3. Kahit saan man natin ibaling ang ating paningin ay
marami tayong makikitang mga kilos at galaw, mapa-
bagay man ito , tao, hayop, o pangyayari. Pero mas
lalo nating madarama ang mga kilos na ito kung alam
natin kung paano ito naganap, nagaganap o
magaganap.
Paano kaya mailalarawan ang kilos na nagaganap?
Ano kayang mga salita ang maaari nating gamitin
upang mailarawan ang isang kilos?
4. TUKLASIN!!
1. Araw-araw naliligo sina Poy at Lito upang
makaiwas sa sakit.
2. Sa parke naglaro sina Ramon, Miko at Jasper
ng taguan.
3. Mabilis tumakbo si Maya, kaya hindi niya
naiwasan ang biglang pagsulpot ng aso.
6. Ang Pang-abay ay isang bahagi ng
pananalita na naglalarawan at
nagbibigay turing sa pandiwa, pang-
uri at maging sa kapwa nito pang-
abay.
7. Mga Uri ng Pang-Abay
1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad ng
panahon ng pagganap at sumasagot sa mga
tanong na kailan.
Halimbawa:
• Bukas ay sasayaw sina Dina, Mario at Paula sa
patimpalak.
• Taon-taon pumupunta ang buong pamilya sa
Boracay.
8. Mga Uri ng Pang-Abay
2. Pang-abay na Panlunan – nagsasaad ng pook o
lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot
sa tanong na saan.
Halimbawa:
• Maraming masarap na pagkain ang itinitinda sa
kantina.
• Namasyal ang mag-ama kahapon sa parke.
9. Mga Uri ng Pang-Abay
3. Pang-abay na Pamaraan– nagsasaad kung
paano ginawa ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ito ay sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa:
• Umiiyak nang palihim ang mag-ama.
• Patagilid kung matulog si kuya.
10. Narito ang iba pang halimbawa ng pang-abay na
pamaraan:
dahan-dahan pabulong
paliyad bigla
sadya pilit
ganap walang-gawa
palihim pangiti
kaagad unti-unti
Ang panandang nang, na, at ng ay ginagamit sa
pang-abay na pamaraan.
23. 1. na nagsalita si Lira upang hindi marinig ng kanyang
katabi.
2. na kinuha ni Max ang tablet kahit pinagbawalan siya
ng ina.
3. maglakad ang aking kapatid kaya lagi siyang naiiwan.
4. na ipinaliwanag ng guro ang aralin kaya naintindihan
ko.
5. natutupad ko na ang aking mga pangarap.
 Mabagal
 Malinaw
 Palihim
 Unti-Unting
 Pabulong
24. 1. Pabulong na nagsalita si Lira upang hindi marinig ng
kanyang katabi.
2. Palihim na kinuha ni Max ang tablet kahit pinagbawalan
siya ng ina.
3. Mabagal maglakad ang aking kapatid kaya lagi siyang
naiiwan.
4. Malinaw na ipinaliwanag ng guro ang aralin kaya
naintindihan ko.
5. Unti-unting natutupad ko na ang aking mga pangarap.
25. TANDAAN!
Ang Pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na
naglalarawan at nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri
at maging sa kapwa nito pang-abay.
Mga Uri ng Pang-Abay
1. Pang-abay na Pamanahon
2. Pang-abay na Panlunan
3. Pang-abay na Pamamaraan
27. 1. Uuwi kami sa probinsiya sa Disyembre. Ano
ang ginamit na pang-abay na pamanahon sa
pangungusap?
a. uuwi c. kami
b. probinsiya d. Disyembre
28. 1. Uuwi kami sa probinsiya sa Disyembre. Ano
ang ginamit na pang-abay na pamanahon sa
pangungusap?
a. uuwi c. kami
b. probinsiya d. Disyembre
29. 2. Dahan-dahang inilapag ni Amy ang bata sa
kanyang kama. Ano ang ginamit na pang-
abay napamaraan sa pangungusap?
a. inilapag c. dahan-dahang
b. Amy d. bata
30. 2. Dahan-dahang inilapag ni Amy ang bata sa
kanyang kama. Ano ang ginamit na pang-
abay napamaraan sa pangungusap?
a. inilapag c. dahan-dahang
b. Amy d. bata
31. 3. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang
ginamit na pang-abay na panlunan sa
pangungusap?
a. namili c. sa Divisoria
b. pasko d. damit
32. 3. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang
ginamit na pang-abay na panlunan sa
pangungusap?
a. namili c. sa Divisoria
b. pasko d. damit
33. 4. Araw-araw nagsisimba si lola sa Quiapo. Ano
ang ginamit na pang-abay na pamanahon sa
pangungusap?
a. Araw-araw c. lola
b. nagsisimba d. Sa Quiapo
34. 4. Araw-araw nagsisimba si lola sa Quiapo. Ano
ang ginamit na pang-abay na pamanahon sa
pangungusap?
a. Araw-araw c. lola
b. nagsisimba d. Sa Quiapo
35. 5. Nagdadasal ng taimtim ang buong mag-anak
tuwing gabi. Ano ang ginamit na pang-abay
na pamaraansa pangungusap?
a. nagdadasal c. mag-anak
b. taimtim d. tuwinggabi
36. 5. Nagdadasal ng taimtim ang buong mag-anak
tuwing gabi. Ano ang ginamit na pang-abay
na pamaraansa pangungusap?
a. nagdadasal c. mag-anak
b. taimtim d. tuwinggabi
37. KARAGDAGANG GAWAIN!
Panuto:
Sumulat ng limang pangungusap na gamit ang mga pang-
abay na pamanahon, panlunan at pamaraan. Isulat ito sa
inyong kuwaderno.
1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________
4. _________________________________________________
5. _________________________________________________