際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
i
Kahulugan ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa
Piling Larang  Teknikal-Bokasyunal Unang
Markahan 1  Modyul 1
NORBERT C. LARTEC
Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon  Rehiyong Administratibo ng Cordillera
ii
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet
Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI
2021
Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng Kagawaran
ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung ito ay para
sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.
7
UNANG MARKAHAN - UNANG LINGGO
Aralin 1: Kahulugan ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
MGA INAASAHANG MATUTUHAN
Magandang araw sa iyo!
Una sa lahat, binabati kita dahil sa iyong pasya na magpatuloy sa pag-aaral sa
kabila ng mga pagsubok na iyong pinagdaraanan sa panahong ito.
Ang modyul na ito ay magiging katuwang mo upang makamit mo ang mga kaalaman
at mga kasanayan sa kursong Pagsulat sa Piling Larang - TeknikalBokasyunal.
Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa kahulugan ng teknikalbokasyunal na
sulatin na sadyang kailangan sa iyong napiling larang.
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang nabibigyan mo ng kahulugan ang
teknikal at bokasyunal na sulatin.
.
Subukin
Subukin muna natin ang iyong imbak na kaalaman tungkol sa paksa. Sagutin nang
tapat ang paunang pagtataya sa pamamagitan ng pagbilog sa letra ng iyong sagot.
Huwag ka munang titingin sa susi sa pagwawasto sa huling pahina hanggat hindi mo
natatapos ang pagsagot. Tandaan na ang pagiging tapat ay kailangan upang
magtagumpay ka sa iyong layuning matuto.
PAUNANG PAGTATAYA
1. Aling makrong kasanayan ang pagsasatitik ng mga naiisip, nadarama at
nararanasan sa tulong ng mga simbolong palimbag?
A. Pagbasa C. Pagsasalita
B. Pakikinig D. Pagsulat
2. Kung ang pakikinig ay kapares ng pagsasalita, alin naman ang kapares ng
pagsulat?
A. Pakikinig C. Pagbasa
B. Pagsasalita D. Pagsulat
3. Alin sa apat na kasanayang makro ang pinakahuling malinang sa isang tao?
A. Pagbasa C. Pagsasalita
B. Pakikinig D. Pagsulat
8
4. Ang teknikal na sulatin ay nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula
sa isang
A. asignatura. C. kurso.
B. disiplina. D. propesyon.
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI taglay ng teknikal na sulatin?
A. Maikli C. Malinaw
B. Maligoy D. Tiyak
6. Sa aling anyo ginagamit ang teknikal-bokasyunal na komunikasyon?
A. Elektroniko at pasulat C. Pasalita at pasulat
B. Elektroniko at pasalita D. Elektroniko, pasalita at pasulat
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa teknikal na sulatin?
A. Manwal C. Nobela
B. Menu D. Poster
8. Mahalagang matukoy muna ng manunulat ang dahilan ng pagpapadala ng
mensahe sa mga mambabasa. Tumutukoy ito sa
A. awdiyens o mambabasa. C. estilo.
B. layunin. D. pormat.
9. Alin ang tumutukoy sa tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung paanong
mahusay na maipadadala ang mensahe?
A. Awdyens C. Pormat
B. Estilo D. Sitwasyon
10.Gumagamit ng angkop na talasalitaan ang sulating teknikal-bokasyunal at
inihahayag ang mga impormasyon sa paraang
A. mahaba. C. matayutay.
B. mabulaklak. D. tuwiran.
11.Gumagamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin ng mga larawan at mga
grapikong pantulong upang ito ay maging
A. maikli. C. tuwiran.
B. mahusay. D. sapat sa impormasyon.
12.Mahalaga sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang
pagsasaalangalang sa estruktura ng mensahe. Aling elemento ng teknikal-
bokasyunal na sulatin ang tinutukoy?
A. Estilo C. Pormat
B. Gamit D. Layunin
9
13.Alin ang pagkakaiba ng malikhaing sulatin at teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. Maaaring hindi makatotohanan ang malikhaing sulatin samantalang
makatotohanan ang teknikal-bokasyunal na sulatin.
B. Layunin ng malikhaing sulatin ang magbigay-kaalaman samantalang
manlibang ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
C. Gumagamit ng mga espesyalisadong temino ang malikhaing sulatin
habang gumagamit matayutay ang teknikal-bokasyunal na sulatin.
D. Nakapokus ang malikhaing pagsulat sa isang tiyak na grupo ng
mambabasa samantalang nakapokus ang teknikal-bokasyunal na
sulatin sa lahat ng mambabasa.
14.Naatasan kang sumulat ng teknikal na sulatin. Alin ang HINDI dapat gawin? A.
Alamin ang layunin sa pagsulat ng sulatin.
B. Kilalanin at isaalang-alang ang mga babasa nito sa umpisa pa lamang.
C. Gumamit ng kahit anong estilo sa pagsulat basta malinaw ang mensahe.
D. Alamin ang sitwasyon kaugnay ng layunin sa pagsulat ng mensahe.
15.Bakit mahalaga sa personal na pag-unlad ang kahusayan sa
teknikalbokasyunal na pagsulat?
A. Napakahalaga ang ginagampanan ng pagsulat sa anumang propesyon.
B. Napapadali ang pakikipagtalastasan sa mga katrabaho, kliyente, at
boss.
C. Nakatitipid tayo ng oras at salapi kung marunong sa teknikal na sulatin.
D. Nagpapakita ng personal na imahen ang kahusayan sa pagsulat at daan
ito sa pagiging epektibo sa komunikasyon at sa trabaho.
Balikan
Kumusta ang resulta ng iyong paunang pagtataya? Kung lahat ng aytem ay
nasagot mo nang tama, maaari ka nang magsimula sa Modyul 2. Kung hindi naman,
magpatuloy ka sa modyul na ito upang ganap mong maunawaan ang paksa.
Bago ka magpatuloy, magkaroon ka ng pagbabalik-tanaw sa mahahalagang
konsepto na magagamit mo sa pag-unawa sa paksang-aralin. Mahalaga kasing
naiuugnay mo ang mga dati mong kaalaman o iskema sa mga bagong paksang
pinagaaralan.
Alam kong narinig o nabasa mo na noon ang tungkol sa teknikal-bokasyunal
na sulatin. Gamit ang mga dati mo nang alam, buoin ang K-W-L Chart sa ibaba.
Gawain 1: I-tsart Mo!
Panuto: Sa kolum ng Alam, magsulat ng tatlong kaisipan o konsepto tungkol sa
teknikal-bokasyunal na sulatin na alam mo na. Sa kolum naman ng Gustong
Malaman, magsulat ng tatlong tiyak na tanong tungkol sa teknikal-bokasyunal na
10
sulatin na gusto mong masagot. Wala ka munang isusulat sa kolum ng Natutuhan
dahil bubuoin mo ito sa bandang dulo ng modyul.
Alam Gustong Malaman Natutuhan
Tuklasin
Bago ka magpatuloy, alamin mo muna ang mga panimulang kaalaman upang mas
maunawaan mo ang kahulugan ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
Kabilang ang pagsulat sa limang makrong kasanayan na dapat mong malinang upang
maituturing ka na mahusay makipagtalastasan sa Filipino. Ang iba pang makrong
kasanayang ito ay ang pagsasalita, pakikinig, pagbasa at panonood. Mga kasanayang
pamproduksiyon ang pagsasalita at pagsulat dahil kinasasangkutan ito ng paglikha ng
mensahe para sa ibang tao. Mga kasanayang pangkomprehensiyon naman ang
pakikinig, pagbasa at panonood dahil kasangkot dito ang pag-unawa sa mensahe na
mula sa sender o pinagmulan ng mensahe.
Ginagamit sa araw-araw na komunikasyon ang pasalita at pasulat na diskurso.
Kasangkot sa pasalitang diskurso ang pagsasalita at pakikinig na nagaganap sa
pamamagitan ng paggamit ng mga tunog ng wika kasama ang di-berbal. Sa kabilang
dako, kasangkot sa pasulat na diskurso ang pagsulat at pagbasa na nagaganap sa
pamamagitan ng mga simbolong palimbag kaya kailangan dito ang kahusayan sa
pagbaybay, pagbabantas, at kaalamang pangwika.
Sinasabi na ang pasalitang diskurso ay likas sa tao hindi kagaya ng pasulat na
diskurso na pinag-aaralan sa mahabang panahon. Sa madaling sabi, mas madaling
matuto ang tao ng pasalitang diskurso kaysa sa pasulat na diskurso. Sa katunayan,
11
pinakamahirap malinang sa isang tao ang kakayahang sumulat dahil isa itong
komplikadong gawain at pinag-aaralan ng mahabang panahon.
Gawain 2: Buoin Mo!
Panuto: Buoin mo ang pigura upang maipakita mo nang malinaw ang ugnayan ng mga
nabanggit na konsepto sa itaas.
Suriin
Nagsimula ang komunikasyong pantao noon pa man sa Hardin ng Eden. Hanggang
ngayon, napakahalaga ang tungkulin ng komunikasyon sa anumang disiplina kaya
mahalagang matuto ang tao ng ibat ibang uri ng komunikasyon na nasa anyong
pasalita, pasulat at paelektroniko. Sa pamamagitan nito, nagagawa niyang
makipamuhay nang maayos sa lipunan at nagagampanan niya nang mabisa ang mga
tungkulin niya sa bawat araw.
Kabilang sa komunikasyong nararapat malinang sa isang tao ang
komunikasyong teknikal. Binanggit nina Francisco et al. (2016) na ang komunikasyong
teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang
diskurso.
Tinukoy nina Francisco et al. (2016) ang mga elemento ng komunikasyong teknikal:
(1) awdyens na siyang tatanggap ng mensahe, (2) layunin na siyang dahilan ng
pagpapadala ng mensahe, (3) estilo na tumutukoy sa tono, boses, pananaw at iba
pang paraan ng pagpapadala ng mensahe, (4) pormat na tumutukoy sa ginabayang
estruktura ng mensahe, (5) sitwasyon na tumutukoy sa estado kaugnay sa layuning
magparating ng mensahe, (6) nilalaman na tumutukoy sa daloy ng mga ideya, at (7)
gamit na nagpapakita ng halaga kung bakit kailangang magpadala ng mensahe.
Komunikasyon
Pasalita
2.
Pakikinig
1.
3.
4.
12
Kabilang sa komunikasyong teknikal ang sulating teknikal na
binigyangdepinisyon nina Francisco et al. (2016) bilang anyo ng komunikasyon na
nagtataglay ng mataas na kasanayan mula sa isang disiplina.
Binanggit ni Budinski (2001) at ni Finkelstein (2007) na ang teknikal na pagsulat
o sulatin ay kinabibilangan ng ibat ibang uri ng dokumento sa agham, enhinyerya, at
mga gawaing pangkasanayan o skilled trades. Inuri sa apat na pangunahing pangkat
o kategorya ang mga sulating teknikal na kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) mga
ulat at komunikasyon, (2) teknikal na papel, artikulo, libro o tesis na may layuning
magturo at magbahagi ng mga impormasyon at kaalaman, (3) mga patent ng
produkto, at (4) manwal, panuto, at mga hakbang sa paggawa ng mga bagay.
Ayon naman sa Michigan State University (2007), ang teknikal na sulatin ay
isang tuwiran, impormatibo, maikli ngunit malinaw na sulatin para sa isang tiyak na
awdiyens o mambabasa. Naglalaman ito ng obhetibo, tumpak at kompletong
impormasyon na walang pagmamalabis. Hindi ito katulad ng malikhaing sulatin na
maaaring likha lamang ng imahinasyon at gumagamit ng makukulay na pahayag.
Ayon din kina Sol辿s et al. (2007), napakahalaga ang kahusayan sa pagsulat ng
teknikal-bokasyunal na sulatin. Una, kasangkot ang pagsulat sa mahahalagang
gawain sa anumang bokasyon o trabaho. Sa isang kompanya halimbawa, nagsusulat
ang mga manggagawa upang magpabatid tungkol sa isang proyekto, magtanong, at
iba pa. Ikalawa, nagagamit ang teknikal na pagsulat upang makipag-ugnayan sa mga
katrabaho, mga kliyente at mga nakatataas. Pangatlo, nakatutulong ito sa pagiging
matagumpay sa trabaho at naiaangat nito ang imahen ng isang indibidwal. Pang-apat,
ang kahusayan sa pagsulat ay nakatutulong upang makatipid sa oras at salapi dahil
hindi mahihirapan ang sinuman na unawain ang nilalaman ng sulatin.
Mababasa sa ibaba ang mga gabay sa pagsulat ng mabisang sulating
teknikalbokasyunal. Unawain at tandaan mo ang mga ito dahil malaking tulong ang
mga ito sa iyong pag-aaral ng ibat ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal sa mga
susunod na modyul.
GABAY SA PAGSULAT NG MABISANG TEKNIKAL NA SULATIN:
1. Kilalanin ang mga mambabasa gaya ng kanilang dami at kaalaman gayundin
ang pakinabang na makukuha nila sa sulatin.
2. Tiyakin ang layunin ng sulatin at suriing mabuti ang mensahe upang
magkaroon ito ng pokus.
3. Mangolekta ng sapat at makabuluhang mga impormasyon na may lalim para
sa mga mambabasa.
4. Itala ang mga makabuluhang ideya at balangkasin ang mga ito upang matukoy
ang pangunahin at pantulong na kaisipan na may lohikal na ayos.
5. Buoin ang balangkas ng mga pangunahing paksa (heading) at pantulong na
paksa (subheadings) at magtakda ng haba para sa bawat isa.
13
6. Bumuo ng mga grapikong pantulong gaya ng mga pigura at talahanayan.
7. Isaalang-alang sa pagsulat ang konsistensi, paggamit ng angkop na wika,
pagkakaroon ng kakipilan o coherence, tamang gramatika at tamang
pagbabantas.
Pagyamanin
Naunawaan mo na ba ang paglalahad tungkol sa sulating teknikal-bokasyunal? Kung
hindi, ulitin mo ang pagbasa upang ganap mong maunawaan ang paksa. Kung
naintindihan mo na ang teksto, gawin mo ang mga susunod na gawain upang
malinang pa ang iyong pag-unawa sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal.
Gawain 3: I-mapa Mo!
Panuto: Buoin mo ang concept map sa ibaba sa pamamagitan ng paglalagay ng
limang mahahalagang kaisipan tungkol sa sulating teknikal na iyong nabatid sa
bahaging Suriin.
Gawain 4. Suriin Mo!
Panuto : Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung tama o mali ang
kaisipang nakapaloob dito. Isulat sa kahon ang T kung tama at M naman kung
mali. Kung mali ang pahayag, guhitan ang salita o pariralang nagpapamali nito.
SAGOT PANGUNGUSAP
1. Ang teknikal na sulatin ay subhetibo dahil nakapaloob dito ang
sariling saloobin.
2. Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay nakapokus sa isang tiyak na
disiplina.
3. Gumagamit ng mga salitang espesyalisado sa disiplina ang mga
sulating teknikal.
4. Ang kahusayan sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay
makatutulong upang umangat sa trabaho.
5. Halos magkatulad ang teknikal at malikhaing pagsulat.
SULATING
TEKNIKAL
14
6. Madali ang pagsulat ng sulating teknikal.
7. Ang komunikasyong teknikal ay laging nasa anyong pasulat.
8. Mas mahalaga ang kagandahan kaysa sa nilalaman kapag
nagsusulat ng sulating teknikal-bokasyunal.
9. Mahalaga sa lahat ng bokasyon o trabaho ang sulating
teknikalbokasyunal.
10. Ginagamit sa teknikal na sulatin ang mga panghalip sa unang
panauhan gaya ng ako, akin, at iba pa.
Isaisip
Isa sa mga kasanayang dapat mong matamo ang pagbubuod o paglalahat ng mga
kaisipang iyong natutuhan. Mula sa mga natapos na gawain, sikapin mo ngayong
ilahat ang mahahalagang kaisipan tungkol sa kahulugan ng sulating
teknikalbokasyunal.
Gawain 5: Ibuod Mo!
Panuto: Ibuod mo sa pamamagitan ng akrostik ang mga kaisipang iyong natutuhan
tungkol sa sulating teknikal-bokasyunal. Ang mga pangungusap na mabubuo ay dapat
na nagsisimula sa mga susing salita na nagsisimula sa mga letra ng salitang
TEKNIKAL. Iwasang magsimula sa mga salitang pangkayarian gaya ng ang, ay,
kung at iba pa. Halimbawa, maaaring ang isulat sa letrang T ay Tumpak ang mga
impormasyong napapaloob dito.
Pamantayan sa Pagpupuntos:
1. Katumpakan ng mga susing salita sa sulating teknikal (5 puntos)
2. Kawastuhan at kaugnayan ng mga kaisipan sa paksa (5 puntos)
Kabuuan (10puntos)
T__________________________________________________________________
E__________________________________________________________________
K__________________________________________________________________
N__________________________________________________________________
I___________________________________________________________________
K__________________________________________________________________
A__________________________________________________________________
L__________________________________________________________________
15
Gawain 6: Kompletuhin Mo!
Panuto: Ngayong patapos ka na sa modyul na ito, buoin mo na ang iyong Chart.
Kompletuhin mo na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tatlong kaisipan na iyong
natutuhan tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal.
Alam Gustong Malaman Natutuhan
Isagawa
Mahalagang nagagamit natin sa araw-araw ang mga kaalamang ating natatamo
upang maging makabuluhan ang mga ito.
Sa pagkakataong ito, sukatin mo ang iyong kakayahang magamit ang iyong mga
natutuhan tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal.
Gawain 7: Ibahagi Mo!
Panuto: Ipagpalagay mo na naatasan ka ng inyong guro upang magbahagi sa klase
tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Magtala ka muna ng sampung
salita na may kaugnayan sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyonal. Gamiting
gabay ang sampung salitang iyong naitala upang sumulat ng isa hanggang dalawang
talata na naglalahad tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Tiyaking
tumpak, sapat at malinaw ang paliwanag. I-post mo ito sa group chat ng inyong klase.
Gamiting gabay sa gawaing ito ang mga sumusunod na pamantayan:
1. Kawastuhan ng pagbibigay-kahulugan = 5 puntos
2. Kalinawan ng paglalahad = 5 puntos
3. Tamang pagsunod sa panuto = 5 puntos
Kabuoan = 15 puntos
Mga Susing Salita:
1.__________________________ 6._________________________
2. __________________________ 7. ________________________
3.__________________________ 8. ________________________
4. __________________________ 9. ________________________
5. __________________________ 10. _______________________
16
Paglalahad:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Tayahin
Binabati kita dahil sa pagtitiyaga mong tapusin ang mga gawain sa modyul na ito.
Ngunit may isa pang hamon na dapat mong gawin. Sagutin mo ang panghuling
pagtataya upang matiyak na nakamit mo ang dapat mong matutuhan sa modyul na
ito. Kapag nakuha mo lahat ang tamang sagot sa mga aytem, maaari ka nang dumako
sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang bahaging hindi mo nasagutan
nang tama at pag-aralan pa ito. Maaari kang magsaliksik pa tungkol dito sa ibang
sanggunian.
PANGHULING PAGTATAYA
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI taglay ng teknikal na sulatin?
A. Maikli C. Malinaw
B. Maligoy D. Tiyak
2. Bakit mahalaga sa personal na pag-unlad ang kahusayan sa
teknikalbokasyunal na pagsulat?
A. Napakahalaga ang ginagampanan ng pagsulat sa anumang propesyon.
B. Napadadali ang pakikipagtalastasan sa mga katrabaho, kliyente, at boss.
C. Nakatitipid tayo ng oras at salapi kung marunong sa teknikal na sulatin.
D. Nagpapakita ng personal na imahen ang kahusayan sa pagsulat at daan
ito sa pagiging epektibo sa komunikasyon at sa trabaho.
3. Kung ang pakikinig ay kapares ng pagsasalita, alin naman ang kapares ng
pagsulat?
A. Pakikinig C. Pagbasa
B. Pagsasalita D. Pagsulat
17
4. Aling makrong kasanayan ang pagsasatitik ng mga naiisip, nadarama at
nararanasan sa tulong ng mga simbolong palimbag?
A. Pagbasa C. Pagsasalita
B. Pakikinig D. Pagsulat
5. Ang teknikal na sulatin ay nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula
sa isang
A. asignatura. C. kurso.
B. disiplina. D. propesyon.
6. Sa aling anyo ginagamit ang teknikal-bokasyunal na komunikasyon?
A. Elektroniko at pasulat C. Pasalita at pasulat
B. Elektroniko at pasalita D. Elektroniko, pasalita at pasulat
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa teknikal na sulatin?
A. Manwal C. Nobela
B. Menu D. Poster
8. Mahalagang matukoy muna ng manunulat ang dahilan ng pagpapadala ng
mensahe sa mga mambabasa. Tumutukoy ito sa A. awdiyens o mambabasa.
C. estilo.
B. layunin. D. pormat.
9. Alin ang tumutukoy sa tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung paanong
mahusay na maipadadala ang mensahe?
A. Awdyens C. Pormat
B. Estilo D. Sitwasyon
10.Gumagamit ng angkop na talasalitaan ang sulating teknikal-bokasyunal at
inihahayag ang mga impormasyon sa paraang
A. mahaba. C. matayutay.
B. mabulaklak. D. tuwiran.
11.Mahalaga sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang
pagsasaalangalang sa estruktura ng mensahe. Aling elemento ng teknikal-
bokasyunal na sulatin ang tinutukoy?
A. Estilo C. Pormat
B. Gamit D. Layunin
18
12.Gumagamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin ng mga larawan at mga
grapikong pantulong upang ito ay maging
A. maikli. C. tuwiran.
B. mahusay. D. sapat sa impormasyon.
13.Alin ang pagkakaiba ng malikhaing sulatin at teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. Maaaring hindi makatotohanan ang malikhaing sulatin samantalang
makatotohanan ang teknikal-bokasyunal na sulatin.
B. Layunin ng malikhaing sulatin ang magbigay-kaalaman samantalang
manlibang ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
C. Gumagamit ng mga espesyalisadong temino ang malikhaing sulatin
habang gumagamit matayutay ang teknikal-bokasyunal na sulatin.
D. Nakapokus ang malikhaing pagsulat sa isang tiyak na grupo ng
mambabasa samantalang nakapokus ang teknikal-bokasyunal na
sulatin sa lahat ng mambabasa.
14.Naatasan kang sumulat ng teknikal na sulatin. Alin ang HINDI dapat gawin? A.
Alamin ang layunin sa pagsulat ng sulatin.
B. Kilalanin at isaalang-alang ang mga babasa nito sa umpisa pa lamang.
C. Gumamit ng kahit anong estilo sa pagsulat basta malinaw ang mensahe.
D. Alamin ang sitwasyon kaugnay ng layunin sa pagsulat ng mensahe.
15.Alin sa apat na kasanayang makro ang pinakahuling malinang sa isang tao?
A. Pagbasa C. Pagsasalita
B. Pakikinig D. Pagsulat
19
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain
1:
Magkakaiba
ang
mga
maaaring
sagot.
Gawain
2:
1.
Pasulat
2.
Pagsasalita
3.
Pagsulat
4.
Pagbasa
Gawain
3:
Magkakaiba
ang
mga
maaaring
sagot.
20
TALASANGGUNIAN
Budinski, Kenneth G. Engineers' Guide to Technical Writing. Materials Park, Ohio:
ASM International, 2001.
Finkelstein, Leo. The Pocket Book of Technical Writing for Engineers and Scientists.
3rd. New York, New York: McGraw-Hill, Inc., 2007.
Fransisco, Christian George C, Mary Grace H Gonzales, and Aurora E Batnag. Filipino
sa Piling Larangan. Quezon City: REX Book Store, 2016.
Michigan State University. Technical Writing Guide. East Lansing, Michigan,
September 2007.
Sol辿s, Carmen Bombard坦 , Marta Aguilar P辿rez, and Cludia Barahona Fuentes.
Technical Writing: A Guide for Effective Communication. _____: Edicions
UPC, 2007.

More Related Content

FPL_TekBok_Q1_W1_Kahulugan_Katawagan_Lartec_bgo_V4.pdf

  • 1. i Kahulugan ng Teknikal- Bokasyunal na Sulatin Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal Unang Markahan 1 Modyul 1 NORBERT C. LARTEC Tagapaglinang Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong Administratibo ng Cordillera
  • 2. ii Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong Administratibo ng Cordillera Wangal, La Trinidad, Benguet Inilathala ng Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto Rehiyong Administratibo ng Cordillera PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI 2021 Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.
  • 3. 7 UNANG MARKAHAN - UNANG LINGGO Aralin 1: Kahulugan ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin MGA INAASAHANG MATUTUHAN Magandang araw sa iyo! Una sa lahat, binabati kita dahil sa iyong pasya na magpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na iyong pinagdaraanan sa panahong ito. Ang modyul na ito ay magiging katuwang mo upang makamit mo ang mga kaalaman at mga kasanayan sa kursong Pagsulat sa Piling Larang - TeknikalBokasyunal. Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa kahulugan ng teknikalbokasyunal na sulatin na sadyang kailangan sa iyong napiling larang. Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang nabibigyan mo ng kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin. . Subukin Subukin muna natin ang iyong imbak na kaalaman tungkol sa paksa. Sagutin nang tapat ang paunang pagtataya sa pamamagitan ng pagbilog sa letra ng iyong sagot. Huwag ka munang titingin sa susi sa pagwawasto sa huling pahina hanggat hindi mo natatapos ang pagsagot. Tandaan na ang pagiging tapat ay kailangan upang magtagumpay ka sa iyong layuning matuto. PAUNANG PAGTATAYA 1. Aling makrong kasanayan ang pagsasatitik ng mga naiisip, nadarama at nararanasan sa tulong ng mga simbolong palimbag? A. Pagbasa C. Pagsasalita B. Pakikinig D. Pagsulat 2. Kung ang pakikinig ay kapares ng pagsasalita, alin naman ang kapares ng pagsulat? A. Pakikinig C. Pagbasa B. Pagsasalita D. Pagsulat 3. Alin sa apat na kasanayang makro ang pinakahuling malinang sa isang tao? A. Pagbasa C. Pagsasalita B. Pakikinig D. Pagsulat
  • 4. 8 4. Ang teknikal na sulatin ay nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang A. asignatura. C. kurso. B. disiplina. D. propesyon. 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI taglay ng teknikal na sulatin? A. Maikli C. Malinaw B. Maligoy D. Tiyak 6. Sa aling anyo ginagamit ang teknikal-bokasyunal na komunikasyon? A. Elektroniko at pasulat C. Pasalita at pasulat B. Elektroniko at pasalita D. Elektroniko, pasalita at pasulat 7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa teknikal na sulatin? A. Manwal C. Nobela B. Menu D. Poster 8. Mahalagang matukoy muna ng manunulat ang dahilan ng pagpapadala ng mensahe sa mga mambabasa. Tumutukoy ito sa A. awdiyens o mambabasa. C. estilo. B. layunin. D. pormat. 9. Alin ang tumutukoy sa tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung paanong mahusay na maipadadala ang mensahe? A. Awdyens C. Pormat B. Estilo D. Sitwasyon 10.Gumagamit ng angkop na talasalitaan ang sulating teknikal-bokasyunal at inihahayag ang mga impormasyon sa paraang A. mahaba. C. matayutay. B. mabulaklak. D. tuwiran. 11.Gumagamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin ng mga larawan at mga grapikong pantulong upang ito ay maging A. maikli. C. tuwiran. B. mahusay. D. sapat sa impormasyon. 12.Mahalaga sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang pagsasaalangalang sa estruktura ng mensahe. Aling elemento ng teknikal- bokasyunal na sulatin ang tinutukoy? A. Estilo C. Pormat B. Gamit D. Layunin
  • 5. 9 13.Alin ang pagkakaiba ng malikhaing sulatin at teknikal-bokasyunal na sulatin? A. Maaaring hindi makatotohanan ang malikhaing sulatin samantalang makatotohanan ang teknikal-bokasyunal na sulatin. B. Layunin ng malikhaing sulatin ang magbigay-kaalaman samantalang manlibang ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin. C. Gumagamit ng mga espesyalisadong temino ang malikhaing sulatin habang gumagamit matayutay ang teknikal-bokasyunal na sulatin. D. Nakapokus ang malikhaing pagsulat sa isang tiyak na grupo ng mambabasa samantalang nakapokus ang teknikal-bokasyunal na sulatin sa lahat ng mambabasa. 14.Naatasan kang sumulat ng teknikal na sulatin. Alin ang HINDI dapat gawin? A. Alamin ang layunin sa pagsulat ng sulatin. B. Kilalanin at isaalang-alang ang mga babasa nito sa umpisa pa lamang. C. Gumamit ng kahit anong estilo sa pagsulat basta malinaw ang mensahe. D. Alamin ang sitwasyon kaugnay ng layunin sa pagsulat ng mensahe. 15.Bakit mahalaga sa personal na pag-unlad ang kahusayan sa teknikalbokasyunal na pagsulat? A. Napakahalaga ang ginagampanan ng pagsulat sa anumang propesyon. B. Napapadali ang pakikipagtalastasan sa mga katrabaho, kliyente, at boss. C. Nakatitipid tayo ng oras at salapi kung marunong sa teknikal na sulatin. D. Nagpapakita ng personal na imahen ang kahusayan sa pagsulat at daan ito sa pagiging epektibo sa komunikasyon at sa trabaho. Balikan Kumusta ang resulta ng iyong paunang pagtataya? Kung lahat ng aytem ay nasagot mo nang tama, maaari ka nang magsimula sa Modyul 2. Kung hindi naman, magpatuloy ka sa modyul na ito upang ganap mong maunawaan ang paksa. Bago ka magpatuloy, magkaroon ka ng pagbabalik-tanaw sa mahahalagang konsepto na magagamit mo sa pag-unawa sa paksang-aralin. Mahalaga kasing naiuugnay mo ang mga dati mong kaalaman o iskema sa mga bagong paksang pinagaaralan. Alam kong narinig o nabasa mo na noon ang tungkol sa teknikal-bokasyunal na sulatin. Gamit ang mga dati mo nang alam, buoin ang K-W-L Chart sa ibaba. Gawain 1: I-tsart Mo! Panuto: Sa kolum ng Alam, magsulat ng tatlong kaisipan o konsepto tungkol sa teknikal-bokasyunal na sulatin na alam mo na. Sa kolum naman ng Gustong Malaman, magsulat ng tatlong tiyak na tanong tungkol sa teknikal-bokasyunal na
  • 6. 10 sulatin na gusto mong masagot. Wala ka munang isusulat sa kolum ng Natutuhan dahil bubuoin mo ito sa bandang dulo ng modyul. Alam Gustong Malaman Natutuhan Tuklasin Bago ka magpatuloy, alamin mo muna ang mga panimulang kaalaman upang mas maunawaan mo ang kahulugan ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Kabilang ang pagsulat sa limang makrong kasanayan na dapat mong malinang upang maituturing ka na mahusay makipagtalastasan sa Filipino. Ang iba pang makrong kasanayang ito ay ang pagsasalita, pakikinig, pagbasa at panonood. Mga kasanayang pamproduksiyon ang pagsasalita at pagsulat dahil kinasasangkutan ito ng paglikha ng mensahe para sa ibang tao. Mga kasanayang pangkomprehensiyon naman ang pakikinig, pagbasa at panonood dahil kasangkot dito ang pag-unawa sa mensahe na mula sa sender o pinagmulan ng mensahe. Ginagamit sa araw-araw na komunikasyon ang pasalita at pasulat na diskurso. Kasangkot sa pasalitang diskurso ang pagsasalita at pakikinig na nagaganap sa pamamagitan ng paggamit ng mga tunog ng wika kasama ang di-berbal. Sa kabilang dako, kasangkot sa pasulat na diskurso ang pagsulat at pagbasa na nagaganap sa pamamagitan ng mga simbolong palimbag kaya kailangan dito ang kahusayan sa pagbaybay, pagbabantas, at kaalamang pangwika. Sinasabi na ang pasalitang diskurso ay likas sa tao hindi kagaya ng pasulat na diskurso na pinag-aaralan sa mahabang panahon. Sa madaling sabi, mas madaling matuto ang tao ng pasalitang diskurso kaysa sa pasulat na diskurso. Sa katunayan,
  • 7. 11 pinakamahirap malinang sa isang tao ang kakayahang sumulat dahil isa itong komplikadong gawain at pinag-aaralan ng mahabang panahon. Gawain 2: Buoin Mo! Panuto: Buoin mo ang pigura upang maipakita mo nang malinaw ang ugnayan ng mga nabanggit na konsepto sa itaas. Suriin Nagsimula ang komunikasyong pantao noon pa man sa Hardin ng Eden. Hanggang ngayon, napakahalaga ang tungkulin ng komunikasyon sa anumang disiplina kaya mahalagang matuto ang tao ng ibat ibang uri ng komunikasyon na nasa anyong pasalita, pasulat at paelektroniko. Sa pamamagitan nito, nagagawa niyang makipamuhay nang maayos sa lipunan at nagagampanan niya nang mabisa ang mga tungkulin niya sa bawat araw. Kabilang sa komunikasyong nararapat malinang sa isang tao ang komunikasyong teknikal. Binanggit nina Francisco et al. (2016) na ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Tinukoy nina Francisco et al. (2016) ang mga elemento ng komunikasyong teknikal: (1) awdyens na siyang tatanggap ng mensahe, (2) layunin na siyang dahilan ng pagpapadala ng mensahe, (3) estilo na tumutukoy sa tono, boses, pananaw at iba pang paraan ng pagpapadala ng mensahe, (4) pormat na tumutukoy sa ginabayang estruktura ng mensahe, (5) sitwasyon na tumutukoy sa estado kaugnay sa layuning magparating ng mensahe, (6) nilalaman na tumutukoy sa daloy ng mga ideya, at (7) gamit na nagpapakita ng halaga kung bakit kailangang magpadala ng mensahe. Komunikasyon Pasalita 2. Pakikinig 1. 3. 4.
  • 8. 12 Kabilang sa komunikasyong teknikal ang sulating teknikal na binigyangdepinisyon nina Francisco et al. (2016) bilang anyo ng komunikasyon na nagtataglay ng mataas na kasanayan mula sa isang disiplina. Binanggit ni Budinski (2001) at ni Finkelstein (2007) na ang teknikal na pagsulat o sulatin ay kinabibilangan ng ibat ibang uri ng dokumento sa agham, enhinyerya, at mga gawaing pangkasanayan o skilled trades. Inuri sa apat na pangunahing pangkat o kategorya ang mga sulating teknikal na kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) mga ulat at komunikasyon, (2) teknikal na papel, artikulo, libro o tesis na may layuning magturo at magbahagi ng mga impormasyon at kaalaman, (3) mga patent ng produkto, at (4) manwal, panuto, at mga hakbang sa paggawa ng mga bagay. Ayon naman sa Michigan State University (2007), ang teknikal na sulatin ay isang tuwiran, impormatibo, maikli ngunit malinaw na sulatin para sa isang tiyak na awdiyens o mambabasa. Naglalaman ito ng obhetibo, tumpak at kompletong impormasyon na walang pagmamalabis. Hindi ito katulad ng malikhaing sulatin na maaaring likha lamang ng imahinasyon at gumagamit ng makukulay na pahayag. Ayon din kina Sol辿s et al. (2007), napakahalaga ang kahusayan sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Una, kasangkot ang pagsulat sa mahahalagang gawain sa anumang bokasyon o trabaho. Sa isang kompanya halimbawa, nagsusulat ang mga manggagawa upang magpabatid tungkol sa isang proyekto, magtanong, at iba pa. Ikalawa, nagagamit ang teknikal na pagsulat upang makipag-ugnayan sa mga katrabaho, mga kliyente at mga nakatataas. Pangatlo, nakatutulong ito sa pagiging matagumpay sa trabaho at naiaangat nito ang imahen ng isang indibidwal. Pang-apat, ang kahusayan sa pagsulat ay nakatutulong upang makatipid sa oras at salapi dahil hindi mahihirapan ang sinuman na unawain ang nilalaman ng sulatin. Mababasa sa ibaba ang mga gabay sa pagsulat ng mabisang sulating teknikalbokasyunal. Unawain at tandaan mo ang mga ito dahil malaking tulong ang mga ito sa iyong pag-aaral ng ibat ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal sa mga susunod na modyul. GABAY SA PAGSULAT NG MABISANG TEKNIKAL NA SULATIN: 1. Kilalanin ang mga mambabasa gaya ng kanilang dami at kaalaman gayundin ang pakinabang na makukuha nila sa sulatin. 2. Tiyakin ang layunin ng sulatin at suriing mabuti ang mensahe upang magkaroon ito ng pokus. 3. Mangolekta ng sapat at makabuluhang mga impormasyon na may lalim para sa mga mambabasa. 4. Itala ang mga makabuluhang ideya at balangkasin ang mga ito upang matukoy ang pangunahin at pantulong na kaisipan na may lohikal na ayos. 5. Buoin ang balangkas ng mga pangunahing paksa (heading) at pantulong na paksa (subheadings) at magtakda ng haba para sa bawat isa.
  • 9. 13 6. Bumuo ng mga grapikong pantulong gaya ng mga pigura at talahanayan. 7. Isaalang-alang sa pagsulat ang konsistensi, paggamit ng angkop na wika, pagkakaroon ng kakipilan o coherence, tamang gramatika at tamang pagbabantas. Pagyamanin Naunawaan mo na ba ang paglalahad tungkol sa sulating teknikal-bokasyunal? Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa upang ganap mong maunawaan ang paksa. Kung naintindihan mo na ang teksto, gawin mo ang mga susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Gawain 3: I-mapa Mo! Panuto: Buoin mo ang concept map sa ibaba sa pamamagitan ng paglalagay ng limang mahahalagang kaisipan tungkol sa sulating teknikal na iyong nabatid sa bahaging Suriin. Gawain 4. Suriin Mo! Panuto : Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung tama o mali ang kaisipang nakapaloob dito. Isulat sa kahon ang T kung tama at M naman kung mali. Kung mali ang pahayag, guhitan ang salita o pariralang nagpapamali nito. SAGOT PANGUNGUSAP 1. Ang teknikal na sulatin ay subhetibo dahil nakapaloob dito ang sariling saloobin. 2. Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay nakapokus sa isang tiyak na disiplina. 3. Gumagamit ng mga salitang espesyalisado sa disiplina ang mga sulating teknikal. 4. Ang kahusayan sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay makatutulong upang umangat sa trabaho. 5. Halos magkatulad ang teknikal at malikhaing pagsulat. SULATING TEKNIKAL
  • 10. 14 6. Madali ang pagsulat ng sulating teknikal. 7. Ang komunikasyong teknikal ay laging nasa anyong pasulat. 8. Mas mahalaga ang kagandahan kaysa sa nilalaman kapag nagsusulat ng sulating teknikal-bokasyunal. 9. Mahalaga sa lahat ng bokasyon o trabaho ang sulating teknikalbokasyunal. 10. Ginagamit sa teknikal na sulatin ang mga panghalip sa unang panauhan gaya ng ako, akin, at iba pa. Isaisip Isa sa mga kasanayang dapat mong matamo ang pagbubuod o paglalahat ng mga kaisipang iyong natutuhan. Mula sa mga natapos na gawain, sikapin mo ngayong ilahat ang mahahalagang kaisipan tungkol sa kahulugan ng sulating teknikalbokasyunal. Gawain 5: Ibuod Mo! Panuto: Ibuod mo sa pamamagitan ng akrostik ang mga kaisipang iyong natutuhan tungkol sa sulating teknikal-bokasyunal. Ang mga pangungusap na mabubuo ay dapat na nagsisimula sa mga susing salita na nagsisimula sa mga letra ng salitang TEKNIKAL. Iwasang magsimula sa mga salitang pangkayarian gaya ng ang, ay, kung at iba pa. Halimbawa, maaaring ang isulat sa letrang T ay Tumpak ang mga impormasyong napapaloob dito. Pamantayan sa Pagpupuntos: 1. Katumpakan ng mga susing salita sa sulating teknikal (5 puntos) 2. Kawastuhan at kaugnayan ng mga kaisipan sa paksa (5 puntos) Kabuuan (10puntos) T__________________________________________________________________ E__________________________________________________________________ K__________________________________________________________________ N__________________________________________________________________ I___________________________________________________________________ K__________________________________________________________________ A__________________________________________________________________ L__________________________________________________________________
  • 11. 15 Gawain 6: Kompletuhin Mo! Panuto: Ngayong patapos ka na sa modyul na ito, buoin mo na ang iyong Chart. Kompletuhin mo na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tatlong kaisipan na iyong natutuhan tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Alam Gustong Malaman Natutuhan Isagawa Mahalagang nagagamit natin sa araw-araw ang mga kaalamang ating natatamo upang maging makabuluhan ang mga ito. Sa pagkakataong ito, sukatin mo ang iyong kakayahang magamit ang iyong mga natutuhan tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Gawain 7: Ibahagi Mo! Panuto: Ipagpalagay mo na naatasan ka ng inyong guro upang magbahagi sa klase tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Magtala ka muna ng sampung salita na may kaugnayan sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyonal. Gamiting gabay ang sampung salitang iyong naitala upang sumulat ng isa hanggang dalawang talata na naglalahad tungkol sa kahulugan ng sulating teknikal-bokasyunal. Tiyaking tumpak, sapat at malinaw ang paliwanag. I-post mo ito sa group chat ng inyong klase. Gamiting gabay sa gawaing ito ang mga sumusunod na pamantayan: 1. Kawastuhan ng pagbibigay-kahulugan = 5 puntos 2. Kalinawan ng paglalahad = 5 puntos 3. Tamang pagsunod sa panuto = 5 puntos Kabuoan = 15 puntos Mga Susing Salita: 1.__________________________ 6._________________________ 2. __________________________ 7. ________________________ 3.__________________________ 8. ________________________ 4. __________________________ 9. ________________________ 5. __________________________ 10. _______________________
  • 12. 16 Paglalahad: _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Tayahin Binabati kita dahil sa pagtitiyaga mong tapusin ang mga gawain sa modyul na ito. Ngunit may isa pang hamon na dapat mong gawin. Sagutin mo ang panghuling pagtataya upang matiyak na nakamit mo ang dapat mong matutuhan sa modyul na ito. Kapag nakuha mo lahat ang tamang sagot sa mga aytem, maaari ka nang dumako sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang bahaging hindi mo nasagutan nang tama at pag-aralan pa ito. Maaari kang magsaliksik pa tungkol dito sa ibang sanggunian. PANGHULING PAGTATAYA 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI taglay ng teknikal na sulatin? A. Maikli C. Malinaw B. Maligoy D. Tiyak 2. Bakit mahalaga sa personal na pag-unlad ang kahusayan sa teknikalbokasyunal na pagsulat? A. Napakahalaga ang ginagampanan ng pagsulat sa anumang propesyon. B. Napadadali ang pakikipagtalastasan sa mga katrabaho, kliyente, at boss. C. Nakatitipid tayo ng oras at salapi kung marunong sa teknikal na sulatin. D. Nagpapakita ng personal na imahen ang kahusayan sa pagsulat at daan ito sa pagiging epektibo sa komunikasyon at sa trabaho. 3. Kung ang pakikinig ay kapares ng pagsasalita, alin naman ang kapares ng pagsulat? A. Pakikinig C. Pagbasa B. Pagsasalita D. Pagsulat
  • 13. 17 4. Aling makrong kasanayan ang pagsasatitik ng mga naiisip, nadarama at nararanasan sa tulong ng mga simbolong palimbag? A. Pagbasa C. Pagsasalita B. Pakikinig D. Pagsulat 5. Ang teknikal na sulatin ay nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang A. asignatura. C. kurso. B. disiplina. D. propesyon. 6. Sa aling anyo ginagamit ang teknikal-bokasyunal na komunikasyon? A. Elektroniko at pasulat C. Pasalita at pasulat B. Elektroniko at pasalita D. Elektroniko, pasalita at pasulat 7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa teknikal na sulatin? A. Manwal C. Nobela B. Menu D. Poster 8. Mahalagang matukoy muna ng manunulat ang dahilan ng pagpapadala ng mensahe sa mga mambabasa. Tumutukoy ito sa A. awdiyens o mambabasa. C. estilo. B. layunin. D. pormat. 9. Alin ang tumutukoy sa tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung paanong mahusay na maipadadala ang mensahe? A. Awdyens C. Pormat B. Estilo D. Sitwasyon 10.Gumagamit ng angkop na talasalitaan ang sulating teknikal-bokasyunal at inihahayag ang mga impormasyon sa paraang A. mahaba. C. matayutay. B. mabulaklak. D. tuwiran. 11.Mahalaga sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang pagsasaalangalang sa estruktura ng mensahe. Aling elemento ng teknikal- bokasyunal na sulatin ang tinutukoy? A. Estilo C. Pormat B. Gamit D. Layunin
  • 14. 18 12.Gumagamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin ng mga larawan at mga grapikong pantulong upang ito ay maging A. maikli. C. tuwiran. B. mahusay. D. sapat sa impormasyon. 13.Alin ang pagkakaiba ng malikhaing sulatin at teknikal-bokasyunal na sulatin? A. Maaaring hindi makatotohanan ang malikhaing sulatin samantalang makatotohanan ang teknikal-bokasyunal na sulatin. B. Layunin ng malikhaing sulatin ang magbigay-kaalaman samantalang manlibang ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin. C. Gumagamit ng mga espesyalisadong temino ang malikhaing sulatin habang gumagamit matayutay ang teknikal-bokasyunal na sulatin. D. Nakapokus ang malikhaing pagsulat sa isang tiyak na grupo ng mambabasa samantalang nakapokus ang teknikal-bokasyunal na sulatin sa lahat ng mambabasa. 14.Naatasan kang sumulat ng teknikal na sulatin. Alin ang HINDI dapat gawin? A. Alamin ang layunin sa pagsulat ng sulatin. B. Kilalanin at isaalang-alang ang mga babasa nito sa umpisa pa lamang. C. Gumamit ng kahit anong estilo sa pagsulat basta malinaw ang mensahe. D. Alamin ang sitwasyon kaugnay ng layunin sa pagsulat ng mensahe. 15.Alin sa apat na kasanayang makro ang pinakahuling malinang sa isang tao? A. Pagbasa C. Pagsasalita B. Pakikinig D. Pagsulat
  • 16. 20 TALASANGGUNIAN Budinski, Kenneth G. Engineers' Guide to Technical Writing. Materials Park, Ohio: ASM International, 2001. Finkelstein, Leo. The Pocket Book of Technical Writing for Engineers and Scientists. 3rd. New York, New York: McGraw-Hill, Inc., 2007. Fransisco, Christian George C, Mary Grace H Gonzales, and Aurora E Batnag. Filipino sa Piling Larangan. Quezon City: REX Book Store, 2016. Michigan State University. Technical Writing Guide. East Lansing, Michigan, September 2007. Sol辿s, Carmen Bombard坦 , Marta Aguilar P辿rez, and Cludia Barahona Fuentes. Technical Writing: A Guide for Effective Communication. _____: Edicions UPC, 2007.