1. Estados Unidos
Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika (Ingles: United States of America)
na may limampung estado at isangdistritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang
Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang
bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang
Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang
natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat
Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado
(Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa.
Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang
Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang
mga mamamayan nito.
Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon,
ang Estados Unidos ay ang ikatatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang
sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehonng sukat ng lupa at populasyon. Isa ang
Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na
bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.[1]
Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong
1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw
sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Tratado ng Paris noong 1783.
Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya
sa ekonomiya,politika, militar, at kultura.
Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng
pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang
bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang
Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan (presidential)-konggresyonal.
2. Wika[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang mga wika na may pinakamataas na bilang nang nagsasalita sa Estados Unidos:
Mga Wika (2003)[3]
Ingles (lamang) 214.8 milyon
Kastila kabilang ang Kriyolo 29.7 milyon
Tsino 2.2 milyon
Pranses, kabilang ang Kriyolo 1.9 milyon
Tagalog 1.3 milyon
Biyetnames 1.1 milyon
Aleman 1.1 milyon
3. Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Heograpiya ng Estados Unidos
Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at
mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest)
sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa,
ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, angGreat Lakes na parte rin ng sa Canada, Rockies na
nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng
Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang -
Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.
Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga
tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay
dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig.
Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may
katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.
4. KASAYSAYAN
Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Estados Unidos
Ang mga katutubo ng pangunanglupa ng Estados Unidos, kasama ang mga katutubong taga-
Alaska, ay pinaniniwalaang lumipat galing sa Asya, simula noong 12,000 hanggang 40,000
nakaraang taon. Ilan, tulad ng bago-Columbyanong kulturang Misisipyo, ay bumuo ng
nangungunang agrikultura, magarbong arkitektura, at mga hanay-estadong lipunan. Pagkatapos
magsimulang manirahan ang mga Europeo sa mga Amerika, madaming milyon na katutubong
Amerikano ay nangamatay mula sa mga epidemikong dala ng mga dayuhan tulad ng smallpox.
Noong 1492, ang taga-Genoang manlalakbay na si Christopher Columbus, sa ilalim ng isang
kontrata ng koronang Espanyol, ay nakarating sa ilan-ilang pulong Caribbean, unang nakagawa ng
pakikipag-ugnay sa mga katutubo. Noong 2 Abril 1513, ang kongkistadoreng Espanyol na si Juan
Ponce de Leon ay dumaong sa kanyang binansagang "La Florida"—ang unang naulat na pagdating
ng Europeo sa kung ano ang magiging pangunanglupa ng Estados Unidos. Ang mga paninirahang
Espanyol sa rehiyon ay nasundan ng mga paninirahan sa ngayo'y timog-kanlurang Estados Unidos
na naghikayat sa libu-libo patungong Mehiko. Ang mga mangangalakal balahibong Pranses ay
nagtatag ng mga tigilan ng New France sa paligid ng Great Lakes; kinalaunan, inangkin ng Pransiya
ang malaking bahagi ng kaloobang Hilagang Amerika; pababa hanggang sa Golpo ng Mehiko. An g
unang matagumpay na panirahang Ingles ay ang Kolonya Virginia sa Jamestown noong 1607 at ang
Pilgrimong Kolonya Plymouth noong 1620. Ang pagtatala noong 1628 ng Kolonya ng Look ng
Massachusetts ay nagbungta ng isang malaking paglilipat; noong 1634, ang New England ay
tinirhan na ng 10,000 Puritan. Sa pagitan ng huling bahagi ng mga 1610 at Himagsikang Amerikano,
mga 50,000 na hinatulan ang dinaong patungo sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya. Simula
1614, ang mga Olandes ay nanatili sa baybayin ng babang Ilog Hudson, kasama ang New
Amsterdam sa pulo ng Manhattan.
5. Lahi[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos:
1. Europeo 171,801,940 Amerikano 60.7% ng buong populasyon ng Amerika
2. Hispaniko 44.3 million Amerikano 14.8% ng buong populasyon ng Amerika
3. Aprikano 39,500,000 Amerikano
4. Pilipino 4,000,000 Amerikano 1.5% ng buong populasyon ng Amerika
5. Tsino 3,565,458 Amerikano 1.2% ng buong populasyon ng Amerika