Filipino sa Piling Larang Quarter 2 – Aralin 2.pptx
1. Quarter 2 – Aralin 2
POSISYONG PAPEL
FILIPINO SA PILING LARANG
2. INUNAWA MO AKO NOON, MAGBALIK-TANAW KA SA AKING NGAYON!
1. Ano ang napansin mo sa binasa at sinuring akademikong
sulatin? Paano ito sinimulan ng manunulat?
2. Bilang isang mambabasa, ano ang iyong opinion tungkol dito?
3. Paano ito naiiba sa iba pang sulatin?
4. Ano ang nilalaman at uri ng tekstong iyong nabasa?
3. Ito ay sanaysay na naglalahad ng mga opinion sa particular na
paklsa o usapin.
Kailangang pumosisyon sa isang panig.
 Layunin nitong kumbinsihin ang mga mambabasa na may
saysay at bisa ang mga argumentong inihain sa madla.
POSISYONG PAPEL
4. Kailangang pag-aralang mabuti ang pagbuo ng mga argumento
at ang organisasyon ng papel.
Kailangang alam din ang mga argumento ng kabilang panig.
Mahalagang maipaalam sa mga mambabasa ang kasapatan ng
kaalaman tungkol sa paksa.
MGA KINAKAILANGANG GAWIN SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
5. ANYO NG POSISYONG PAPEL
Ito ay maaaring makita sa simpleng anyo ng liham sa editor o
kaya naman ay sanaysay.
Maaari din namang mas masalimuot (complex) ang anyo nito,
tulad ng akademikong posisyong papel o opisyal na pahayag na
binabasa sa mga pandaigdigang kumperensiya.
6. 1. Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at
ipinaliliwanag ang basehan sa likod nito.
2. Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na
nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na
argumento.
KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL
7. 4. Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan
ang kabilang panig.
5. Gumagamit ng mga sangguniang mapagkatitiwalaan at
may awtoridad.
6. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan
ng sariling posisyon maging ang sa kabilang panig.
8. 7. Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng
maaaring solusyon at nagmumungkahi ng mga
maaaring gawin upang matamo ang layiunin.
8. Gumamit ng akademikong lengguwahe.
9. Panuto: Hahatiin ang mga mag-aaral sa dalawang
pangkat: pangkat ng kalalakihan at kababaehan.
Matapos pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa ay
magsasagawa ng debate kaugnay ng sitwasyon na
ibibigay ng guro.
POSISYON KO IPAGLALABAN KO!
10. PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
 Bago sumulat ng posisyong papel, kailangan munang
tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon ng papel.
Kapag malinaw na ang paksa, magpasya kung ano ang
magiging posisyon.
11. Sa introduksyon, talakayin ang kaligiran ng paksa at ilahad ang
posisyon o tesis ng sanaysay. Isulat ito sa paraang nakapupukaw
ng atensyon.
Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pagbubuod ng mga
argumento ng kabilang panig at pagbibigay ng impormasyong
sumusuporta sa mga pahayag na ito.
12. Pagkatapos, pahinain ang mga argumentong ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensiyang
sumasalungat sa mga ito.
Dito iisa-isahin ang mga argumento, opinion, at suportang
detalye.
13. Isaalang-alang ang mga mambabasa ng posisyong papel.
Sa konklusiyon, muling ilahad ang mga pangunahing
argumento at patatagin ang introduksyon at katawan ng
papel.
Isaalang-alang ang etika sa pagbuo ng posisyong papel.