ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
Isang masining at makaagham
na panggagaya sa kalikasan
ng buhay. Ito’y kinatha at
itinatanghal upang magsilbing
salamin ng buhay- sa wika, sa
kilos,at sa damdamin.
Bilang sining, may layunin
itong makaaliw, makapagturo
o makapagbigay ng mensahe,
makaantig ng damdamin, at
makapukaw ng isip.
filipino 9- Dula
KOMEDYA
TRAHEDYA
PARSA
SAYNETE
MELODRAMA
KOMEDYA
Ang wakas ay kasiya-siya sa
mga manood dahil
nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay
magkakasundo .
TRAHEDYA
Nagwawakas sa
pagkasawi o pagkamatay
ng mga pangunahing
tauhan .
PARSA
Ang layunin nito’y
magpatawa at ito’y sa
pamamagitan ng mga
pananalitang katawatawa.
SAYNETE
Mga karaniwang ugali ang
pinaksa dito sa paraang
katawa-tawa.
May dahilang nagbabago ang paniniwala ng tao
dahil sa galaw at pagbabago rin ng mundo.
Dumarating ang isang pambihirang
pagkakataon o isang bagay na hindi man
inaasahan ay magpapabago sa ating pananaw,
pilosopiya, at paniniwala sa buhay.
TIYO SIMON
Dula- Pilipinas
ni N.P.S. Toribio
Mga Tauhan:
Tiyo Simon- isang taong nasa katanghalian
ang gulang, may kapansanan ang isang paa
at may mga paniniwala sa buhay na hindi
maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa
Ina- ina ni Boy
Boy- pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing
taong gulang
Oras – Umaga, halos hindi pa sumisikat ang
araw.
Tagpo:
Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang
tokador na kinapapatungan ng mga langis at
pomada sa buhok, toniko, suklay at iba pang
gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng
tokador,nakadikit sa dingding ang isang
malaking larawan ng birheng nakalabas ang
puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng
nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang
katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid
ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na
binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa
mukha ng bata ang pagkainip samantalang
sinusuklay ang kaniyang buhok.
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako
naman ang magbibihis.
Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako,
e! At ano’ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng
pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng
Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa)
Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong
kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng
Panginoon?
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at
humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa
kalooban
Boy: Pero...
Ina: Husto na sabi, e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na
hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na
titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang
pagkatok sa pinto.)
Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan?
Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong
...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon.
Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila
may itinututol si Boy ...
Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan
ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw
sasama sa simbahan ...
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan
sa balikat si Boy.)
Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung
gusto mo... kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo
at ako’y magbibihis ... Magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi
makakibo. Ang ina ay napamangha rin, Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas.
Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)
Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at
naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya
makikitang lalapit sa Diyos ...
Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At
kung hindi, e, hindi ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat
hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na
iyon ng iyong ama isa ring ...
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa
mga mata. Magmamalas lamang si Boy.)
Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang) Namatay siyang
hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang
kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang
magkapatid, sila ng iyong amain. Sana;y magbalik-loob siya sa
Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng
kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na ...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y
nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay
sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang
papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at
saka tutunguhin ang pinto.)
Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko,
kasi’y ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad
tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad,
naman siyang lalapitan ni Boy, at ang bata ay titindig sa harapan niya.)
Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling
mangawit, mahina ang katawan at ... (biglang matitigil nang
mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may
kapansanang paa. Matatawa.)
Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni
Mama na iya’y parusa ng Diyos? ...
Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?
Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo
naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ...
Tiyo Simon: (Mapapabuntunghininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na
naniniwala sa Diyos ...
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo
nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo
nangingilin, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay
na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang
mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa
sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay
Isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...
Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang
bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong
Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng
pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng
mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng
tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil
ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon,
titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at
saka titingin kay Boy).
Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan
ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa
ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa
pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako
naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang
natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako
... hanggang sa isang araw ay mangyarI sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa
aking paningin.
Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...?
(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas
ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.)
Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya
noon at sa kaniyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang
pagdaan ng isang trak at siya’y nasagasaan ...Nasagasaan siya, nadurog ang
kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko ng dalawang mata,
ako noo’y naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya
nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na
waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...
Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang
pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang
manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na
bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya
ay walang kamatayan...
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na
nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng
batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili
nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil.
Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na
makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at
iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang
tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig
ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti
pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang
pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong
mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan
siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga
kasawian... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na
ng mga hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y
maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang
mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. .
Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na,
Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang
kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli,
tayo na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo.
Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging
madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging
malakas, habang bumababa ang tabing)
MELODRAMA
Isang dulang nagtataglay ng
malungkot na pangyayari. Maaring
makaantig ng damdamin subalit
nagwawakas ito nang masaya
at kasiya-siya sa mabubuti at
mababait na tauhan sa dula.
SAGUTIN ANG MGA
GABAY NA TANONG
1. Ano ang malaking
Impluwensya ng pangunahing
tauhan kay Boy?
Patunayan.
1. Ano ang malaking
Impluwensya ng pangunahing
tauhan kay Boy?
Patunayan.
2. Bakit naisipan ni Tiyo Simon
na sumama sa mag-ina sa
simbahan?
3. Anong damdamin ang
namayani sa hipag ni
Tiyo Simon sa pagbabalik-loob
niya sa Diyos?
Kung ikaw ang hipag ni Tiyo Simon,
ganoon din ba ang iyong
mararamdaman?
1. Ano ang malaking
Impluwensya ng pangunahing
tauhan kay Boy?
Patunayan.
4. Bakit kailangang magkaroon
ng matibay na pananalig
sa Diyos ang tao?
1. Ano ang malaking
Impluwensya ng pangunahing
tauhan kay Boy?
Patunayan.
5. Dapat bang sisihin ng tao
ang Diyos sa mga pagkakatong
dumaranaas siya ng mga
Kabiguan sa buhay?
Pangatuwiranan.
6. Kapani-paniwala ba ang mga
pangyayaring inilahad sa dula?
Tukuyin ang mga pangyayaring
makatotohanan at hindi
makatotohanan sa akda.
Patunayan
filipino 9- Dula
filipino 9- Dula
ANONG KULTURANG PILIPINO
ANG INILARAWAN SA AKDA?
IHAMBING ITO SA KULTURA
NG ALINMAN SA MGA BANSANG
ASYANO?
filipino 9- Dula

More Related Content

filipino 9- Dula

  • 8. Isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay- sa wika, sa kilos,at sa damdamin.
  • 9. Bilang sining, may layunin itong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe, makaantig ng damdamin, at makapukaw ng isip.
  • 12. KOMEDYA Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo .
  • 13. TRAHEDYA Nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan .
  • 14. PARSA Ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa.
  • 15. SAYNETE Mga karaniwang ugali ang pinaksa dito sa paraang katawa-tawa.
  • 16. May dahilang nagbabago ang paniniwala ng tao dahil sa galaw at pagbabago rin ng mundo. Dumarating ang isang pambihirang pagkakataon o isang bagay na hindi man inaasahan ay magpapabago sa ating pananaw, pilosopiya, at paniniwala sa buhay.
  • 18. Mga Tauhan: Tiyo Simon- isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala sa buhay na hindi maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa Ina- ina ni Boy Boy- pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang Oras – Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.
  • 19. Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan. Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.
  • 20. Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis. Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e! Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw? Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon... Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos. Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon? Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin... Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban Boy: Pero... Ina: Husto na sabi, e!
  • 21. (Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.) Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan? Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ... (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ... Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
  • 22. Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ... (Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.) Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis ... Magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha rin, Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.) Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ... Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ... Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama isa ring ...
  • 23. (Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.) Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang) Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sana;y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na ... (Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.) Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...
  • 24. (Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy, at ang bata ay titindig sa harapan niya.) Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ... (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa. Matatawa.) Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos? ... Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon? Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ... Tiyo Simon: (Mapapabuntunghininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos ... Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon? Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay Isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
  • 25. BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?... Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya. (Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy). Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan. Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
  • 26. Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay mangyarI sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.) Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siya’y nasagasaan ...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan... Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon? Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan...
  • 27. (Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.) Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
  • 28. (Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.) Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na! (Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing)
  • 29. MELODRAMA Isang dulang nagtataglay ng malungkot na pangyayari. Maaring makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mabubuti at mababait na tauhan sa dula.
  • 31. 1. Ano ang malaking Impluwensya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan.
  • 32. 1. Ano ang malaking Impluwensya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan. 2. Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa simbahan?
  • 33. 3. Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-loob niya sa Diyos? Kung ikaw ang hipag ni Tiyo Simon, ganoon din ba ang iyong mararamdaman?
  • 34. 1. Ano ang malaking Impluwensya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan. 4. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang tao?
  • 35. 1. Ano ang malaking Impluwensya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan. 5. Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakatong dumaranaas siya ng mga Kabiguan sa buhay? Pangatuwiranan.
  • 36. 6. Kapani-paniwala ba ang mga pangyayaring inilahad sa dula? Tukuyin ang mga pangyayaring makatotohanan at hindi makatotohanan sa akda. Patunayan
  • 39. ANONG KULTURANG PILIPINO ANG INILARAWAN SA AKDA? IHAMBING ITO SA KULTURA NG ALINMAN SA MGA BANSANG ASYANO?