2. ANO ANG MAIKLING
KUWENTO?
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang
tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni
at bungang isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa
buhay.
3. ANO ANG MAIKLING
KUWENTO?
Ito ay nababasa sa isang
upuan lamang, nakapupukaw
ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.
15. TUNGGALIAN NG KUWENTO
Ang isang maikling kuwento aay hindi
magkakaroon ng buhay kung walang
tunggalian. Ito ay isang elementong
nakapaloob sa banghay. Ito ang labanan
sa pagitan ng magkasalungat na
puwersa.
17. PISIKAL
Sa tunggaliang ito, tao ang
laban sa mga elemento at
puwersa ng kalikasan. Ito
ay maaaring ulan, init,
lamig, bagyo, lindol,
pagsabog ng bulkan, mga
hayop sa gubat, mga
panganib na makahaharap
sa paglalakbay, at iba pa.
18. PANLIPUNAN
Dito naman, ang tao ay laban
sa kapwa tao, o ang tao laban
sa lipunang kanyang
ginagalawan. Ang
diskriminasyon o pag?uuri
dahil sa kulay, kalagayang
pangkabuhayan, at iba pang
may kaugnayan sa lipunan ay
ilan lamang sa mga
nagsisilbing suliranin ng
pangunahing tauhan
19. PANLOOB O
SIKOLOHIKAL
Ito ang uri ng tunggalian
ng tao laban sa kaniyang
sarili. Tunggalian ng
dalawang magkasalungat
na hangad ng iisang tao.
21. ETIMOLOHIYA
Ay isang uri ng pag-aaral ng pag-unlad ng
wika sa pamamagitan ng paghagilap ng
mga pinagmulang pagpapakahulugan ng
salita. Ginagawa ito sa tulong ng mga
diksyonaryo o mga aklat etimolohiya.
Nagmula ang salitang etimolohiya sa
Kastilang salita na etumologia na ang ibig
sabihin ay may ibig-sabihin o may
kahulugan.
22. Asawa Sanskrito
Salita Kahulugang
Etimolohiko Pinagmulan
Ang walang-
kasariang
katawagan para
sa esposo o
asawang lalaki o
kaya para sa
esposa o asawang
babae. Ngunit
maaari ring
tumukoy sa isang
kasama o
kinakasama sa
buhay
25. 1. Lumapit si Keloglan sa mga kalalakihan at
mahinahong sinabi Maari po bang itigil ang
panunukso sa kaawa-awang pusa at kung titigil
kayo, bibigyan ko kayo ng isang gintong barya.
2. Laking pasasalamat ng pusa sa binata at
nangakong susuklian niya ang kabutihan nito.
Hindi maisip ni Keloglan kung paano siya
matutulungan ng pusa, ngunit pumayag na rin na
sumama sa kanya.
A. Panuto: Batay sa usapan sa binasang Maikling Kuwento, tukuyin
ang uri ng tunggalian. Isulat ang titik A kapag ito ay Pisikal, B
kapag Panlipunan at C kapag Panloob o Sikolohikal.
26. 3. Habang patuloy na naglalakbay ang dalawa, may
nakita silang isang matandang mag-asawa na
hinahampas ang aso. Lumapit si Keloglan at sinabi sa
isang mabait na tinig. Mangyari po bang itigil ang
pagpalo sa kaawa-awang aso. Kung titigil kayo,
bibigyan ko kayo ng isang gintong barya.
4. 'Ang mga ito ay kahanga-hangang kuwintas, aking
prinsesa,' wika ng matandang nagbebenta. 'Ngunit
wala akong pera,' sagot ng prinsesa.
A. Panuto: Batay sa usapan sa binasang Maikling Kuwento, tukuyin
ang uri ng tunggalian. Isulat ang titik A kapag ito ay Pisikal, B
kapag Panlipunan at C kapag Panloob o Sikolohikal.
27. 5. Ang pusa ay kumandong kay Keloglan at sinabi sa
kanya: 'Mahahanap ko ang selyo ngunit hindi ako
marunong lumangoy sa kabila ng lawa.'
A. Panuto: Batay sa usapan sa binasang Maikling Kuwento, tukuyin
ang uri ng tunggalian. Isulat ang titik A kapag ito ay Pisikal, B
kapag Panlipunan at C kapag Panloob o Sikolohikal.
28. Sumulat ng isang talatang pagbubuod ng kuwentong
iyong binasa na may lima hanggang pitong
pangungusap lamang gamit ang mga pang-ugnay.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________