ELEMENTO NG NOBELA
PANG ABAY NA PAMANAHON
NOBELA
PANG ABAY
TAGPUAN
TAUHAN
BANGHAY
PANANAW
TEMA
DAMDAMIN
PANANALITA
PAMAMARAAN
SIMBOLISMO
DAMDAMIN
ELEMTO
FILIPINO
ENGLISH
ADVERBS
3. Nobela
Ang nobela ay
isang akdaang
pampanitikan na
naglalaman ng mahabang
kwento na nahahati sa
mga kabanata.
4. Nobela
Ang kathang ito ay
karaniwang nabibilang sa
katergoryang piksyon,
samakatuwid, ito ay
karaniwang kathang isip
lamang ng manunulat.
5. Nobela
Naglalaman ito ng dalawa o
higit pang mga tauhan,
maraming pangyayari at may
kaganapan sa ibat-ibang
tagpuan. Binubuo ito ng
60,000 hanggang 200,000 na
salita o 300-1,300 pahina.
6. Nobela
Ang kathang ito ay hindi
mababasa sa isang upuan
lamang sapagkat mahaba
at madami ang mga
kaganapan dito.
9. Tagpuan Ito ay ang lugar at panahon kung saan
naganap ang mga pangyayari. Kumpara sa iba pang
uri ng akdang pampanitikan, ang kwento sa nobela
ay hindi naganap sa iisang tagpuan lamang, sa halip
ang mga pangyayari ay nagaganap sa ibat-ibang
lugar at panahon.
Tauhan Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos
sa akda.
Banghay Ito ang pagkakasunud-sunod o daloy ng
mga pangyayari.
10. Pananaw Ito ay ang panauhang ginamit ng
manunulat (Point of view). Ito ay maaring maging una,
pangalawa o pangatlo.
A. Una Kapag ang may akda ay kasali sa kwento
B. Pangalawa Ang may akda ang nakikipag-usap
C. Pangatlo Ito ay batay sa obserbasyon ng may
akda
Tema Ito ay paksa kung saan umiikot ang istorya ng
nobela. Ito ay maaring maging tungkol sa pag-ibig,
paghihiganti, digmaan, kabayanihan, kamatayan, at
iba pa.
11. Damdamin Ito ang nagbibigay kulay sa mga
pangyayari. Ang damdamin ay ang emosyong nais
iparating ng awtor sa mga mambabasa.
Pamamaraan Ito ay ang istilo na ginamit ng manunulat.
Pananalita Diyalogong ginamit sa nobela
Simbolismo Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at
pangyayari na nagpapakita ng mas malalim na
kahulugan. Ang magandang halimbawa ng simbolismo sa
nobela ay ang pagsusuot ng tauhan ng itim na damit. Ito
ay nangangahulugan ng pagluluksa sa tauhang namatay.