2. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na
tula. Maaaring magpatulong sa iyong magulang
o kamag- anak sa pagbabasa.
3. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tula.
Sa Gitna ng Kalamidad
Sa loob ng aming munting bahay-kubo
Kapit-bisig nilabanan ang pagyanig nito
Takot na ito’y guguho’t maglalaho
Dalangin na manatiling nakatayo.
4. Hatinggabi noon nang mangyari ito
Umalingawngaw sigaw ng mga tao
Urong-sulong ‘di alam saan patungo
Sa Panginoo’y taos-pusong nagsumamo.
Madaling-araw na’y di pa makatulog
Lagi nagmamatyag kung uminog
Kahit puso ma’y lumalakas ang kabog
Pilit nagpatatag sa Diyos ay dumulog.
5. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno.
1. Tungkol saan ang tula?
2.Ano sa palagay mo ang kalamidad na naganap
sa tula?
3.Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang
gagawin mo?
4.Ano-anong ang salitang nakasulat nang
maitim?
5.Ano ang tawag sa mga salitang ito? .
6. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Bigyan pansin
ang mga salitang nakalimbag sa itim sa bawat
pangungusap.
Ano ang pangarap mo sa buhay?
Tulad mo, ang bawat tao ay may
pangarap na nais maabot. Marahil, ang iba ay abot-
kamay na nila ito.
7. Nakakita ka na ba ng larawan ng
isang bagong-kasal? Maaaring larawan mismo
ng iyong mga magulang o malalapit na kaanak.
8. Naranasan mo na bang makapasok sa isang
bahay-kubo? Makalanghap ng sariwa at
preskong hangin sa loob nito?
9. Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang
salitang magkaiba na pinagtambal. May mga
tambalang salita na nananatili ang taglay na
kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa:
hawak-kamay – magkahawak ang kamay ng
dalawang tao
10. urong-sulong – di-sigurado sa hakbang
bahaykubo – bahay na gawa sa nipa
silid-aralan – silid ng paaralan
kapitbahay – kalapit na bahay
hating-gabi – kalagitnaan ng gabi
11. Samantala may mga tambalang salita na
nawawala ang sariling kahulugan kapag
pinagtambal at nagkakaroon ng panibagong
kahulugan
Halimbawa:
balat-sibuyas – iyakin
dalagang-bukid – uri ng isda
sirang-plaka – paulit-ulit ang salita
13. Panuto: Buoin ang tambalang salita. Gamitin bilang
gabay ang ibinigay na kahulugan at ang mga salita sa
loob ng kahon. Isulat sa papel ang iyong mga sagot.
14. Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod
na gawain.
Paghahanda Sa Panahon ng Sakuna
Umaga noon nang maganap sa loob ng aming
silid-aralan ang Earthquake Drill.
Kaming lahat ay sabay-sabay isinagawa
ang duck, cover, and hold.
15. Ilang sandali pa’y pumunta kami sa ilalim ng
mesa. Nakaw-tingin lamang ang aming guro sa
iba kong kaklase habang pilit niyang pinakalma
ang lahat.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dahan-dahan kaming
tumayo at dalawahang lumabas sa aming silid-aralan.
16. Hawak-kamay at magkadikit na para bang kambal-
tukoang dalawa kong kaklase habang papunta sa
evacuation area.
Agaw-pansin ang sigaw ng isa sa kanila dahil takot
natakot siya sa nangyari kahit ito’y pagsasanay lamang.
Naging matagumpay ang nasabing pagsasanay at
nagpapasalamat ang aming guro sa aming kooperasyon.
17. Panuto: Isulat sa papel ang mga tambalang salita
na matatagpuan sa kuwento.
18. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga
salita sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
iyong sagot.
Hanay A Hanay B
1. tubig-alat a. trabaho
2. hatinggabi b. payat na payat
3. silid-tulugan c. kalagitnaan ng gabi
4. buto’t balat d. tubig galing sa dagat
5. hanapbuhay e. silid sa bahay na
tinutulugan
19. Panuto: Piliin ang angkop na tambalang
salita sa kahon upang mabuo ang pangungusap. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. _______________ na nang maganap ang lindol.
2. _______________ na nagdarasal ang mga tao.
hatinggabi taos-puso urong-sulong
lakas-loob kapitbahay
20. 3. Sila ay _________________ dahil hindi nila alam
saan sila tutungo.
4. Kailangang mahinahon at may _____________ na
harapin ang mga sakunang gaya nito.
5. Ang mga _______________ namin ay nagkagulo.
hatinggabi taos-puso urong-sulong
lakas-loob kapitbahay
21. TANDAAN:
Ang tambalang salita ay binubuo ng
dalawang salitang magkaiba at ito ay
pinagsama o pinagtambal.
May tambalang salita na taglay ang
kahulugan ng dalawang salita.
Gitling ang ipinapalit sa mga salita
na nawala sa pagitan
22. Panuto: Tukuyin ang kahulugan o ibig
sabihin ng bawat tambalang-salita. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. tubig-alat
A. tubig na ginagamit sa pagluluto
B. tubig na malamig
C. tubig sa dagat o kinuha mula sa dagat
D. tubig na malabo
23. 2. labas-pasok
A. akto ng paulit-ulit na paglabas at pagpasok
B. hindi mapakali sa gagawin
C. magnanakaw
D. taong madalas na pinalalayas
24. 3. ingat-yaman
A. taong matipid sa paggastos
B. pinunò ng tanggapan o samahan
na may tungkuling magtago ng salapi
at talaán ng mga gastos
C. taong maramot
D. guwardiya ng makakapangyarihang tao
25. 4. lampas-tao
A. malaking bilang ng mga tao sa isang grupo
B. mas mataas sa karaniwang tangkad ng tao
C. pangkat ng mga kabataan
D. malayo sa kasalukuyang kinalalagyan ng tao
26. 5. ulilang-lubos
A. taong ipinaampon sa iba
B. taong patay na ang mga magulang;
o wala nang buhay na kamag-anak
C. labis na nalulungkot
D. naligaw ng landas
27. Panuto: Piliin sa kahon ang tambalang salita na
isinasaad ng bawat larawan. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
taong-bayan sinag-araw
akyat-bahay tulak-kabig bakas-paa sulat-
kamay tabing-dagat taos-puso
ningas-kugon bakas-daliri
sinag-buwan boses-palaka
30. Panuto: Pagsamahin ang mga salita sa loob ng
kahon upang mabuo ang tambalang salita. Isulat ang
limang nabuong bagong salita sa iyong sagutang
papel.
bahay kubo kamay
agaw urong buhay
nakaw tingin hawak sulong
31. Basahin ang Dayalogo.
Jose: Dali! Kunin mo ang iyong palayuk-
palayukan at pati na
ang aking sunda- sundaluhan.
Juana: Sige, kuya. Doon po tayo maglaro sa
ating bahay-kubo.
Isasali ba natin ang ating kapitbahay?
Jose: O sige. Tawagin natin s’ya.
Juana: Oo para mas marami mas masaya.
32. Mga Tanong:
1.Sino ang dalawang batang nag-uusap sa
dayalogo?
2.Tungkol saan ang dayalogo? Ano ang mabuting
ipinakita ng dalawang bata?
3. Tingnan ang mga salitang may nakalimbag
sa usapan. Ano ang mga salitang ito?
33. 4.Ilan salita ang bumubuo sa bahay-kubo at
kapitbahay ?
5. Ano ang tawag sa mga salita ito?
6.Ibigay ang kahulugan ng bahay kubo at kapit bahay.
34. PANUTO :Basahin ang pangungusap. Isulat sa ibaba
ang tambalang salita na ginamit sa pangungusap at piliin
ang tamang kahulugan
sa kahon.
1.Si Jose ay laking-Maynila kaya siya ay maputi.
________________=______________________
kaluluto pansinin taos-puso
mura nakikita lumaki sa Maynila
35. 2. Ang bahay nila Alma ay abot-tanaw na rito.
_________________=________________________
3. Si Rosa ay agaw-pansin noong dumating sila
galing Maynila dahil sya ang tinitingnan ng mga
tao.
_________________=________________________
kaluluto pansinin taos-puso
mura nakikita lumaki sa Maynila
36. 4. Ang presyo ng mga bilihin ngayon ay abot-kaya na
ng mga tao.
______________=__________________
5.Ang nanay niya ay may bagong-lutong pinakbet sa
kanilang kusina.
_______________=_________________
kaluluto pansinin taos-puso
mura nakikita lumaki sa Maynila
37. PANUTO: Isulat ang titik sa patlang ng tamang kahulugan ng
bawat tambalang salita sa hanay A at hanay B.
_________1. balik-aral A. nagtutulungan
_________2. kapit-bisig B. kuwarto na pinag-
aaralan
_________3. Likas-yaman C. muling pag-aaral sa
dating aralin.
_________4. palo-sebo D. isang larong lahi na
padulasan
_________5. silid-aralan E. yaman na
nanggagaling sa
kalikasan.
38. Panuto: Ano ang tambalang salita?
Isulat ang kahulugan ng tambalang salita. Piliin ang sagot sa
kahon sa ibaba
1.baboy ramo- 2.bahay kubo- 5.tubig-ulan
3.kapit-bahay- 4.silid-kainan-
A. mura o kayang kaya
B. tubig na galing sa ulan
C. mga taong malapit sa tinitirahan
D. kwarto kung saan doon kumakain
E. bahay na maliit at gawa sa kugon
F. baboy sa gubat na kumakain ng damo
39. Panuto: Tukuyin ang tambalang salita. Bilugan
ang tambalang salita sa pangungusap.
1. Ang mayaman na nakatira sa bahay na iyan ay
matapobre.
2. Mag kapit-bisig tayo upang maging
matagumpay ang ating gagawing proyekto.
40. 3. Sariwa ang nabili niyang dalagang-bukid sa
palengke.
4. Nakahanda na ang silid-tulugan para sa mga
bisita.
5. Ang hito ay isang isdang tubig-tabang.
41. TANDAAN:
Ang tambalang salita ay binubuo ng
dalawang salitang magkaiba at ito ay
pinagsama o pinagtambal.
May tambalang salita na taglay ang
kahulugan ng dalawang salita.
Gitling ang ipinapalit sa mga salita
na nawala sa pagitan.
42. PANUTO : Buoin ang kahulugan ng tambalang
salita sa bawat patlang. Piliin ang sagot sa ibaba.
silid-kainan
Kuwarto kung saan doon ______________.
A. natutulog B. nag-aaral C. kumakain