1. Department of Education
Republic of the Philippines
Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City
Filipino 10
Ikatlong Markahan Modyul 8:
Nobela mula sa Nigeria
Self-Learning Module
2. Filipino Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan Modyul 8: Nobela mula sa Nigeria
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Leslie Fernando
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Joanne M. Nuez
Tagasuri ng Wika: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez,
Bernadeth D. Magat
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit at tagalapat: Leslie DC. Fernando
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro
3. 1
Alamin
Kumusta ka? Masaya akong nakarating ka sa panghuling modyul na ito
para sa ikatlong markahan, kung saan mababasa mo ang isa sa mga sikat na
nobela mula sa Nigeria.
Umaasa akong madaragdagan ang iyong kaalaman sa ating aralin.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit
ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula (F10WG-IIIh-i-76);
2. nagagamit ang ibat ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Afrika at/o Persia;
(F10EP-IIf-32)
3. nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
(F10PD-IIIh-i-79);
4. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/
teoryang pampanitikang angkop dito (F10PN-IIIh-i-81); at
5. natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Afrika at/o Persia batay
sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81).
Subukin
Bago natin talakayin ang aralin sa sesyong ito, halinat sagutin ang
inilaan kong gawain sa bahaging ito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa
hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.
1. Kinupkop ni Okonkwo si Ikemefuna, ang batang naging kabayaran sa
tribo ng Umuofia. Di naglaon ay unti-unti siyang napamahal dito
gayon din ito sa kaniya at itinuring siyang pangalawang magulang.
Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela
ay _______________.
A. Historical C. pormalismo
B. Humanism D. realismo
4. 2
2. Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin
ang dahilan kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan
upang matakpan ang kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang
teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay
_______.
A. eksistensyalismo C. humanismo
B. historical D. marksismo
Para sa bilang 3-4
Panuto: Basahing mabuti ang ilang diyalogo mula sa iskrip ng pelikulang,
Ang Munting Prinsesa at sagutin ang mga kasunod na katanungan.
3. Ito ang katangiang ipinakita ni Miss Amelia sa binasang iskrip.
A. mabait C. matapang
B. mahinhin D. matulungin
4. Ito ang pag-uugaling masasalamin kay Miss Minchin.
A. mabait C. makasarili
B. mahinhin D. matapang
5. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa
isang labanan si Amalinze, ang Pusa. ______ dito, kinilala ang
katapangan niya. Ang salitang bubuo sa pangungusap ay ______.
A. dahil C. sapagkat
B. ngunit D. upang
6. Malaki ang pagkakaiba ni Okonkwo sa kaniyang ama ______ siya ay
isang matapang at respetadong mandirigma. Ang salitang bubuo sa
pangungusap ay ______.
A. kapag C. sapagkat
B. kung D. upang
SEQ. 19-B INT. MINSHINS OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss
Amelia is depressed about Sarahs situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah kailangang
tulungan natin siya, Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo
bahay-ampunan, baka akala mo.
5. 3
7. Sinaka ni Obierika ang lupain ni Okonkwo nang tumakas siya
papuntang Mbanta. Tinulungan niya ang kaniyang kaibigan nang
walang hinihintay na kapalit. Ang magandang katangian ni Obierika
na masasalamin sa mga Afrikano ay _________.
A. sadyang maawain sila
B. lubha silang masayahin
C. likas sa kanila ang pagiging masipag
D. ang kanilang pagiging matulungin sa kapwa
8. Sumasangguni ang mga taga-Umuofian sa matatandang ninuno sa
paggawa ng isang mahalagang pagpapasiya sa kanilang lugar. Ang
magandang katangiang masasalamin sa pangungusap ay __________.
A. ang matatanda lamang ang nagpapasiya sa Africa
B. ang pagmamahal ng mga Afrikano sa kanilang mga ninuno
C. ang pagbibigay-suporta ng mga Afrikano sa matatanda
D. ang pagbibigay-respeto at mataas na pagtingin ng mga
Afrikano sa kanilang mga ninuno
9. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa
Bathala ng lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang
Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang __________.
A. isang uri ng tambol
B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria
C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
10. Napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu gamit ang ekwe. Ang
kahulugan sa salitang may salungguhit ay _____.
A. isang uri ng tambol
B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria
C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
6. 4
Aralin
8
Nobela mula sa Nigeria
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Afrika na may malaking ambag sa
panitikan. Ang kanilang panitikan ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan
ng mamamayan sa bansa pagdating sa uri ng pamumuhay, kultura,
tradisyon, at suliranin sa politika.
Sa modyul na ito, ating aalamin at uunawain ang isa sa mga nobela
mula sa Nigeria na pinamagatang, Paglisan na isinulat ni Chinua Achebe at
isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magpapamalas ng malalim na pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong
ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri
sa halaw ng isang nobela.
Balikan
Handa ka na ba? Alam kong nasasabik ka na sa ating aralin. Halinat
magbalik-tanaw sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin tungkol sa
talumpati. Kayang-kaya mo ito!
Panuto: Isulat ang ilan sa nilalaman ng SONA ni Pangulong Duterte at
talumpati ni Nelson Mandela ayon sa iyong pagkaunawa. Kopyahin ang
grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Talumpati ni Nelson Mandela
SONA ni Pangulong Duterte
7. 5
Tuklasin
Magaling! Ngayon ay handa ka na para sa ating bagong aralin. Tara na
at simulan na natin!
Panuto: Magbigay ng mga impormasyon tungkol sa salitang nasa gitna ng
grapikong pantulong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Suriin
Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang buod ng isang nobela
mula sa Nigeria na pinamagatang, Paglisan at mapapanood mo ang isang
excerpt ng isang isinapelikulang nobelang, Ang Munting Prinsesa (A Little
Princess) mula sa link na ito:
https://youtube.com/watch?v=cSpxVSTQj9A&feature=share at mababasa
mo rin ang kopya nito sa susunod na bahagi ng modyul na ito.
Afrika
8. 6
Paglisan (Buod)
Mula sa Ingles na Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Batis ng Impormasyon tungkol sa Afrika
Binibigyang-pagpapahalaga ng mga
Afrikano ang kanilang mga tradisyon at
paniniwala. Ipinakikita nila ito sa pamamagitan
ng sayaw, sining, musika, at palamuti. Ang pag-
unawa sa mga bagay na ito ay mahalaga upang
mabuhay sa kanilang lipunan. Ang mga
sumusunod ay ilan sa mga magagandang
katangian ng lugar at ng mga taong
naninirahan dito:
Ang Afrika ay pangalawang
pinakamalaking kontinente sa daigdig
at pangalawa sa pinakamataong
populasyon pagkatapos ng Asya.
Malaki ang naging impluwensiya ng
heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang Afrikano. Dahil ditto,
natuto silang makibagay sa pabago-bagong klima ng kanilang
kapaligiran.
Ang tradisyonal na pagsasayaw ng mga Afrikano ay isa sa kanilang
mahahalagang kultura, ginagamitan nila ito ng ibat ibang kilos,
maskara, costume, pintura sa katawan, at iba pang bagay upang
lubos na maunawaan ng manonood ang tema nito.
Ginagamit din sa pagsasayaw ang mga likhang-sining tulad ng
maskara na may relihiyoso at seremonyal na pinagmulan. Ang pintor
ng maskara ay kailangang magbigay ng panalangin sa kaniyang mga
ninuno upang humingi ng gabay sa paggawa nito. Ang maskara ng
mga Afrikano ay sumisimbolo sa mga kaluluwa ng kanilang mga
ninuno na maililipat sa mananayaw na may suot nito.
Ang Munting Prinsesa
(A Little Princess)
Isinulat ni Shaira Mella Salvador
Direksiyon ni Romy V. Suzara
Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan
siyang iwanan ng kaniyang ama na si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo
III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si
9. 7
Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head
mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtanggol siya ng
kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).
SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHINS OFFICE DAY
Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong
nakalabas na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks
towards the main entrance. Sarah sees him.
SARAH: Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah
runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns
around to look at her. Saw the surprise and disappointment on Sarahs
face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHINS OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue.
Miss Amelia is depressed about Sarahs situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah kailangang
tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi
ni Mr. Barrow... Walang ibang kukupkop sa
kaniya.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang
eskwelahang ito baon na baon na tayo sa
utang kay Mr. Crisford nasaan na ang utak mo
Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah?
10. 8
Because of their heated discussion, the two women failed to take
notice of Sarahs presence. Sarah is standing outside Miss Minchins
door, crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS AMELIA: Sarah
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl
quietly walks away, clutching Emily close to her.
Karagdagang Kaalaman:
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito
ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan
at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Mga Hakbang sa Pagsusuri/Ebalwasyon ng Iskrip at/o Pelikula
Ayon sa aklat na Trip to Quiapo Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, may
mga bagay tayong dapat bigyang-pansin sa epektibong pagsusuri o
ebalwasyon ng isang iskrip. Ito ay ang mga sumusunod:
1. tukuyin at alamin ang konseptong pinag-uusapan;
2. unawain ang major concepts ng materyal; at
3. tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang malaman
ang pangunahing paksa nito.
Samantala, makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip
kung bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari
kundi maging sa pagbuo ng diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-
ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga
detalyeng nais bigyang-pansin. Maaaring ipaliwanag ang magandang detalye
at kahinaang nakita sa iskrip at/o ng pelikulang pinanood.
May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto ayon
sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma:
1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan;
11. 9
2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba; at
3. pagbibigay ng halimbawa.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang
maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na
na, -ng, at -g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa katinig, ang -g namn ay ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at ginagamit
naman ang -ng sa mga salitang aangkupang nagtatapos sa patinig.
Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng,
kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.
Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng
panitikan. Mayroong ibat ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Humanismo - Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng
humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay kayat kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin sa pagpapasiya.
Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan
kaysa kagandahan. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-
politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.
Pormalismo - Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging
layunin ng pagsusuri; samakatuwid, ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakabuod ng teoryang pormalismo. Ang layunin ng
teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, tema, kaanyuan, o kayarian,
at paraan ng pagkakasulat ng akda.
Eksistensyalismo Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng
personalidad ng tao at binibigyang-halaga ang kapangyarihan ng
kapasyahan laban sa katuwiran.
Kultural - Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang
pinaghanguan ng kuwento, tula, o nobela.
Marksismo- Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng
dalawang magkasalungat na puwersa; malakas at mahina, mayaman
at mahirap, kapangyarihan at naaapi.
Historikal- Ang akdang susuriin ay nagpapakita at nagpapaliwanag
ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga pangyayaring nakapaloob sa
akda.
12. 10
Pagyamanin
Mahusay! Binabati kita sa matiyagang pag-aaral at pagbabasa ng mga
nobelang inihanda ko para sa iyo, ang dagdag impormasyon tungkol sa
pagsusuri ng pelikula. Ngayon naman ay dumako na tayo sa mga
sumusunod na gawain upang mas malinang pa ang iyong natutuhan sa
aralin.
Gawain 1: Pag-ugnay-ugnayin!
Panuto: Ilapat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang mga talatang
bubuuin sa kahong nasa ibaba gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring
pampelikulang, Ang Munting Prinsesa na napanood o nabasa. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.
Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging
bata. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami
siyang naging kaibigan maliban kay Lavinia.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay
ni Sarah, ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ni isang
kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kayat labag man sa
nais ni Miss Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata
kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa
matalik nitong kaibigang si Mr. Carrisford bago mamatay.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
13. 11
Gawain 2: Tradisyong Afrika
Panuto: Gamit ang ibat ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Afrika at batay sa napakinggang
diyalogo sa nobelang Paglisan na nasa kolum A, tukuyin at ibigay ang
ipinakikitang tradisyong kinamulatan ng Afrika sa Kolum B. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Kolum A
Diyalogo mula sa Nobela
Kolum B
Tradisyong kinamulatan
1. Dahil sa kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinili si Okonkwo ng
mga kanayon upang ipagtanggol
si Ikemefuna, ang lalaking
kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa
kapayapaan sa pagitan ng
Umuofia at isang nayon,
pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian.
2. Isang malaking pagkakasala sa
diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri. Sinunog
ang mga natirang hayop, kubo,
at mga naiwang pag-aari ni
Okonkwo tanda ng paglilinis sa
buong pamayanan sa kasalanan
nito.
3. Ang pintor ng maskara ay
kailangang magbigay ng
panalangin sa kaniyang mga
ninuno upang humingi ng gabay
sa paggawa nito.
4. Isa sa kanilang mahahalagang
kultura, ginagamitan nila ito ng
ibat ibang kilos, maskara,
costume, pintura sa katawan, at
iba pang bagay upang lubos na
maunawaan ng manonood ang
tema nito.
14. 12
Gawain 3: Basahin at Suriin
Panuto: Suriin ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobelang,
Ang Munting Prinsesa (A Little Princess) gamit ang grapikong pantulong sa
ibaba. Kopyahin at gawin ito sa hiwalay na papel. (Hinihikayat na ang guro
na ang gumawa ng paraan upang makapanood ang mga mag-aaral ng
isinapelikulang nobela.)
Pamagat: ______________________________________________________________
Mga Tauhan
Tauhan 1:
Katangian:
Tauhan 2:
Katangian:
Buod ng Pelikula
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Banghay ng mga Pangyayari
Tagpuan Protagonista Antagonista Problema Solusyon Resulta
Paksa/Tema
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Kabuuang Mensahe ng Pelikula
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
15. 13
Gawain 4: Halinat Suriin!
Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng nobelang, Paglisan at pumili ng
pangyayaring batay sa pananaw/teoryang pampanitikang angkop dito.
Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Pangyayari:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Paliwanag:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Teoryang Pampanitikan
16. 14
Isaisip
Binabati kita sa matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito!
Ngayon naman ay ibahagi mo ang iyong kabuuang natutuhan sa aralin.
Isipin at Punan Mo!
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
konseptong ipinahahayag nito. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
Ang 1._____________ ay isang mahabang kathang
pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa
isang mahusay na 2._____________. Pinakapangunahing sangkap
nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng
katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring 3._____________ at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang 4._____________ ng nobela.
Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsusuri/ebalwasyon ng
iskrip at/o pelikula. Una, tukuyin at alamin ang konseptong pinag-
uusapan. Pangalawa, unawain ang 5._____________ ng materyal.
Pangatlo ay tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang
malaman ang pangunahing paksa nito.
Samantala, sa pagsusuri ng pelikula mahalagang
maipaliwanag ang detalyeng nais bigyang-pansin. May tatlong
paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto. Una ay ang
pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan. Pangalawa ay
ang pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-
ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba. Ang panghuli ay pagbibigay ng
6._____________.
Makatutulong din nang malaki ang paggamit ng
7._____________ upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa
mga ito ay ang pang-angkop na 8._____________, 9._____________,
10._____________.
17. 15
Isagawa
Alam kong marami ka nang natutuhan tungkol sa kultura ng Afrika sa
pamamagitan ng akdang ating tinalakay. Natitiyak kong handa ka na sa
gawaing ito. Tara at ibahagi mo na ang iyong mga kaalaman tungkol dito.
Panuto: Gamit ang mga pang-ugnay, ibat ibang batis ng impormasyon at ang
natukoy na tradisyong kinamulatan ng Afrika batay sa napakinggang
diyalogo sa nobelang, Paglisan sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol
sa tradisyon, pananaw, at magagandang katangiang mayroon ang Afrika.
Lagyan ng salungguhit ang mga pang-ugnay na iyong ginamit. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Maikling Sanaysay
Kraytirya 1 3 5 Puntos
Nilalaman Hindi naibigay
ang nilalaman
at paksa ng
maikling
sanayay. Hindi
nagamit ang
batis ng
impormasyon
at hindi
naipakita ang
tradisyon ng
Afrika sa
likhang
sanaysay.
Naibigay ang
nilalaman at
paksa ng
maikling
sanaysay.
Nakagamit ng
iilang batis ng
impormasyon
at naipakita
ang tradisyon
ng Afrika sa
likhang
sanaysay.
Komprehensibo
ng naibigay
ang nilalaman
at paksa ng
maikling
sanaysay.
Nakagamit ng
maraming batis
ng
impormasyon,
naipakita ang
tradisyon ng
Afrika, at
nakapagbigay
ng konklusyon
sa likhang
sanaysay.
Tandaan!
Ang sanaysay ay mayroong tema, nilalaman,
anyo, istruktura at kaisipan.
18. 16
Presentas
yon at
Grama-
tika
Hindi maayos
na nagamit ang
mga pang-
ugnay sa
pagsulat ng ng
maikling
sanaysay.
May ilang
pang-ugnay na
hindi nagamit
nang wasto sa
pagsulat ng
maikling
sanaysay.
Malikhain at
maayos na
nagamit ang
mga pang-
ugnay sa
pagsulat ng
maikling
sanaysay.
Organi-
sasyon
Hindi maayos
ang
presentasyon
ng mga ideya.
Maraming
bahagi ang
hindi malinaw
sa
pagkakasulat
ng maikling
sanaysay.
Maayos ang
presentasyon
ng mga
pangyayari at
kaisipan. May
ilang bahaging
hindi gaanong
malinaw.
Malinaw ang
daloy at
organisado ang
paglalahad ng
maikling
sanaysay.
Kabuuang Puntos
Tayahin
Masaya ako at nakarating ka na sa gawaing ito. Binabati kita sa iyong
sipag at tiyaga. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga inihanda kong
katanungan para sa iyo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat
sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing
na aso. Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito
ng nobela?
A. humanismo C. pormalismo
B. marksismo D. realismo
19. 17
2. Noong una ay sumasamba sa diyos-diyosan ang mga taga-Umuofian.
Lumipas ang maraming panahon, dumating ang mga misyonero sa
kanilang lupain at ipinakilala ang Kristiyanismo, dito unti-unting
nabago ang paniniwala ng tribo. Anong teorya ng panitikan ang
masasalamin sa bahaging ito ng nobela?
A. eksistensyalismo C. pormalismo
B. historikal D. marksismo
Para sa bilang 3-4
Basahing mabuti ang ilang bahagi ng iskrip mula sa pelikulang Ang
Munting Prinsesa at sagutin ang mga tanong.
3. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita
ng tauhang si Miss Amelia?
A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkatuwa
4. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita
ng tauhang si Miss Minchin?
A. pagkagalit C.pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkayamot
5. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang
mabuo ang pangungusap? Ikinapanlumo ng komisyoner ng distrito
ang naganap ____ panununog sa kanilang simbahan.
A. -g C. na
B. -n D. -ng
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit
namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take
notice of Sarahs presence. Sarah is standing outside Miss Minchins door,
crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly
walks away, clutching Emily close to her.
20. 18
6. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang
mabuo ang pangungusap? Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi
Ezeudu, isa sa matatanda ____ taga-Umuofia, ang planong pagpatay
kay Ikemefuna.
A. -g C. na
B. -n D. -ng
7. Ito ang dahilan ng pagtakas ni Okonkwo patungong Mbanta.
A. pagnanakaw
B. siya ay baon sa utang
C. intensyonal niyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
D. hindi niya sinasadyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
8. Paano namatay si Okonkwo?
A. dahil sa sakit
B. nagpakamatay
C. sinaksak ni Enoch
D. nakipaglaban sa ibang tribo
9. Punong-puno ng cowrie ang namatay, ito ay pabaon sa kaniyang
paglalakbay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
10. Ginawa ng mga Igbo ang Ogene bilang simbolo ng kanilang tribo. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
21. 19
Karagdagang Gawain
Binabati kita! Masaya ako na nandito ka na sa huling bahagi ng modyul
na ito. Ang gawain sa ibaba ay naglalayong matukoy mo ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng nobelang nabasa at napanood.
Ikaw at Ako!
Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng isinapelikulang nobelang, Ang
Munting Prinsesa at pumili ng pangyayaring batay sa pananaw/teoryang
pampanitikang angkop dito. Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang
talata. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________