This is a raw reflection paper for our Filipno language subject. Sounds cool, huh?!
1 of 1
Download to read offline
More Related Content
Filipino Reflection for School Year 2012-2013
1. Siyam na araw na lamang at tuluyan na kaming magpapaalam sa high school.
Hindi pa man sumasapit ang araw ng aming pagtatapos, batid naming lahat ang
kasabikan at kalungkutan--- kalungkutan sapagkat madalang na lamang naming
masisilayan ang mga kamag-aral na nagging kaniig-niig sa pag-aaral.
Bahagi ng paghutok sa aming kaisipan upang matuto ang pag-aaral ng panitikan.
[insert panitikan’s kahalagahan and meaning here].
Hindi maitatangging mahalaga rin ang panitikan at gayundin ang pag-aaral nito
sapagkat ito ang tanda ng ating pagkatao, ang sumasalamin sa mga naiambag ng mga
makata nating manunulat sa ating kasaysayan at kabihasnan. Subalit kapansin-pansin
na iilan na lamang sa mga kababayan natin ngayon ang nagbibigay importansiya at
pagtangkilik sa kinagisnang panitikan upang ito ay ‘di mahimlay o tuluyang mamatay.
Ito ang suliraning nagsilang sa nobela ni Gat Jose Rizal na El Filibusterismo. Bawat isa
sa amin ay binigyan ng kaukulung kabanata na tatalakayin sa klase. Makapal man ang
aklat naming ito, naging isang masayang karanasan pa rin ang pag-aaral naming nito.
Bukod kasi sa isinisiwalat ng kathang ito ang pagmamalupit ng mga kastila sa ating
bansa, may mga bahagi rin ng kwento ang nagtataglay ng mga pangyayaring katawatawa. Mayroon rin itong mga ginintuang aral na aming naiuugnay sa iba’t ibang disiplina
upang mabigyang halaga ang pagpapahalagang pangkatauhan at iba pang aspeto ng
edukasyon.
Sadyang mahalaga ang pagbibigay pansin sa sarili nating wika. Ito ang kaluluwa
ng bansa at matatag na sandigan sa pakikipagkomunikasyon. Sa tulong rin nito,
natugunan ang pangangailangan naming mga mag-aaral na malinang ang kakayahan
sa paggamit ng wikang Filipino. Gamit ang iba’t ibang estratehiya, napaunlad ang
aming kaisipan at kakayahan sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino.
Binigyang-pokus din sa masigasig na pag-aaral ang istrukturang gramatikal sa Filipino.
Ang bawat oras na inilaan sa asignaturang ito ay nagsilbing pagkakataon upang
mapag-aralan, mapahalagahan, at mapagpayaman namin ang kasanayan sa ating wika
at maisalin ang kasanayang ito sa isang makabuluhang gawain na may masigasig na
kamalayan, diwa, at pagpapahalagang Pilipino.
Sa maraming araw naming pag-aaral ng Filipino, hindi lamang mga pangakademikong kaalaman ang naidagdag sa aming kaisipan, nahubod rin an gaming
pagkatao upang mabuhay ng may prinsipyo at pagmamahal sa kung anumang nagugat dito sa ating tinubuang lupa.