2. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin
ang mga sumusunod na katanungan at bigyang
linaw ang mga isyu at pangyayaring tatalakayin
sa pag-aaral na ito:
Ano ang OPM?
Saan nagmula ang musikang Pilipino?
Anu-ano ang mga uri ng musikang Pilipino?
Bakit mas tinatangkilik ng mga kabataan ngayon
ang mga banyagang musika kaysa sa OPM?
Gaano kahalaga na tangkilikin natin ang sariling
atin?
3. Ang OPM, isang termino na tumutukoy
sa mga awit na binubuo at isinagawa
ng mga Pilipinong artista, ay naging
sikat sa mga huling dekada '70 kasama
ang pagtaas ng Metro Manila Popular
Music Festival o ang Metropop noong
1977, isang taunang kompetisyon sa
pagsulat ng awit na nagbunga ng mga
klasikong "Kay Ganda ng Ating Musika"
ni Ryan Cayabyab at ng sikat na
"Anak" ni Freddie Aguilar.
4. Ang musika ng Pilipinas ay mga sining
ng pagganap na binubuo sa iba't ibang
mga genre at estilo. Ang mga
komposisyon ng musika ng pilipinas ay
madalas na pinaghalo at may
impluwensiya ng
Asian,
Espanyol,
Latin American,
Amerikano
Mga katutubo.
5. Traditional Music
*Gong Music *Harana at Kundiman
*Hispanic-InfluencedMusic *Tinikling
*Rondalla Music *Cari単osa
Modern Filipino Music
*Original Pilipino Music *Earth Music
*Pop Music *Airborne Music
*Choir Music *Hip-Hop Music
*Rock and Blues *Program Music
Iba pang mga Genre
*Jazz *Reggae
*Bossa Nova and Latino *Elctronic
6. Ang mga katanungan Oo Hindi
1. Mas nakakarinig ka ba ng OPM sa radyo
kaysa sa mga banyagang musika
(English,KPOP,JPOP)?
21 9
2. Tuwing nakikinig ka ng mga awitin sa Spotify o
sa Youtube, pinapakinggan mo ba ang mga
awitin ng Pilipino?
18 12
3. Nagugustuhan mo ba ang mga OPM na
naririnig mo sa kasalukuyan?
26 4
4. Bumibili ka ba ng mga awitin o album ng mga
Artistang Pilipino?
4 26
5. Bilang isang teenager, ang mga OPM ba natin
ngayon ay umaappeal sayo?
19 11
6. Gusto mo ba ang OPM natin ngayon? 26 4
7. Ang kabuuang sumasang-ayon ay nasa 19% at ang
hindi sumasang-ayon ay nasa 11% napatunayan ng mga
mananaliksik na kahit na mas tinatangkilik ng mga
kabataan ngayon ang mga banyagang musika dahil ito
ay makabago sa kanilang pandinig, ay marami pa rin
naman na mga kabataan ang nagugustuhan ang OPM
ngunit minsan na lang nila itong pinapakinggan sa
internet at hindi rin sila bumibili ng mga kantang
Pilipino at nakakarinig na lang sila nito kapag may
nagpapatugtog ng mga musikang pinoy sa mga
pampublikong lugar. Hindi pa rin natin makakaila na
mas angat pa rin sa atin ang mga banyagang musika
kaysa sa sariling atin. Pero nakakatuwa naman na
kahit hindi nila ito pinapakinggan ng kusa ay
nagugustuhan pa rin nila ang mga ito.
8. Kaugnay ng mga konklusyon ay buong
pagpapakumbaba na mabigyang pansin ng mga
mananaliksik ang mga sumusunod:
Sa mga tagagawa ng musikang Pilipino at mga mag-
aawit, ipagpatuloy niyo lang ang pagagawa ng mga
napakagandang awitin at huwag mawawalan ng pag-
asa at pagbutihan pa ng mabuti ang paggawa ng OPM.
Sa mga mamayan ng Bansa, tangkilin ang mga awiting
Pilipino dahil kung tayong mga Pilipino ay magbibigay
lamang ng pag-ibig at itaguyod ang OPM sa mundo,
maaari tayong maging kasing laki at kasing sikat tulad
ng English Music at KPOP. Kailangan nating ibigay ang
ating suporta sa ating lokal na musika kaya lahat ng
tao kahit na hindi sila Pilipino ay susuporta sa OPM.