4. TEKSTWAL NA PRESENTASYON
~Inilalarawan ang mga datos sa mga pahayag kasama
ang tambilang (talata at bilang)
~Layunin ay para ang atensyon ay maituon sa mahalagang
datos na makatulong sa paglalahad ng talahanayan
5. Halimbawa:
Nong taong 1990, tumaas ng dalawang bahagdan (20%) ang bilang
ng mga turistangpumunta rito sa Pilipinas mula sa dami ng bilang ng mga
dayuhang turistangnaitala ng Departamento ng Turismo noong 1986.
Dalawampung bahagdan (20%) dinang itinaas ng bilang ng mga turista
noong 1994 Gayundin ang itinaas noong 1998. Samakatwid, lumitaw na
tumataas ng dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ngmga turistang
dumadayo sa Pilipinas tuwing ikaapat na taon mula 1986 hanggang1998.
8. GRAPIKAL NA PRESENTASYON
~Ang grap ay isang biswal na paglalahad ng mga
datos na nagpapakita ng bilang ng pagbabago
at pagkaiba ng mga baryabol.
~Layunin ng grap ay mas mailarawan ang mga
datos sa mas mabisang paraan
11. LAGOM (BUOD)
Ang lagom o buod ay presentasyon sa pagbuo
ng isang maikling balangkas ng mga
mahalagang impormasyon na nakapaloob sa
isang pananaliksik.
Dapat ito ay payak at tiyak
12. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning makapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga Mga Negatibong
Epekto ng Paglalaro ng DOTA sa mga Mag-aaral ng Kursong Marine Engineering na nasa Pang-apat na Taon ng University
of Cebu sa taong 2013-2014.
Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptibo at sarbey naman ang naging teknik ng mga
mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng isang sarbey-
kwestyoneyr na ginamit bilang instrumento sa pangangalap ng mga datos at impormasyon mula sa mga
respondente. Mga mag-aaral sa Information Technology na nasang unang taon sa Kolehiyo ang naging mga respondente
sa pag-aaral na ito. Ito ay isinagawa sa ikalawang semestre ng akademikong taon 2012-2013. Ang mga mananaliksik ay
pumili lamang ng dalawamput limang (25) respondente na naging sabjek ng aming pananaliksik.
Sa dalawamput limang respondente na sumagot sa katanungang Sa tingin mo ba ang paglalaro ng DOTA ay
nakaapekto ba sa iyong pag-aaral napag-alaman na apat(16%) sa dalawamput isang respondente ang nagsasabi na
hindi nakaapekto ang DOTA sa kanilang pag-aaral habang ang natitirang dalwamput isang respondente (84%) ang
nagsasabi na malaki ang epekto ng DOTA sa kanilang pag-aaral.
Halimbawa:
13. KONGKLUSYON
Ang kongklusyon ay presentasyon ng mga datos
sa pagbuo ng balangkas ng mga kaisipan na
batay sa kinahihinatnan ng isang pananaliksik.
Maaring ito ay hinuha, implikasyon , o mga
paglalahat batay sa mga napatunayan.
14. Pagkatapos dumaan sa maraming pananaliksik at maingat na pangangalap ng mga datos, ang mga mananaliksik ay
humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
a. Maraming mag-aaral na lalaki sa Departamento ng College of Information Communication Technology ng Holy Angel
University ang mahilig maglaro ng DOTA.
b. Ang mayoridad ng mga naging respondente ng pananaliksik na ito ay nasa labing pitong gulang.
c. Halos ang mga mag-aaral sa seksyon G 107 ang may pinakamaraming respondente.
d. May iilang mga respondente ang hindi sumagot ng maayos sa sarbey-kwestyoneyr o naghula nalamang ng kanilang
sagot.
e. Hindi napapansin ng karamihan na madaming masamang naidudulot ang paglalaro ng DOTA sa pag-aaral.
f. Madalas na hindi pumapasok ang isang mag-aaral upang makapaglaro lang ng DOTA.
g. Halos kaibigan ang mas nakakaimpluwensiya sa isang respondente upang maglaro ng DOTA.
Halimbawa:
15. REKOMENDASYON
Ang rekomendasyon ay mungkahi na maaring
makatulong sa iniharap na suliranin, o tagubilin
ng mananaliksik upang pwedeng pakinabangan
sa mga susunod na mananaliksik.
16. Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga
kinauukulang individwal, pangkat at institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
~a. Para sa mga mag-aaral, naway tigilan na ang paglalaro nila nang DOTA sapagkat ito ay
nakasasama sa kanilang pag-aaral, at upang sila ay makapagpokus sa kanilang pag-aaral.
b. Para sa mga magulang, paigtingin pa ang pagdisiplina sa kanilang mga anak at pagbawalan sila
sa paglalaro ng DOTA dahil isa na ito sa mga pangunahing bisyo ng mga kabataan na sumisira sa
kanilang pag-aaral.
c. Para sa iba pang mananaliksik, pagpatuloy o palawakin ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas
ng marami at higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaring makatulong sa
pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pamamaraan ng pag-aaral.
Halimbawa:
Editor's Notes
#7: Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak, at nauunawang anyo.