6. Noong unang panahon, nang ang mga hayop
ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng
naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kanyang
paglillibot, nahulog siya sa napakalalim na
hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang
makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya
nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit
walang nakarinig sa kaniya.
7. Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre
upang humingi ng tulong hanggang mapaos.
Gutom na gutom at hapung-hapo na ang tigre.
Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang
ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano
ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya
ng loob at agad na tumayo. Tulong! Tulong!
muli siyang sumigaw.
8. Ah! Isang tigre! sabi ng lalaki habang
nakadungaw sa hukay.
Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,
pagmamakaawa ng tigre. Kung tutulungan mo
ako, hindi kita malilimutan habambuhay.
9. Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang
baka kainin siya nito. Gusto sana kitang
tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring
mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang
aking paglalakbay. wika ng lalaki at nagpatuloy
sa paglalakad.
10. Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,
pakiusap ng tigre. Huwag kang mag-alala, pangako
hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan
mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong
malaking utang na loob! Tila labis na nakakaawa
ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-
dahan niyang ibinaba sa hukay. Gumapang ka rito,
sabi ng lalaki.
11. Gumapang ang tigre sa troso hanggang
makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang
lalaking tumulong sa kaniya. Naglaway
ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
12. Sandali! hindi ba nangako ka sa akin na hindi
mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng
pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?
sumbat ng lalaki sa tigre.
Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil
nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang
araw! tugon ng tigre.
Sandali! Sandali! Ang pakiusap ng lalaki.
Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama
bang kainin mo ako.
13. Sige, ang wika ng tigre. Pero pagkatapos natin siyang
tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang
nangyari. Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na
loob? tanong ng puno ng Pino. Bakit ang mga dahon at
sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong
mga tahanan at maluto ang inyong pagkain? Mga taon ang
ibinibilang namin upang lumaki. Kapag kamiy malaki na
pinuputol ninyo kami. Ginagamit ninyo kami sa pagtatayo ng
inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga
kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na
iyan. Utang na loob! Huwag ka nang mag dalawang isip,
Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.
14. O, anong masasabi mo doon? Tanong ng tigre
habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka,
Hintay! Hintay! pakiusap ng lalaki. Tanungin natin
ang baka sa kaniyang hatol.
Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka
ang nangyari. Hiniling ng dalawaang opinyon ng
baka.
15. Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat
gawin, wika ng baka sa tigre, dapat mo siyang kainin!
Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod
na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat
ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid
upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa
nila kapag kami ay tumanda na...pinapatay kami at
ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa
paggawa ng kung ano anong bagay. Kaya huwag mo
akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob.
Kainin mo na ang taong iyan.
16. Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya
humanda ka na sa iyong kamatayan! Wika ng tigre
habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan.
Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
Sandali! Tigre! Sandali! sigaw ng lalaki.
Ano na naman! singhal ng tigre.
17. Pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.
Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung
dapat mo ba akong kainin.
Ah! Walang kuwenta! Alam mo ang sagot niya. Pareho
lang sa sagot ng puno ng Pino ating baka.
Pakiusap, parang awa mo na! pagsusumamo ng lalaki.
O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako! sagot
ng tigre.
18. Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari, matamang
nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at
ipinagalaw ang kanyang mahabang tainga. Pagkalipas ng
ilang sandali, muli niyang idinilat ang kanyang mga
mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang
kuneho. Naiintindihan ko ang iyong isinalaysay. Subalit
kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na
hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong
isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang
daan patungo doon, wika ng kuneho.
19. Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho.
Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw
naman ay nakatayo dito sa itaas, wika ng kuneho sa
tigre at sa lalaki. pumunta kayo sa mga posisyon ninyo
noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking
hatol.
20. Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais
lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain
na niya ang tao. Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon.
Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw
naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya
tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong
magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay
nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas
sa hukay, paliwanang ng kuneho na tila may ibang
kausap.
21. Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng
kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging
problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa
kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa
hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa! wika ng
matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.