12. Ang Baybayin (baybay, to spell) ay ang isa sa
sinaunang sistema ng pagsulat ng mga
sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga
Kastila.
Ang mga titik ay binubuo ng mga katinig at
patinig at kadalasang sinusulat mula kaliwa
patungong kanan.
14. Ang tuon sa unang kuwarter ay tungkol sa
Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Ang pag-aaral
tungkol dito ay magpapalalim ng ating pag-unawa
at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Ito ay
magbibigay kaalaman tungkol sa ating identidad,
tradisyon, kultura at lipunan.
15. BUO-AKROSTIK: Isulat ang ALAM NA tungkol sa
panitikan sa pamaraang akrostik.
P-
A-
N-
I-
T-
I-
K-
A-
N-
Ang akrostik ay isang pamaraan sa
pagsulat na ginagamit ang bawat letra
ng napiling salita sa pagbibigay ng
mensahe, paliwanag o depinisyon.
18. Ang PANITIKAN ay nagmula sa
salitang Latin na litera na ang
ibig sabihin ay titik.
19. Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga
akdang pampanitikan ng isang bayan o
bansa, kabilang dito ang mga tula,
kwento, dula, sanaysay, at iba pang uri
ng pagsulat na naglalarawan ng
karanasan, kaisipan, at kalinangan ng
isang lipunan.
21. Ang PASALINDILA ay pagbigkas o
pasalitang pagbabahagi, pagtuturo o
pagpapalaganap, o paglilipat ng
karunungan sa pamamagitan ng
pasalitang tradisyon.
22. Isang paraan ng pagpapasa ng
kaalaman, kwento, at tradisyon mula sa
isang henerasyon patungo sa susunod
sa pamamagitan ng pagsasalita o
pasalitang paraan, hindi sa
pamamagitan ng pagsusulat.
24. Ang BUGTONG ay isang pahayag na
may nakatagong kahulugan upang
lutasin. Ito ay payak at maikli
lamang.
25. Isang uri ng palaisipan o patulang
tanong na kadalasang ginagamit bilang
laro o libangan, kung saan ang layunin
ay hulaan ang bagay o kaisipang
inilalarawan sa pamamagitan ng
matalinhagang pahayag.
27. Ang SAWIKAIN ay tinatawag na
maiiksing kasabihang may
dalang aral.
28. Mga pahayag na hindi tuwirang
nagbibigay ng kahulugan; kadalasang
nagtataglay ng mga matalinghagang
salita o parirala na may mas malalim o
naiibang kahulugan kaysa sa literal
nitong pahayag. Tinatawag din itong
idyoma.
30. Ang AWITING BAYAN ay
tradisyunal na awit tungkol sa
damdamin, opinyon at karanasan
ng ating mga ninuno.
31. Mga tradisyunal na awit na nagmula sa
iba't ibang rehiyon ng Pilipinas,
karaniwang nagpapahayag ng
damdamin, karanasan, o kaugalian ng
mga tao sa isang partikular na lugar.
Halimbawa nito ay ang mga kundiman,
harana, at iba pa.
34. Isang mahabang tulang pasalaysay na
karaniwang tumatalakay sa kabayanihan ng
isang tauhan o mga tauhan na may
pambihirang lakas o kapangyarihan, at
madalas ay may kaugnayan sa mga diyos o
mga elementong supernatural. Ang mga
epiko ay nagpapakita ng kultura at
paniniwala ng mga sinaunang tao.
36. TALA-SAGOT!
It Itala ang mga Katutubong Panitikan na alam na/
nabasa/napakinggan. Isulat ang sagot sa grapikong
presentasyon sa ibaba.
37. Bilang mag-aaral, paano kayo
makakatulong upang
maraming kabataan ang
mahikayat na bumasa ng
panitikang Pilipino?
Mula sa inyong sagot, ano ang
inyong kinagigiliwan? Bakit?
38. HULA SAGOT!
Punan ang kolum na HULANG SAGOT batay
sa iyong nalalaman. Pagkatapos na basahin
ang teksto, sagutin ang huling kolum.
39. Bago pa man ang pananakop ng mga
Kastila noong ika-16 na siglo, may
mayamang kaban ng panitikan na ang
ating mga ninuno. Nagtataglay ang
panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi
mga bugtong, sawikain, kuwentong-bayan,
alamat, epiko, kasabihan, palaisipan, at iba
pa.
40. Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng
panitikan ng ibang bansa na pasalindila
(oral) at pasalinsulat (written) na
nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa
mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan
ng pamumuhay, kaisipang pampulitika,
relihiyon, adhikain at mga pangarap.
41. Kalimitang nagtitipon-tipon ang mga katutubo
upang pakinggan ang mga salaysayin,
pamamahayag at iba pa. Paulit-ulit na
pinapakinggan ang mga panitikan hanggang sa
itoy matanim sa kanilang isipan. Sa palagiang
pakikinig at pagbigkas ng mga panitikan,
nagawa nilang maisalin ito sa susunod na
henerasyon. Isinulat at iginuhit naman ang ibang
akda sa mga kahoy, kawayan, bato at dahon.
42. Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga
Kastila ang sinaunang panitikan sa
paniniwalang galing ito sa diyablo. Ngunit di
nalipol ang lahat na panitikan mga
kantahing-bayan, bugtong, salawikain,
kasabihan at iba pa dahil ito ay nagpasalin-
salin na sa bibig ng mga tao.
43. Batay sa Waves Migration Theory ni Henry Otley
Bayer (Chua, 2013) ang kauna-unahang
naninirahan sa Pilipinas ay ang mga Ita o Negrito
na ang ibig sabihin ay maliit at maitim na tao.
Mayroon na silang mga bulong, awitin at
kasabihan na ginagamit noon.
ITA o NEGRITO
45. Ang mga Indones o Indonesyo na nagmula sa
Timog-silangang Asya na may kabihasnang
nakahihigit sa mga Negrito ay nakarating din ng
bansa. Marunong na silang magtanim ng
halaman at mangisda. Mayroon silang mga
alamat at epiko, pamahiin at mga bulong na uri
ng panitikan. Ang mga Ifugao at mga Kalinga sa
Mountain Province ay mula sa unang Indones sa
bansa.
47. Sila naman ay nagdala ng pananampalatayang
pagano at awiting panrelihiyon. Sila ay mga
ninuno ng mga Musilm sa Mindanao. Ngunit sa
teorya naman ni Peter Bellwood ng Australian
National University, naniniwala siyang ang tunay
na mga ninuno ng ating lahi ay ang mga
Austronesian na eksperto sa paglalayag.
Malay o Malayo
48. Sinuportahan naman ito ng Pilipinong historian na si
Floro Quibuyen noong 2020 na naniniwalang nagmula
sa Taiwan ang mga Austronesian. Sa kabuoan, ang
katutubong panitikan ay tagapagbatid ng kultura sa
bawat rehiyon ng bansa. Sa pamamagitan ng
panitikan, naipapahayag ang kanilang damdamin
hinggil sa daigdig na nakapalibot sa kanila. Sa mga
tulang Pilipino, makikita ang pagiging orihinal at
malikhain.
Malay o Malayo
55. LIKHA-TAUHAN!
Mula sa binasa ay bumuo ng character profile. Ipakilala ang
mga katutubo sa binasang teksto at ang panitikang dala nila.
Ang character profile ay mga detalye
tungkol sa isang tao o pangkat. Ililista ang
mahahalagang detalye nila upang madaling
makikilala at matatandaan.
56. LIKHA-TAUHAN!
1. Sino-sino ang unang pangkat ng
mga katutubo sa bansa?
2. Ano ang mga katangiang
katangian taglay ng bawat
pangkat?
3. Ano ang mga panitikan sa
panahon ng katutubo?
4. Bakit mahalagang malaman ang
kasaysayan ng Katutubong
Panitikan?
58. TATAK-IMPAK!
Magpahayag ng realisasyon, integrasyon, emosyon at
aksiyon mula sa paksang tinalakay.
Realisasyon ay tungkol sa bagong natutunan.
Integrasyon ay ang pag- uugnay ng natutunan sa iyong buhay.
Emosyon ay ang damdamin mula sa binasa.
Aksiyon ay ang angkop na tugon o kilos mula sa natutunan.
62. SURI-KAALAMAN!
Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Kung walang kaugnayan ay mangyaring
isulat ang tamang sagot.
1. Bago dumating ang mga mananakop, may sariling panitikan na ang
Pilipinas.
2. Ang mga pangkat-etniko ay mayroong tula, awiting-bayan at mga
epiko.
3. Ang kalikasan, tulad ng katutubong panitikan, ay nanganganib
noong unang panahon.
4. Nasunog lahat at wala nang natira sa mga panitikang Pilipino
5. Maarami sa mga katutubong panitikan ay hango sa ibang bansa.
63. SURI-KAALAMAN!
Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Kung walang kaugnayan ay mangyaring
isulat ang tamang sagot.
6. Naglalarawan ng mayamang tradisyon at kaugalian ang mga
katutubong panitikan.
7. Ang sistema ng pagsulat noon ay tinatawag a ALIBATA.
8. Hango sa karanasan ng tao ang mga kasabihan noon ngunit
nakakasakit-damdamin ang mga kahulugan nito.
9. Ang mga Muslim ay nagmula sa lahing Malay.
10. Sinunog ang mga katutubong panitikan ng mga Espanyol dahil
ito raw ay gawa ng diyablo.
64. SURI-KAALAMAN!
Sagot:
1. /
2. /
3. Di nanganganib
4. May natira pa dahil sa pagsasalindila
5. orihinal mula sa sariling bansa
6. /
7. Baybayin
8. Di nakasasakit damdamin
9. /
10. /
Editor's Notes
Ako Bilang Ako!
Ang mga piling mag-aaral ay bubuo ng mga idea batay sa mga paunang pangungusap na nasa ibaba.
Nakilala ko ang aming lahi bilang _________________________
Napapahalagahan ko ang aking ___________________________
Ipagpapatuloy kong ipalaganap ___________________________