2. Deskription ng Kurso
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa,
pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa ibat ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang pagbasa at
pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang
Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula
sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na
nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng
mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga
Pilipino sa iba pang bansa.
3. Deskription
ng Kurso
Saklaw rin ng kursong ito ang
paglinang sa kasanayang
pagsasalita, partikular sa
presentasyon ng pananaliksik
sa ibat ibang porma at
venue. Pre-requisite sa kursong
ito ang pagkuha ng kursong
Konstektwalisadong
Komunikasyon sa Filipino
(KOMFIL).
4. INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng
mga function ng wikang Filipino
bilang wikang pambansa, wika ng
bayan, at wika ng pananaliksik na
nakaugat sa pangangailangan ng
sambayanan.
2. Maisa-isa ang mga suliraning
lokal at nasyonal ng komunidad
na kinabibilangan.
3. Matukoy ang mga
mapagkakatiwalaan,
makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa
pananaliksik
4. Makapagmungkahi ng mga
solusyon sa mga pangunahing
suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa,
batay sa pananaliksik.
5. Maipaliwanag ang mahigpit na
ugnayan ng pagpapalakas ng
wikang pambansa, pagpapatibay
ng kolektibong identidad, at
pambansang kaunlaran.
6. Malikhain at mapanuring
mailapat sa pananaliksik ang
piling makabuluhang konsepto at
teoryang lokal at dayuhan na
akma sa konteksto ng komunidad
at bansa.
5. INAASAHANG
BUNGA NG
PAGKATUTO:
Kasanayan
Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga
batayang kasanayan sa pananaliksik.
Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon,
estadistika, datos at iba pa mula sa mga
babasahing nakasulat sa Filipino sa ibat ibang
larangan.
Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp.
na makapag-aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga
ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit ang
mga tradisyonal at modernong mga sanggunian.
6. INAASAHANG BUNGA NG
PAGKATUTO:
Kasanayan
Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa ibat ibang konteksto.
Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa ibat ibang larangan.
Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at
pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o
kumperensya at/o ilathala sa isang akademikong journal.
7. INAASAHANG
BUNGA NG
PAGKATUTO:
Pagpapahalaga
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng
mga Pilipino sa ibat ibang larangan.
2. Malinang ang adhikaing makibahagi sa
pagbabagong panlipunan.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong
panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino
bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino,
bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
8. Pagmamarka
Prelim 30%
Midterm 30%
Finals 40%
Attendance 15 %
Performance Task 30 %
Recitation 10 %
Written Works 15 %
Examination 30 %
Total 100 %
9. 10 Panutunan sa Klase
(Netiquette)
A mans manners are a mirror in
which he shows his portrait
-Goethe
14. Ikalimang Panuntunan
Jejemon Alert
Ang paggamit ng angkop
na pananalita at tamang
babay ng mga salita ay
isang mahalagang
kasanayan na malilinang sa
oras ng klase.
21. SPIN THE WHEEL
Ipaliwanag ang deskription ng
asignaturang FILDIS batay sa
sariling pag-unawa
Ano ang maaaring malinang sa
iyong kaalaman sa pag-aaral ng
FILDIS?
Ano ang maaaring malinang sa
iyong kasanayan at pagpapahalaga
sa pag-aaral ng FILDIS?
Ano ang kahalagahan ng kursong
FILDIS sa isang mag-aaral sa
kolehiyo?
SPIN
22. SHOWCASE MO NA YAN!
SPIN
SAYAW
KANTA
TULA
SPIN THE WHEEL
ULIT