagmamahal at pagtutulungan ng
paaralan, pamilya, at pamayanan. Kung
tayo ay magtutulungan, gaano man
kalaki ang problema ng pambubulas, ay
ating makakayanan.
8. KARAHASAN SA PAARALAN
Ang pag-iwas sa anomang uri ng
karahasan sa paaralan (tulad ng
pagsali sa fraternity at gang at
pambubulas) at ang aktibong
pakikisangkot upang masupil ito
ay patunay ng pagmamahal sa sarili
at kapwa at paggalang sa buhay.
11. FRATERNITY O GANG
Ayon sa Kagawaran ng
Katarungan ng Estados Unidos
ito ay:
1. Pagsasamahan ng tatlo o
mahigit pang indibidwal;
12. FRATERNITY O GANG
2. Ang mga miyembro nito ay
kolektibong kinikilala ang
kanilang pangkat sa
pamamagitan ng paggamit ng
pangkatang pagkakakilanlan
(group identity)
13. FRATERNITY O GANG
.....
na kanilang ginagamit upang
makalikha ng takot o
intimidation, madalas ay
ginagamit nila ang isa o mahigit
pa sa sumusunod:
14. FRATERNITY O GANG
e. tattoo o iba pang marka sa
katawan
f. kulay ng damit
g. ayos ng buhok
h. senyales ng kamay o graffiti
15. FRATERNITY O GANG
3. Ang tanging layunin ay
makilahok o sumali sa
masasamang gawain o mga
krimen at gumagamit ng
karahasan o intimidation upang
maisagawa ang mga ito.
16. FRATERNITY O GANG
4. Ang mga kasapi ay sumasali sa
masasamang gawain o krimen na
kung ang gagawa ay mga
nakatatanda, ay mga krimen na
may layuning mas palakasin ....
17. FRATERNITY O GANG
....
ang kapangyarihan ng pangkat,
reputasyon at pinansyal na
panustos sa
kanilang mga pangangailangan.
18. FRATERNITY O GANG
Ang fraternity naman sa kabilang
dako ay isang panlipunan o
akademikong organisasyon o
samahan na ginagamit ang
alpabetong Griyego na batayan sa
kanilang mga pangalan.
19. FRATERNITY O GANG
Ito ay isang pagkakapatiran (latin:
frater na nangangahulugang
brother) na pinag-isa ng layuning
mapalago ang aspetong
intelektwal, pisikal at sosyal ng
mga kasapi.
20. FRATERNITY O GANG
Ito ay binuo dahil sa maraming
layunin, kasama rito ang edukasyon
lalo na sa mga pamantasan,
kakayahan sa paggawa, etika,
relihiyon, pulitika, pagtulong sa
kapwa, o maging paggawa ng
krimen at marami pang iba.
21. FRATERNITY O GANG
Palaging ginagabayan ang
mga kasapi nito ng
kahalagahan ng
pagbibigayan ng suporta sa
isat isa.
22. FRATERNITY O GANG
Dahil sa kasalukuyan, ang mga
kasapi ng fraternity at gang ay
pabata nang pabata, nagkakaroon na
rin ng malaking pagbabago sa
layunin, pamamaraan at gawain ng
mga kasapi nito.
24. KATANGIAN NG MGA GANG
a. Itinuturong nangungunang
dahilan sa pagdami ng
karahasan o krimen sa
kasalukuyan, sa loob man o
sa labas ng paaralan.
25. KATANGIAN NG MGA GANG
b. Upang maging kasapi
ng isang gang, isang
inisasyon ang
kailangang maipasa.
26. KATANGIAN NG MGA GANG
Ito ay kadalasang naglalaman
ng mga marahas na gawain
katulad ng pananakit na
pisikal, pananamantala o
pagpatay.
27. KATANGIAN NG MGA GANG
c. Ang pagiging kalahok ng
isang gang ay maaaring
magdulot ng kapahamakan,
maaaring maging dahilan ng
pagkakakulong o kaya naman
ay kamatayan
28. KATANGIAN NG MGA GANG
e. Inilalagay nito sa
kapahamakan maging ang
sariling pamilya na siyang
maaring pagbalingan ng mga
kalabang gang bilang
paghihiganti.
29. KATANGIAN NG MGA GANG
f. Karamihan sa miyembro ng
gang ay nadadala ang pagiging
marahas hanggang sa kanilang
pagtanda, mas madalas na labas
masok sa kulungan kung
humaba man ang kanilang buhay
30. KATANGIAN NG MGA GANG
g. Karamihan sa mga miyembro
ng gang ay humihinto sa pag-
aaral o di kaya naman ay
natatanggal sa paaralan
31. KATANGIAN NG MGA GANG
h. Ang mga miyembro ng gang ay
mas madalas na nasa kalye at
kung minsan ay humahawak ng
baril o iba pang mga armas na
nakasasakit at nakamamatay
32. KATANGIAN NG MGA GANG
Hindi marahil tama na isisi
lamang natin ang paglaganap
ng gang sa musikang kanilang
naririnig o sa mga pelikulang
kanilang napanonood.
33. KATANGIAN NG MGA GANG
Marami kasi ang nagsasabi na
ang mediang pinakamalaking
impluwensya para sa mga
kabataan.
34. KATANGIAN NG MGA GANG
Sa pananaw ng mga kabataang
sumasali sa fraternity o gang,
nakalilikha ang kanilang pagiging
kasapi ng kanilang lugar o
katayuan sa lipunan na sila ay
nagkakaroon ng impluwensya sa
maraming tao.
35. KATANGIAN NG MGA GANG
Isa itong malakas na panghimok
lalo na sa mga kabataan na
malungkot o nag-iisa. Ang pagsali
sa gang sa loob ng paaralan ay isa
sa mga sagabal sa pag-aaral ng
mga kabataan.
36. KATANGIAN NG MGA GANG
Ito ay nakagagambala sa
pagpasok sa paaralan at naiiba
ang tuon ng mga sumasapi rito.
Natututo ang mga kasapi nito ng
mga masasamang gawain -
37. KATANGIAN NG MGA GANG
.... maaaring ang ilan ay napipilitang
sumunod sa paggawa ng mga
masasamang gawain upang maiwasan
ang katulad na parusang ibinibigay ng
mga pinuno at kasapi nito sa mga
kabataang hindi nila kasapi o kasapi lalo
na ng mga kalaban nilang gang.
39. PAGSASANAY 4.2
PANUTO: Panoorin ang bidyu na may
pamagat na Bullying victim speaks out at
Bully learns his lesson upang matukoy
ang isa sa mga pangunahing dahilan ng
karahasan sa paaralan.
40. PAGSASANAY 4.2
Itala ang hinihingi ng bawat kolum sa
ibaba:
Sanhi ng pagkakaroon ng karahasan
sa Paaralan
Epekto ng pagkakaroon ng karahasan
sa Paaralan
41. PAGSASANAY 4.2
Sagutin ang sumusunod na tanong: (minimum of 5 sentences)
1. Mayroon ka bang katulad na karanasan sa paaralan
o di kaya ay nakasaksi ng katulad na mga sitwasyon
sa paaralan o sa pamayanan? Ibahagi
2. Bakit kaya may nambubulas? Bakit may binubulas?
3. Bakit kaya lumalaganap ang ganitong sitwasyon sa
paaralan maging sa ating bansa? Ipaliwanag.