2. Kasanayang pagkatuto
Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na
umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa
Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng
tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang
kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao
3. Kasanayang pagkatuto
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid
ang mga nagawa o naobserbang paglabag sa mga
karapatang pantao sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan o lipunan/bansa
5. Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo
na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na
may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang
kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang
tao.
Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral
sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may
kakayahang magdulot ng kaligayahan,
kapayapaan, at pagkakaisa.
6. Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na
karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos
nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa
karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang
moral kung saan lahat ng lalake at babae ay
mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang kanilang
kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo
rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag
ng Tungkulin ng Tao o Universal Declaration of Human
Rights noong 1997.
7. Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang
magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung
maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling
paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring
magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino
at ano ka bilang tao dito sa mundo
8. Tandaan ang bawat karapatan at
ang kaakibat na tungkulin ng tao.
Karapatang mabuhay
Tungkulin ang pangalagaan ang
sarili o pangalagaan ng mga
magulang ang mga anak.
Halimbawa: Sa babaeng
nagdadalang-tao, tungkulin ng ina
na pangalagaan ang kaniyang sarili
upang masiguro ang kaligtasan ng
sanggol.
9. Tandaan ang bawat karapatan at
ang kaakibat na tungkulin ng
tao.
Karapatan magkaroon ng pribadong
ariarian
Tungkulin na gawing legal ang pag-
aari, mapayabong ang mga ito at
gamitin upang tulungan ang kapuwa at
paunlarin ang pamayanan. Halimbawa:
Pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain, damit o pera, mga bagay na
tunay nilang kailangan.
10. Tandaan ang bawat
karapatan at ang kaakibat
na tungkulin ng tao.
Karapatang magpakasal o
magkaroon ng pamilya
Tungkulin na pangalagaan ang
pamilya. Halimbawa: Pagiging isang
mabuting halimbawa sa mga anak,
pag-iwas sa eskandalo na magiging
sanhi sa pagsira ng pangalan ng
pamilya at pagsasabuhay ng mga
birtud bilang isang pamilya.
11. Tandaan ang bawat
karapatan at ang kaakibat na
tungkulin ng tao.
≒ Karapatan sa
pananampalataya
Tungkulin na igalang ang
ibang relihiyon o paraan ng
pagsamba ng iba.
12. Tandaan ang bawat karapatan
at ang kaakibat na tungkulin
ng tao.
Karapatang maghanapbuhay
Tungkulin maghanapbuhay ng
marangal
Tungkulin ng bawat isa na
magpunyagi sa trabaho o
hanapbuhay at magpakita ng
kahusayan sa anumang gawain.
13. Tandaan ang bawat
karapatan at ang kaakibat
na tungkulin ng tao.
Karapatang pumunta sa ibang
lugar
Tungkulin na igalang ang mga
pribadong boundary, kaakibat ng
karapatang ito na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at
pribadong espasyo ng kapuwa.
Tungkulin na sumunod sa mga
batas na pinapairal ng ibang lugar o
bansa
14. Isaisip:
Gawain: Tsart ng mga karapatan at mga
paglabag sa mga ito Nalaman mo na ang
kahulugan ng karapatang pantao. Ngunit may
mga panahon na nilalabag ang mga ito.
Panuto: Sagutin ang mga tanong na
nakapaloob sa talahanayan upang lubusang
mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa
aralin.
18. Sagutin:
1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos
gawin ang gawain?
2. 2. Paano makatutulong ang pagtutupad sa
tungkulin sa pagbuo ng iyong
pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahala
an?
20. GAWAIN:
Magnilay at gumawa ng mga tiyak at tuwirang pamamaraan sa
pagsasabuhay ng mga Karapatan mula sa Universal Declaration
of Human Rights (UDHR) at mga kaakibat nitong tungkulin.
Maaring pumili ng mga Karapatan mula sa UDHR at tukuyin ang
mga katapat na tungkulin at paraan ng pagsasabuhay nito. Isulat
sa isang papel ang iyong sagot.
Mga Paraan ng Pagsasabuhay ng mga Karapatan at Kaakibat nitong Tungkulin
Karapatan Kaakibat na Tungkulin
22. Takdang aralin:
Panuto: Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin
upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at
tungkulin.
Editor's Notes
#7: Halimbawa, ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa politika ngunit hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan upang mamuno sa lipunan. Ngunit inaasahan din sa kanya ang maayos na pamamalakad at paglilingkod.