31. SALITA HALIMBAWANG PANTIG:
ibig /i.i.big/
alis /a.a.lis/
Pantig ng inuulit: Kapag ang salita ay nagsisimula
sa patinig, ang patinig lamang ang inuulit
MALI KUNG: TAMA KUNG:
PAKAKAIBIGIN PAKAIIBIGIN
MAKAKAALIS MAKAAALIS
32. SALITA HALIMBAWANG PANTIG:
lakad /la.la.kad/
babalik /ba.ba.lik/
Pantig ng inuulit: Kapag ang salita ay nagsisimula
sa kayariang KP, ang unang pantig lamang ang
inuulit.
MALI KUNG: TAMA KUNG:
PAPALAKADIN PALALAKADIN
PAPABALIKIN PABABALIKIN
33. MALI KUNG TAMA KUNG
Iplaplano Ipaplano
Magtratransport Magtatransport
Magtratrabaho Magtatrabaho
Pantig ng inuulit: Kapag nagsisimula ang salita sa
kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant
claster). Ang unang katinig patinig lamang ang
inuulit.
34. PASULAT PASALITA
bayan /bi-ey-way-ey-en/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
pa /pi-ey/
MERALCO /kapital em-kapital i-kapital
ar-kapital ey-kapital el-kapital si-
kapital o/
Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin, isa-isang
binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo
sa isang salita, pantig, akronym, daglat, inisyals, simbolong pang-agham.