2. Bago pa man dumating sa Pilipinas
ang mga Kastila, ang Pilipinas ay
mayroon ng mayamang panitikan.
Sa panahong iyon karaniwang
binibigkas ang panitikan o
ipinapasang salimbibig sa halip na
nakasulat.
3. Kabilang sa mga panitikang
nabanggit ay ang kuwentong- bayan
o poklor na kadalasang sumasalamin
sa kultura ng lugar na pinagmulan
nito.
4. Isa sa may pinakamayamang
panitikan ay ang Isla ng Mindanao,
ang ikalawang pinakamalaking pulo
sa Pilipinas na matatagpuan sa
katimugang bahagi ng kapuluan.
Bukod tanging pook heyograpikal sa
Pilipinas na tirahan para sa
karamihan ng mga Muslim sa bansa.
5. Kilala ang Mindanao sa kanilang
makulay at masining na sining, kultura
at tradisyon.Sakop ng kanilang kultura
ang pagbuburda,pag-uukit at
paghahabi. Ang sarimanok naman ay
napakahalagang simbolo sa kanilang
panitikan. Ito ay sumasagisag sa
pagkakaibigan at pagkakasundo
6. Sila rin ay naniniwala sa pagiging
matapang at determinado sa
buhay.Malakas ang kanilang
kumpiyansa sa sarili at ito ay kanilang
isinasabuhay upang magiging matatag
sa laban ng buhay araw-araw.
7. Paano natin mapapatunayan na ang
ating mga paliwanag ay kapani-
paniwala at katanggap-tanggap ang
mga impormasyong ito?
8. A. Panuto: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Tumutukoy sa mga salitang nagsasabi o
nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinahahayag.
A. Nagpapatunay B. kapani-paniwala
C. nagpapahiwatigD. pagsalaysay
9. 2. Isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya,
pruweba o impormasyon na totoo
ang pinatutunayan.
A. dokumentaryong ebidensiya B. kapani-
paniwala C. taglay ang matibay na kongklusyon
D. may panimula
10. 3. Makikita mula sa mga detalye ang patunay sa
isang pahayag.
A. nagpapahiwatig
B. pinatutunayan ng mga detalye
C. nagpapakita
D. nagsasalaysay
11. 4. Mga ebidensiyang magpapatunay na maaring
nakasulat, larawan o video.
A. dokumentaryong ebidensiya
B. nagpapakita
C. nagpapahiwatig
D. nagsasalaysay
12. 5. Hindi direktang makikita, maririnig o
mahihipo ang ebidensiya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamain
ang katotohanan
A. nagpapahiwatig
B. pinatutunayan ng mga detalye
C. nagpapakita
D. nagsasalaysay
13. 6. Ipinakikita ng salitang ito na ang mga
ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo
ang pinatutunayan
A. nagpapatunay
B. kapani-paniwala
C. nagpapahiwatig
D. nagsasalaysay
14. 7. Salitang nagsasaad na ang isang bagay na
pinatutunayan ay totoo o tunay.
A. nagpapahiwatig
B. nagpapatunay
C. kapani-paniwala
D. nagsasalaysay
15. B. Panuto: Lagyan ng tesk () ang kahon kung
ang pahayag ay naglalahad ng patunay at ekis
(X) naman kung hindi.
8. Malaking pinsala ang naidulot nang
paglaganap ng Covid - 19 sa ekonomiya ng ating
bansa
16. 9. Ayon kay Senator Loren Legarda, ang talamak at
lumalalang deforestation sa mga watershed ay
kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang
suplay ng kuryente sa rehiyon.
10. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensiya
na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo
dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit pitong libong
islang lantad sa hangin at ulang dala ng bagyo.
17. 11. Ang tulong mula sa iba`t-ibang bansa na umabot sa
mahigit 14 bilyong piso ay nagpapakita na likas ang
kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at
lahi nito.
12. Ayon sa WHO, ang mga respiratory droplet at
pagdikit sa ibabaw ng mga bagay na may virus ang
nananatiling pangunahing pamamaraan nang
transmission ng COVID-19 virus na SARS-COV-2 sa mga
tao.
13. Malungkot na makita ang ilan nating kababayang
nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
18. 14. Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson
Harry Roque, mayroon nang nakikita ang
pamahalaan na flattening of the curve sa mga
kaso ng COVID - 19 sa bansa.
15. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayong
lahat para sa ikabubuti nating mga Pilipino.
19. A. Pagpapalawak ng Talasalitaan.
Panuto: Guhitan ang salitang nasa loob ng
panaklong na kasingkahulugan ng mga salitang
naka-italisado sa loob ng pangungusap.
1. Sa kabilang dako, nangimbulo ang mga kapatid
ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran
(nainggit, natuwa, nalito)
2. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay
nagmistulang kris (alaga, panakot, patalim)
20. 3. Lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang
mukha ng isang magandang dayang-dayang
(kasintahan, dalaga, mangingibig)
4. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming
dugong bughaw ang lumigaw sa kanya (mahirap,
maharlika, bughaw ang kulay ng dugo)
5. Siya ay isang nilalang na walang kamatayan at
nakatira sa pook ng mga bathala (diyos,
ermitanyo, manggagamot.
22. Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay
ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang
mga pahayag na ito upang tayo ay
makapagpatunay at ang ating paliwanag ay
magiging katanggap-tanggap o kapani- paniwala
sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag
na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o
ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa
katotohanan ng inilalahad.
23. Narito ang ilang pahayag na ginamit sa pagbibigay
ng patunay:
1. May dokumentaryong ebidensiya- ang mga
ebidensiyang magpapatunay na maaaring
nakasulat, larawan o video.
2. Kapani- paniwala ipinakikita ng salitang ito
na ang mga ebidensiya, patunay at kalakip na
ebidensiya ay kapani- paniwala at maaring
makapagpatunay.
24. 3. Taglay ang matibay na kongklusyon- isang
katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o
impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
4. Nagpapahiwatig hindi direktang makikita,
maririnig, o mahihipo ang ebidensiya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.
25. 5. Nagpapakita salitang nagsasaad na ang
isang bagay na pinatutunayan ay totoo.
6. Pinatutunayan ng mga detalye makikita
mula sa mga detalye ang patunay sa isang
pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye
para Makita ang katotohanan sa pahayag.
7. Nagpapatunay/ katunayan salitang
nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala
sa ipinahahayag.
26. Alamin natin sa akdang nagmula ng
Zamboanga kung gaano kahalaga ang
pagtitiwala lalo na sa taong mahalaga sa
atin. Basahin mo ang halimbawa ng
kuwentong-bayan na nagmula pa rin sa
Mindanao at pagkatapos ay isagawa ang
mga gawaing inihanda.
27. Manik Buangsi
(Zamboanga)
Noon, may isang sultan na may pitong anak na dalaga.
Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang
pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay
maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit
hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang
panaginip nakita na niya ang lalake na kanyang iniibig.
Siya si Manik Buangsi.
28. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang
pangkaraniwang tao. Siya ay isang nilalang na
walang kamatayan at nakatira sa pook ng
mga bathala. Sa panaginip lang niya
dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang araw
na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang
kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat
kinausap niya si Allah.
29. Pumayag naman si Allah na bumaba si Manik
Buangsi sa lupa. Si Manik Buangsi ay nag-anyong
isang ginintuang bayabas. Napasakamay siya ng
isang matandang babaeng pulubi. Nang bigyan ni
Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman
ng pulubi ang prutas sa kanya. Itanim mo ito sa
iyong hardin, ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.
Ang bungang ito ay siyang iyong kapalaran.
Itinanim ni Tuan Putli ang bunga.
30. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas
nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga
at iyon ay dinala niya sa kanyang silid.
Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik
Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang
isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si
Manik Buangsi at panonoorin ang mukha ng isang
magandang dayang-dayang.
31. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas
nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga
at iyon ay dinala niya sa kanyang silid.
Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik
Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang
isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si
Manik Buangsi at panonoorin ang mukha ng isang
magandang dayang-dayang.
32. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga
kapag tumilaok na ang mga manok. Ngunit sa
isang pagkakataon ay nakatulog si Manik
Buangsi. Nang magising siya ay nakasikat na
ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng
dalaga. Kung gayon, isa kang katotohanan!
bulalas ni Tuan Putli.
33. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa
lupa. Sa kabilang dako, nangimbulo ang mga
kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang
kapalaran. Hanggang sa maisip ng tatlong
dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng
dalawa.
34. Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo, sabi ng
isa kay Tuan Putli.
Maaaring isa lamang siyang masamang espiritu!
Maganda siyang lalake, wika naman ng isa pa.
Sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng
minamahal niya?
Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng
dumaan sa buhay niya, sabi sa kanya ng isa pa.
Paluluhain ka niya balang araw!
35. Dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga
kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang
isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan.
Palagi niyang inaaway si Manik Buangsi. Ipinasiya
niyang bumalik na siya sa kanyang pinagmulan. Sa
kapangyarihang taglay niya ay naging isang
mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si
Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik
Buangsi. Pumayag si Manik Buangsi.
36. Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng
makapal na alikabok. Ang mga dahon ng mga
damo sa paligid ay nagmistulang kris. Ngunit
buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang
lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba
at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog
na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing
ng mga nagdurusa. Mahigpit ang yakap ni Tuan
Putli sa beywang ng asawa. Hindi ako magdidilat
ng mata, pangako niya. Pipikit ako!
37. Nagsimula silang tumawid sa makipot na tulay,
sakay sa kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa,
biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang
tinatawag nito. Tuan Putli, Tuan Putli, Tuan
Putli! daing ng tinig. Ang tinig na iyon ay katulad
ng kanyang yumaong ina!
38. Hindi na nakapigil pa si Tuan Putli. Tumingin siya
sa ibaba at bigla ring hinigop siya ng isang malakas
na hangin pababa.
Wala nang nagawa si Manik Buangsi. At alam
niyang nawala na sa kanya nang tuluyan si Tuan
Putli. Mahirap talaga para sa isang tao ang
umakyat sa langit sapagkat kadalasan ay hindi siya
nakikinig sa paalala.
39. At marami ang katulad ni Tuan Putli. Marami ang
katulad niyang ayaw tumulong sa sarili.
Hinalaw sa Literatura ng ibat ibang rehiyon sa
Pilipinas nina Espina, L.D., Plasencia, N.R. at Ramos,
V.R. (2009) Mindshapers Co., Inc.
40. Ang akdang binasa mo ay isang halimbawa ng
kuwentong-bayan o poklor na nagmula sa pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng
kanilang lugar. Ito ay pasalitang pasalaysay sa
tradisyong patuluyan na nauuri ayon sa nilalaman
at pamamaraan ng paglalahad.Kadalasan ito ay
nagpapakita ng katutubong-kulay tulad ng
pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop o
pangyayari na soon lamang nakikita o nangyayari.
41. Ang kuwentong-bayan ay likha lamang ng
guniguni kaya`t wala itong
katotohanan.Nagpasalin-salin sa bibig ng
ating mga ninuno, walang tanging
nagmamay-ari nito kundi ang taumbayan.
42. n
Ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin sa
pangungusap.
1. Nilalang 8. magdidilat
2. Limos 9. paalala
3. Bulalas 10. kabiyak
4. Ugnayan
5. Sinagupa
6. Makipot
7. yumao