8. PANIMULA:
Ayon sa UNESCO, ang Brazil batay sa kasaysayan ay kilala
sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa aspektong sosyal, ekonomiko
at kultural. Tulad din ng Pilipinas, ang Brazil ay sumailalim sa
dalawamput isang taong pamamalakad na diktaturyal, kung kayat
damang-dama ng mga Brazilian ang kasiyahan nang manumpa sa
katungkulan noong Enero 1, 2011 ang kauna-unahang babaing
pangulo ng bansa sa katauhan ni Pangulong Dilma Rousseff.
9. Ang Brasil (Ingles: Brazil), opisyal na
tinatawag na Pederatibong Republika ng
Brasil(Portuges: Rep炭blica Federativa do
Brasil), ay ang pinakamalaking bansa sa
buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin
Amerika. Ito rin ang ikalimang
pinakamalaking bansa sa daigdig
pagdating sa parehong lawak ng bansa at
Brazil topo.jpg
sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita
ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente
ng Amerika. Ang Brasil ang natatanging bansa sa kontinenteng Amerika
na nagsasalita ng wikang Portuges, na nagbigay-pagpapahalaga sa wika
bilang importanteng bahagi ng pambansang pagkakakilanlan ng Brasil, at
nagbigay din ng pambansang pagkakaiba sa kultura mula roon sa mga
kapitbahayang bansa nitong nagsasalita ng wikang Kastila.
12. Gawain I: Character Profile
Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma
Rousseff, pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa
kasunod na bahagi.
Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng
pangulo ng Brazil matapos Manalo sa eleksyon noong 2010. Siya ay si
Dilma Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14,1947 sa Belo, Horizonte, Brazil.
Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang
Brazilian. Estudyante pa lamang si dilma ay naugnay na siya sa isang
militanteng sosyalistang grupo kung saan nakasama niya si Carlos Araujo
na kinalaunan ay siya niyang nagging pangalawang asawa. Noong 1970,
dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na
tumagal ng
13. Tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang
labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya
ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977)
at pumasok sa local na politika bilang kasapi ng
Democratic labor Party. Sa loob ng dalawang dekada,
ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at
mahusay na tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si luis Lula de Silva
bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si Rousseff bilang
consultant. Matapos ang eleksyon hinirang siya bilang
Minister ng Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa
hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong Lula
bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang
mapagdesisyunan niyang tumakbo sa eleksyon bilang
kahalili ni Lula noong 2010.
15. isang uri ng sanaysay
na binibigkas sa harap
ng publiko
TALUMPATI
16. ito rin ay kabuuan ng mga
kaisipang nais ipahayag ng
isang mananalumpati
TALUMPATI
17. 1. Tumutugon sa layunin naisasagawa
ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na
layunin:
Katangiang dapat taglayin ng paksa ng isang
Talumpati:
magturo magpabatid
manghikayat
18. 1. Tumutugon sa layunin naisasagawa
ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na
layunin:
Katangiang dapat taglayin ng paksa ng isang
Talumpati:
manlibang pumuri
pumuna at bumatikos
19. 2. Napapanahon - may kaugnayan sa
okasyong ipinagdiriwang.
Katangiang dapat taglayin ng paksa ng isang
Talumpati:
20. isang mapanuring pagpapakahulugan
hinggil sa isang napapanahong isyu o
pangyayari upang magbigay
kaalaman, makapagpaniwala, o
makalibang sa mga mambabasa.
EDITORYAL
21. ay isang uri ng sanaysay na naglalahad
ng mga makatotohanang pangyayari
batay sa karanasan, pagmamasid,
pag-aaral, pananaliksik o
pakikipanayam at isinusulat sa isang
kawili-wiling pamamaraan.
LATHALAIN
22. 1. Pagpili ng Paksa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati
2. Paghahanda sa Pagsulat. Ito ay
sumasaklaw sa pangongolekta ng mga
impormasyon at mga ideya para sa susulatin.
Dito isinasagawa ang paggawa ng
balangkas, ang pagpaplano, pagdedebelop
at pagsasaayos ng mga ideya bago buoin
ang balangkas.
23. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati
3. Aktuwal na Pagsulat. Sa hakbang na ito isinasalin
ang mga ideya sa mga pangungusap at talata.
Malayang gumamit ng ibat ibang pamamaraan o
istilo sa paglalahad ng mga ideya. Dito rin
maaaring alisin, dagdagan o isaayos muli ang mga
detalye. Gayunpaman, hindi pa rin binibigyan
nang gaanong pansin ang pagwawasto sa mga
kamalian sa gramatika sa gamit ng wika at ng
mekaniks.
24. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati
4.Pagrerebisa at Pag-eedit. Nangangahulugan ng
muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-
iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan. Sa
hakbang na ito maaaring maraming pagbabago
sa nilalaman sa organisasyon ng mga ideya at sa
istruktura ng mga pangungusap at talata. Maaari
pa ring magdagdag ng mga detalye at muling
isaayos ang buong sulatin.
25. Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng
isang Talumpati upang Maging
Mabisa
1.Panimula.
Sa bahaging ito tinatawag ang
pansin ng mga tagapakinig.
Dito ipinaliliwanag ang layunin
ng talumpati.
26. Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang
Talumpati upang Maging Mabisa
2. Paglalahad.
Ang bahaging ito ang katawan ng
talumpati. Dito inilalahad ang isyu at
pagpapahayag ng diwa ng paksang
tinatalakay. Dito rin matatagpuan
ang mga argumento
27. Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang
Talumpati upang Maging Mabisa
3. Katapusan. Ito ang pinakasukdol na
wakas at konklusyon ng talumpati. Dito
rin inilalahad ang pinakamalakas na
katibayan, paniniwala, at katwiran
upang makahikayat ng pagkilos sa mga
tao ayon sa layunin ng talumpati.
28. A. Panag-uri. Nagpapahayag ng
tungkol sa paksa.
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan
ng pagpapalawak sa panag-uri sa tulong ng ingklitik
(katagang paningit), komplemento, pang-abay, at iba pa.
Napalalawak din ang pangungusap sa pamamagitan ng
paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang
lokatibo o panlunan, at pariralang nagpapahayag ng
pagmamay-ari.
29. 1. Ingklitik. Ito ay tawag sa mga
katagang paningit. Ito ay walang
kahulugan kung mag-isa ngunit
nakapagpapabago ng kahulugan
ng isang pangungusap.
30. Ilan sa mga halimbawa nito ay: pa, ba,
na, nga, man, daw, yata, pala, kaya, kasi,
naman.
Marami ba ang nawalan ng trabaho dulot ng
pandemya?
Marami ang nawalan ng trabaho dulot ng
pandemya.
31. 2. Komplemento/Kaganapan. Ito
ang tawag sa pariralang
pangngalan na nasa panag-uri na
may kaugnayan sa ikagaganap o
ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Ito
ay sangkap sa pagpapalawak ng
pangungusap.
32. a. Kaganapang Tagaganap. Ito ay
bahagi ng panag-uri na
gumaganap sa kilos na isinasaad
ng pandiwa. Ginagamit ang mga
pananda na ni at ng.
Halimbawa: Pinakinggan ng pangulo
ang karaingan ng mga mamamayan.
34. b. Kaganapang Layon. Ito ay bahagi
ng panag-uri na nagsasaad ng
bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng panandang ng.
Halimbawa:
Ipagpapatuloy ng pamahalaan ang
maayos na paggamit ng pondo.
36. c. Kaganapang Tagatanggap. Ito
ay nagpapahayag kung sino ang
makikinabang sa kilos na isinasaad
ng pandiwa. May mga
panandang para sa at para kay.
Halimbawa: Naglaan ng pondo ang
gobyerno para sa mga apektado ng
pandemya.
38. d. Kaganapang Ganapan. Ito
ay nagsasaad ng lugar o pook
na pinaggaganapan ng kilos
na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Nagpulong ang mga
empleyado sa tanggapan ng
kalihim.
40. e. Kaganapang Kagamitan. Ito ay
nagsasaad kung anong bagay
ang ginagamit nang maisagawa
ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa
Halimbawa: Inaalam ang mga
tinamaan ng COVID-19 sa
pamamagitan ng swab test.
42. f.Kaganapang Direksiyonal. Ito
ay nagsasaad ng direksiyon
ng kilos na ipinahahayag ng
pandiwa.
Halimbawa:
-Namigay ng tulong ang mga kawani
ng DSWD sa mga apektado ng
pandemya sa harap ng kanilang
gusali.
44. g. Kaganapang Sanhi. Ito
ay nagsasaad ng dahilan
ng pagkakaganap ng kilos.
Halimbawa: Dahil sa banta ng COVID-19
sa buhay ng mga tao, marami ang
natakot at nabahala.
49. Linangin
Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na talumpati upang
malaman mo kung masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang
panlipunan ng bansang pinagmulan nito.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Minamahal kong Brazilians,
Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang
labis na kahirapan, gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para
sa lahat.
50. Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni
Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang
panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat
hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang
patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hanggat may Brazilians na walang pagkain sa
kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan
nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may
pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan
kong maisakatuparan.
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong
kapasyahan na dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito,
51. buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga
institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga
nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating
kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng
kabutihan para sa kapwa.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang
prayoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang
panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa
kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.
kailangan ang paglagong ito, kasama ang metatag na programang
panlipunan upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon
ng rehiyunal na pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang
pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga.
52. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na paniniwala na
sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakaaapekto sa kita ng mga
manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito
na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.
Patuloy nating palakasin ang ating panlabas na pondo upang
matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang
pagkawala nito. Gagawin natin nang wlang pag-aalinlangan sa mga
multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga
polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa
hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng
capital na ipinakikipaglaban.
hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na
pinapangalagaan ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming
bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
53. pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. Ipagpapatuloy
nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.
Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang
estado na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at
kapakanan ng mamamayan.
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit
nangangahulugan ito na may tiyak na pension, unibersal na
pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong pang-edukasyon.
Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan
habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.
Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang
pagpapataas ng antas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang
gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang
pampubliko sa pag-iimpluwensiya
54. Sa pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyunal na
pagpapaunlad.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House,
My Life Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at
maingat na pagsusuri ng Pangulo ng republika at ng mga Ministro.
Patuloy na magsisilbing instrument ang Growth Acceleration
program na pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalan at boluntaryong
koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at
mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo upang
buuin ang pangmatagalang mga ponding pampribado.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng
pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng
bumubuo ng rehiyon.
55. Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng
panghimpapawid na transportasyon. Walang duda na dapat nang
mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World Cup
at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na
isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.
Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazils First Female President Addresses
Congress in Brasilia, kinuha noong Pebrero, 26, 2014
Mula sa (Http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff-
inaugurati_1_n_803450.html)
57. Kung ikaw ay isang pangulo ng bansa, paano mo
sosolusyunan ang mga nabanggit na problema? Isulat
ang sagot sa inyong kwaderno.
59. Pagsasanay 1:
Mula sa mga nakatalang paksa, bumuo ng mga
pangungusap. Sikaping mapalawak ito sa tulong ng
panaguri o paksa. Ipaliwanag ang paraang ginamit sa
pagpapalawak ng pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Pagkakaisa ng mga bansa
2. Pag-unlad ng ekonomiya
3. Pagdami ng skilled workers
4. Pag-aagawan ng teritoryo
5. Drug-trafficking
60. Pagsasanay 2:
Mula sa mga napanahong isyu ng lipunan ng alinmang
bansa na sakop ng modyul na ito, pumili ng isang isyu at
sumulat ng isang talata. Sikaping palawakin ang mga
pangungusap gamit ang mga ingklitik, mga komplemento, mga
pang-abay para sa panaguri o atribusyon/modipikasyon,
pariralang lokatibo o panlunan, o pariralang nagpapahayag ng
pagmamay-ari gamit ang paksa sa pagpapalawak.
61. Pagsasanay 3. Isulat sa patlang ang salitang simuno kung ang may salungguhit
ay tumutukoy sa simuno o paksa ng pangungusap. Isulat ang salitang panaguri
kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng pangungusap.
___________ 1. Ang babaeng nakadilaw na damit ay nagbebenta ng puto.
___________ 2. Si Andrea simuno ay nagsasaliksik tungkol sa buhay ni Jose
Rizal.
___________ 3. Ang buong klase ni Bb. Rica ay magkakaroon ng lakbay-aral sa
Mind Museum.
___________ 4. Malakas na pinalakpakan ang talumpati ni Pangulong Aquino.
___________ 5. Ang bawat kasapi ng samahan ay nag-ambag ng kanilang
oras, talino, at talento.
___________ 6. Makinig ka nang mabuti sa payo ng iyong mga magulang.
___________ 7. Puno ng aral ang kuwento na isinalaysay ni Lolo
Berting.
62. ___________ 8. Nakalimutan ni Arnel na isumite ang mga dokumento
tungkol sa kanyang bagong negosyo .
___________ 9. Ang mga bagong empleyado ay magiliw na sinalubong ng
meyor sa munisipyo.
___________ 10. Kanina pang tahimik na nag-aaral sa kanilang silid-tulugan
sina Letty at Jaime.
Pagtukoy sa Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
Kakayahan: Natutukoy ang uri ng kaganapan ng pandiwa sa pangungusap.
___________ 11. Ang mga produktong gawa sa bayan namin ay tinatangkilik ng
mga taga-Maynila.
___________ 12. Ang bata ay umiiyak dahil masakit ang kanyang ngipin.
63. ___________ 13. Ang sundo ni Carlo ay naghihintay sa gate ng paaralan.
___________ 14. Ang mga tsokolate na dinala ni Tatay ay para sa magkakapatid
na sina Jake, Jason, at Jed.
___________ 15. Pagkaraan ng limang taon, bumalik si Teodoro sa kanyang
bansang sinilangan.
___________ 16. Ang resulta ng malakas na bagyo ay naipakita
sa pamamagitan ng mga larawan mula sa mga satelayt.
___________ 17. Ang mga doktor mula sa Israel ay pumunta sa lalawigan ng
Cebu upang magtayo ng pansamantalang pagamutan.
____________18. Nakinig nang mabuti si Miranda sa guro dahil nais niyang
matuto.
____________19. Isinarado ni Joven ang puntuan.
____________20. Inamin niya ang kanyang pagkakamali.
66. Ilipat
Mahusay! Ngayon ay itataya mo ang iyong mga natutuhan
sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo itong gawin.
Ikaw ang napili ng iyong guro na lumahok sa
Patimpalak sa Pagbigkas ng talumpati na itinataguyod ng
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may temang Tugon ng
mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan. Kayat ikaw ay susulat
ng isang talumpati bilang paghahanda sa nasabing patimpalak.
Ang nabuo mong talumpati ay ipapasa mo sa hatirang
pangmadla o social media.
67. Nararapat na ang talumpating iyong isusulat ay taglay ang sumusunod na
mga bahagi:
Panimula 20%
* Pagpapaliwanag sa layunin
Katawan 40%
* Kalinawan ng argumento
* tibay,lakas ng argumento
Pangwakas 20%
* Pagbibigay ng lagom o kongklusyon
Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak 20%
ng pangungusap
_____
Kabuuan 100%