19. Kung kilala mo siya, isulat
mo sa kahon sa ibaba ang
mga katangian niyang hindi
mo malilimutan. Sa
kabilang kahon naman ay
ang paraan ng kanyang
pakikipagusap
21. Sa mga hindi nakakakilala kay tarzan , isa
siyang tauhan sa kwento na naulila sa gubat
habang sanggol pa lamang. Pinalaki siya ng
mga unggoy na nakapalupot sa kanya at dahil
hindi nagsasalita ang mga unggoy ay lumaki si
tarzan sa mga tunog ng hayop ang ginagamit
sa pakikipag ugnayan sa mga unggoy at
maging sa iba pang mga hayop sa gubat.
Hangang may dumating na mga tao sa gubat
at dito niya unti-unting natutuhan ang
paggamit ng wika
22. Nagkatintindihan ba si Tarzan at ang mga
hayop sa gubat ? Bakit ?
Batay sa kwento ni Tarzan, nakikita mo ba
ang kahalagahan ng wika?
Kapag isang lipunan ay may iba’t ibang
wikang ginagamit, madali bang
magkaunawaan ang mga naninirahan dito?
Ipaliwanag ang iyong saot
23. Ang pinakadiwa ng wika ay
lipunan. Isang magandang
ehemplong magpapatunay rito
ang kuwento ni tarzan. Mga
tunog ng hayop ang kanyang
unang natutuhan dahil ito ang
wika ng mga kasama niyang
hayop sa gubat.
24. Marami- rami rin ang nagtangkang i-
kategorya ang mga tungkulin ng wika batay
sa gampanin nito sa ating buya, isa na rito si
M.A.K Halliday – na naglahad sa pitong
tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang
aklat na EXPLORATIONS IN THE
FUNCTIONS OF LANGUAGE
(EXPLORATION IN LANGUAGE STUDY
1973.)
27. O mas kilala sa taguri na M.A.K Halliday ay isang
bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa
nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang
panlipunang phenomenon . Naging malaking ambag
niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang
modelo ng wika, ang
SYSTEMIC FUNCTIONAL
LINGUISTICS –modelo ng
wika ni m.a.k halliday
29. Instrumental:
Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa
mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa
ng liham pangalakal, liham sa patnugot,
pagpapakita ng mga patalastas tungkol; sa
isang produkto na nagsaad ng gamit at
halaga ng produkto at mga
halimbawang tungkuling ito.
30. HALIMBAWA:
1.Justine pakibura mo nga ang nasa pisara
2. Dear Mcjolibbe’s, ako ay oorder ng
• Chicken sad
• Mclubog Drink
• Monday ice cream
• Ice water na mainit
• Burger
32. REGULATORYO
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
Ang pagbibigay ng DIREKSYON gaya ng
pagtuturo ng lokasyon ng isang particular
na lugar; direksiyon sa pagluluto ng
isang ulam; direksyon sa pagsagot ng
pagsusulit; at direksiyon sa paggawa
ng anumang bagay ay mga halimbawa ng
tungkuling regulatoryo
33. HALIMBAWA
1. When in the library be quiet
2. Bawal ang Kopyahan
3. Gamitin mo ang iyong google
map upang makarating ka s
iyong paroroonan
34. INTER-ASIYONAL
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol
sa partikular na isyu; pagkukwento ng
malungkot o masasayang pangyayri sa
isang kaibigan o kapalagayang-loob;
paggawa ng liham-pangkaibigan;
35. PERSONAL
Saklaw ng tungkuling ito ang
pagpapahayag ng sariling opinion o kuro
kuro sa pagksang pinag-uusapan. Kasama
rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at
journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan
39. HEURISTIKO
Saklaw ng tungkuling ito ay ginagamit sa
pagkuha o paghanap ng impormasyong
may kinalaman sa paksang pinag-aralan.
Pag iinterbyu makakasagot sa mga tanong
tungkol sa paksang pinagaralan;
1. Pakikinig sa radio
2. Panonood sa telebisyon
3. Pagbasa ng pahayagan
4. Magasin at blog
40. HALIMBAWA
Jekjek : Sir ano po masasabi nyo ukol sa
serbisyo ng Gloko Arlines ?
Roy : Alam Mo ! Maayos naman. Pati
pagkain sa oras ay tama dahil sa mga nag
gagandahang FLIGHT ATTENDANT
43. IMPORMATIBO
Kabaligtaran ng heuristiko. Kung nag
HEURISTIKO ay pagkuha o paghanap ng
impormasyon. Ito naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon
sa parang pasulat at pasalita.
HALIMBAWA:
Pagbibigay-ulat , paggawa ng
pamanahong papel, tesis , panayam at
pagtuturo
44. HALIMBAWA
ALAM NYO BA NA ANG
PAGTUTURO AY
HALIMBAWA NG
IMPORMATIBONG GAMIT NG
WIKA ?
47. Si ROMAN JACKOBSON ay isa sa
mga pinakamagaling na dalubwika ng
ikadalampung siglo . Isa siya sa mga
nagtatag ng Linguistic Circle of New
York . Ang kanyang bantog na
FUNCTION OF LANGUAGE ang kanyang
nagging ambag sa semiotics
48. SEMIOTICS – ay ang pag aaral sa mga
palatandaan at simbolo at kung paano ito
gamitin
49. TAKDANG ARALIN :
IBIGAY ANG ANIM NA
PARAAN NG PAGGAMIT NG
WIKA SA LIPUNAN AYON KAY
JAKOBSON (2003) AT
MAGBIGAY NG MGA
HALIMBAWA
50. ACTIVITY :
PARAAN NG PAGBABAHAGI NG
WIKA.
Magbigay ng sariling halimbawa
para sa bawat paraaan ng
pagbabahagi ng wika ayon sa
mga sinabi ni Jacobson (2003)
51. Pagpapahayag ng damdamin o
(emotive)
May isang taong matagal mo
nang lihim na minamahal subalit
hindi mo masabi sa kanya ang
damdamin mo. Ilahad sa ibaba
ang sasabihin mo sa kanya kung
sakaling magkaroon ka ng lakas
ng loob na ipahayag ito
52. Panghihkayat (conative)
Gusto mong hikayatin ang mga
producer at direktor ng
pelikulang Pilipino upang
bumuo ng matino at mahuhusay
na pelikula tulad ng HERENAL
LUNA sapagkat sawang-sawa ka
na sa mga paksang paulit-ulit na
tinatalakay sa pinilakang tabing.
53. Pagsisimula ng Pakikipag-
ugnayan (Phatic)
Isang bagong lipat na kamag-
aral ang Nakita mong nag iisa at
wala pang kaibigan. Lumapit ka
at magsimula ng usapan para
mapalagay ang loob niya.
54. PAGGAMIT BILANG
SANGUNIAN (REFERENTIAL)
Lagi mong sinasabi sa kapatid mong
tigilan na niya ang labis na pagkain
sa fastfood dahil hindi ito nakakabuti
sa kalusugan. Ngayon ay gumagamit
ka ng sanggunian para Makita niyang
hindi mo opinion ang sinasabi mo sa
kanya kung di maysangguniang
magpapatunay rito
55. PAGGAMIT NG KURO-KURO
(METALINGGUAL)
Ang buwis na binabayaran sa
pilipinas ay pinakamataas sa buong
Asya subalit hindi nararamdaman
ng karamihan ang serbisyong
ibinabalik sa taumbayan kapalit ng
mataas na buwis na ito.
Magpahayag ka ng iyong kuro-kuro
kaugnay ng usaping ito
56. PATALINGHAGA (Poetic)
Muling isipin ang matagal mo nang
lihim na minamahal. Lumikha ka
ngayon ng pagpaphayag ng iyong
damdamin para sa kanya sa
patalinghagang paraan.
Maarning isang maikling tula ang
ialay mo para sa kanya.
57. PARAAN NG PAGBABAHAGI
NG WIKA. Magbigay ng
sariling halimba para sa
bawat paraaan ng
pagbabahagi ng wika ayon sa
mga sinabi ni Jacobsn (2003)