2. Feasibility Study
•Ang feasibility study ay isang
pamamahala ng pananaliksik na
ginagamit upang masuri kung ang
negosyong may produkto or serbisyo ay
maaaring bang isagawa bago ito
paglaanan ng pondo o kapital.
3. Kahalagahan ng Feasibility Study?
• Sa pagtatayo ng isang negosyo mahalagang
malaman kung anong uri ng negosyo (produkto o
serbisyo) ang naaangkop sa lugar na napili. Bago
buksan ang mungkahing negosyo mahalagang
malaman ng may-ari ang siyentipikong proseso na
dapat isagawa upang maging matagumpay sa
hinaharap.
4. •Sa pagsasagawa ng feasibility study
kinakailangan na ang may-ari o mga
mamumuhunan ay kumuha ng system
analyst o mananaliksik na susuri sa
magiging kalagayan ng itatayong
negosyo.
5. Bahagi ng Feasibility Study
1. Deskripsyon ng Negosyo (business or project
description)– sa bahaging ito tutukuyin ang
ninanais o mga mungkahi na pangalan para sa
negosyong itatayo kabilang ang mga taong
magtatatag nito at ang inaasahang kalalabasan ng
negosyong itatatag.
6. 2. Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo (product
or service description)– dito inilalarawan ang
produkto o serbisyong nakapaloob sa negosyong
itatayo. Maaaring ito ay pagkain, mga damit,
gadgets, at iba pa.
7. 3. Layunin (Goals and Purpose)–Bigyang-diin
ang kahalagahan ng mga layuning ito at kung
sino ang mga makikinabang. Kabilang din sa
bahaging ito ang panahon na sisimulan ang
pagtatayo ng negosyo hanggang sa ito ay
matapos at maaari ng buksan sa publiko.
8. 4. Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo (Costs
and Funding) – Itala ang mga magagastos sa
pagtatayo ng negosyo. Alamin ang
kakailanganing puhunan sa mga produkto
kabilang na ang halaga ng mailalaan sa
isasagawang pananaliksik o feasibility study.
9. 5. Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis) – sa
bahaging ito, aalamin ang lugar na nais
maging lokasyon ng produkto at negosyong
itatayo. Aaralin ng mananaliksik kung
magiging malakas o mahina ang kikitain ng
negosyo sa pipiliing lokasyon. Titiyakin ng
pag-aaral na ito na ligtas ang seguridad ng
produkto at mga tauhan ng isang negosyo.
10. 6. Mga Mapagkukunan (Resources) – kilalanin ang
mga mapagkukunan o supplier ng produkto,
kagamitan, tulong teknikal. Gayundin ang ahensya
na maaaring magpadala ng mga empleyado na
kakailanganin sa negosyo.
11. 7. Mamamahala (Management and Teams) –
itatala ang mga maaaring mamahala o kung
kinakailangan bang kumuha ng karagdagang
tao sa pagpapatakbo nito. Isa-isahin ang mga
gawain na nangangailangan ng taong
gaganap at susubaybay sa negosyo.
12. 8. Pagsusuri ng Kikitain (Estimated
Profit) - ilalahad dito ang kikitain ng
produkto o serbisyo sa bawat araw. Pag-
aaralan kung sasapat ba ang kita sa
bawat araw, linggo, buwan para
tustusan ang pasuweldo, upa, puhunan,
kuryente, tubig, internet connection, at
aktwal na kita ng may-ari.
13. 8. Estratehiya sa Pagbebenta
(Marketing Strategy)- ilalagay sa bahaging
ito ang mga mungkahing pamamaraan
na dapat tahakin upang
makapanghikayat ng mga tatangkilik ng
produkto o serbisyo.
14. 9. Mga Rekomendasyon
(Recommendations)– ibigay ang
karagdagang impormasyon na
makatutulong sa pagdedesiyon ng may-
ari ng negosyo bago niya pormal na
simulan ang pagtatayo nito.